SO HOT!

Summer na naman, ito ang panahon na hindi namin pinalalampas, madalas kasama ako lagi ng mga taga Banco Filipino-Cabanatuan Branch tuwing may lakad sila at eto ang ilang larawan namen. (sa totoo lang ginaya ko lang yung mga post ni Bro. Jorge aka laboyking)

Location:BOLINAO, PANGASINAN


Kami ang mga bida sa lakaran, mula manager hanggang driver.


Probinsyang-probinsya talaga sa lugar na ‘to, walang masyadong tao, kahit nga bahayan dito layo layo, hindi pa lubusang nadidiskubre ng madami, masyadong malayo na kasi sa Maynila.


ganito ang dalampasigan dito, walang naliligo solong solo mo talaga. ganyan din ang tanawin kapag high tide.


ganito naman pag low tide, parang isang bedeng hardin ang paligid, ang ganda ganda talaga… (pero parang ako ang mukang low tide ah)

At syempre kapag low tide madali mong makikita ang naninirahang lamang dagat sa paligid gaya ng mga sumusunod

sea urchin


sea snake


kumot ni dyesebel


sea cucumber, nagkalat talaga sila, ang lambot lambot.


making love out of nothing at all
star fish yan, noon ko lang nalaman na ganyan pala silang mag-asawahan. galing noh…

syempre sa kapag sawa ka na sa dagat pwedi ka pa ring mamasyal sa labas


natatakot ako nung nuna, parang ayoko ng tumuloy dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa amin sa dako pa roon…


pag dating namin sa dulo, cave pala ang papasukin namen, syempre sa entrance pa lang yan, picture muna. pero hindi na muna ako magkukwento sa cave, basta pweding maligo sa loob non.

syempre lakad na namen kame at picture picture habang nasa daan…

hanggang makarating kami sa tower ng Smart este light house pala ng Pangasinan na dito nga sa Bolinao matatagpuan

tapos picture ulit


sumuko na kayo… napapaligiran na kita…

hanggang abutin na kami ng dapit-hapon sa pamamasyal

tulog muna,
>

>

>

>

after 4 hourz… gising na ulit at handa na sa huling picture picture kasi lapit na umuwi…

tapos, tapos na, uwian na ulit, walang picture ng kainan, wala restaurants dito. May mga hotels pero mangilang ngailan lang sila.

Maganda ang lugar, dahil hindi pa nga lubusang nadidiskubra ng mga tao ang minsang tinawag na Boracay Of Luzon ayon sa Summer Special ng GMA noon. Halatang halatang hindi pa ito nadudungisan, nakakatakot na masalahula ito pag dating ng panahon, pero umaasa naman akong hindi at yun nga sana ang mangyari… Happy Hot Summer!

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

25 Responses to SO HOT!

  1. Jorge says:

    Uy, base yata ako!

    BASE nga!! hihihi.. teka magbabasa muna..

    *alvin*-ito si bro. jorge sa kanya ko ginaya yung blog ko pero hindi ko pala kayang gayahin kasi the best talaga sya…

  2. Jorge says:

    Kapatid naextra ang name ko! Naks! tenchu parekoi!

    Aba aba at isa pang aba, ang ganda nman dyan! Malapit lang sa nueva ecija yan, pwedeng sumaglit dyan sa bakasyon ko sa april, ang sarap maligo!! Aww, miss na miss ko na ang beach!!

    Teka, ung last pic mo naipost mo na sa entry mo dati di ba? Eto pala un, malalim kung mag isip, naks!!

    Gusto kong lumaboy sa pilipinas!! aaww!

    *alvin*- jorge LABOY KING!!!

  3. charlie says:

    sarap nyan brad!!!

    *alvin*salamat sa pagdaan charlie

  4. joycee says:

    Waw ispisyal menshun si Jorgie boy, sya talaga ang laboy king!

    Okay hinde ako naiinggit, gusto ko magbeach!!!!

    *alvin*-mas maganda pa to sa Puerto Galera! madami lang mabibili sa Galeria este Galera pala!

  5. Jorge says:

    Sa sobrang inggit ko nandito na naman ako, hihihi..

    Gusto kong magbeach!! Aaahhh!!! Grrrr!!

    Tagal ko ng nde nasusuot ung trunks ko, toinks!

    *alvin*-trunks??? hala naman…

  6. abrel says:

    ang ganda talaga. gusto ko ring pumunta diyan

    *alvin*-pwedi akong tour guide… lolz

  7. frency4u says:

    Ganda pala jan sa Bolinao napunta na din ako jan sa Panggasinan minsan nung jan pako sa pinas,pro forgot ko na kung saan un hehe(may memory gap na haha) pro island siya,sayang hindi ako napagdala ng camera punta nga ako jan pag nagbakasyun ako bago pa dumami tao jan hahaha(takot sa tao) wag ko lang sanang makalimutan ulit ung camera ko (para namang merong camera dati hehe)anyway masarap talaga kahit saan basta kasama mo mga friends mo san na kaya ung mga un(esep esep) di bale pag-uwi ko iisa-isahin ko kaung hanapin..

    *alvin*-masaya nga pag may camera, mahilig ako sa pictures coz pictures captures the moment… kaso wala akong sariling camera kasi so mahal e.

  8. glesy the great says:

    grabe ang ganda!!!!! parang gusto ko kagad mag-outing… inggit ako…

    sana nga di na muna siya madiscover dun na lang sila sa boracay at least mas mura pamasahe sa pangasinan.. ahehe…

    advice: magdala ng sandamakmak na chibog kung walang easy access na lamunan center…

    nb: di mo na binigyan ng delikadesa ang mga star fish, ginawan mo pa ng scandal….cheers;p-glesy the great

    *alvin*-thanks glesy…

    baket kaya ganon, pag hindi nadiskubre SAYANG, pag nadiskubre naman at nasira SAYANG pa din…

    so anong solusyon. Igalang, ingatang at pangalagaan… great!

  9. p0kw4ng says:

    hmm maganda nga yung place…sobrang tahimik! sarap magbakasyon dyan kahit na ilang buwan..di ako magsasawa!

    *alvin*-tama ka sobrang tahimik nga, kaso lang sa sobrang tahimik dahil liblib nga ang lugar nakakatakot na para sa isang laki sa syudad, pag sapit kasi ng gabi parang may lumalabas na impakto
    dito tapos gagahasain ka na lang forever… lolz

  10. flamindevil says:

    ang ganda ng bitch.este beach.

    summer na dyan.waaaahh..inggit ako.dito sa kl umuulan pa rin.

    *alvin*-dito sa Pinas now malande ang panahon, medyo makulimlim kahet summer!

  11. taympers says:

    malapit lang kami dyan pero di pa ako nakakapunta, sana ngayong summer na ‘to.hahaha

    *alvin*-taympers taga saan ka?

  12. dencios says:

    napaka ganda ng tanawin a. ibang iba talaga ang Pinas! walang sinabi ang dubai pagdating sa ating natural resources da bes! tas ikaw pa mag-isa? ayus talaga yun🙂 tapos may guapo pa sa background na naka shades at panay posing hehehe naks!


    *alvin*-nakz naman, sana ako yun… lolz… taga san ka ba sa pinas denz?

  13. Jorge says:

    Hahaha, woi, maganda nmn ung pagkakasulat mo eh, ok lang ung gumaya paminsan minsan, flattering nga kasi naaappreciate nyo ung mga sulat ko, hihihi..

    Bumili ako ng apat na swimming trunks sa bangkok, excited na kong gamitin un, hihihi..

    I’m back!

    *alvin*-pagkatapos mong isuot yung isa kahet wag mo ng laban muna, pahiram… whahahaha…

  14. Jorge says:

    Wahahaha! Pwede! puro buhangin pa yun kapag sinuot mo, toinks!!

    *alvin*-sa ngayon ito ang post ko na kokonti lang ang nagbasa at nagcomment, malamang hindi interesado ang iba sa kung ano man ang nilalaman. sa katunayan habang ginagawa ko ito mayroon pa lamang labing apat na pumuna dito 41.6% ng mga puna ay galing kay Jorge aka LaboyKing.

    the best ka talaga, natutuwa ako at balik ka ng balik sa bahay ko… dahil dyan bibigyan kita ng Power Hug! lolz…

  15. Jorge says:

    Toinks! Naman! dagdagan natin ang 41.6% mo… hihihi..

    Eh baka nde nila type ang laboy entry, eh peborit ko naman kasi un, kaya kung sino man ang may laboy entries eh dun ako sumusuksok.. hehehe..

    Ano namn yang power hug na yan parekoi? hehehe

    *alvin*-hala ang bobo ko na ata sa math. baket ganon kahet anong compute ko hindi ko mapalabas kung san nanggaling ung 41.6%. whaaaaaaaahhhh…

    mga numero araw araw tayong magkasama baket nalilito pa din ako…. siguro kailangan ko ng pahinga… toinkz!

    laboy king pahinga muna ako, wait for may next and final laboy story

  16. leya says:

    ganyan pala sa bolinao… taga pangasinan pa naman ako, hindi pa ko nakakapunta sa lugar na yan. nakakahiya nho? wahahahaha!!!

    *alvin*-pano ka pupunta don e nasa Australia ka na… susyal!

  17. jem says:

    huwaw!
    *envy*
    hehe..sana bakasyon na..

  18. may pangtapat ako dito:

    pwedeng maglaway.
    pwedeng pwede.

    http://sonofpriam.blogspot.com/2009/03/summer-time.html

    *alvin*-pagkain sayo e… saken pasyal… summer na talaga!

  19. AA says:

    sarap dito brad!! waaaah! hehe

    *alvin*-charlie is that you?

  20. gudang says:

    ang cool naman!! hehehe.. sbe ko na parang pamilyar ang lugar. amf. nakapunta na pala ako jan!! wahaha.. epal ni gudang!! ahahaha😀

    galing ang cool niyo !😀

    *alvin*-tnx gudang sa pag pasyal sa bahay ko!

  21. Ax says:

    ayos ang hot nga ng summer niyo. oks pala dyan sa bolinao. di pa ako nakakapunta dyan!


    *alvin*-yup ang ganda ganda!

  22. brotherutoy says:

    back reading ako, alvin. tagal kong di nakadalaw dito eh.

    wow naman ang pictures mo ng mga seacreatures, pang national geographics! at ang barkada, babe na babe! aminin mo na, sino sa kanila ha? hehe…

    God bless!

    *alvin*-namiss kita bro utoy… musta ka na ba?

  23. jason says:

    wow sea urchin.. totoo pa lang may ganyan

    first time ko!!

  24. Dencio says:

    wow… ang daming sea life…. wala pa akong nakitang sea urchin, sea snake at starfish sa dagat. But swimming with the fishes eh naranasan ko na sa bora… ganda rin pala ng Bolinao… great post! =)

  25. maganda nga daw dito sabi ng isa kong kaibigan..hindi ko pa nararating yan..ung simbahan lang our lady of manaoag ang narating ko jan sa pangasinan..gusto ko rin sa hundred islands

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s