ABOUT A LIVING STAIN

parang kailan lang dalawang buwan na pala ako dito sa corporasyong ito. hindi ko inakalang magiging parte ako ng ganito kalaking  kumpanya, wala lang naririnig ko lang kasi ang aliw-iw ng nakaraan.

nung matapos ang graduation namen wala pa talaga akong balak maghanap ng trabaho noon, ang plano ko magpahinga muna kahit isang buwan lang sa barrio namin, as in pahinga lang, yung tipong kain, tulog, pasyal sa luwasan papuntang hulo, mula hulo hanggang luwasan, paikot-ikot at balik-parito hanggang makabisa ko ang mga daan na mula pagkabata e lagi ko ng dinadaanan. minsan kahit di mo inaasahan, may bonus pa yang chismisan gaya ng: nag-away sila tandang karding at manang ising dahil lang sa barakong bibi, at ang mga palaisipan kung saan nagpupunta si aling jasmin at ang pare nyang si kuya romeo pag sapit ng gabi (totoo palang hindi hadlang ang pagkakaroon ng edad, asawa at mga anak para ipagpatuloy ang profession bilang isang magdalena.)

ilang linggo pa lang nakakaraan noon isang tunog ang gumimbal sa tahimik kong pagiisa, laman ng isang tunog na ito ang isang mensaheng nagtatanong mula sa dati kong professor kung gusto ko daw bang magtrabaho dito sa maynila, una hindi ko sineryoso, sumagot lang ako ng “yes naman po! why not!”. pinagpass nya ako ng resume sa e-mail, hindi ko pa nga sya sinunod nung una kasi nagiging palaisipan sa akin kung bakit AKO? andaming iba bakit AKO? bakit ako ang naalala ng prof ko e hindi naman ako matalino. sabi ng iniidolo kong author, “dalawa lang daw ang natatandaan ng mga guro, ang matalino at ang bobo” pero ayaw ko namang sabihing matalino ako pero mas ayaw kong isiping bobo ako, siguro kalawangin ang utak ko pero hindi nangangahulugang wala akong utak. siguro sa itsura ko kaya nya ako naalala (ooppps bawal ang kumontra, pupugutan kita ng ulo…). sa huli sineryoso ko na din ang alok nya at inisip kong ang swerte ko naman.

lumipas pa ang mga araw at gabi, isa na namang mensahe ang dumating na nagsasaad na kailanggan akong pumunta dito sa maynila para sa exam and interview, ano pa nga ba go naman akong magisa bitbit ang kaunting pera at isang bayong ng pag-asang inipon ko kasama ng aking buong pamilya.

hindi ko first time dito sa maynila, pero dahil magisa ko lang masasabi kong baguhan ako. pagbaba ko pa lang ng bus nadiskubre ko na ang ilan sa mga natatago kong talento, super bilis ko palang tumakbo, pano ba naman kasi dala siguro ng matinding kahiluhan sa bus e tumawid ako sa kalsadang wala namang dumadaang sasakyan, malay ko bang green ang traffic light noon at may mga sasakyang bigla bigla na lang sumusulpot ng di ko namamalayan, daig ko pa ang nakasinghot ng isang boteng rugby at nakalunok ng tatlong litrong gaas na pinagkunan ko ng lakas sa matulin kong pagtakbo. take note may dala pa akong bag na mabigat non na naglalaman ng damit ko, kamatis, talong, sitaw, okra, saging, at ilang pirasong bunga ng manga! mula non nalaman ko palang maaari kong bigyan ng karangalan ang bansang Pilipinas dahil may posibilidad akong magwagi sa olympic at magbigay ng gintong medalya sa larangan ng sport na track and field. weeewwww… pero ayon natapos din ang unos, nakarating din ako sa bahay ng tita ko na isang sakay mula dito.

kinabukasan araw na ng interview ko, alas 10 ng umaga ang sked ko pero dahil traffic inabot ako ng 10:30, umpisa pa lang dispalinghado na yata. makalipas ang ilang minuto my magandang babaeng lumabas na mayroong munting tinig na halos di ko na marinig sa sobrang hina, (wala na sya ngayon, kakaalis lang nung isang buwan). kumusta naman ang lagay ko sa room na pinag-examan ko, akala ko nga nabaliktad ang ikot ng mundo at ang Alaska ay napunta sa kwatong yon, ubod ng lamig, sa totoo lang namanhid talaga ang kamay ko non. after ko magexam lunch break naman ang sumunod, balik daw ako mga bandang alas dos para sa interview (wala na din yung unang naginterview saken, ilang linggo matapos umalis si munting tinig e sumunod na din sya).

kumusta naman ang interview ko, sa interview ko, talagang gumuho na ang lahat ng pag-asa ko na matanggap pa dito, isipin mo ba naman sa sobrang kaba dahil first time ko nga mainterview e nawala ang nakaprogramang ingles sa utak ko, samahan mo pa yan ng nanginginig na boses at higit sa lahat ang di ko makakalimutan, ewan ko kung pinaglalaruan ako ng tadhana pero hindi ko sinadya, secret lang huh “nadighay ako” habang iniinterview ng itago na lang natin sa pangalang leah-lyn albano. talaga namang naisip ko noon,  sana kinain na lang ako ng lupa sa sobrang kahihiyan. pero gaya ng dati natapos din ang unos at nakabalik na uli ako sa bahay ng tita ko na isang sakay mula dito.

sa pagbalik ko sa aming tahanan itinatak ko na non sa isip ko na hindi talaga ako matatanggap, inisip ko na lang na parang naglibot lang ako sa maynila at naligaw lang sandali. (next time ayaw ko ng maligaw)

nakauwi na ako sa barrio namen, ilang araw na naman ang nagdaan, syempre dahil siguro naiinip na din ako sa bahay, nagpasya na akong magprint ng mga resume, maraming maraming resume at pagkatapos punta ako ng studio para sa pictorial ko na sya naman ilalagay ko sa nasabing sandamukal na resume. (inasahan ko kasing mahihirapan ako sa paghahanap ng trabaho.). matapos kong magawa lahat yon dumaan pa ako sa munisipyo namin para magpagawa ng postal i.d para naman kahit isa e meron akong valid i.d, naiwan ko pa nga ang cellphone ko noon sa bahay namen kaya medyo badtrip pa ang araw ko noon. pagdating ko ng bahay narinig kong tumutunog ang cellphone ko, saktong pagbukas ko narinig ko na si munting tinig pala ang nasa kabilang linya, muli akong pinapapunta sa maynila para sa final interview, magdala daw ako ng resume at isang 2×2 whole body picture. matapos ang aming konversasyon sa telepono isang malakas na “thanks God” ang umalingaw-ngaw sa loob ng aming dampa, syempre tuwang tuwa ako dahil hindi ko na naman talaga inasahan na tatawagan pa ako ni munting tinig dahil sa mga pinaggagawa ko.

kinabukasan lipad na ako uli ng maynila, final interview na ko, naiyak pa nga ako sa bus nung mabasa ko ang text ng daddy ko na nagsasabing “kaya mo yan anak”. diretso na ako agad dito at syempre tumibok na naman ang puso ko este nagkita pala kami ni munting tinig, kaasar nga e may pigsawat pa ako sa ilong noon. dinala nya uli ako sa kwartong parang alsaka sa lamig habang hinihintay ko ang magiinterview sa akin. ng dumating ang magiinterview saken na itago na lang natin sa pangalang ma’am laarni medyo hindi na ako kinabahan at sa bandang huli matapos ang kaunting kwentuhan at kaunting paliwanagan, sinabi na din nya saking bumalik na lang ako ng May 28 para sa first day ko. yahoo!!!!!! (ang swerte ko talaga)

on my first day, nakilala ko sila miss let, si juwillyn, si sir will, mam penny, trina, si danna, si bernard, si richie, si melissa, si eunice at madami pang iba, madalas lagi akong nauuna sa training room, wala lang, nandon lang ako nakatanaw sa bintana, yung tanaw mo buong kamaynilaan, bukod kasi sa makasakay ng mrt at pumunta ng big brother house e isa yon sa mga pangarap ko na sya namang natupad na ngayon.

wala naman akong kwento sa unang buwan ko dito, pero siguro marami pa din kung iisa-isahin atmagbabalik-tanaw, pero ayaw ko ng gunitain o alalahanin pa dahil alam kong alam mo na hindi maganda ang mga yon at isa lang masasabi ko don “salamat, maraming nabago sakin na sya naman ikinakatuwa ko ngayon… salamat po” (oi close na kami ngayon!)

sa unang sweldo ko, alam naman ni miss alma kung gaano ako kasaya non, non lang kasi ako nakahawak ng ganoong pera na pinaghirapan ko, talagang iba pala ang pakiramdam. para kasi sa akin malaki na yon, sapat para sa akin kahit na nung huli nalaman ko na yung sinweldo ko pala e tax lang nung iba pero wala akong pakialam, ginamit ko talaga yon sa napakaraming paraan, umuwi ako samen syempre bumili ako ng mumurahing pasalubong, ibinigay ko ang kaunti sa magulang ko na sya namang pinambili ng daddy ko ng munti, simple, payak ngunit kumukuti-kutitap naming pangarap…. totoo nabibili ang pangarap. at ang makitang masaya sila, yun ang pangarap kong hindi mo mabibili.

ngayon, ano pa ba ang kwento ko sa ikalawang buwan ko, eto nageenjoy na ako dito ( sana lang nageenjoy din ang iremit saken). pero ano ba naman ang dalawang buwan kung tutuusin tuldok pa lang ito, pero ang magkasama-sama tayo dito yon ay isang napakalaking tuldok. sana magtagal pa ako dito, alam kong nakakatulong sa akin ang kumpanyang ito hindi lang sa financial kundi sa akin, bilang tao. mabuhay! happy 2nd month samen!

THE END

alam kong itatanong mo sa akin kung bakit ganon ang pamagat ng kompasisyon ko. medyo madali para sa akin ang gumawa ng ganitong komposisyon, katahimikan lang ang puhunan ko para matapos ito pero ang pinakamahirap sa lahat ay ang umisip ng pamagat na aangkop sa aking kakarag-karag na obra. kagabi habang nakahiga ako at iniisip ang tamang titulo, isinulat ko ang aking buong pangalan, ALVIN GINO BAUTISTA, sinubukan kong jumbolin ang pangalan ko upang bumuo ng isang sentence mula dito, at kahit ako nagulat ng mabuo ang

ABOUT A LIVING STAIN.

una natuwa ako dahil may nabuo ako, kaso negativo nga lang, alam ko naman stain pa ako ngayon, pasasaan ba’t mababago din ito. kaso hindi pa din ako nakatulog dahil dito, natanong ko tuloy, andaming bagay na dapat mabuo bakit STAIN pa, ang bagay bang ito kaya ang sumasalamin sa pagkatao ko?. umaga na ng subukan kong umisip ng ibang pamagat, yung kahit sana kaunti lang e magmukang positivo, hanggang lumabas ang sobrang positivong mga salita na,

ABOUT A LIVING SAINT

alam ko malayong maging saint ako pero mas mainam na sigurong maging stain muna ako ngayon at paglipas ng madaming taon ng pagsubok, pakikipagsapalaran at pakikibaka sa buhay ay magiging saint din ako, kahit ako lang ang deboto ng aking sarili…
Alvin Gino Bautista

“Never Under Estimate your Potential”

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

25 Responses to ABOUT A LIVING STAIN

  1. reciel felix says:

    bob ong is that you?… hahahahaha

    *alvin*-itchel mapren salamat sa panahon ng pagbabasa mo, di ka umuwi nung fiesta, sarap saten anlamig na. di to bob ong, sabi nga diba, kay bob ong may matututunan ka, dito wala… whahaha…

  2. bonistation says:

    welcome to wordpress. buti at nahikayat kitang lumapit! sayang kase talent mo kung bubulukin mo alng sa FS hehe.

    “never underestimate your potential” manlibre ka pag sumikat kana!

    ** nakakamiss din ang buhay sa probinsya! talaga sa may hulo hano? hehe. lalim nun ah, simple ng buhay nung mga panahon na yon.. ngayon sobrang kumplikado sa mundong ginagalawan..

    pero syempre kung ano man meron tayo ngayon! todo pasalamat dapat! hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon na makakuha ng magandang trabaho! wow makatiboy ka natalaga boy!! hehe!

    regards

    *alvin*-salamat sir dahil nalipat ako dito, salamat din dahil nakakatulong ka para malinang ko pa (ano ba english ng malinang? hehehe) itong talent ko. wala akong masabi, Thank you… mhuwah…</strong

  3. naisu says:

    wow. congrats for that. u should be very thankful for what u have right now. alam mo, not all graduates have the opportunity to work in a good company in manila at aminin man natin o hindi, most of the graduates in the provinces aspire to work in manila. pero alam mo, baligtad.. kasi those studs who were educated there in manila naman, wanted to come back to their respective provinces to work and also, for personal reasons.. ewan ba. hehe.

    pero u know what, totoo yung feeling na gusto mo munang mag-rest right after graduation. di ba, after those difficult but fun years in the academe, u really would want to re-assess urself before you get ur foot in the real world. hehe. i experienced that ‘aftershock’ din just last april. after i received my diploma, i have this burning desire to rest muna and wanted to get back in the province or to go at my older sister’s house in baguio. i was educated kasi in manila and honestly, it was so tiring to deal with academics there especially when people around you expect too much from you. ayun nga, i just had, more or less, a 2-week vacation after my graduation rites. honestly, it was so irritating din that companies keep contacting you na feeling mo mas gusto mo nang i-off na lang ang phone mo. haay. aminin man natin o hindi, andun rin kasi yung pressure for us new graduates to have a decent job after graduation..toinks.

    anyways, masyado akong nadala. haha. haba ng comment ko. basta, value every cent of ur salary. pagod mo yan at pinaghirapan mo yan. u should harvest what you have planted. =) conrgatulations and keep up the good damn work.🙂 just keep ur feet on the ground as you aspire for a bigger dream.

    hugs.

    *alvin*-nakakalungkot nga after graduation, parang ambata ko pa para magtrabaho, hindi ko alam kung ano ung salitang pahinga, siguro medyo tamad din ako pero madali akong maiinip kaya larga ng larga ang lagi kong ginagawa… anyway salamat po sa comment, God bless po saten…

  4. mangbadoy says:

    congrats sa bago mong blog! Accenture ka ba? Parang familiar kasi yung mga name ng HR e though malaki ang Accenture pero proud ako at galing ako sa company na yun!

    maswerte ka na kasi maraming walang work ngayon at nadarama na rin ang global crisis sa pinas at maraming nawawalan ng work so galingan mo!

    Merry Christmas > Mang Badoy

    *alvin*-mang badoy salamat po, hindi po ako taga accenture, call center po yun diba? masyado nga pong nahihirapan sa paghahanap ng trabaho ung ibang mga kaklase ko, im very thankful kasi mabilis lang ako nakahanap ng work, hanggang ngayon nagpapasalamat pa din ako dahil don… gud day sir!

  5. nheng says:

    congrats…ang galing mo talaga.akalain mo…heheheh.pero ur d best, sobra napatawa mo ko dun.kala ko nga andun n name ko.hehhehe.keep it up…merry christmas

    *alvin*-yes naman tita, kanino pa nga ako magmamana edo sayo lang hehehe… ingat ka lagi jan baka masipa ka ng kangaroo… merry christmas

  6. rache says:

    galing naman ng tagalog mo parang ang lalim pag binabasa ko… hehehe… congrats sa magandang oportunidad na nakuha mo alagaan mo yan para hindi mawala🙂 ang galing naman ng pangalan mo nabuo yung about a living stain/saint… maganda pananaw mo sa buhay – ipagpatuloy lang yan… tama nga never underestimate your potential as you climb the corporate ladder… Merry Christmas

    ** boni – yan ha i read your recommendation and comment pa ko ha🙂 **

    *alvin*-hi miss rache,salamat sa comment, kaya naman gang ngayon nagpapasalamat pa din ako kay God, nagkamali nga ako non kasi akala ko pang mababang level lang ang kakayahan ko. pero syempre ngayon iba na. hehehe.merry christmas po!

  7. reciel felix says:

    haha c jay panti nmn ang nagsai nun ‘ky bob ong my mapupulot n aral.. dito wala” haha
    umuwi aq nun..sun nyt..kw nmn yata ang lumuwas nun,,, magkakasama kmi kila malyn,. ang yabang nagregalo k pla ng plantsa sa knilang magasawa.. big help! hahahahahaha

    *alvin*-loko ka wag mo dito sabihin yung niregalo ko. yun lang kasi ang kaya ng pera ko nun taz yun naman ang bagay kay malyn di ba… wahahaha…

  8. Mabeth says:

    hello alvin…nun una ko nabasa to sa friendster mo,nagandahan at natawa na ko,ksi magaling ka and interesting ang composition mo although nuon pa naman college tayo alam ko ng may potential ka at naiibang galing,hehe..(talagang naiibang galing noh,hehe)..

    Keep up the good work and love your job (sabi nga nila)..alam ko naman na ur proud sa job mo and proud din sau ang job mo (nye ano un,hehe) proud din sau ang mga parents mo,kapatid,relativees,friends,co-employee,bathcmates,kabalitaan at kakampi mo,hehe dami noh…

    Basta pag sumikat ka na at nakagawa ng libro mo,dont forget to give me a copy (wag mo naman ng pabayaran,pwede bang libre na lang,hehe)….=)

    Godbless u ang ingatz lagi….=0

    *alvin*-thank you mabeth sa comment mo, sabi ko na nga ba collage pa lang tayo crush mo na ako e. yaan mo pag nakagawa ako ng libro isasama ko ung naputol nating pagmamahalan don hehehe…

  9. tara says:

    nice!!! blog away!!!

    *alvin*-ang haba ah! sige T.Y hehehe

  10. tina says:

    alvin, isa ka palang makatang pilipino. nakakatuwa yung kwento mo about your first job interview. keep up the good work! hope to read more of your blogs!🙂

    *alvin*-thankz miss tina. basta saten lang dalawa un tungkol sa interview ko huh, sana walang ibang makaalam hehehe… buti na lang di ikaw ung naginterview saken, naku patay…. ung mga PCRV ko isoli mo na… whahaha… ingat lage, merry christmas!

  11. revsiopao says:

    wow… amazing!
    bakit ba nahuli ako ng kaunti sa pagbabasa ng obrang ito.
    kalalabas pa lamang sa “delivery room” ng iyong bagong blog ay nai-rekomenda ka kaagad sa akin ito ni bonifacio, and i’m glad he did.

    sa title pa lang, panalo na kapatid! indeed our state of “stainhood” is a very potent ground in our journey towards “sainthood” {o ha!}… ano kaya ang mabubuo ko pag ni-jumble ko din ang name ko? he he.

    keep the faith alive! and you’re right… we “should not underestimate our potential”

    ** tumbling ako kakatawa sa “kamatis, talong, sitaw, okra, saging, at ilang pirasong bunga ng manga!”… at siyempre ang “dighay moment”.
    ** super touching naman ang text ni daddy mo na “kaya mo yan anak”.

    p.s. salamat sa paglalagay mo sa akin sa mga pioneer “stock holders” mo ha… honorary member ka na din ng aking siopawan.
    GOD BLESS!

    *alvin*-nakatuwa po at nabasa nyo ang gawa ko, minsan hindi ko alam kung nagugustuhan ng mga mambabasa ang mga gawa ko, hindi kasi ako marunong gumawa ng mahikling blog, iniisip ko nga baka nauumay na sila at hindi na tinatapos. well salamat na lang at nandyan ang mga katulad mo na nagtyaga dito… SALAMAT po!

  12. bbylyn says:

    aba may pamangkin pl akong makata!!prang hinukay s malalim n balon ang tagalog ntin, isa k tlgang magiting n nueva ecijano…nice blog k2tuwa and nk2inspire, it’s really nice that we should know how to appreciate and satisfy with all the simple blessings that we have..Don’t underestimate your talent mgaling k. keep it up alvin gino, srry now ko lng nbasa medyo bz kc ang tita..marry christmas…

    *alvin*-salamat tita ganda, oorder ka na ba ng isang dosenang sabaon? my discount ka hehehe…. syempre iilan na lang ba naman tayo sa pamilya nang matatalino di pa ba naten gaganitin? (hooopppssss…. joke lang to…”

    ingat jan sa saudi…. love you…

  13. tara says:

    HOW’D YOU GET THE MUSE TO WRITE SUCH INTERESTING ARTICLE? THAT’S WHAT I CALL RAW TALENT. I’M SO PROUD! THANKS FOR THE INSIGHTS, I’M INSPIRED!

    *alvin*-basta hindi ko alam (hindi ko alam isasagot ko… whahaha) kasi naman tagalog lang. joke. sabi mo nga talent, kusang lumalabas.

  14. pia says:

    SUMMARIZE??
    How could u remember all of that?haha,pero totoo yun,”NEVER UNDER ESTIMATE YOUR POTENTIAL”naks,,saint?? oo nga nuh??? A living saint,,napa isip talaga ako dun
    U know wat guys,,alvin,,napaka genius ng batang yan,,as in kapag kausap mo siya
    pati ikaw u will see to it na may natutunan ka,,makikita mo naman di ba on this story nya,,bibihira ang taong nakakaisip sa ganun,as in nakaraan na and then ayun,, na,,makakabuo na ng story,,hehehe,,sir marami pa to,,hahaha

    *alvin*-daghang salamat pia, (bago yun ah) ako talaga yung taong hindi makakalimutin, sa mga pangyayari at sa mga tao, pero if minsan makasalubong kita at hindi kita pinansin wag ka muna magalit, tingnan mo baka di ko suot ang mahiwaga kong salamin, pag hindi, intindihin mo na lang. salamat for being isa sa mga masayahing tao sa company naten… ingat ka lage, more bf to come, Merry Christmas!

  15. joy says:

    never under estimate your potential:..ur really a borne writter..ang magpakilala,magpatawa, at ang tumulong sa iba sa pamamagitan ng ilang mahihiwaga, matatalinghaga at hindi maarok na salita ay isang regalo galing sa itaas..ang msuswerteng nabiyayaan ay ikaw kaya keep it up..ituloy mo lang at madami kang papangitiin, papaluhain at pag iisipin..

    ingat kaibigan!

    *alvin*-salamat God sa comment ni Joy, salamat po sa talent na sinasabi nya. Salamat po dahil naging instrumento ang gawa ko para mapasaya ko sya.

  16. allie serwit says:

    tol! grabe! i was surprised! kaw ba yan???? hahaha! basta ang naaalala ko lang kaw ang loveteam ko nung college eh hehe,, tapos bigla biglang lumipat ka ng ibang school…and booom! ibang ajie na yung nakilala ko hehehe.. secret lang natin yan… ;-0

    pero in fairness sayo,, ganda ng blog mo,..,nakakatuwa,nakarelate ako hehe.. remember the hard times nung kelangan nating magaus ng mga subjects sa accounting., hirap maganalyze.. dapat pala naging writer ka na lang hehehe,., talentado k pla eh! sana mabasa yan nila mam at sir,, sigurado magiging proud sila sayo! i dream of becoming a writer din,,, pero parang nahihirapan pa ko.. madami lang akong articles na maiikli, kaya lang hiya ako i-post hehehe,, baka wala magleave ng comment ahahaha!

    more power to you..kala ko kanina article to ni Bob Ong,, I was surprised sa friend ko pala to.. ang aking love team ahahaha….

    kitakits sa Ortigas,, kelan kaya ulit tayo magkakadaupang-palad at masabi ko man lang sayo na… Am proud of u! isa ka ng manunulat at ito ang kauna-unahang bagay na na-discover ko sayo.. (pwera sa una..yung secret natin,.ahahaha)
    ingat ka lage… i adore u a lot friend! ummwaahhh!

    *alvin*-arlene ako kinakabahan sa mga pasikret sikret na yan huh… at talagang may boom ka pa. hehehe…

    alam mo arlene naaalala tuloy kita, pag dahil sa comment mo dalawang ulo ko lumalaki na… whahaha… tama na isikret na nga lang naten ung nakaraan. wag dito sa blog ko. whahaha…

    hai sasakit ang puson este tyan ko sayo katatawa.

  17. partofyou says:

    sabi nga sa patalastas ng sabong panlaba: stain is good! ni-link kita kung oke.

    *alvin*-sana lahat ng tao mahirap maalis saisip ng iba dahil may nagagawang maganda hindi panget.

    salamat po sa paglilink ng blog ko.

  18. leah lyn albano says:

    hi alvin,

    got me interested in your blog dahil naspecial mention ako..hehe..i hope i did not terrorize you when i interviewed you before. galing mong sumulat ha! still in iremit? keep those blogs coming..:-)

    leah

    *alvin*-Guys ipinakikilala ko sa inyo si Ms Leah-lyn Albano, sya ang unang taong naginterview sa akin (yung nadighay ako), hindi ko alam kung pano nyang nakita ang blog ko nato, ma’am papano nga po ba?

    i hope i did not terrorize you when i interviewed you before. galing mong sumulat ha! akala ko naman sasabihin nyo galing mong sumagot sa interview ah… hehehe…

    kumusta kayo mam, wala na po ako sa Iremit mahigit isang taon na… salamat po mam sa pagbasa. ingat lage…

  19. Pau says:

    I used to work with Alvin in Iremit before, i resigned quite sometime after he resigned kc wala na kami clown. That times he was very fond of writing talaga even office hours ”joke hehehe…that’s why he became the apple of the eye of our boss…hehehe….magaling mang inis pero pikon….ehehehe..you are such a good writer sa wikang atin…just always look at the brighter side of everything and always be appreciative of everything…..kiss mo si juway…..

    *alvin*-ito naman si pau, sya yung officemate ko sa dati kong work as auditor, mabait yan, lagi lang kami tawa ng tawa kahit nasa elevator, ingat kayo baka kayo mautangan nyan… joke…

    sya dapat ang nasa trabaho ko ngayon pero dahil madaming offer sa kanya pinagkaloob na lang nya saken. salamat pau for being good to me even before.

    pag nasa ibang bansa ka na, ingat ka don huh…

  20. tina-pie says:

    hay!!!! ang galing-galing mo namang mgduklay-duklay ng magagandang salita… saludo nako sayo… pwede k bang makuhang writer ng buhay ko?hehehehe…..

    *alvin*-writer ng buhay mo???? uuhhmmm…. pwede, napapagusapan naman yan e… Oha!

    salamat po, pasyal ka ulit!

  21. dencios says:

    mahusay na pagtahak sa iyong pangarap! tama! never underestimate your potential. lahat tayo may kanya kanyang galing at talento sa ibat ibang pamamaraan na tulad mo na isang simpleng tao na kung tutuusin ay da bes ang napagdaanan at deserve ang nakamit. sigurado matalino kang tao🙂

    *alvin*-salamat dencio.

  22. prency4u says:

    Hi alvin,ako ay nagpapasalamat at ako ay iyong inimbitahan na magbasa sa iyong blog ng iyong itinatagong angking talino sa pagsusulat hehehe,anyway nagagaya yata ako sa iyong pagiging makata galing pa ata yan sa baul ng lola mo hahaha joke lang po..Natawa naman ako dun sa tumakbo ka na may dalang bayong buti di tumapon yung mga gulay dun sa daan hahaha kakatuwa namang balikan ang ating mga nakalipas lalo kaming nandito sa ibang bansa na madalang lang kung makauwi sa ating bayang magiliw.Sabi nga nila hindi masamang mangarap,libre naman un di ba hahaha..anyway Just enjoy your achievement as well as plans..keep interested in your own career however humble it is a real pessesion in the changing fortunes of times..Live a life of integrity that encompasses your beliefs in your day-to-day walk and talk and behaviors. By doing that, you actually become what you describe. In so doing, you become better people, become happier people, and become more successful people.keep it up and more power..Always remember to smile and be thankful for all the blessing in your life..trust yourself you know more than you think you do..Take care always God bless!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s