Paalam Mahal Ko!

kung pwedi lang kitang pigilan na wag ka na lang umalis, kung pwedi ko lang labanan ang mga plano mo, kung may magagawa lang ako, sana nagpakabuti na lang ako noon pa, noong kapiling pa kita.

gusto kong malaman mo na naging masaya ako lalo na tuwing kasama kita, kahit na malayo, kahit na matraffic, kahit na kailangan ako sa trabaho, lahat yon hindi ko ininda, lahat yon hindi naging sagabal para hindi tayo magkita…

sorry huh, wala akong nagawa nung tayo pa, masakit din naman sakin yung mga nangyari pero alam kong yun ang tama, alam kong naiintindihan mo yun dahil kailangan akong magaral para maging CPA-katulad mo.

kailangan kitang iisang tabi dahil kahinaan ko ang balansihen ang mga oras, ang panget pakinggan noh, apat na taon akong tinuruang magbalanse ng mga papeles ng iba pero ang oras ko, ang panahon ko, ang papeles ng buhay ko, kahit isa man lang don hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang timbang…

oo iniwasan kita, nitong mga huli akala mo hindi kita binibigyan ng panahon, masakit yon para sayo pero dobleng sakit ang dulot non para sakin, hindi ko kasi kayang saktan ka sa kabila ng kabaiitan mo sa akin, pasensya ka na, intindihin mo na lang ang batang tulad ko, hindi na kasi biro ang lahat, hindi na kasi biro ang mga nakasugal sa laban ko na minsan sa iyong buhay ay naging laban mo na din na sya namang iyong pinagtagumpayan…

siguro naman naramdaman mo na minahal kita ng tunay ng higit pa sa akin, kanina nung tumawag ako sa opisina mo at ng sinabi ng kausap ko na nagresign ka na daw, nangilid ang mga luha ko pero hindi ko un hinayaang tumulo, diba ang gusto mo maging matapang ako, hindi magiging kabawasan sakin kung nangyari man yon… pero hindi ko rin kinaya… pasensya na…

ilang araw na lang at magkakahiwalay na tayong dalawa, malayo ang iyong pupuntahan, hindi basta milya lang ang magiging pagitan naten, bundok, ilog, dagat andami dami, parang ang hirap na non tawirin… pag alis mo wag mo akong kakalimutan, nandito ka lagi sa puso ko alam mo yan… ingatan mo ang sarili mo at hihintayin ko ang muling pagbabalik mo… PAALAM….


“baby hihintayin kita”

Alvin Gino Bautista

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in love. Bookmark the permalink.

25 Responses to Paalam Mahal Ko!

  1. naisu says:

    ouch naman! waaah! iiyak na rin ako. maswerte parin pala ako kasi yung adik kong mahal nasa samar lang. nung huling nagkausap kami ng personal, sabi ko sa kanya, ‘ngayon na ako magpapaalam kasi ayokong umiyak pag nakita kong sasakay ka na sa airplane..’ haay. tsktsk. things have always been complicated between individual growth and romance when someone decided to prioritize one over the other for the meantime.

    anyways, same lang halos ang case natin.. distance and time ang naging trigger points ng complication between us.. pero as what i’ve said to him.. i’ll stand by him and i’ll wait for him..in time.

    pero di ako kumporme dun sa iniiwasan mo sya.. don’t do that, please. it will just mess things up and lalo lang kayong magkakasakitan. try to support each other’s journey. don’t be such a loser. well, personally, that’s my opinion.

    haay, love.. poinks. you gotta be better in time. just stay happy ‘coz u deserve to..

    share ko lang tong line na ito (gustung-gusto ko kasi sana sabihin ‘to kay tristan kaso ayaw nya masyado ng ganito) : ‘i will still be thinking of you just the same way. i will still be feeling those butterflies in my stomach whenever you’re around. i will still look at you with such wonder of how someone so near to perfection came my way. i will still care for you just the same way. i will still pray for you every night before i sleep. but the only difference is.. you will never ever know..’

    aja! hugs.

    *alvin*-natutuwa ako naging daan tong blog ko para sa mga gusto mo din sabihin sa mahal mo.
    pasasaan ba mawawala din ang sakit, lahat naman ng sugat kahit gano kalalin dadating ang panahon maghihilom din.

  2. Jorge says:

    Naku, ang saklap naman.. Ramdam na ramdam ang sakit ah…

    Speechless mode ako..

    *alvin*-ramdam na ramdam ba? hehehe… hindi, kakayanin ko to.

    Salamat sa pagdaan!

  3. aRsEaN says:

    nothing to advise..hahaha

    napaka harsh nman ng nangyari sa’yo…

    go go aLvin…move forwarD…

    =D

    *alvin*-thanks arnie for encouragement!

  4. tara says:

    oh wow! heartbreaking…but sweet! as they say, life is short, don’t make it long. bwahahahaha!

    magaling ka siguro sa puzzle?kasi kakaumpisa pa lang ng araw ko nabuo mo na eh…hehehehe

    smile though your heart is breaking…

    *alvin*-umaga pa lang ba nabuo ko na araw mo? para saken ba yun, kasi late ako kanina di ba. pinagloloko moko. hai… Tnx sa comment.. ok yan natatawa ako kahet konte…

    paburger ka naman jan…

  5. yhen says:

    ganun talaga ang life… people come… people go… cge sana makapag hintay ka nga…😉

    “every new beginning comes from some other beginning’s end…” – Closing Time

    *alvin*-sige lang, gagamitin ko na lang to para mas maging malakas pa ang aking pwersa!

    Salamat po miz yhen constantino?

  6. revsiopao says:

    EMO-mode ka kapatid.
    Haaysss… speechless din ako…

    *alvin*-regaluhan nyo naman po ako ng blade… toinkz!

  7. brotherutoy says:

    sa lahat ng “lungkut-lungkutan” posts,
    ito ang hopeful: humihikbi ngayon
    pero may aasahang matamis na ngiti
    at syempre, pasalubong, pagdating ng panahon.
    may pahabol pang “baby, hihintayin kita!”
    at may matching picture pa talaga!ü

    God bless!

    *alvin*-whahaha… sobrang natawa ako sa comment na to! nakawala ng lungkot… yung picture, pacute lang yun.. whahahaha…

    mahirap palang magmahal ng mas matanda sayo, dahil sa madami ng syang kaalaman iiwan ka din… hai (pero hindi naman to matrona. 6 years ang pagitan namen… hehehehe…)

    I know It’ll all get better in time
    Even though I really love her
    I’m gonna smile cause I deserve to
    It’ll all get better in time…

  8. bash says:

    someday, all the pain will be worth it.

    *alvin*-salamat, but for now I have to wait for that “someday”…

    salamat sa pagdaan!

  9. coolwaterworks says:

    “Sometimes goodbyes are not forever…
    It doesn’t matter if you’re gone,
    I still believe in us together.
    I understand more than you think I can,
    You have to go out on your own
    So you can find your way back home…”

    LSS ko… Medyo sakto naman sa post mo…🙂

    Coolwaterworks

    *alvin*-LSS-Last Song Syndrome? Thanks sa kanta…

    Kantahan na nga lang next time… mukang mas ayos pa… ingatz!

  10. coolwaterworks says:

    Nakup… may wrong spelling pa… Hehe…

    *alvin*-akala ko naman ako ang may wrong spelling, ayos lang yon, naitama ko na, salamat sa pagdaan!!

  11. mangbadoy says:

    i can say na nakaka relate ako sa situation mo in the future at naramdaman ko na rin yan 2 years ago hahaha… ang bilis di ba 2 years na pala… pero kung mahal nyo ang bawat isa kaya nyo yan dalawa…kung gusto mo maraming paraan kung ayaw maraming dahilan..

    *alvin*-aba ayus yun ah! alam ko mahirap lalo na sa mga susunod na araw pero ganon talaga, wala naman akong magagawa kundi maghintay at maghintay…. hai!

  12. flamindevil says:

    ‘Never beg people to stay against their will. Sometimes, the gift of goodbye opens up another door. Move on…but don’t move away.’

    =c

    *alvin*-salamat mark kasi bumabalik ka ng basa sa mga gawa ko, alam mo natutuwa talaga ako, salamat ulit..

    alam mo, mahal na mahal ko pa rin sya… at ang sakit sakit na…
    hindi ko alam kung bakit naghihintay pa rin akong sabihin nya na sana ako pa rin, sana ako na lang, sana ako na lang ulit… pero tuwing maiisip ko kung gano ko sya minahal… bumabalik lahat ng sakit… ONE MORE CHANCE-star cinema… (di ko alam bakit naging emo na naman ako habang nanonood ako magisa sa bahay)

    salamat mark… ingatz lage!

  13. cheL says:

    pag may ngmahal saken ng tulad ng pagmamahal mo..susuklian ko ng bonggang bongga..wahahaha…
    nakakatuwa din naman isipin na may lalaking ganito? para kasing sa mga artista lang un.. toinks!
    move forward.. cheers ^_^

    *alvin*-baket muka naman akong artista ah… lols, salamat sa pagbasa…

  14. hmmmm…dami mo nang nareceive na advises. pereo wait lang…maganda talaga ang pagkasulat mo sa piece naito para bagang naglalakbay ako …feeling ko kasama ako sa kwento nagmamasid. Isa lang ang ibig sabihin nito may hagod ang kwento mo!
    …ang tunay na pagmamahalan at ang paghihiwalay ay hindi kawalan para sa mga taong tunay na nagmahal…para itong butil pa patuloy pa ring kikinang sa kaibuturan ng ating kamalayan…mawala man at lipasan ng taglagas ng panahon…ang alaala nito ay parating magniningning at magsisilbing aral ng isang kahapon….
    waaahhhh..naiiyak na ako…

    *alvin*-naiiyak ako, totoo ang sinabi mo, kapag nagmahal ka ng totoo kahit iniwan ka na ng mahal mo, patuloy pa din itong magniningning, at kukutitap na halos mabulag ka na sa liwanag ng pag-ibig. parang ang hirap pa ding tanggapin na nasaktan at naloko na ako pero patuloy pa din akong nag mamahal kahit nasasaktan na ko!

  15. azul says:

    hmmmmm…sana pag alis ko hintayin din ako ni siopauQ..

    kung gang ngayon naghihintay sa isang bagay ng walang kasiguruhan tulad ng payo ko dati kay monzki…

    patience is a virtue,but then again my dear also remember that time is gold…


    *alvin*-lagot ka may gusto ka pala kay siopao… bawal un…

  16. azul says:

    wala lang
    pampagulo lang din…emo kasi ee..hehe


    *alvin*-emotera

  17. jason says:

    base sa iyong entry ay subra-subra mong mahal si CPA girl. At ganun din sya sa mga panahong kayo pa…

    ngayong wala na kayo, sa tingin mo ba eh pwede pa ring maging kayo ayon sa mga pangyayari sa buhay mo ngayon?

    *alvin*-hindi na siguro

    (bakit may SIGURO pa) hai…

  18. jason says:

    nakalimutan ko pahabol….

    kapag magkita kayo -siguro isang taon o higit pa mula sa kasalukuyan,

    Haharapin mo ba sya o iiwasan?
    Anong sasabihin mo sa kanya?

    Move On o Let Go?

    *alvin*-eto ang sasabihin ko sa kanya…

    “ang hirap pa lang mabuhay kapag iniwan ka ng buhay mo, pero kinaya ko yon at kaya ko naman pala. iwan mo na ako dahil kung tatanggapin pa kita at iiwan mo ako muli malamang matuluyan na ako”

    yon ay KUNG babalikan pa nya ako… lolz…

  19. jason says:

    “anak ng foodchain”. -HAhah natawa ko nung nabasa ko tong banat na to

    ———————————————————

    clap clap…

    “iwan mo na ako, dahil kung tatanggapin pa kita at iiwan mo ako muli, malamang matuluyan na ako”

    may punto ka pareng alvin.
    siguro nga sobrang bagyo ang dinanas mo nung iniwan ka nya. saklap.. kung may part 2 nga naman eh baka kung ano pang manyari sa yo.
    “matuluyan” haha wag naman.

    *alvin*-wag syang magpapakita saken dahil hindi ko alam baka mayakap ko syang muli… ang hirap nasaktan ka na pero nagmamahal ka pa rin… aaawww…

  20. jellai says:

    minAhaL kO sIa…?

  21. jellai says:

    bakit ganun ang love magulo at masakit…minsan akong sumugal lahat tinaya ko..pero ala rin natalo ako…bakit ganun?isa lng nman ang gsto ko eh ang mahalin ako ng taong mahal ko..at ung makasama ko ang taong mahal ko…minsan akong naging msaya pero nd nagtagal nawala rin sia sa buhay ko..ano ba ang dapat kong gawin….masyadong gumulo ang buhay ko ng nawala sia…bakit ba ganito sana na22ruan na lng ang puso noh…kung sino pa anong mahal mo sia pa nawa2la sau..kung pwde lng 2ruan ang puso kong e2 ed sana minahal ko na lng ang taong nagma2hal sa akin..ay buhay

  22. dhyoy says:

    wala naman sa layo yan eh… mas masusubok jan ang pagmamahal mo sa kanya…

  23. h huhuhuhuhuhuhh…waaaahhhhh…yan tuloy di ki na napigilang ngumawa…sige na..nakarelate talaga ako sa yo…..waaahahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  24. Junice Lopez says:

    weEw anlungkot naman nitong post..

    tama si ate dhyoy,, wala naman sa layo yan.

    anyways kayo yan..aw!

  25. waah..mahal na mahal mo nga sya..ngayon ramdam ko na..

    ang tarush..cpa si lolo..pati si baby..kaya naman pala..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s