christmas breyk!

Pamilya daw ang sumisimbulo ng Pasko, sa panahong ito nagkakasama-sama ang mag-anak mula sa malalayong lugar. Lahat nagmamadali, lahat excited, lahat abala sa paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang. Para rin ito sa mga bata na hindi yata minamalat kakakanta na harap ng bahay. Panahon din ito ng mga Christmas Parties kung saan ako na yata ang pinaka maswerte noon sa kumpanyang pinapasukan ko. Isipin mo ba naman, labing dalawang araw bago sumapit ang pasko, sa hindi inaasahang pagkakataon e ako ang nanalo ng 21 inch flat screen colored T.V at ang special raffle na tumataginting na 10 libong piso. Swerte ko naman…

Matapos ang kasiyahan, tinawagan ko agad sila parents para pumunta dito sa Maynila, sabi ko mayroon akong sorpresa sa kanilang dalawa. Matagal ko na kasing planong ipasyal sila dito sa lugar namen pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon. Para kasi sa akin, para sa kanila ang malaking parte ng napanalunan ko. Ang sampung porsyento ibinahagi ko sa mga kasamahan kong humihingi ng balato. Ayokong sabihan akong gahaman, ginawa ko yon hindi para bigyan ako ng papuri at pasasalamat, ginawa ko yun dahil yun talaga ang gusto ko. Iba kasi sa pakiramdam yung nakakapagbigay ka ng kaunting saya sa iba lalong lalo na ung mga bagay na hindi mo naman talaga pinaghirapan gaya ng sa akin. Isa pa naniniwala ako na ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o paghahangad ng makasarili at hindi ang talagang nasang gumawa ng kagalingan ay hindi kabaitan.

Araw ng Sabado ng dumating ang nanay at tatay ko, syempre gaya ng mga tipikal na lumuluwas ng Maynila, may mga pasalubong silang gulay, gulay, gulay at gulay pa din. Mukang isang lingo yata akong mapupurga sa mga pagkaing dala nila, natatakot nga ako baka pagpasok ko sa office magulat ang mga tao don at mapagkamalan nila akong taong mukang talong. Sana nagsama naman sila ng prutas, gatas ng kalabaw, walis tambo, bigas, kahoy na panggatong o kaya nama’y buhay na manok. Hai bakit kaya di nila naisip yun?

Nagpahinga lang sila sandali para mawala naman ang kaunting hilo, after non dinala ko na sila sa Megamall na malapit lang naman sa tinitiran ko. Balak ko nga sanang ipamasahe sila para mapalitan naman ng kaunting sarap ang madalas nilang pagod na katawan, pero sila na din ang tumangi kasi baka daw masanay sila at hanap hanapin na nila to. Whahaha….

Nang makarating kami sa mall tawang-tawa kami ni tatay, si nanay kasi ng magawi kami sa mga appliances, gusto ng bagong plantsa, nasira na daw ang nasa bahay namen (kahit hindi naman talaga totally sira, though nagagamit pa, kailangan na din naming palitan) ayon sige bili, mura lang naman yun. Gusto din daw nya sanang palitan na ang mga plato namin, mas maganda daw sana kung yung terno terno na ang bibilin namen para maganda talaga. Sabi ko, sige ok lang, para sa inyo naman talaga ang napanalunan ko. Kaso nung huling hirit nya medyo hindi ko na napagbigyan, kasi naman malapit na daw masira ang refrigerator namin. Sabi ko na lang, aba ‘nay raffle lang ang napanalunan ko hindi lotto. Hai ang mga nanay talaga ang sarap kasama, ang mga tatay naman taga bitbit lang, pero nagpabili naman ng  polo, basta daw Bench ayos na. (whahaha… talagang umuuso pa!)

Kinabukasan, matapos kaming mamili ng mga pangregalo sa Baclaran (mas safe kasi dito kesa sa Divisoria), dinala ko sila sa Laffline, isang comedy bar ito sa gawi ng Quezon City. Umpisa pa lang naokray na ang tatay ko, muka daw kasing alagad  ng barangay na napadaan lang sandali para magpatrolya. Whahaha… Nang mga gabing iyon, sa bawat halakhak nila na abot hanggang gilagid, ramdam na ramdam ko ang kasiyahang aking naibigay. Sa sobrang enjoy nila umaga na ayaw pang magsiuwi, kasi naman paminsan-minsan lang naman daw yon. Cool ang mga magulang ko, parehas kasi silang bata pa, maaga kasi silang nag asawa.

Isang pangarap ko na naman ang natupad, yun ang makapasyal dito kasama sila. Diyos ko salamat po, hindi pa tapos ang Pasko, kumpleto na ang Disyembre ko.

Maiba tayo ng topic, ayoko sanang maging malungkot pero dahil hindi ko din naman gustong sarilinin tong nararamdaman ko e isheshare ko na din sa iyo, tutal dalawa lang naman tayong nakakaalam di ba, naniniwala din naman akong mapapagkatiwalaan ka at may maipapayo kang maganda pagkatapos.
Alam mo kasi araw-araw pababa ng pababa ang  naitatalang temperatura dito sa  Pilipinas. Sobrang lamig talaga kumpara sa pangkaraniwan na halos umabot na sa 19 degree at inaasahan pang bababa sa susunod na mga araw. Sayang ang sarap pa naman ng may kayakap sa gabi at kasamang magsimba sa madaling araw, pero wala e, ganon talaga, hindi naman porke malapit na non ang monsarry namen at kahit ilang araw na lang  pasko na e wala ng dahilan para makipaghiwalay.

Kailan ba dapat makipag breyk? Kailangan bang isaalang-alang ang mga paparating na okasyon o basta nararamdaman mong hindi ka na masaya e sapat ng dahilan yon para tapusin na ang lahat. Masakit para sa akin, bukod kasi sa hindi ko inaasahang aabot kami sa ganito, mahal na mahal ko sya at alam ko, alam nya yon. Nito kasing mga nakakaraang mga araw naging madalas ang hindi namin pagkakaintindihan na humahantong sa seryosong pagtatalo. Lahat naman ginagawa ko para maging ok kame pero dala siguro ng malayo kami sa isat-isa na halos dalawang beses lang sa isang buwan kami magkita, yon yata nag malaking dahilan para magkaganito kami ngayon. Siguro ganon talaga, hanggang don na lang e, alam ko namang mahal pa din nya ako, kailangan lang talagang magpahinga at magpaskong hindi ko sya kasama.

O sya tama na naiiyak na kasi ako, basta baby I love you so much, and I will always treasure you for the rest of my life.

Tingin ko para akong bitter, that im such a loser, madami pa kasi akong plano ngayong matagal ang bakasyon ko dyan sa Nueva Ecija, sana makagawa ako ng paraan para maging akin sya ulit. Sa ngayon paskong bukol muna, sisikapin kong maging masaya at maipagdiwang ang pasko na parang walang problema. Kung kami naman kami pa din kahit anong mangyari di ba. Isa pa hangat nandyan ang pamilya ko, alam ko walang dahilan para malungkot ngayong pasko.

Merry Christmas.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

22 Responses to christmas breyk!

  1. boni station says:

    wow! merry christmas ang saya naman ng december mo wala pa ang pasko halos nakumpleto na at nabigyan mo ng kakaibang saya mga magulang mo! saludo ako sa style mo!sarap tignan nun mga simpleng bagay na hilingin satin maibibigay natin! kakaiba sa pakiramdam! parang heaven yun! sige lang! tama ka sa ngayun nag wowork para sa kanila kahit papano mabawasan ung naging paghihirap nila.. simple man yan malaking bagay parrin.. hindi naman kasi lahat ng magulang na nasa probinsya nakakaranas ng ganyan…

    namiss ko tuloy nanay ko hehe. maibili ngadin ng plantsa ahihi! ^^ pati na terno ternong plato!

    saya! katuwa ang kwento mo!
    (no comment sa lovestory) haha pasko eh!

    *alvin*-salamat sa masugid kong tagapayo, manager, at lahat lahat na. simula pa lang lagi ka ng nauuna sa pagbasa ng mga gawa ko, madaming beses ko ng sinasabi sayo pero hindi yata ako magsasawang sabihin… salamat sir bon.

  2. tina says:

    As usual, wagi ka nanaman alvin! Pinatawa mo nanaman ako! No reason for you to be sad, mahal ka nun.🙂 Maligayang pasko!

    *alvin*-salamat miz tina, nakakatuwa nadagdagan na naman ang suki ko. yaan mo bibigyan na kita ng suki card. hehehe.. salamat sa gift mo

    saken

  3. naisu says:

    haha. toinks. just go on in making ur parents’ life happy. pag masaya naman sila, more or less, we’re also happy na mga anak nila. nakakatuwa naman ang parents mo. haha. toinks.

    sa lovelife, toinks. wag na lang rin akong mag-comment, magkaiyakan pa tayo dito. haha. i, too, was brokenhearted pero still… padadalhan ko pa rin sya ng regalo sa pasko. hahaha. toinks.

    keep safe.

    *alvin*-oo basta pag mga parents ko na ang pinaguusapan madali akong nalulusaw.
    sa lovelife naman, hindi ko un reregaluhan, pero ok din ung idea mo, balak kong puntahan sya sa kanila pero syempre nagdadalawang isip din naman ako kasi alam mo na hindi naman ganon kadali yon di ba. but anyway salamat sa pag basa… merry christmas…

  4. -MeAnn- says:

    halu.. nabasa ku na ung blog mo.. kakaiba ka talaga, may future kang maging writer.. =) Sarap basahin eh, lahat pde makarelate🙂 Kakatuwa parents mo🙂 ngaun ku lang cia nabasa, kc mejo bc din kya now ku lang naharap.. Dku alam na sobrang lalim mu plang tao..hehe! Wel anyway tuluy mu lang yan.. malayu mararating mo🙂

    *alvin*-wala akong masabi kung hindi salamat, hindi ako malalim, nagkataon lang na medyo nakarelate ka sa mga pinagsasabi ko, at nagkataon lang din na parehas tayo ng genre na gustong basahin. salamat po, nakakatab naman ng puso… ingat lage me-ann.

  5. tara says:

    wow, i’m impressed! good job! gets ko agad, promise! winner!

    *alvin*-thank you kasi impress kita. basta always stay single… hehehe… pano yan taglamig na naman.

  6. pia says:

    ahahahahahaha,,sabi nga nila di mo makukuha ang lahat,,,ewan ko ba kung bakit ganun,,pag masaya ang career,as in perfect,,sa love medyo sablay tayo hehe,,pero know wat mag adjust ikaw,if u love talaga..great i love it,,sobra,,,this is really it.. HOW ROMANTIC NAMAN
    Pero sorry d pala romantic,it was so sad pala,hmmmm,mahirap talaga yung ganun situation na mahalga sa atin taz,aalis,kasi,need ganito,need ganyan,,alam mo yun,,and tayo din kelangan mag sacrifice kasi,,kasi,madaming kasi,so many reasons,sometimes,,nakakapikon,,in a sense na tatanungin mo na yong sarili mo na parang haller,di ba ako pwedeng maging masaya?pwede ba na wala na lang sacrifice???as in kayo na lang na dalawa in this crazy world,,hahaha,anu ba pinagsasabi ko??serious,,Sir alvin is a Good man,Sir napakaganda ng love story mo,,kahit na medyo sad eh alam mo na merong hope in the end,,so GODBLESS po,,,INGAT LAGI

    *alvin*-hay ganon na nga laging nagaadjust, wala e mahal ko kasi kaya sobrang dali lang para sakin un, kaso hindi naman pweding puro ako diba, hindi ko naman sinasabing hindi sya nagaadjust, busy lang siguro kami ngayon… salamat, ingat lage.

  7. brotherutoy says:

    malaki ang hinala kong isa ka ring
    full-pledged member ng toinks team.
    aaarrrggghhh… dumadami na sila!
    este kami pala!

    welcome to blogging world!
    sana malakihan mo ang font mo.
    hirap ang lolo mo magbasa sa dark background.
    i added you na pala.
    God bless!

    ps.
    tungkol sa picture mo sa belen
    gwapo sa pose ah. parang si jorge lang.ü
    teka, bakit pwet ng baka
    ang nakaharap kay Baby Jesus?

    *alvin*-yaan nyo po sir para sayo lalakihan ko ang font next time, thanks kasi member na ako ng toinkz team.

    nakakatawa, tiningnan ko pa tuloy ung pwet ng baka, wala naman e. kasi naman ung mga hayop sa manger alam na may mga bisita umeepal pa.

    Salamat po pagsasama sakin sa blog roll nyo, ‘livingstain:tumagos” simpleng salita lang pero mas tumagos sa akin (ano ba yan bakit ba tagos ang pinaguusapan) whahaha…

    sige na po, Merry Christmas!

  8. revsiopao says:

    isa na namang katangi-tanging post kapatid!

    saludo ako sa lahat ng anak na palaging iniisip kung paano mapapaligaya ang kanilang mga magulang sa kahit anong paraan na alam nila. ipagpatuloy mo ‘yan bata!

    at siyempre panalo na naman ang mga gulay, gulay, gulay… infinity!

    nai-imagine ko ang tatay mo habang inookray ng mga bading na hosts sa comedy bar. at bench pa ang gustong polo. ang lufet! {buti hindi nagpabili ng marks & spencers na brief. toinks!}… at siyempre si nanay… nawili sa shopping. he he!

    re: belen {addendum sa puna ni kuya utoy} — ang anghel… parang agaw eksena yata kay mama mary… siya ba ang nanay? he he!

    o siya, bata batuta, keep the good blogs coming. god bless!

    *alvin*-ung belen na yan sa Ortigas po yun ung mga kainan don gawi ng Metrowalk. Madaming agaw eksena sa belen na yan, napansin ko lang… hehehe…

    sir pag nabasa nyo to ulit, ano po ba ung ‘mira’ (ung gift na isang hari kay jesus) narinig ko kasi sa radio nireregalo daw ito pag may patay lang.

    sir Merry Christmas sayo, sana pagdating ng panahon makapagsimbang gabi ako na ikaw na ang nagmimisa at nangangaral sa mga tao. kahit hindi pweding pumalakpak-papalakpakan kita.

  9. teentoinks says:

    Woow… Livingstain! Oo nagiwan ka nga ng bakas sa blog ko, kaya napadpad ako dito! Hehehe

    Kakatuwa ang kwento mo bout kay nanay at kay tatay… weh naki nanay at tatay.. Ah basta, di mo ko katulad na lumaki w/parents around kaya kahit gusto ko gumawa ng mga ganyang entry… nahihirapan ako! As in.. kaya dinadaan ko na lang sa kalokohan hehehe… but newei, nakakatuwa naman naglalambing sila! Wag ka.. LAMBING yan hehehe.. buti nga di pa nagpabili sayo ng PAU… Ang saya.. Ganda ng story mo, kwela si nanay plantsa at si tatay bench. Kelan uli patrolya ni tatay? Toinks! hehehe

    Merry Christmas. send my regards to nanay plantsa and tatay bench ha! Ahihihi (as if kilala ako) Ah.. basta close kami! Wag ka aangal, hihingi lang naman ako ng TALONG eh! Toinks.. hehehe

    *alvin*-salamat miss teentoinkz, kung kilala lang kita papadalan kita ng mga gulay. hehehe…

    lam ko naman kahit di ka lumaki with your parent naging masaya ka naman sa nag-alaga say (kunyari alam ko)

    pagdating sa parents ko wala na akong mahihiling pa, sila kasi ang kayamanan ko.

    Merry Christmas.

  10. joy says:

    hipong hipo naman ako sa kwento mung yan alvin..hehehe..nakakatuwa..sana lang ha ganyan lahat ng tao sa pananaw at pagmamahal sa ating mga magulang ..naks naman parang gusto ko tuloy mag ipon at i treat ang nanay ko..kaya ka bniyayaan ng ganyan dahil jan..nakakatuwa ang kweto mo..!!

    hay lovelife..wala ako nyan e kaya ..moral support lang ang maibibigay ko ..heheh..

    isang saludo para sa taong may likha ng maganda,nakakatuwa at makabuluhang kwentong ito.!keep it up..!:)mizz yah..

    *alvin*-joy thank you huh, feeling ko tuloy sobrang buti kong anak (totoo naiiyak ako ngayon, mahal na mahal ko kasi sila)

    salamat sa lahat ng bumabasa ng blog ko…

  11. Mabeth says:

    Naks naman,another nakakatuwang article from you. Ang saya naman ng christmas mo maswerete ka,(ako kasi madami pinaraffle sa office pero wala akong nakuha sa major prize,nyahahaha) anyway, nakakatouch un ginawa mo sa prize mo, un bigyan ng kasiyahan at makitang masaya ang parents mo at mahal mo sa buhay, talagang nakakapagbigay un ng ligaya na hinde matutumbasan (naks ah,hehe)..i know ur parents are really proud of you…

    dun naman sa part na nagsesenti ka,hehe nakakarelate ako,nalulungkot tuloy ako,hehe (pero ok lang alam ko na ngaun na hinde lang ako ang malamig ang pasko,hehehehe).

    Merry Christmas to you and happy New year na din!!!!!!=)

    alvin*-salamat mabet, lam mo marami namang paraan para mapasaya ang mga parent kahit sa simpleng paraan, mga magulang daw ang may mababaw na kasiyahan lalo na kung galing sa mga anak nila…

    dun naman sa lovelife- nagkabalikan na pala kame. hehehe…

    Merry Christmas…

  12. brotherutoy says:

    gusto kong patulan ng tanong mo about mira.
    ang mira ay myrrh (pronounced mher, hindi mihr), isang uri ng dagta na ginagamit sa maraming paraan: bilang pabango sa insenso, bilang gamot at bilang pampahid sa patay. dito sa france, tinutusukan namin ng myrrh ang paschal candle tuwing easter. maraming interpretation ang three gifts of the Magi. Ito daw ay simbolismo ng tatlong office ni Jesus bilang hari (gold), pari (frankincense) at propeta (myrrh) samantalang ang iba naman ay nagsasabing ang tatlong gifts ay symbolisms of prayer: gold as praise, frankincense as thanksgiving and myrrh as contrition or confession of sins. meron ding nagsasabi na ang myrrh ay isang pre-figurative symbol, isang hint ng naghihintay kay Hesus na passion at death sa krus.
    I hope that helped.
    God bless and merry Christmas!

    *alvin*-wow isang makabagong kaalaman yan ah! salamat po brother utoy, dahil sa sinabi nyo meron na naman akong natutunan. salamat… Happy New Year.

  13. walongbote says:

    aww.. swerte mo nga! balato naman jan.. hehehe.. ang sweet mo naman para itreat parents mo.. ganun naman talaga ang tama!🙂 MERRY CHRISTMAS!! enjoy the coming year..

    *alvin*-salamat walong bote, yaan mo bigay mo lang address mo or kahit contact number babalatuhan kita… hehehehe…

  14. carol says:

    Wow! thats nice alvin…u know even thou thers a crisis ,recession, christmas is still a christmas……….its a time o f sharing,forgiving ang loving…Dont be sad bt ure lovelife ure still young u have all the chances to find ure true love ok..just live lite, Merry christmas!

    *alvin*-thanks tita carol, nakakaasar pati pala puso sumasabay sa crisis. ganon talaga kapag malaki ang binibigay mo swerte mo na lang kung pantayan din nya. ang mahalaga ikaw ang nagbibigay kesa binibigyan…. Happy New Year…

  15. Jorge says:

    Wow! Astig ka bata ka… Galing naman nito, ngaun lang ako nakadalaw dito sa bahay mo at salamat din sa pagdalaw sa bahay ko..

    Naks at isa pang naks! Kakabilib! Sa simpleng bagay napasaya mo ang parents mo. Two thumbs up!

    At panalo ang mga sidejokes mo ah, nakakatambling sabay split! toinks!!

    Merry Christmas! Pasko parin di ba? Godbless!

    *alvin*-salamat po, lahat naman yata tayong mga anak gagawin ang lahat para sa magulang naten, akala kasi ng mga parents lagi naten sila binabalewala pero mali yun, maling mali.

    salamat din sa pagpansin sa mga side jokes ko…

    salamat po

  16. allie serwit says:

    whehehe,,actually di ko pa xa nabasa haha,.,.kaya pakibalewala na lang muna comment ko hehe,, pero nascan ko naman ng konti yung mga comments ahahah,,promise basahin k0 xa mamaya,., gabi na din kasi eh,.,pero gumagaling ka na talaga ah,, i-recommend nga kita sa friend ko na publisher,, hmm,., kahit sa likod lang ng obituaries ahahah! joke tol! love you! may gf ka na pala hmf! hehe

    *alvin*-halata ngang hindi pa nababasa… sige basa muna…

  17. allie serwit says:

    hmmm,,saya naman,, ganda ng article mo…

    nakakadalawa na ko ng nababasa,,plus humahaba ang oras ko dito sa internet cafe huh! bayad mo,,pashare naman ako 10k mo hahaha! sana din mapalitan ko na yung plantsa ni nanay ahahah! pinangarap ko din na madala sila dito sa manila at maisakay ng MRT hehe,, saka madalhan nila ng gatas ng kalabaw.. hmm,., ever since hindi ko magustuhan lasa nun.. takot kasi ko sa kalabaw eh hehehe…

    hahah! pede din sila sa zirkoh,,, hmmm kakalabanin ko laffline mo hehe..

    pwede mo ba gawan ng blog yung pagaaral natin nun? request lang hehehe

    pero grabe h! nainlove ka pala ajie! naks! sana kilala ko xa.. kala ko ako na yun,, di pa pla..hmpf! i hate u!

    *alvin*-wow arlene napinta ka lang ng manila allie na pangalan mo… hehehe…

    try mo dalin parent mo sa laffline mas ok dun malapit lang kasi ung audience sa performers, sa metro naman mejo malayo at medyo nakatingala ka. ewan ko na sa iba. anyway kahit san mo sila dalin basta alam mong magiging masaya sila bingo ka na non.

    ano naman gusto mong isulat ko about sa wesleyan, kaw talaga puro tawanan lang naman un e. whahaha yan tuloy di tayo pumasa. whahaha…. yaan mo sa susunod kasali ka na sa blog ko… hala andami ko ng napapangakuan.

    god bless ingat lage…

  18. flamindevil says:

    human nature na yata yun,hindi talaga tayo makuntento.

    p.s.

    ‘happiness is a state of mind’

    :p

    *alvin*-tama ka don mark… ingat palage…

  19. licabblog says:

    nakatutuwang makahanap ng mga kababayang gumuguhit ng pangalan sa larangan ng pagsusulat.

    sulat pa!

    *alvin*-salamat kababayan… gusto kitang makilala.

    “taga Licab ka? san yun?”
    -yan po ang tittle ng gawa nya.

    pano mo to natuklasan? salamat licablog?

  20. licabblog says:

    kakaunti lang ang lalabas sa search list ng google kapag nag search ka ng “licab” kaya hindi mahirap hanapin ang blog mo.🙂

    *alvin*-bakit tiningnan ko wala naman, anyway im alvin. daan ka lang lage, salamat!

  21. leya says:

    NakakaaLiw! Ngaun ko Lng tlaga naBasa mga akda mO… PaCnsya na at ngaun Lng ako ngkaRoOn ng tyM 2 do so…
    Tym paSses, and ur becoMing beTtEr in wat u dO. Ulirang anak, masunurin sa maguLang. PenGe ako ng taLoNg, sarap iTorta yan. AHiHi!

    *alvin*-wag po, wag po, wag mong itorta ang talong ko! hehehe…

  22. kristmas BREYK talaga..ang saya na malungkot ang pasko mo..magpapasko na ulit…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s