Dear God

Kumusta ka na ba? Salamat huh kasi lagi kang nandyan para damayan ako, para ipaliwanag sa akin ang lahat ng hindi ko naiintindihan, salamat, hindi mo ako iniwang mag-isa.

Thank you God kasi hinayaan mong magkakilala kaming dalawa, maaaring sa maling panahon, sa maling pagkakataon, pero walang dapat pagsisihan. Hindi lang basta kaibigan ang ipinagkaloob mo sa akin kung hindi isang matalino, maunawain, at higit sa lahat, mapagmahal na kaibigan. Alam mo God, tuwing magkasama kami noon, walang mga sayang na sandali, ang daldal kaya ng taong yon, hindi yata kumpleto ang araw kung hindi magsasalita ng ubod ng haba, pero in fairness hindi boring, at may sense di tulad ng iba.

Ang bait mo talaga sa akin, hinayaan mo akong muling magmahal at mahalin sa kabila ng lahat. Pero siguro napansin mo na parang hindi ko pinapahalagahan ang regalo mo kaya medyo inilayo mo sya sa piling ko. God ang sakit pala, pero salamat pa rin kasi tinuruan mo naman ako ngayong masaktan, tinuruaan mo akong magbigay ng importansya sa mga itinuturing ko dating simpleng bagay. Napatunayan kong hindi pala sya simple, napakahalaga pala nya para sa akin, pasensya ka na kung hindi ka pa gumawa ng paraan hindi pa ako matatauhan.

Ang hirap palang tumanggap ng pagkakamali, ang hirap din palang magparaya, pero mas mahirap palang magpakasaya kahit durog na durog ka na. lahat yon kinakaya ko at pilit kong kakayanin, para sa kanya at para sa sarili ko.

Pero God aaminin ko sayo, kahit sandaling panahon lang ang aming pinagsamahan dito sa Pilipinas, kahit minsan hindi ko naramdamang hindi ko sya mahal. Sorry nagsinungaling ako nung sabihin kong wala na akong nararamdaman pa para sa kanya, pero ang totoo, hindi yon totoo.

Siguro God panahon na para magsaya na ako, panahon na para tanggalin ko ang lungkot na nararamdaman ko, siguro naman napagsisihan ko na lahat ng kasalanan ko sa kanya, kung meron pa mang natitira siguro konti na lang. feeling ko kasi O.A na, sobra na kung ipagpapatuloy ko pa rin, hindi naman nya nakikita ang lahat, malamang hindi din naman nya nararamdaman. Hindi na rin naman nakakatulong, alam kong hindi rin naman sya magiging masaya kung makikita man nya akong ganito.

Natatakot ako God, kasi baka may makilala syang iba doon, na baka pagdating nya, hindi na nya ako kilala. Pero ok lang, alam ko namang sugal ang buhay at handa akong tumaya para sa kanya, kahit hindi ako sigurado sa aking pagkapanalo, handa pa rin akong sumugal, handa pa rin akong maghintay at handa pa rin akong magmahal.

Tama na God masyado na kasi akong api, pero wala akong sinisisi, wala syang kasalanan, lahat sa akin, lahat ako ang may kagagawan kaya natural lang na ako din ang magbayad. Salamat God huh, maraming maraming salamat sa lahat. Basta wag mo syang pababayaan, wag mo syang hahayaang makalimot sa iyo. Pasensya ka na madaldal talaga yan. Paki sabi na lang Mahal na Mahal ko sya.

Sa ibang aspeto, gusto kitang pasalamatan God sa mga simpleng dahilan gaya ng buhay na ipinagkaloob mo, sa isang bagong umaga, sa isang mainit na kape, sa tatlong beses na pagkain sa araw-araw, sa mga kaibigan at higit sa lahat, sa walang sawang pag-unawa at pagmamahal sa akin, kasama na roon ang mga bagay na nagbigay pait sa aking nakaraan.

Madalas naiisip ko na sa tuwing bibigyan mo ako ng pagsubok, pasong-paso ako, paltos-paltos ang kaluluwa ko dahil sa nagbabagang hero na idinadampi mo sa aking murang katawan. Patawarin mo ako Panginoon sa panahong naiisip kong hindi mo ako mahal sa panahong iniisip kong iniwan mo akong mag-isa, maaaring hindi ko naiintintihan pero sa huli malalaman ko pa ring paraan mo iyon para ako’y pandayin at hubugin ng may tamang talim na naaayon sa panahon.

Hindi ko alam God kung bakit ako takbo ng takbo, hindi ko alam kung bakit ako nagmamadali sa buhay. Siguro sandali na lang ang igugugol ko sa mundo at kailangan ko ng tuparin ang aking misyon dito sa lupa. Pero papaano ko iyon gagawin kung hindi ko man lang alam kung ano ba iyon. Panginoon kahit sana sa panaginip bigyan mo ako ng clue para naman kung matapos ko man iyon ng tama, mayroon akong ipagmamalaki sa iyo sa oras na tayo’y magkita.

God, ilayo nyo po ako sa dilang masama, alam nyong tukso ang aking kahinaan, tuwing mangyayari iyon, wag nyo sana akong bibitawan.

Salamat ng marami dahil pinagkalooban mo ako ng pamilyang masaya, hindi man sila mayayaman, hindi iyon batayan para sabihin kong sila ang inspirasyon ko, sila ang kayamanan ko at higit sa lahat, sila ang buhay ko. Salamat.

Sa aking paglakad, nawa’y hawakan mo ako sa aking mga kamay, alam kong madalas akong madadapa at mapapaluhod sa mga bubog ng buhay. Panginoon, bagamat ako’y masamang tao, pawiin nyo po ang mga nakatimo dito at ang mga sugat na dulot nito upang ako ay maging mabuting tao sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo….

AMEN.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

22 Responses to Dear God

  1. tara says:

    i remember the pic. nice write-up there. i can relate with the angst. hehe. i feel 21 again. my advice:don’t burden yourself with what could have beens and nots, blame it on the rain…yeah yeah.keep blogging…

    *alvin*- oh my TARAmisu, salamat sa advice, at sa palagiang pagbasa sa blog ko, at sa kakulitan ko, at sa lahat lahat na. tnx…

    sya po ang kumuha ng picture na yan, sa dati naming office habang nakatambay sa office of the president, kasi naglilipat kami non for our new office, well wala namang issue nung una hanggang makita lang namin na parang naka sandal ako sa cross…

    siguro sinasabi lang ni God na

    “ei alvin kung kailanggan mo ng sandalan, dito lang aketz!”

  2. flamindevil says:

    wow nakaka-touch naman ang post mo.’everything happens for a reason’ sabi nga.just look at the bigger picture.stay positive. :p

    *alvin*-thank you Mr. hot (kasi flaming ang name nya) salamat nahipo kita (na-touch) hehehe…

    salamat sa pagdaan, daan ka ulit next time huh.

  3. Jorge says:

    Talgang may picture bawat post? hehehe…

    Seriously, ganun talaga, lahat ng nangyayari sa atin ay may reasons at may lessons. Let’s just look at the brighter side 0f it, if He closes your door, He will definitely open a window for you.

    He has His reasons. Wait and see His plans for you.

    Godbless!

    *alvin*-wow eto na naman ang suki kong magpapari, (balitaan mo naman ako kung ano na ang nangyari at naging desisyon mo) siopao din kaya ang ititinda mo? hehehe…

    girls tabi kayo jan, magpapari yan, wag nyo munang guluhen, kasi baka mahirapan lalo… hehehe…

    Sir Jorge salamat sa palagiang pagbasa!

  4. boni station says:

    masakit pag may bagong kakilala at mahal ang taong mahal natin. mahirap at nakakapanghinang isipin na mas nagiging masaya na sya na wala ka.. patuloy syang liligaya at mabubuhay at sa bawat pagdaan ng araw sa bawat pagharap nya sa bagong buhay na pinili nya isa isang natatabunan ang mga alaalang minsan nyong pinagsamahan..

    pero ganun talaga. lahat ng pangyayari may dahilan at hindi man natin alam kung ano ‘yon sa kasalukuyan .. sigurado sa tamang panahon maiintindihan at mabibigyan ng sagot ang mga yon..

    ang ganda ng kwento kasi nandun yung pag tanggap ng kahinaan, pagtatanong at yung paghingi ng gabay… kumpleto ang entry na ‘to..

    astig!

    *alvin*- Sir B (B for Busy) tnx sa pagbasa huh, kahit nabasa mo na to at nagcomment ka na, inulit mo pa din, salamat…

    alam nyo ito yung sulat ko na lagi kong binabalik-balikan, natatandaan ko nga si Sir Bon lang ang nagtyatyaga sa mga gawa ko noon-salamat sir.

    ewan ko kung bakit hindi ako nagsasawang ulit-uliting basahin to, kasi kahit ako mismo ang gumawa nito, masarap pa din balik-balikan. sa totoo lang naging emosyonal talaga ako nung ginagawa ko to, at patuloy pa ding nagiging emosyunal tuwing binabasa ko… yun nga kasi yata ang masarap sa pagsusulat, ang sakit o ligaya daw kasi maaaring makalimutan pagdaan ng panahon, pero ang naisulat na, naisulat na, parang paglalarawan ng litrato ng nakaraan…

  5. yhen says:

    nice prayer…

    kapag may mga saloobin talaga ang isang tao, si God lang talaga ang pwedeng unang unang takbuhan.

    He will never leave us nor forsake us… He knows our desires and He reads our heart…

    lets trust Him alone in everything!

    *alvin*-correct ka jan miz yhen… kasi sya lang yung nakakatulong saten, at hindi basta kathang isip lang, kasi kahit hindi mo sya nakikita, nararamdaman mong may nakikiramay sayo!

    The Best ka talaga God! rOcK On!

  6. Jorge says:

    Hahaha!! May ganun?!

    I’m still open for possibilities kaya wag mong paalisin ang mga dumadating.. toinks!!

    Mag-iisip pa ako ng ititinda ko, gasgas na ang siopao eh, toinks!!

    Ayan, naging chat na tong comment section mo, hihihi

    *alvin*-yun naman pala e, so girlz lapet na, bukas pa din ang tindahan, hindi pa huli ang lahat…

    ‘te anong hanap? pili lang madaming kulay, may bawas pa… (palengke?)

  7. naisu says:

    hi. i’ve been a writer for so long a time but as far as i can remember, i only wrote a single article whose addressee was God. that was when i was in grade four, I think. unfortunately, I didn’t have the chance back then to keep that letter. it was also a letter full of angsts and pains. questions on why those circumstances occured in my life — at a young age. ayoko na ring balikan yung laman ng letter na yun kasi feeling ko ang kitid ng mind ko during those times. pero really, it’s true na when all things crash down on you, only God will remain faithful to you, undyingly caring for you and guiding you. alam mo, i don’t write na when ugly things happen. madalang na lang talaga. i just used to just shut myself in a private place na akin lang and then that’s the time I will talk to Him. refreshing sya. nakakatulog ako after and nagi-gain ko ulit ang self-confidence ko. hehe. that’s the secret.

    anyway, as regards to your lovelife, well darn, it hurts. haha. ang sakit talaga nung marerealize mo na happy na yung taong mahal na mahal mo sa bagong taong kasama nya. i will be a hypocrite if I’ll say na, ‘sige, pabayaan mo na sya tutal doon sya masaya..’ kasi ako mismo, nahihirapang tanggapin ang ganung sitwasyon. let’s just face the pain and that after, baka sakali, unti-unti tayong maging manhid at maiwasan nang masaktan kung makikita nating masaya narin yung taong mahal natin sa iba. malay mo, by that time, maging masaya ka na rin for her di ba? God has always the best plans for each of us. trust and wait.

    surrender all your pains to Him. wag mong ipunin. mas kaya ni God intindihin yun. or you can talk to your friends. have some outlets. tell them how it hurts but be responsible on all the things na sasabihin at iku-confess mo sa kanila.

    one thing’s for sure — be strong. it’s a cliche maybe, pero you can hold on to that thought.

    *alvin*-thankz naisu! ok naman na ako ngayon, sya din naman ang nagsasabing “wag mong isiping ikaw lang ang nasasaktan sa mga nangyari. wag mong sarilinin ang sakit dahil nasasaktan din ako”

    its time to move on-CLEAR! (aba my commercial pa!)

  8. revsiopao says:

    AMEN!
    {for now}

    i shall return {parang si macarthur lang}…

    *alvin*-ingatz (John Lloyd Cruz) Oha!

  9. revsiopao says:

    {nagbabalik}

    pacensiya na at patulog na ang kyut na dikon nung mapadpad dine kagabi.

    una sa lahat: saludo na naman ako sa entry na ito kapatid.

    ganyan nga… hindi dapat limitahan ang pamamaraan ng pananalangin… god, i’m sure is very happy… happy not because your story speaks of sadness but because you PRAYED. that’s all that matters now.

    hindi ako mag-ko-komento… magdadagdag… o magbabawas sa lahat ng iyong tinuran… walang mali… sabi nga ni tita barbara streisand: “there are no mistakes, just lessons to be learned.”

    dasal mo ‘yan.
    ayos ‘yan.
    gusto ng diyos ‘yan.

    ours prayers are god’s weakness.

    gusto ko ang larawan. parang ikaw lang habang sumasailalim sa anino ng diyos.

    “sa aking paglakad, nawa’y hawakan mo ako sa aking mga kamay, alam kong madalas akong madadapa at mapapaluhod sa mga bubog ng buhay…” — KASAMA mo akong nagdarasal…

    *alvin*-you’re the best Rev. salamat sa pagdarasal kasama ko, salamat din sa pagpansin sa picture. ingatz lage… happy graduation soon…

  10. mangbadoy says:

    isama mo si boni at basti sa mga grupo ng mag-papari…tatlo yang magbabarkada na gusto magpari dati nung nakatikim ng **** e ayaw na magpari…

    ayaw ko ng seryoso kasi ayaw kong magpaka emo sabi ng ni vice ganda choice mong maging happy kahit may namatay pa.. wala namang dapat ikalungkot sa buhay dapat lahat masaya..

    “Life is short. Enjoy the ride.
    You only pass this journey once so live it.
    Laugh at your mistakes but never be afraid to cry.”

    *alvin*-thanks MB, anyway tama din naman ung sinabi mo na always bee happy, pero ok din naman na paminsan minsan maging malungkot para may konting twist di ba, maiba lang…

    -personal na sagot sa question ni MB di alam ng iba-

    kasi po kaya mahaba ang mga sulat ko kasi kung mapapansin mo sa isang post dalawang topic na sila, pinagkakabet ko lang para isang post na lang di ba. basta support me na lang muna, pag medyo magaling na ako, matututo na din ako sa short story…

    salamat MB! salamat sa pagpansin

  11. walongbote says:

    maririnig ka nya, 3 sure.. sabi nga nila, mas maganda yung nakasulat kesa sinsabi lang.. kasi mas may damdamin..🙂

    *alvin*-basta Bee responsible lang sa pagsusulat naten kasi kahit ayaw mo na naten, babalikan tayo ng mga sinabi naten…

    salamat, salamat talaga!

  12. payatot says:

    ganyan dapat, maging mapagpaslamat sa kanya sa lahat ng ibinibigay nya..

    *alvin*-wala naman kasi akong maibibigay na kapalit ng mga biyaya nya sa akon kundi walang hanggang pasasalamat..

    salamay chuby

  13. abou says:

    pwede ko ba mahiram ang panalangin mo para naman sa buhay ko?

    babalik balik ako rito

    *alvin*-OO naman, maari, basta wag kakalimutan ang paglalagay ng footnote (kung kukunin ang ilang talata sa sariling panulat) at gamitin sa tamang pamamaraan at sa ikauunlad Nya!

    salamat alou, aantayin ko ang muli mong pagdalaw!

  14. p0kw4ng says:

    hmm bakit ramdam na ramdam ko bawat salita? hihihi

    sabi nga nila db everything happens for a reason..god’s will…………

    kahit na ano pa ang mangyari kung talagang kayo para sa isa’t isa kayo pa din sa bandang huli..wag ka lang bibitaw sa totoo mong nararamdaman…bow!

    salamat sa pagdaan mo sa bahay ko…at bakit hindi kita maadd sa list ko? hmm bakit kaya?

    *alvin*-salamat pokwang, dadating ang panahon makakalimutan ko din ang lahat.

    di ko alam kung bakit di mo ako maadd, pero dun pa lang sa gusto moko iadd, salamat na. ingat lage!

  15. brotherutoy says:

    alvin, wag kang tatalon sa bintana! masama yan!

    hehe… sensya na’t bihira lang makapagbloghop si Utoy. busy eh. ganda ng prayer mo ah. tingin ko eh kapag nabasa ito ni “special someone na nasa malayo” eh kikiligin yun at syempre, kayo na ulit pagbalik nya.ü

    i always believe in prayer and the good things that it brings. alam kong sinagot na ni Lord ang dasal mo. Syempre, kasi he only wishes for your happiness.

    GOd bless!

    *alvin*-alam ko bro busy ka at naintindihan naman ng lahat yon, kahit pala hindi tayo magkakakilala dito nagkakamissan pa din, lalo na nung nakapagpost na ulit ako ng new blog pero ung nakaraang post ko di ka pa nagcocomment.

    ingatz lage!

  16. deater05 says:

    aus! at last nbasa ko n dn hehe! nice one pero d q maarok ung iba mcyado malalim! nice prayer! kip it up! just continue touching our lives…..

    *alvin*-salamat nahipo kita (natouch kita)

  17. this is a very touching prayer-post. talagang galing sa puso. indeed, there are certain things we could not decipher in our life but it may just be God’s way of telling us that God have bigger plans for us than we have for ourselves. so, we must always learn to have faith, believing that God knows what is best for us.

    *alvin*-fr san ba kayo naka distono now… salamat po sa pagbasa…

  18. Reynaldyq says:

    I have read your written works. I know, it comes from your heart- the soft spot where sometimes the imaginary cannot be detached from the real.I’m so happy that at the idealism of your youth, is flaming within, trying to reach out the innermost faintest soul, who can relate with your longings, your love, your laughter and your tears. Now i know, behind the small town of Licab, there is one great soul who is trying to define himself – a cut above the rest. May your tribe increase a thousand fold. Kudos. Salam Alaikum. Dr. Rey Quilon, Bahrain Defense Force, KIngdom of Bahrain.

    *alvin*-thank you po! i dont know what to say , not because i did not understand. hope to see you in Licab soon.

  19. azul says:

    ayan eto na..hehe kahit late..

    ang ganda ng prayer mo..full of emotions..

    emo nga talaga..hehe


    *alvin*-mabuhay ang mga emo…. toinkz

  20. sandi says:

    tama si azul at silang lahat… napakagandang panalangin dahil galing ito sa iyong puso🙂

    Sana’y dininig na Diyos ang panalangin mo sa Kanya..

    salamat sa pagdalaw sa aking bahay..

    God bless you!

    *alvin*-salamat din po!

  21. jason says:

    nakana……. alagang kinausap ng masinsinan si god… pero aminin ko, gabi gabi bago ko matulog puspusan kong kinakausap si God para magshare ng mga nangyare sakin, magpasalamat, mag sorry at humiling ng kung ano ano….

  22. makabagbag damdamin..malalim ang pagkakasulat parang nararamdaman ko ang talim na humiwa sa iyong puso..masakit pero kailangang pagdaanan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s