Miss na Miss na Kita!

mag iisang lingo na pala na tila taon ang nakalipas mula ng lisanin mo ako at hayaang mapunit ang sugatan kong puso, hindi ko alam kung magiging masaya ako non, alam ko kasing isa ito sa katuparan ng mga pangarap mo, pero nanaig pa rin ang aking kalungkutan, paano naman ako, paano naman ang mga pangarap nating dalawa para sa atin, paano naman ang pangungulila ko sayo. hahahaha… naalala ko tuloy yung mga panahon na magkasama tayo, ang ating tagpuan sa simbahan ng Baclaran, syempre dahil late ka, nakakatatlong novena na ako hindi ka pa rin dumadating, naaalala ko din yung mga plano natin, ang mga lugar na dapat puntahan, yung mga magiging anak natin, at higit sa lahat, makakalimutan ko ba naman ang araw araw na tumatawag ka dito sa office mga bandang alas-4 ng hapon, alam mo kasing pagod na ako ng mga oras na yon, wala lang papasayahin mo lang ako, bobola-bolahin at higit sa lahat yung paulit-ulit mong kinakanta sakin, ano na nga ba yon…


Don’t Know What To Say Music Code

I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You’ll feel this feeling I have inside

You’re a ‘hopeless romantic’ is what they say
Falling in and out of love just like a play
Memorizing each line I still don’t know what to say
What to say…

Don’t know what to do whenever you are near
Don’t know what to say my heart is floating in tears
When you pass by I could fly

Every minute every second of the day
I dream of you in the most special way
You’re beside me all the time….

para tayong high school, kinikilig kahit sa telepono lang… hai baby ang sarap alalahanin ng lahat, ang sarap balikan ng nakaraan…. pero nagbago ang lahat… sa isang kaway mo lang nung papaalis ka, lahat yon biglang naglaho, naglaho ang mga ngiti ko na napalitan ng lungkot, wala ka na kasi, wala ng tatawag at magpapasaya sa akin. baby miss na miss ko na ang boses mo, ang mga yakap mo, ang pasmado mong kamay, ang mga ngiti mo, ang mga halik mo, at ang paglalambing mo sa akin, pati ang kilay mong tumataas kapag nagagalit ka na, lahat yon sa panaginip ko na lang binabalikan, minsan putol pa…

kahapon nung tumawag ka, ansaya saya ko, napatunayan ko na namimiss mo din ako jan. wag kang magalala nasa mabuti akong kalagayan, medyo malungkot nga lang, madalas tubigan ang mga mata, pero pasasaan ba at magbabalik din ang aking saya dahil sa panahong yon alam kong magbabalik ka na… wag mong pababayaan ang sarili mo, magpakabaiit ka jan… miss na miss na kita baby ko, miss na miss na kita…

PAALALA!!!

sinulat ko yan DALAWANG TAON na ang nakakalipas, ng lisanin ako ng SINUNGALING kong GF, mahal na mahal ko yun date, at alam kong naramdaman nya yon, anim na taon ang tanda nya sa akin 20 ako non 26 sya, matapos akong paibigin iniwan ako ng walanghiya para maging Accountant sa ibang bansa. Ok naman nung una, mahigpit ang aming komunikasyon, kaso nung unang taon na umuwi sya hanggang nakabalik na HINDI nya pinaalam saken, masyado naging galit ko sa kanya non, isipin mo naman nasaktan ako nung umalis sya, buong taon naghintay ako para magkita kami ulit pero ano…

*&^%$# nya, pero dahil nga siguro bata at napangakuaan akong bibilan ng robot sa susunod na balik nya, naging ok din kame.

Tatlong Lingo bago sya MULING bumalik ng Pinas, madalas na ang tawag nya sa akin, magkikita daw kami at miss na miss na daw nya ako. Syempre heksayted ako miss ko na din naman sya, SOBRA… pero alam nyo ba, ng dumating sya dito, HINDI man lang nya ako tinext o kinontak, for the second time, pinaasa nya ako, NILOKO…

Ang sakit sakit, ang sakit sakit mag mahal.

Sana hindi lahat ng babae katulad mo…

-kala kasi ng ibang mga babae puro sila lang naloloko

meron pa akong mas naunang sinulat dito bago sya umalis… eto oh Palam Mahal Ko

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

28 Responses to Miss na Miss na Kita!

  1. azul says:

    kala ko para sa akin toh..isang linggo kasi ko nawala.ahaha.

    at HINDI LAHAT NG BABAE MANLOLOKO GAYA NG MGA LALAKI..hehe

    *alvin*-kasi pag may mga kasalanan kame lagi sinisisi nyo e, hindi nyo alam naloloko din kame…

  2. payatot says:

    masakit nga yan kung totoo yan..aba anong nangyari sa hinayupak na gf mo at di ka man lang maabot ng kanyang txt o linya ng telepono..?

    *alvin*-yan naman din ang tanong ko sa sarili ko, hindi naman pweding hindi nya alam no ko, kung di man nya kabisado pwedi naman sa YM, o sa chicka, if hindi pa din, sa Email. wala e, kahit isa wala.

  3. payatot says:

    nga pala, ang baba e kase pag gumawa ng kalokohan wala tayong kaalam alam pero nakagawa na pala sila di ba? ganyan ka lihim sila sa ating mga lalaki…

    *alvin*-pero hayaan ko na lang sya, nilabas ko lang sama ng loob ko sa kanya, lam ko naman nanjan kayo for me… toinkz!

  4. Ax says:

    t’was six years ago, so probably okay ka na. nope, for sure okay ka na. nice artic.

    *alvin*-two years pa lang po!

    lahat naman ng tao naloloko. kahit sa anong larangan, pwede kang maloko. basta magmahal ka lang. huwag nating sumahin sa calculator kung gaano na kalaki ang ibinigay nating pagmamahal sa isang tao. huwag nating bilangin ang mga araw kung gaano tayo katagal naghintay.

    hindi ko alam kung may mahahanap pa ako na isang tao na magmamahal sa akin kung ano ako. kapag nahanap niya ako, mamahalin ko na rin siya. aba, hindi biro na tanggapin ako ng isang tao, ako pa, na maraming issue sa buhay ko.

    erm, as i say, nice artic. alvin, right?

    i know right.

    *alvin*-salamat AX, mukang nadagdagan ung suki ko ha, gusto ko ung sinabi mong wag bilangin ung pag mamahal na binigay, ang totoo kasi nyan, sayo ko lang sasabihin huh, sya talag yung nagbigay ng malaking pagmamahal NUNG UNA, pero bandang huli kung kailan mahal ko na sya noon tsaka naman sya nawala.

    Nakahanap na din naman ako ng bago, at mahal na mahal ko sya ngayon, hindi pa nya siguro nababasa to kaya hindi pa nagagalit… hehehe…. ikaw makakakita ka din ng tamang tao na para sayo! salamat AX.

  5. Ax says:

    ow, naloloka = naloloko! sorry for the typo. paki-edit na lang!🙂

    *alvin*-yes boss edited na po…

  6. Jorge says:

    CONGRATULATIONS!!

    *alvin*-para saan? dahil ba nakamoved on na ko? thankz, ndi lang halata… lolz!

  7. Kapatid, it’s been two years pero your pain and anger are still evident in your writing…

    Falling in love is a risk, and along with the joy it brings, it also brings pain and sorrow. Tama si Khalil Gibran nang sinabi niya na that which gives us joy will also give us sorrow…

    Wag mong mamasamain kapatid, pero gentle nudge lang – love does not store grievances, it does brood over injury (1 Cor 13:5) … Along with its joy and sorrow, with love we are also challenged to be kind, patient, righteous and to be forgiving… Kaya nga with faith, hope and love, love is the greatest…

    May you welcome the joy of forgiving…

    *alvin*-sige alam ko naman wala din kapupuntahan kung magagalit ako sa kanya, masakit lang talaga pero unti unti na din naman yung nawawala. salamat sayo, salamat talaga!

  8. p0kw4ng says:

    aww ang lungkot!

    pero isa lang ang masasabi ko…mahirap ang LDR!

    *alvin*-SOBRA!!!

  9. Bonistation says:

    Kala ko ako na buti nalang hndi ako ang baby m0 haha.tinamaan kasi ako dalawang beses nakong umuuwi pero hndi padin kita na meet ahaha.. Sana naman sa october eh magkita tayo! Ganun din ng gf mung manlokoko ham0 makakahanap din ng katapat yun,bka buntis kaya walang lakas ng loob na humarap sayo.wahaha peace.j0ke lang..

    *alvin*-parehas kayo, pinaasa nyo lang ako! aaaawwwww…..

  10. yhen says:

    ay gnun… mukang masakit ang pinanghuhugutan mo ah.. gusto mo ba tulungan kitang maka get over? hehehehe…

    nwei, kidding aside, mga ganyang bagay lumilipas din yan… mhrp nga lang maghilom… pero once na naghilom na yung sugat jan tatawanan mo nalang ang nakaraan…😉

    *alvin*-salamat yhen, minsan nga kung kailan pininilit ko pang wag isipin mas lalong sumasakit. pero nakalimutan ko na sya. sana…

  11. Bonistation says:

    Agree ako kay yen!


    *alvin*-how are you ariel?

  12. joycee says:

    Hinde natin mararanasan ang sarap ng tunay na pagmamahal kung hinde tayo nasaktan at umiyak.

    I’m sure at this time, you learned your lesson na not to trust your easily, but I’m also sure na you’re not closing your heart for the right one.

    I have to say, hinde lahat ng babae manlolokong katulad nya. Eherm may ubo yata ako nyahahaha.

    O sya o sya tama na emo ha. Forgive, forget and God will do the rest.🙂

    *alvin*-ngayon napatunayan ko na kaya ko na ung mga simpleng bagay gaya ng mga ganon… pero sana ndi na maulit…

  13. eljudietambayan says:

    masakit ang karanasang iyan pero bawat karanasan may natutunan.

    cute at yummy ka kamo diba ^^ kadaming mag kakagulong girls nyan..hahahah

    wak magtanim ng sama ng loob at matutong mag patawad.

    Apir!!^^

    *alvin*-hehehe, kelan ko na nga ba sinabing yummy ako… LOLZ… TY sa pagbasa!

  14. you have a very beautiful and interesting blog. I included you in my blogroll.
    congrats for the great posts!!!

    *alvin*-salamat po sa pagsasama sa akin sa inyong blogroll.

  15. maccallister says:

    awts!may ganyan palang babae!
    so wla na kayo now?di ka na talaga niya kinontak?

    *alvin*-wala na kami now… pero bakit ganon gusto ko pa din sya makita…

  16. joycee says:

    hui may tag ako para sayo! *mwahugggs*

    http://joyceish.com/?p=1299

    *alvin*-yaan mo gagawin ko yan asap!

  17. Ax says:

    ganda talaga ng mga responses mo! parang pang mr. universe! hehe. napadaan lang po!

    tama! wag natin bilangin ang pagmamahal na ibinibigay sa atin!

  18. Ax says:

    kuya alvin, two years lang pala yun! hehe! sorry!

    *alvin*-hehehe… kelan lang…

  19. Hi, good post. I have been pondering this issue,so thanks for posting. I will definitely be coming back to your site.

    *alvin*-salamat advetisement…

  20. dencios says:

    para ngang masakit talaga.. ang mg ababae talaga pag sila nanloko tagos tagosan talaga sa puso at kaluluwa nating mga lalaki…

    pero siguro naka move on kana… wag mo na isipin yun. daming babes jan…

    *alvin*-tama ka jan, iyakin lang sila kaya nagmumukang kawawa sila tayo patago lang…

  21. brotherutoy says:

    tsk, tsk, tsk… ang mga babae talaga, mambobola.
    katawan lang ang habol sa atin.
    iiwan din tayo kapag nakuha na nila ang gusto nila.

    hehe…

    parang sariwang sariwa pa ang ala-ala kahit two years na ah. hayaan mo, marami naman sa opisina mo ang pwedeng possible GF so wag nang malungkot.

    God bless…

    *alvin*-minsan pala kapag minahal mo ng totoo kahit niloloko at nasasaktan ka na hindi pa rin ganon kasaling limutin ang lahat… (isa akong malaking EMO!) whahaha…

  22. bipolarsisa says:

    napadaan ako at nakibasa. nalungkot ako sa kwento mo. somehow, may similarity ang kwento natin. pero katulad nga nang sinasabi nila, time heals all wounds.🙂

    *alvin*-tama ka jan sa sinabi mo, salamat… pasyal ako sa bahay mo mamaya

  23. AC says:

    hindi naman lahat ng babae katulad nya.🙂

    nagkakataon lang na may mga taong hindi kayang pangatawanan ang mga sinabi..

    or it could have been justa change of heart.. and she wasn’t human enough to deal with it and tell the truth.

    sabi nga sa kanta:

    i’d rather you be mean, than love and lie..
    – baby, don’t you break my heart slow (vonda shepard)

    i hope all’s well.🙂

    *alvin*-dahil sa kanta mo hindi na ako malungkot ngayon…

  24. bipolarsisa says:

    ah. haha. naintindihan ko na yung comment mo. ganun ba ‘yun? sabi nila, oo. kung gugustuhin mo, oo.🙂

    *alvin*basta gusto madaling magbago….

  25. cheL says:

    nakakatouch naman toh…masakit talaga magmahal.. hayz.. you may not know me.. gusto ko lng mgbasa ng mga blog kasi natutuwa na rin ako ngayon mgsulat.. ewan ko, kung kelan naging broken hearted tsaka ko naisipan magsulat.. un nga lang ung iba private na kasi ayoko rin ipagsigawan n helloooo world broken hearted akoooo!!! hehe… nice nice…
    masasabi ko lang.. hindi lahat ng babae manloloko… pero lahat ng lalake….malamang!
    hehe.. peace!

    *alvin*-kasi may malalim ka ng pinaghuhugutan, hindi ko alam kung bakit tuwing may panget na ngyayari lang madalas nakakapagsulat ang iba… salamat..

  26. jason says:

    sana meron syang magandang dahilan man lang para gawin nya sayo yan….

    hirap kasi sa “ibang mga babae”, mang iiwan kayo nang di man lang nagsasalita o nagpapahiwatig. hindi dapat kasimbilis magpalit ng damit magpalit ng syota.

    sana di ko na nabasa to, naawa tulo ako sa yo pareng alvin. biruin mo 2 times in a row nyang nagawa yun..

    di biro ang mag hintay ng TAON tapos pagtataguan ka pagdating… bakit kaya??

  27. J.Kulisap says:

    Ang kaniyang awitin para sayo ay parang isang balaraw na tumarak sa aking puso.
    May mga alaalang nagpapaantak sa sugatan ng kalulwa dahil lamang sa pagmamahal pero minsan napag isip isip ko, bakit hindi tayo masaya sa paghihiwalay???
    Ito ba ay dahil tayo ay sadyang makasarili?
    O hindi tayo naging masaya nong panahong may ” tayo” na pinag-uusapan?

  28. ramdam ko kayo. huwag kayong matakot. lalaban tayo.

    hindi niya tayo pababayaan..

    mar at ung batang paslit sa komersyal

    whaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s