MANGKUKULAM

Matagal na panahon na ang nakakaraan ng mabuhay sila sa mundo, mga pinaniniwalaang kampon ng kadiliman, nagtataglay ng itim na kapangyarihan na ginagamit nila upang magpahirap ng iba. Sila ang tinatawag na MANGKUKULAM… iniiwasan, kinatatakutan, pinangingilagan.

Noong unang panahon sa Inglatera at ibang panig ng Europa, sinusunog ang mapapatunayang napapabilang sa kanila, ngunit hindi sila lubusang napuksa, bagkus mas naging marahas, mas kalunos lunos, at mas mapanganib ang naging paraan nila upang ipaghiganti ang minsang nalupig nilang lahi.

Kahit nung bata pa ako madalang akong maniwala sa mga ganitong mga pangyayari, mas pinaniniwalaan ko ang syensya na may eksaktong paliwanag para sa lahat. Pero ng minsang masaksihan ko ang nangyari sa aking guro sa aming paaralan, ng minsang gamutin ng albularyo ang isang nanay na pinalaki ang suso sa loob lang isang gabi, at ng minsang makita ko ang isang lalakeng sumusuka ng napakaraming itim at malansang tubig na tila bumabalong sa kanyang tiyan. Nagbago ang pananaw ko. Nakakapagtaka din na sa pamamagitan lang ng pag-ipit ng balahibo ng manok sa paa ng biktima, namamalipit na ito sa sakit, tagaktak ang pawis at tila takot na takot. Hanggang ngayon isa pa rin itong palaisipan.

Nagsisimba din sila pero hindi nangungumunyon, madalas walang maraming kaibigan, at karaniwang tahimik pero malikot ang isip.

Subukan mong pagtabihin ang iyong dalawang hinliliit sa kamay, suriin mong mabuti kung pantay, kung hindi, mag-ingat ka na, tumingin ka sa iyong paligid baka nakatitig na sila sayo.

Mangkukulam… totoo ba o kathang-isip lamang?

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

111 Responses to MANGKUKULAM

  1. Vajarl says:

    Nakakita ka talaga ng lalakeng sumusuka ng kulay itim na kung ano man yon? Baka naman nakainom lang sya ng tubig kanal. Haha.

    ANg kyut ng pusa. Kung hindi lang sya galit sana. Hehe.

  2. J.Kulisap says:

    Nagsisimba din sila pero hindi nangungumunyon, madalas walang maraming kaibigan, at karaniwang tahimik pero malikot ang isip.

    Mangkukulam ako bakit….palabasin sa bunganga ni Stain ang mga kulisap..sumugod kayo doon ngayon din.

    kshtewkloetjjlsjfdhh..aapore afj lkar asopre bawang tinola manok.dsfajskrjekajkajfjkar…sugoddddddd.

  3. Ax says:

    Hay, Stain.. Alam mo naman na wala akong maco-comment sa mga ganito.. kase nga bawal kong sabihin kung ano yung mga ginagawa namin di ba.. tsk.

    Basta malalaman mo na lang, maraming butlig si arsean. wahaha. (gantihan na’to, pang halloween pala ako ha.) haha.

    yay. anyways, kanya kanyang paniniwala yan.. baka totoo o baka hindi. ang mahalaga, bilog ang mundo.. (aw.)

  4. “Noong unang panahon sa Inglatera at ibang panig ng Europa, sinusunog ang mapapatunayang napapabilang sa kanila, ngunit hindi sila lubusang napuksa, bagkus mas naging marahas, mas kalunos lunos, at mas mapanganib ang naging paraan nila upang ipaghiganti ang minsang nalupig nilang lahi….”

    sa aking pag-aaral ng history of sexuality, nalaman ko ito na ang mga mangkukulam” nga daw ay sinusunog. ngunit di sila totoong “mangkukulam.” sa kadahilanang walang maitawag na kaukulang pangalan sa mga tao na gumagamit ng mga herbals at mga shrubs mula sa kagubatan noong panahong iyon, sila ay inakusahang mga witches. sila ang tinatawag natin ngayong mga herbularyo/a.

    burnt at stake!

    this part of human story is one of the darkest…

  5. lovely says:

    takot naman ako dun sa pusa ehhe..
    totoo daw ang mangkukulam eh sabi nila ..

  6. Rocky Garcia says:

    WOw! Bagong post! Mangkukulam? Oo totoo DAW yun. Pero siguro hindi yun kagaya ng nasa mga istorya na palitpalit ng anyo.

    Yun mambabarang kaya totoo?

  7. roomboy1987 says:

    ako naniniwala ako sa mangkukulam, kasi yan ang madalas usapan sa bayan namin noon. hindi naipapaliwanag ng syensya pero hindi ko alam kung pano sila nabubuhay.

  8. jason says:

    pag sinabi ko bang totoo maniniwala ka??

    pag sinabi ko bang marunong ako maniniwala ka?

    pag sinabi ko bang nagawa ko na ang pag-jijinx maniniwala ka?

  9. eli says:

    waaahh.nakakatakot naman to alvin..haha

    totoo nga ba ang mangkukulam? maraming nababalitang mangkukulam pero wala pa namang napapatunayan..

  10. Napadaan says:

    Ewan ko kung maniniwala ako diyan sa ganyan. Pero nangyari na sa akin yung sinabi mong hindi pantay ang hinliliit. Me gumamo (daw) sa akin and instantly, pumantay na mga hinliliit ko.

    Sabi nung gumamot (daw) sa akin, classmate ko daw yung nangulam o nagpakulam sa akin. nagseselos daw kasi siya dahil may gurto sa akin yung girlfriend niya na bestfriend ko. High School pa ako nun. Kung di ako nagkakamali ay nasa 3rd year palang ako nun.

    Ang nakakatawa pa don, yung gumamot (daw) sa akin ay na-feature sa Imbestigador dahil nakapatay siya ng isa sa mga ginagamot niya. Aha!

    Ayun, share ko lang.

  11. pinkdiaries says:

    stain! etu naku!! hehehe.. ( anu naman?!)
    :-)

  12. Rocky Garcia says:

    Lola ko solid ang paniniwala sa mangkukulam. :-)

  13. timangkey says:

    Mangkuk = Ulam

    Mangkuk lagayan ng ulam.

    totoo ang Mangkukulam!

  14. blu.sparks says:

    natakot naman ako sa itim na pusa..nyay!
    naniniwala ba ako sa mangkukulam?huh! di ko alam..basta..basta..basta!
    hehehe

  15. tsenn` says:

    di nga? totoo un kwento tungkol sa witchy witchy curse thingy ng teacher mo?
    hambilibabol!
    ako walang experience sa mga ganyan.
    ayos na ko sa hp series :]

  16. topexpress says:

    sobrang late ko na pla! (kasi bagal ng kalaykay na gamit ko! toinks! :P )

    naku naniniwala ako jan, kasi… wala lang! basta naniniwala ako! aheheheeh

    nakakatakot naman pusa!

  17. dhyoy says:

    may kakilala ka bang ganyan? pakilala mo naman ako may ipapakuam lang ako hahaha…

    pero infairness nakakatakot makabangga mga ganyan di mo alam hanggang saan kaya niang gawin…

  18. precious says:

    hmmm…meron akong alam gayuma..pero yoko gamitin hnd pa ko desperada…tingnan naten after 10 days kung eepek na..

    :lol:

  19. yin says:

    tol padaan hehehe. pinagtabi ko yung dalawang hinliliit ko sa kamay, mas mahaba pa rin yung hintuturo ko eh. hehehe. pangarap ko makakita ng aswang tatanungin ko kung gusto rin ba niya ng adobo. =p
    ai tol dagdag kita sa blogroll ko noh.

  20. Ax says:

    Vin, waah. Oo, bawal pala pag-usapan.. Ttext kita.. bukas! Sorry na.. walang load!

  21. kakatakot naman ng background mo…..
    …totoo!

  22. ODDBLOOD says:

    yay..lam mo ba nitong umaga lang may nabasa ako sa diyaryo: Lola sinaksak dahil napagkamalang mangkukulam, patay!

  23. precious says:

    hiyah! hehe..kulam…

    ewan! :lol:

    prayers ang mas matindi kesa kahit anong kulam! ayts!

  24. teentoinks says:

    Late naman ako… mejo naging busy lang pow.

    Happy halloween (late)! Naniniwala ako sa mangkukulam, mahirap iexplain pero kapanipaniwala. ;)

  25. Miel says:

    nakakatakot naman tugtog mo… magisa lang aq sa room q tapos 1:40am na… as in para tuloy yoko na sana basahin entry mo hehe

  26. dlysen says:

    natakot ako sa pusa, tinakot kc ng nag picture. ang gusto ko lang sa mangkukulam eh nakakalipad sila.

  27. dFish says:

    Header pa lang, katakot na, pati yung pusa. Kulam – totoo sa mga mahihina ang pananamlataya…

  28. ba-bye alvin…punta na ako ng basilan….

  29. ewan… baka nga totoo..
    padaan po..

  30. Kim Reponte says:

    hindi ko alam kung maniniwala ba ako…

  31. Kim Reponte says:

    susubukan kong maniniwala…

  32. Ayann says:

    Baka po may kakilala kayong magaling manggamot sa kulam. Ang tatay ko po Kasi nakulam, ang tagal tagal na po namin pinapagamot sya pero Hindi pa rin lubusang nagamot ang papa ko. Kaya hanggang ngayon nahihirapan pa rin po sya. Naiinggit daw po Kasi sa papa ko kaya ganun ang ginawa. Sana po maawa Kayo. Paki message nlng ako sa arianafoster89@gmail.com. Maraming salamat po.

    • Leony Kho says:

      Magandang gabi! Nabasa ko yung post mo. Ano nga pala ang sakit ng tatay mo at paano mo nalaman na ang ama mo ay talagang nakulam? Ano ang sabi ng ibang mga manggagamot? Iiwan ko nalang yung number ko para matulungan kita. Taga saan ka nga pala? Taga QC ako. Salamat! 0939 910 1450 (SMART) kholeonardo@yahoo.com

  33. Leony Kho says:

    kung naghahanap ka nangmangagamot tawagan mo ako #093991014150

  34. Leony Kho says:

    Magandang gabi po! Pag kayo ay nangangailangan ng manggagamot (healer) para sa NAKULAM (exorcist), wag kayong magdalawang isip na tawagan ang number na ito: 0939 910 1450 dahil ito ay mapagkakatiwalaan. Ingat po kayo sa mga pekeng manggagamot para kayo’y hindi maperahan. Maraming salamat po!

  35. Leony Kho says:

    Magandang gabi po uli! Itong mensahe ay para sa mga MAY BALAK o MANGKUKULAM ng mga tao. Isipin niyo po muna ang mga mangyayari bago kayo mangulam o magpakulam ng mga tao. Dahil MAHIGPIT na parusa ang katapat ng mga gawaing ito at daretso sa IMPYERNO ang daan ng kaluluwa niyo. Ang pananakit ng mga kapwa tao ay hindi nararapat. Hindi na po ako magtatagal sa mensaheng ito dahil eto nalang po ang aking masasabi: Kung mayroon mang nagawang hindi maganda ang kapwa tao sainyo, huwag na ito idaan sa masasamang paraan o pag ganti. Ipagdasal nalang sa Diyos na mapatawad niya ang mga taong ito at bigyan ka ng mapayapang buhay. Maraming salamat po! 0939 910 1450

  36. Leony Kho says:

    Magandang gabi po! Itong mensahe naman ay para sa mga taong NABIKTIMA o NAKULAM lamang. Kapag po kayo’y nabiktima ng pangkukulam, tumawag nalang po kayo sa numerong ito at ako na lamang po ang bahala: 0939 910 1450 Location: Quezon City

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s