Litisin Natin Ang Panginoon

sa isang lilib na kagubatan ng timog cotabato, may isang bulag na leon na ubod ng bangis, pero wala syang kinalaman sa kwento ko ngayon.

noong bata pa tayo hindi pa natin alam kung saan patungo ang buhay, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin bukas, kung madadapa ba tayo na magdudulot ng napakaraming dugo o magmamarka lang ng maliit na gasgas, sa totoo lang hindi pa natin noon alam kung ano ba talaga ang silbi ng buhay.pero pagdaan ng panahon, dito natin natutuklasan ang mga bagay na humahantong sa pagkakagulo ng ating kanikaniyang isipan na pinagmumulan ng kung ano-anong tanong pero hindi alam kung sino ang makakapagbigay lunas dito…

halimbawa na lang:

naniniwala ka bang ang lahat ng tao ay pantay pantay? siguro magtataas ka ng kilay at iisipin mo kung ano ang dapat mong isagot, oo o hindi, pera o bayong, laban o bawi, 50,000 pesos deal or no deal?

mayroon akong kaibigan noong nagaaral pa ako, lagi nyang tinatanong sa akin kung naging patas daw ba Diyos sa lahat ng tao. sabihin na lang nating napapabilang ang aking kaibigan sa mga sawing palad sa mundo, pero maswerte pa din sya dahil nakapag-aral sya ng dahil sa kaunting pensyon na natatanggap ng lolo nyang dating sundalo. tuwing makakakita sya ng mayayaman, gwapo, maganda, matalino o kahit sinong napapagtuunan ng pansin lagi syang naiinggit, lagi syang nanlulumo, sana daw sya na lang ang nasa katayuan ng bawat isang nabanggit.

pero bakit nga ba may mga gwapo at magaganda samantalang may iba naman na ubod ng panget (eeewwww…), bakit ba may mayayaman na halos bilin na ang lahat ng kaligayahang materyal sa mundo samantalang may mga taong naghihirap na nga ng lubos pero ultimo pisong tinapay e hindi makabili, bakit ba may mga sobrang talino samantalang may mga tao namang nakagraduate na nga ng college e hindi pa din masagot ang 458,254 x 895,254.36 – 410,253,891,487. baket… baket… bakit nakakaroon ng mga ganon…

hindi ako natutuwa sa kaibigan ko, wala kasi syang kakuntentuhan sa buhay nyang inihahalintulad nya sa isang kumunoy. sa totoo lang dapat ba nyang maramdaman ang ganoon, kumpleto ang kanyang mga kamay kahit na ang daliri nya ay parang luya, mayroon syang ulo (malaki nga lang), at may mga mata sya para sumuri ng iba pang bagay. kung naaawa sya sa sarili nya papano pa ang ibang mas dukha pa sa kanya, yung mga taong halos ikadena na ng kahirapan sa buhay. papano pa ang mga pilay (na hindi marating ang walang hanggan), ang mga may ketong (na hindi makaharap sa sanlibutan), ang mga pipi (ummmm…) ang mga bingi (ano kamo?) at papaano pa ang mga bulag na walang panlaban sa mundo kundi ang paminsan-minsay mapanlinlang pa nilang pakiramdam.

lahat ng mga taong may kakulangan physical, sa kanilang lahat madaling lumambot ang puso ko lalong lalo na sa mga kapatid nating walang paninggin. kung iniisip ng iba na mayroon silang malalaking daliri maaari pa rin nilang sabihing mayroon silang mga kamay, kung ang iba naman ay naaasar dahil mayroong silang harang na tenga masasabi pa rin nilang nakakarinig sila, pero paano kung mayroon ka ngang mga mata ngunit hindi naman makakita, masasabi mo bang mga mata nga ang nasa iyong muka?

kung mapupunta ka sa baguio city, maraming bulag don na halos ikinadurog na ng puso kong bato, ang iba makikita mong nakaupo sa hagdan ng groto, ang iba ay sa tuktok pa ng matarik na hagdan ng Baguio Cathedral at ang iba naman ay nakatanghod lang sa isang sulok, luhaan ang mga matang nakatingin sa kawalan, katabi nila ang kalawanging latang tumutunog kapag may naghagis ng mamisong barya.

sa lahat ng bulag na nakita ko isa sa kanila ang kinaawaan ko ng lubos, siguro nakita mo na din sya, madalas nakatambay sya sa sidewalk sa harap ng metrobank dyan sa may shaw. kahit hindi sya nagsasalita, sa kanyang itsura pa lang ay damangdama ko na ang hinagpis na kanyang itinatago, ang pagdurusang kanyang kinikimkim at ang awa sa sariling kanyang pinagtatakpan. noong sabado muli akong napadaan sa lugar na yon, nakita ko syang nakaluhod, nakalatag ang mga maduduming kamay sa hangin at nakatingin sa langit na tila mo’y nananalangin, gusto ko syang tulungan, gusto ko syang ayain sa lilim o kaya’y bigyan ng tubig para kahit kaunti ay mapawi naman ang kanyang pagod na dala ng pagkakabilad sa matinding sikat ng araw. kung may magagawa lang ako para kahit isang araw lang ay maipakita ko sa kanya ang mga nakapaligid sa kanya, ang kulay ng langit, at ang samut-saring kulay ng mundo, kung may magagawa lang ako kahit ipagpalit ko ang mata ko sa kanya kahit isang araw lang gagawin ko kung yun ang makakapagpasaya sa kanya (pero isang araw lang huh, hiram lang, isosoli din dapat agad)

oo kahit ako, kahit sino naman siguro dumadating ang panahong na nasasabi natin sa Diyos na bakit ako ganito, sana mayaman na lang ako, sana gwapo na lang ako, sana may sasakyan din kami, sana, sana, sana… napakaraming sana, pero naisip mo ba na sa panahong yon e mas dapat tayong magpasalamat dahil normal tayong gumagalaw di gaya ng iba. ako, tuwing makakakita ako ng may kapansanan nawawala ang mga hiling at tanong ko sa Diyos napapalitan yon ng pasasalamat na dahil kahit ano pa ang dinadanas ko ngayon (kawawa ba?) may panahon pa din ako para magsaya at hindi kulang ang parte ng katawan ko di gaya ng iba. minsan pag nagkakataon at nakakakita ako ng bulalakaw mula sa langit hindi na ako humihiling, alam ko kasing mas marami pang taong mas nangangailangan ng hiling kumpara sa akin. hindi naman nangangahulugang kuntento na ako sa buhay ko, pero kung ang hihilingin ko lang naman ay gaya ng “sana po magkaroon ako ng kotse” “sana po magkaroon ako ng magandang bahay” “sana po matuloy kaming pumunta ng london” (wow anyabang) o kaya “sana po maging kamuka ko si dick israel” kung yun LANG naman mas mamabutihin kong ipagkaloob na lang yon sa ibang mas nangangailangan

sa kabilang banda naiisip ko din na patas ang Diyos sa akin, alam kong di ako gwapo tulad ni dick israel, di ako matalino tulad ni tom jones, hindi ako mayaman tulad ni juan flavier, hindi ako perfecto tulad ni perfecto yasay, pero naooff set yon ng masaya kong pamilya. madalas kong naiisip hindi ko naman pala kailangan ng mga una kong nabanggit kung ang kapalit naman pala nito ay ang pagkakawatak-watak ng pamilya ko o ng ugali ko ngayon bilang isang masayahing tao. masaya na ako kung ano man ako ngayon, kung may idadagdag man ang Diyos sakin siguro bonus na lang yon at ipagpapasalamat ko pa rin yon sa kanya. mahirap kasing maghintay ng biyaya lalo na kung hinihintay mo ang biyaya na lalapit sayo, tutal hindi naman ako nagmamadaling kamtin ang lahat, bata pa naman ako kaya ok lang ang mga nangyayari sa akin ngayon.

sa huli, hindi ko din naman alam kung tama bang litisin natin ang panginoon kung may kulang man sa atin ngayon, pero wala naman sigurong masama kung paminsan minsang nagtatanong tayo sa kanya.

pumapasok lang naman sa tao ang pagkaawa nya sa kanyang sarili at inggit kung hindi sya masaya sa kung ano man sya ngayon at kung palagi nyang binibilang ang mga pangit o kakulangan nya, pero kung bibilangin lang ng tao ang limpak limpak nyang biyaya siguro mawawalan na din sya ng panahon para lubusang makilala kung sino ba ang panginoong makatutulong sa kanya.

siguro para sa akin lahat ng bagay may dahilan ang panginoon kung bakit nya ipinagkakaloob sa tao, kung may kapansanan ka man mayroon sigurong dahilan, kung bakit lagi mong ipinapanalangin na gusto mo nang mamatay pero di ka naman matigutigok siguro may dahilan, o kung ano pa man yon siguro may dahilan at yon ang kailangan mong tuklasin at kapag nalaman mo na yon, siguradong iyon ang magbibigay ng kakaibang hiwaga at kahulugan ng iyong BUHAY….

“I want to be Good than Popular”
-PGMA sona07

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

14 Responses to Litisin Natin Ang Panginoon

  1. naisu says:

    am i the first one to give a comment here? toinks.

    w-o-w! superb naman yata ang lalim ng post mo ngayon. metaphysical kumbaga. hehe.

    may naalala tuloy ako sa post mo na ito.. si Epicurus. as far as i can remember, sya ung nagsabi na wag nating i-spoil kung anong meron tayo sa ngayon at i-desire masyado ung mga bagay na wala sa atin kasi dapat daw nating tandaan na kung ano yung meron tayo sa ngayon ay sya rin yung mga bagay na dati ay pinapangarap lang rin natin.. hehe. ironic ‘no?

    pero really, it’s normal to desire for something that we currently don’t have pero ‘wag namang sobra na akala mo wala nang bukas para sa kanya (i’m referring to ur friend). hehe.

    pero grabe naman yung isisi natin kay God yung mga misfortunes natin sa buhay. i really don’t believe on that. well, personally. ang pangit kasi and it doesn’t make sense. you may question Him ‘why?’ pero yung isisi sa kanya, i don’t think so. people naturally look for someone to blame kasi parati, that’s the very simple reason for that.

    Bonum diffusivum sui.. believe on this. Good diffuses itself.

    sige, i need to go. got to go back at work. hehe.

    *alvin*-thank you sa comment, bibigyan na kita ng sukicard… hehehe…

    siguro kailangan talagang magtanong tayo sa Diyos kung bakit my kakulangan tayo, siguro paraan nya din nya yon para makausap nya tayo. Hindi naman yata masama yun sa tingin ko…

    sa totoo lang, ang hirap sumagot… Father help me! hehehe…

  2. ArSEaN says:

    first time ko magcomment…=D

    Naks!!! super lalim but you make me realize what and why should i be thankful to HIM…hehe (Drama!)

    cguro nga alang ginawa ung mga tao kundi humiling ng humiling ng mga bagay na wala sila…and to think n meron n cla wala nmang kakuntentohan..(my kaklase ata akong ganuN??haha)

    pero on the other side nman cguro un n lng ung nagiging DRIVE ng ibang tao for them to be more motivated to pursue their lives inspite of their problems and fall downs…masisi b natin cla kung super hangad cla ng mga bagay super impossibleng mangyari o makamit??

    *alvin*-kilala ko kung sino ung gusto mong banggitin na walang kasiyahan, hehehe… kaw talaga… anyway salamat sa comment.

    ikaw maswerte ka, maswerte tayo. kaya MABUHAY tayo!!!

    =D

  3. Mabeth says:

    Hmm, kung minsan naman darating talaga un time na you will ask kung bakit nga ba di pantay pantay ang kalagayan sa buhay ng mga tao, lalo na kung sunod sunod ang mga di magagandang bagay na nagyayari sa buhay natin pero anyway sabi nga di naman ibibigay satin un kung di natin kaya..

    And dun naman sa pagkakaiba ng bawat tao whether its physical or sa status in life, i know may dahilan si God kung bakit ganon ang ginawa nya sa bawat isa satin..Kasi whatever our physical aspects or status in life pare-pareho lang tau sa mata Niya at pare-pareho lang din ang mangyayri satin in the end. Nasa sa ating na lang kung pano natin ihahandle ang buhay natin o kung pano natin tutuklasin at gagamitin un isang special na bagay na binigay sa atin ni God. Kasi i believe na lhat tau may natatanging bagay na binigay si God na wala sa iba,right??

    Ganda ng article na to, mabuting basahin ito ng mga tao na nawawalan ng pag asa or un inaakala na sila lang ang may problema o sila lang ang unfortunate..to finally realize un mga bagay na di nila napapansin pero nasa kanila pala,hehe…And finally not to lose hope…=)

    *alvin*-wow isa na palang inspirasyon ang gawa ko… sana nga totoo noh. hehehe…

    kailangan nga yatang pag iba ibahin ng Diyos ang estado ng buhay ng pato, hindi pweding magkakamuka sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… ang mahalaga masaya tayo at hinayaan nya tayong mabuhay sa piling niya…

  4. KUMAGCOW says:

    We all follow different paths in life… but we all know we will end up in the same place…

    Hi there! SMILE coz I’ve got all new articles on my website http://www.kumagcow.com Check it out! Thanks!
    🙂

    *alvin*-thanks to you Mr. i know we will end up in heaven… see you there… but not now… soon… hehehe…

  5. revsiopao says:

    First, let me congratulate you for another very reflective post Alvin.

    It is never wrong to ask WHY… even if it is addressed to God. In fact, lamentations, questioning, clarifying, etc. can be forms of prayer in themselves. It is because prayer is communication. One speaks or asks, the other listens or answers. In this case, God listens. And I am sure of that. The only thing is, we are unsure of His response. We can only surmise or speculate. Or better yet, pray for the grace to understand.

    Do we always get the answer? NO.
    Do we always understand? NO.
    And it is OK.

    When we don’t have the answers or we don’t comprehend the many seeming mysteries of our life journey, yet we remain at peace within and our faith more firm, that’s GRACE.

    Everything is indeed grace.
    Even not to understand is grace.
    Even to question the many realities of life is grace.
    For when we question… there is always the possibility of being answered in return. That is where FAITH and HOPE comes in.

    Lastly, God will always write straight even on crooked lines.

    Did I confuse you all the more?

    I did not plan to give an answer.
    I don’t think I will ever be.
    I have my own questions myself. {We can privately discuss that if you wish}.

    This is just to assure you that, despite all these, He loves you so dearly just the same.

    *alvin*-hindi ko alam kung kanino ko narinig pero masama daw kwetunin ang Diyos, hindi ako naniniwala don, gaya nga po ng sinabi nyo questioning God is a form of prayer, mainam din yun kasi nakakapag-communicate ka sa kanya.

    marami akong tanong sa kanya, bago ako matulog madalas naguusap kame, hindi man sya nagsasalita pero alam na alam ko nakikinig sya.

    wala naman talaga sigurong perpektong nilalang sa mundo, mayaman man o mahirap, Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao’y magkakapantay, mangyayaring ang isa’y hihigtan sa dunong, sa yaman, sa ganda… ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

    sa huli magpasalamat tayo sa simpleng paraan na binuhay nya tayo…

    Salamat po… (parang gusto ko din ng holy siopao)

  6. revsiopao says:

    P.S.
    You might want to read an old entry in my blog entitled: “Life is a Trip”. Here is the link: http://revsiopao.wordpress.com/2008/12/06/lifes-a-trip/

    That may not be related exactly to your post but just to share further some of my musings on life as a journey.

    God bless!

    *alvin*-sige po babasahin ko, alam ko kulang lang ako sa kaalaman kaya medyo mayroon akong mga tanong, salamat po sa paglilinaw… sana maging friend tayo para pag may tanong ako sa mga ganitong bagay hindi na ako mahihiyang lumapit sa iyo. Mabuhay ka sir!

  7. brotherutoy says:

    ganda netu ah. you’ve got a gift with honest words. use them well, alvin!

    Lahat tayo, may larawan ng Diyos sa isip natin. At sa nabasa ko, mukhang nakangiti ang mukha ng Diyos sa isip mo. Di mo po nga lang talaga nakikita.

    write more!

    God bless!

    *alvin*-sir pari po ba kayo, mukang madami akong matututunan sa inyo habang tumatagal… Salamat po.

  8. Jorge says:

    Wow! This is great! Ang galing ng analysis mo kapatid. Pinabilib mo ko. Keep on writing and inspire us with your wisdom.

    Ang msasabi ko lang, i agree with your thoughts. Isa na yata ako sa pinakareklamador na tao sa buong mundo pero hanggang reklamo lang nmn ako, never kong sinisi ang Panginoon sa mga kakulangan sa buhay ko dahil alam kong blessed ako in so many ways that i cannot even imagine.

    I believe na ang pagrealize ng blessings ay grasya ni Lord, kaya isa un sa mga pinapasalamat ko dahil marunong akong magcount ng blessings. Un nga lang, tao lang, minsan pumapalya…

    Naku, baka humaba lalo comment ko.. basta, isa na ako sa magiging regular visitor mo dito. Keep on posting meaningful reflections.

    Godbless!

    *alvin*-sana lahat ng tao marunong makaapreciate at marunong magpasalamat… lahat naman tayo blessed, kaso pano kaya yung mga pulubi? hai kawawa naman sila…

    santiago pala surname mo, baka ikaw nawawalakong tito… hehehe… ingatz sir…

  9. partofyou says:

    You have a very healthy mind.

    Dati, siguro when I was about your age, ganyan din ang tanong ko. Pero ngayon, I never dared question the highest power, but to surrender.

    Alam ko ang sagot sa mga katanungan mo, pero hindi ko sasabihin sa ýo dahil me kakayanan kang alamin para sa sarili mo, kakayanang magpapabangon sa pag-gising mo tuwing umaga, araw-araw, hanggang sa pagsapit ng “araw na iyon”.

    “The only way that I will ever be grateful to myself is not what I do to my body, but what I do to my mind”
    –from the movie ‘what the bleep do we know’, a documentary about the science of self realization and quantum physics.

    makikiraan po.

    *alvin*-pag kaya nakikipag usap ako sa Diyos, pag may di ako malutas na problema, tapos sa huli bigla akong may maiisip na solusyon, ako kaya ang nakaisip non o ang Diyos ang nagbigay ng sagot?

    basta lahat ng nangyayari sa atin galing sa Kanya kaya naman lahat pinasasalamatan ko.

    daan kaulit next time…

  10. coolwaterworks says:

    Your title intrigued me, and that is a trademark of a good writer.

    While reading, I was trying to formulate my comment here. But, I stopped myself from scribbling them when I read Revsiopao’s comment.🙂 I agree with him.

    You have piercing thoughts and what surprises me is that you are writing in fluid Tagalog… Although I used to write in Tagalog, it took me a while to shake off those rusts in some sections of my brain.

    Keep on musing and keep on writing!
    I am adding you to my blog roll…

    Coolwaterworks

    *alvin*-thanks man,you’re such a cool man hehehe… (wala lang gusto lang sabihinyun)

    base po kasi sa pagkakaalam ko, dapat title pa lang kapansin pansin na, kasi yun ang unang tinitingan ng mambabasa, parang regalo dapat balot pa lang kaakit akit na… (sana walang magcomment ng “wag tumingin sa panlabas na anyo, dahil ang tunay na kagandahan ay nasa lob wala sa labas”)

    sa totoo lang hanggang ngayon kinakabahan pa din ako sa title na yan, salamat kasi medyo natuwa kayo, may iba kasi nung mabasa pa lang ang pamagat nagtatanong agad ng “anti christ ka?” maling mali po kayo.

    sa pag gamit ko naman po ng tagalog sa pagsusulat, dito po alam ko hindi ako magkakamali, hindi ko naman sinabing bobo ako sa english pero baka mahirapang umintindi ang mga babasa sa matatapos ko. whahaha…. tagalog na lang wag na english!

    salamat po sa pagdaan masikip kong ezkenita….

  11. mangbadoy says:

    napaka loser naman nung friend mo..sorry a pero medyo rude… tayo ang gumagawa ng magiging bukas natin so kung parati na lang tayo maiingit hangang dun na lang tayo… on the other side tayo rin ang nag seset ng limitation ng kasiyahan natin kung panget or gwapo/maganda tayo depende yun satin pero kung masaya naman tayo much better…

    life is so short kung parati natin iisipin yung mga bagay na ito at mag iisip ng reason why God give us what we have right now mahirap atang masagot yun… pero ang alam ko walang taong perpekto lahat ng tao may kulang mayaman ka man or dukha wag lang amoy lupa… ang importante marunong tayong magpasalamat kung anong meron tayo, marunong ngumiti at maging maligaya sa araw-araw… :d

    *alvin*-ganon sana, salamat mang badoy sa pagdagdag ng komentong kanais-nais sa blog ko (ano ba tagalog ng blog?)

    just always BEE happy yun naman kasi ang importante sa lahat, basta masaya tayo sa ginagawa naten (dapat legal sa batas ng tao at batas ng Diyos) dun mo mararamdaman na hindi nagkulang ang Panginoon sa pagbibigay ng biyaya sa ating lahat.

    salamat mang badoy… yoko pala manood ng iwitnes mamaya, mahina ako sa mga ganon. Ingatz!

  12. walongbote says:

    we have to thank God for even in a small blessings🙂

    Join the campaign for senior bloggista pls click!–> http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 SEE YAH!!

    *alvin*-yup we have to thank Him even in bad times. God bless you!

    painom ka naman!

  13. Mike says:

    Nice job Alvin Gino Bautista. Ang husay ha . . . My tinatago ka palang talento sa pagsulat. (Mukang nainspired ka talaga kay Ma’am Gonzales). Kidding aside, ayos tong article mo. Keep it up. Keep on inspiring others thru your innovative and heartwarming thoughts. hehehe.🙂

    *alvin*-salamat mikel sa pagbasa, yaan susundin ko yang sinabi mo! ingatz CPA!

  14. ang lalim naman..minsan nagdadalawang isip din ako kapag nakakakita ako ng mga ganun lalo na ung pulubi sa pagbaba ng lrt sa may tayuman station, parang hawak xa ng sindikato

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s