Ibuka Mo!

Ang Pilipinas daw ay maihahalintulad sa isang pulubi na nakaupo sa bundok ng ginto. Totoo, mayaman ang bansa naten kung pag-uusapan ang mga likas na yaman nito. Alam na alam na natin yan dahil ang mga tanawin dito ay lubhang katangi-tangi kumpara sa iba. Sabi nga, ng nagsabog daw ng kagandahan ang Diyos, nasapo lahat ng Pilipinas. Syempre hindi don nagtatapos ang lahat, kailangan pa din ng paglinang at pagmamalaki upang lubusang mapakinabangan.

Bilang isang simpleng trabahador sa isang sangay ng Gobyerno, kung saan pinamamahalaan ang mga likas na yaman ng ating bansa, na pinagtutuunan ang pagpapaunlad ng mga minahan dito sa Pilipinas.
(in short, I am working at DENR-Mining Sector… hehehe… ang hirap pala ng tagalong non) hayaan nyong bigyan ko kayo ng konting-konting kaalaman.

Ang ating bansa ay isa sa mga bansang mayroong mayamang deposito ng Ginto sa buong mundo. Isang foreigner na manunulat nga daw ang nagsabi na, ibuka mo lang ng kaunti ang lupa dito sa Pilipinas, makakakita ka na ng mga ginto na sinlalaki ng itlog ng manok.
Madaming taon bago mabuo ang gaga-alikabok na piraso nito na nanggagaling sa mainit na singaw mula sa ilalim ng lupa. Kumakapit lamang ito sa matitigas na tipak ng bato at mahirap makita ng ating hubo’t hubad na mata (naked eye)

Isa ang kabundukan ng Compostela Valley sa pinaniniwalaang nagtataglay ng mataas na kalidad ng mga ginto. Dito matatagpuan ang pinagkukunan namin ng aming produkto. Syempre kinakailangan ng masusing pag-aaral para kuhanin ang mga ito ng hindi gaanong nasisira ang kalikasan at ang mga tribong naninirahan dito at ang kanilang mga karapatan. Akala ko nga wala na ang mga Datu at Rajah sa Pilipinas pero napangalagaan pala sila kaya naman hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanilang sibika at kultura.

Sa palibot ng kabundukan ng nasabing probinsya, bagamat ginto ang kanilang pangunahing ikinabubuhay, nakakalungkot na amoy na amoy pa rin ang kahirapang bumabalot sa kanila. Sabi nga ng kakilala kong Mining Engr., pinangangambahan daw na baka bigla na lang gumuho ang mga bundok na ito pagdating ng panahon. Marami kasing mga small scale miners dito kung saan ang bawat bahay nila ay mayroong butas sa silong, mga sariling gawang tunnel kung saan nila kinukuha ang mga ginto. Dahil ang mga minerong ito ay walang sapat na kaalaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagmimina, at gaya nga ng una kong sinabi na ang bawat bahay nila ay may mga hukay, maari daw humina ang pundasyon ng lupa na syang pagsisimulan ng malawakang pag-guho. Masakit mang isipin, nitong nakaraang Disyembre, ilang araw bago magpasko, nangyari na nga ang aming kinatatakutan.

Ooopppsss… tapos na ang kwento, parang col-zener agent lang (ganyan sila magpronounce ng call center agent), ngayon bebentahan na kita. Marami kaming mga properties na ino-auction. Simple lang ang kwalipikasyon para makabili ka ng lupain sa amin. Una dapat mayroon kang milyong milyong puhunan para magsimula, kasi hindi naman basta martilyo at maso lang ang gagamitin mo sa pagbasag ng mga bato, malalaking machines at madaming pampasabog ang kailangan para ito ay madurog. Dapat meron ding feasibility studies at sapat na kaalaman sa papasukin mong negosyo. At huling huli, dadaan ka sa bidding kung saan kasama mo ang iba pang mga kumpanya na gusto ding bumili. (tama na baka may maguluhan ulit sa kung ano ang pagkakaiba ng bidding at auction). Ano ‘te pili na, madaming kulay, may bawas pa.

Malaki ang inaasahang kita ng Gobyerno na magmumula sa Mining, sana lang magtagumpay na tayo.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

26 Responses to Ibuka Mo!

  1. Byron says:

    Very cool post. Totoo namang mayaman sa kalikasan ang Pilipinas. Tayu-tayo lang naman din ang sumisira nito.

    *alvin*-byron ikanagagalak ko ang pagdaan mo dito. ang kalikasan dapat nililinang, pinagyayabong, iginagalang at hindi pinagsasamantalahan…

  2. flamindevil says:

    ‘Ang ating bansa ay isa sa mga bansang mayroong mayamang deposito ng Ginto sa buong mundo. Isang foreigner na manunulat nga daw ang nagsabi na, ibuka mo lang ng kaunti ang lupa dito sa Pilipinas, makakakita ka na ng mga ginto na sinlalaki ng itlog ng manok.’

    totoo ba ito?sayang naman.hindi kasi nagagamit sa tamang paraan.very sad. :c

    *alvin*-totoo din ito, wala pa nga yatang isang dekada ang nakakaraan ng may isang trabahador na nag-gegreder ng lupa sa gawing timog ng ating bansa ang nakakuha ng MGA alahas na gawa sa ginto, sa katotohanan umabot ng mahigit kalahating sako ang kanyang nakuha…

    ilan sa mga ito ay makikita ngayon sa isang museyo sa Makati, ang ilan naman ay nasa kamay ng mga kolektor.

  3. Jorge says:

    Wow, sa mining industry ka pala kapatid! At ang pinas ba talga ang isa sa mga mayayamang may deposito ng ginto? Wow at isa pang wow! Ang coolness naman nun! Sayang nga lang, nde natin alam kung pano gagamitin ng maayos..

    Teka, bakit wala ka sa picture? hihihi..

    Akala ko naman kung ano ung ibubuka sa title ng entry mo… toinks!

    *alvin*-ayon sa pagkaka-alam ko pangatlo ang Pilipinas sa listahan ng may mayamang deposito ng mga mineral sa BUONG MUNDO, ngunit dahil hindi naman tanggap na lubusan ang pagmimina dito sa aten nalagay tayo sa pang labing-pito na producer ng mga ito.

    gayon pa man masaya na din ako para doon!

    next questions please… (salamat bro!)

  4. Heleyna says:

    Langyang taytol yan..tungkol pala talaga sa ginto!

    Pardon my ignorance pero..ang mga minahan po ba either large pa yan o small scale…hindi po ba nakakasira ng kalikasan. Pasensya na po wala ko masyadong alam sa ganito. Curious lang..balak ko kasi bumili ng lupain eh ayoko namang makasira kay mother earth..naks! col zener agent hahaha.

    *alvin*-tama ka dyan heleyna, ang mga minahan ay nahahati sa tatlo, small, medium, at large…

    nakakasira? oo, pero maaaring hindi kung tama ang pamamaraang gagamitin mo.

    salamat sa pagdaan mo, gusto kong malaman mo na lubha akong natuwa at hindi ko yun inaasahan (O.A)

    ano ‘te, pili na, may sizes pa!

  5. kulot says:

    ibuka mo lang ba may ginto na, taena! e di sana mayaman na ako, kasi nung binata ako, nag aararo ako ng lupa, wala man lang ni isang ginto ang kumislap

    *alvin*-sa prisinto ka magpaliwanag…

    next question please!

  6. payatot says:

    paano kaya tayo mag mimina ng di natin nasisira ang kalikasa, ano? ang hirap ata noon di ba?

    *alvin*-maari pa din ang sagot sa tanong mo, pinamamahalaan pa din yan ng DENR sa pangunguna ng EMB-Environment Management Bureau. Mayroon silang mga polesiya at mga pamantayan kung paano ang tinatawag na Reponsible Mining.

    isa pa may mga lugar kung saan pwedi kang magmina at mayroon din namang lugar nakahit purong ginto na ang laman hindi pa din pinapayagan ng batas.

    -no one is above the law

  7. bonistation says:

    maraming ginto yang si alvin! mamigay ka naman dyan! hehe

    naalala ko tuloy ang sibika at kultura na subject nung elementary at dun din naka higlight ang mga likas na yaman ng bansa NATIN. naks! naging proud ako tuloy bigla haha. maganda naman talaga ang pilipinas! pilipinas kong mahal andyan nako uuwi nako ilang araw nalang wahaha. (heksayted!)

    kamahal naman pala ng tinda mo livingstain milyon washooo! dipa kaya yan ng isang tulad ko na tagapala lang ng buhangin dito sa disyerto hayss nakakmiss ang mga puno wala dito nyan!

    **trivia. (mas marami pading ginto dito sa saudi) wahaha! sapaw ako! agaw eksena. ^^

    *alvin*-naku sir dadating ka na nga pala, may countdown ba ulit yan? hehehe

    para po sa trivia, huwag po munang paniwalaan, sabi ng wikipedia, habang naitatala sa pang labing pito ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang napoproduce ng ginto, nasa pang tatluput-lima naman ang Saudi Arabia sa listahan na ito.

    salamat sir sa pagdaan…

  8. bonistation says:

    PS. totoo ba na pag may nakuhang malaking ginto ang mga tao aangkinin ng gobyerno?

    ayus ng title na intriga ako wah! ibuka mo! haysows! kala ko naman kung anong bukahan nato lumaki ung tenga ko! nag tengang kuneho! nun pala eh usapang AU(gold). hihihi

    *alvin*-ang sagot ay OO…. eto ang sabi ng batas

    Republic Act No. 7942 (also known as Philippine Mining act of 1995)

    Section 2. Declaration of Policy. – All mineral resources in public and private lands within the territory and exclusive economic zone of the Republic of the Philippines are owned by the State…

    pag talaga bukahan kung ano ano na naiisip, hai ilang buwan na din pala ng huli akong nagpabuka…. whahahaha…

  9. Jhaynee says:

    magandang post. very informative… ikaw na lang ang magbuka ng lupa tapos ambunan mo na lang kaming mga bloggers ng yaman mo… wehehehe…

    *alvin*-salamat, salamat at sinabi mong informative ang post ko….

    sige if meron aambunan ko kayo ng gold ore, for sure sobrang sakit non, mas malalaki pa sa hail ng USA. hehehe…

    salamat jhaynee sa pagdaan…

  10. anakngpating says:

    ang galing ang galing…
    ang gandang entry nito..
    kalikasan at sa mga kayamanan natin dito sa bansa na hindi nmn tlga dapat pinapabayaan dapat tlgang ipag malaki..
    ambunan mo na rin ako hek3..:)

    *alvin*-thank you pating. hindi naman ako magaling, nataoon lang… (namumula)

    daan ka ulit minsan…

  11. partofyou says:

    masyadong risky ang minahan ng ginto, bukod nga dyan sa maaaring magkaroon ng landslide, pwede rin magkaroon ng mercury poisoning, kaya kailangan ng masusing pag-aaral bago simulan ang large scale mining. kelangan lang sana, pag nag-hukay at natapos, tambakan ang area at taniman ng puno, kasi literally na papatayin mo yung lugar, kaya kailangan merong rehabilitation program.

    *alvin*-risky ang mining tama po yon, sa pangunguna po ng aming kumpanya hindi namin hinahayaan na may mga minahan na lalabag sa tamang proseso ng pagmimina, mula simula hanggang sa pagtatapos ng kanilang proyekto.

    ang mercury na syang kemikal na lumulusaw sa ginto ay maaring pagmulan ng mga disorder sa katawan at maging dahilan ng pagkamatay ng tao KUNG gagamitin ng mali at KUNG walang sapat ng proteksyon sa katawan, kaya naman ipinaguutos ng DENR-MGB- Mines ang Geosciences Bureau na ang mga kukuning minero ay may sapat na kaalaman bago magtrabaho…

    salamat Partofyou!

  12. naisu says:

    haha. akala ko kung anong meron sa title. effective. catchy. poinks.

    honestly, i don’t want to argue regarding this matter. hehe. masyadong mahaba at intricate ang issue ng mining sa Pilipinas. the industry is very monopolized and commercialized. basta ang masasabi ko lang, i agree that Philippines has rich natural resources. ang sakin lang , bilang mga responsableng mamamayan ng ating bansa, wag na sana nating pagdiskitahan ang mga natural na yaman na maaaring maubos at maging sanhi ng mas malalang mga pangyayari na babalik din naman sa atin. actually, mining is ok. it’s just that, i hope mining companies must regulate and restore the land that is being mined. wag naman sanang isipin lang natin yung pwede nating makuha at ikayaman in the MEANTIME lang. think today and at the same time, think for tomorrow.

    bow.

    *alvin*-una salamat sa pagpansin sa pamagat…

    sa sinabi mo na ang mining ay monopolized and commercialized? no comment for that, pero hindi naman yata.

    sa rehabilitation naman, sa palagay ko sumusunod naman ang mga mining company with regards to that matter, at dapat lang na may Engr sila na namamahala don.

    alam mo ba na bagamat mabagal ay tuloy tuloy ang padami ng ginto at iba pang mineral sa lupa, kung hindi tayo magmimina ngayon, dadami ng dadami ng dadami ang mga ito hanggang sa madaig na nila ang lupa at maging purong ginto na ang Pilipinas. Kapag nangyari yon, mawawalan na ng taniman ang mga magsasaka at mawawalan na tayo ng makakain na pagmumulan ng malawakang pagkagutom… gusto mo bang mangyari yon?
    (syempre pakana ko lang yan at hindi yan totoo… hehehe…)

    sikat nga ang minahan namen kasi pinagshootingan sya ng isang HOLLYWOOD MOVIE nung nakaraang taon…

  13. bonistation says:

    pwede mo ng gawing libro ito kasama ang mga comment at ipresent sa big boss ng kumpanya! hayss!

    ang galing galing!

    *alvin*-si Sec. Lito Atienza ang Big boss namen, di ko pa sya nakikita, malayo kasi office namen sa DENR.

    siguro kung gagawin ko tong libro meron ng tatlong pahina. hehehe… konti na lang….

  14. naisu says:

    di ko naman sinabing mali ang pagmimina. ang sabi ko, i hope, that will be regulated (more). alam ko naman na cycle ang lahat nang pangyayari sa kapaligiran natin. on rehabilitation, yes, IT IS A MUST. alam mo yan, you are part of the government agency na nangangasiwa sa pagmimina. pero ponder on the irony of it. if the mining industry is regulated and has a corresponding rehabilitation purposefully designed to prevent further disasters as being claimed by the people who praise mining in all aspects, eh di sana wala nang tragic events na nangyayari sa bansa ngayon na ang primary cause ay ang pagmimina. I read a ceratin article/news clippings from the UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs ata yun and it says na most of the recent floodings in the Philippines (especially in the Mindanao peninsula) were caused by unrestricted mining.

    yun lang naman. hehe.

    *alvin*-cool… tumataas ang dugo mo… palamig ka muna…

    anyway, di ba nga sabi ko sa Mindanao madaming small scale miners na hindi sapat ang kaalaman sa pagmimina… kaya naman madalas mangyari ung sinasabi mong sakuna doon. hindi ko sigurado pero ang alam ko kahit pakunti-konte e tinuturuan na sila ngayon.

    kumpara noon hindi naman na ganon ang pinsalang naidudulot ng mining sa bansa, karamihan kasi sa mga minahan na walang sapat na papeles at nagooperate ng hindi tama e kinumpiska na ng Gobyerno at yun ang tinatawag naming Mining Tenements.

    if you can remember what happend in Boac River in Mariduque, The Marcoffer chuvanes, mula nung maganap yun bumagsak ang mining industry pero sa ngayon na muli itong bumabangon, at habang hindi pa naman perpekto ang lahat, hayaan muna natin itong tumayo at makitang maunlad.

    Salamat Naisu…

  15. abrel says:

    pwede bang mag seminar ng pagtatagalog sa’yo?

    *alvin*-hehehe salamat abrel, nakatuwa naman pero kuya sa kabila po ang pila ng magseseminar, tsaka bukas pa po yun, balik na lang kayo.

    dito kasi ako may konting galing sa tagalog, kung english kasi baka wala ng bumasa ng blog ko.

    kuya intayin kita bukas huh!

  16. Dollie says:

    tanung lang, pag may mga minero na di marunong magmina, sino may kasalanan? i mean, sino dapat sisihin pag may mga di magagandang naging epekto ung pagmimina nilang ginawa? kz db, alam na ngang may posibilidad na gumuho ung lupa at makasira taz tuloy padin.! fakerj.!

    *alvin*-ok yun ah! pwedi mo silang sisihin pero hindi sila pweding husgahan. kadalasang nangyayari ang mga sakuna tuwing mayroong kalamidad o force majure-is an act of God which cannot be foreseen or though forseen were inevitable. (hindi ko alam kung tama ang definition ko pero tandang tanda ko yan-thanks sa best Prof ko nung college sa Law)

    sa kabuuan, walang gustong masisi, at para makaiwas sa mga pananagutan ay ipinapasa ito sa kalamidad, pero para sa akin dapat managot ang mga nagmimina ng HINDI tama!

    salamat sa pagdaan mo dollie!

  17. yhen says:

    naks naman, something to do with the environment ah…

    nwei, mabuhay ang mga minero, ingat lang sa pagmimina dahil minsan ang kalikasan kapag wala nang maibibigay na yaman gumaganti nang walang patumali.

    happy weekend!
    😉

    *alvin*-MABUHAY! mapagbigay ang kalikasan, mapagparaya, wag lang nating abusuhin!

    salamat ulit miz yhen constantino!

  18. stormy says:

    una po sa lahat..
    ang sarap po ng header nyo:)

    pakiramdaman ko nman ay magtatagumpay
    na tayo… wla lang sanang kukurakot nung kita^^

    *alvin*-lika kain tayo ng header ko…

    salamat sa paniniwalang magtatagumpay tayo, yan ang spirit…

    salamat sa pagdaan mo! daan ka ulit next time!

  19. mayaman at maganda ang pilipinas sa likas na yaman.

    kaya naman nakakalungkot na pilit na pinagkakakitaan ng mga taong mapagsamantala.

    sana, sana, bilang mga empleyado ng gobyerno, ay magsilibi nawa kayong mabuting tagapagkalinga ng likas na yaman ng bansa.

    *alvin*-salamat, hayaan mo, makakaasa ka!

  20. mangbadoy says:

    bidding at auction >>> hindi ako ang naguluhan! hahaha defensive…

    kaya dapat mag tanim tayo ng puno sabi nga sa nabasa ko “the best time to plant a tree is 25 years ago and the second best time is TODAY!”

    magtanim kayo ng puno para maging ULING alam nyo namang may kamahalan na ang krudo at LPG ngayon at uso ang ULING… hahaha!😛

    *alvin*-salamat MB, kala ko di ka na babalik dito e. talagang naisingit pa ung nabasa nya ah… hehehe… nung 2007 nagtanim na ako ng mga puno ng manga sa likod namen, hintay ko na lang lumaki pa yun ng kaunti, tapos pag namunga na gagawin kong uling, este ibabyahe ko sa Divisoria para don ibenta.. whahahaha… kaso dalawang taon pa bago yun mamunga.

  21. brotherutoy says:

    uhhhmmm… sige na nga, bibili na.
    magkano ba ang kilo nyan?
    hehe..

    tama ka, mayaman ang bansa natin. pero kung hindi talaga tayo tunay na concern sa kalikasan, sayang lang ang yaman na ito, mawawala rin.

    GOD bless!

    *alvin*-mura lang to kuya, pasok ka sa loob may mga sizes pa!

    salamat bro utoy. ikaw ang pang isang daang nagcomment sa lahat ng blog ko (hindi kasama ung mga binura ko dahil mukang walang connection sa binasa ang mga comments, pacute lang!)

    lahat ng bagay pag ginamit sa tamang paraan nagdudulot ng magandang resulta!

    Tnx bro!

  22. coolwaterworks says:

    I am reminded of the concept of sustenable development as applied to the preservation of the environment…

    While we may have sizable volumes of mineral deposits to mine, mining per se mostly creates irrevocable damages. I have been to the Atlas mines in Toledo City last year, and I thought I was passing through the Grand Canyon na nag “time space warp – ngayon din!” dito sa Pinas… There were considerable efforts to reforestation in the area but the damage has been done…

    I think the debates in this issue realy could reach ad infinitum… Hehehe…

    Another great post…🙂

    Coolwaterworks

    *alvin*-salamat po sa pagdaan, open pit mining po ang tawag sa pagmimina ng ganoong paraan. hayaan nyo po maayos din naten yan…
    ingatz…

  23. revsiopao says:

    Our beloved mother land is rich in natural resources.
    No doubt. That’s a fact.

    Kaya lang, ‘pag pumasok na sa usapan ang pagka-gahaman ng ilang sektor, ‘dun na nagsisumula ang problema. Isa pa, habang patuloy ang monopoliya ng iilan, hinding-hindi mararamdaman ni Mang Pandoy o Juan dela Cruz ang mga biyaya ng mga likas na yaman na ‘yan.

    Sugod mga kapatid!
    {ay pasensiya na po, na-carried away lang. he he}

    *alvin*-natatandaan ko, madaling araw ng miyerkules sa simbahan ng Baclaran, my kubol don ang CBCP na kumukondena sa Maling pagmimina, maraming larawan, lahat may paliwanag.
    bilang isang empleyado ng minahan, lumapit ako sa isang matandang babae na nagbabantay dito, kakatapos ko pa lang magpakilala, bumanat na sya, hindi sya nakinig sa bawat sinasabi ko, natuklasan kong wala syang tenga para pakingan ako kaya dagliaan kong tinapos ang usapan. (wala nashare ko lang. hehehe…)

    lahat naman may paliwanag kung bakit naten ginagawa ang isang bagay.. Nawa ay tulungan tayo ng Diyos sa mas tamang pagdedesisyon na makabubuti para sa lahat.

    salamat rev.

  24. pia says:

    i love it….sobra,,ngaun ko lang narealize na iba-iba ang opinyon ng bawat isa regarding mining huh..,.,
    hehehehe..magaling ka talaga sir alvin,,,im so proud of you,,keep it up…..

    *alvin*-salamat pia, ganon talaga hindi lahat ng tao naiintindihan ang business naten at minsan ganon din naman tayo sa iba…

  25. hehehe glad to know. ang utol ko kasi ay bs mining ang course kasi may western mining sa amin sa kiblawan, davao del sur…kami rin na mga svd ay may mga parishes na malapit sa amin — semirara sa romblon at ung isa pang mining din sa rio tuba sa palawan…


    *alvin*-kami po sa compostella valley ang minahan pero sa davao ang office. salamat po sa pagbasa…

  26. now i know where you’re working at..hehe..pero di kita huhuntingin,,nagkataon lang din na gusto kong magwork sa denr..pero ung office sa qc..gusto kong maging sec ng denr..ahaha..asa mining sector ka pala..ung classmate ko nung hs, mining engr..wala lang.hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s