Eskabetse

     Si Leandro ay asawa ni Amor, si Marco na pinsan ni Leandro ay asawa ni Marga na mahilig sa talong, talong na haba, kulay violet at namumutok sa sarap. Itong si Marga ay may sakit na kalibugan, sa edad na sikwenta ay sinusulit ang natitira nyang asim, asim na hindi ko malaman kung saang lupalop ng Asya nagmumula.

     Kilala sa bayan ng Kurukukuk si Margang talong na isang mataray, estapadora, matamis ang dila, mangangamkam ng lupa at palihim na mangaagaw ng asawa-kabitenya, makate, eskabetse.

     Maraming nagbibigay hinala na itong si Marga ay kaluguyo ng asawa ni Amor, si Leandro na pinsan ni Marco. Nang malaman ito ng asawa, biglang nagdikit ang kanyang kilay na parang sa tsonggo. Sumigaw siya ng ubod lakas na dinig sa buong bayan ng Kurukukuk. Bigla siyang nagliwanag, naging kulay dilaw ang kanyang buhok na sabay sabay nagtayuan paturo sa langit na parang super saiyan. Binugbog niya si Marga, sinampal sa mukha, tinadyakan sa likod, at sinikmuraan sa …… sa sikmura syempre… Sa sobrang galit, bumuo si Marco ng apoy sa kanyang kaliwang kamay at akmang ibabato sa asawa matapos sumigaw ng “Kame Hame Waveeeee…” Sabog ang nguso ni Marga, sa sobrang lakas, nagsirkero siya ng talong beses papuntang sulok. Basag ang pader. Matapos iyon, tumakbo si Marco sa kusina para kuhanin ang palakol. Iniamba nya ito kay Marga at humiyaw ng “Palakollll Ni Divaaaa”.  Nagliwanag ang sandata ngunit hindi nya tinuloy dahil sa awa sa luhaang asawa.

     Pasa, galos, sugat at kung ano ano pa ang nakamit ni Marga. Gamit ang daliri, tinuhog niya ang kanyang ilong, pinihit ang daliri pakaliwa at pakanan, hinugot, tiningnan kung may nakuha at daglian itong sinubo. Dahil doon nagkaroon siya ng kaunting lakas para tumakbo sa kwarto at doon humagulgol ng iyak…

     Galit pa rin si Marco dahil hindi lang pala siya ang nagmamay-ari sa asim ng asawa, asim na madalas niyang nilalahok sa sinigang na pusa at kadalasang panghalili sa sukang paumbong na talaga nga yatang mapapa aaaawwww ka sa sarap…

     Ayon si Margang talong na isang kabet, nalintikan, ang sarap na kanyang nadama noon sa piling ng iba ay sakit ng katawan, puso at isipan ang naging kapalit ngayon. Wasak ang mukha, wasak ang pamilya.

***Totoong masarap magmahal, totoong masarap umibig ng higit sa isa at kung minsan ay patago, pero lahat ng iyan ay may limitasyon, hindi porke nararamdaman mo ito ay ok na sa lahat, gaya ng nangyari sa kwento, kapag may asawa na ang isang tao dapat na niyang limutin ang pakikipagrelasyon sa iba, mahal man nya o hindi na ang asawa.

     Ang pakikiapid lalong lalo na ang nagmula sa init ng kuyukot ay labag sa batas ng tao, batas ng Diyos at batas ng mgas crustaceans sa dagat.

     Ano ba ang punto? Simple lang, sabi nga ng isang patalastas ng korporasyon ng kuryente, “Bawal ang Kumabet”. Huwag nating tularan si Marga, sa estado ng babae at lalake, kapag ang babae ang nagluko, nakiapid, nanlalake, mali mang isipin pero sa mapanghusgang mata ng tao, tatlong beses syang masama kumpara sa lalake.

     Habang tayo ay bata pa, dapat mamulat tayo na ang pakikiapid ay hindi pagmamahal, ito ay nararamdaman ng may pusong makasarili at dapat nating iwasan.

Paalala: Huwag tumikim ng asim ng iba, kung talagang makate, ikaskas mo na lang muna sa pader hanggang mamula.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

43 Responses to Eskabetse

  1. the_empr3ss says:

    hindi nga ba mas masarap daw ang bawal hahahaha…

    *alvin*-hi empress, tama masama ang bawal… pero dapat handa tayo sa kung ano man ang kapalit nito… salamat…

  2. kiko says:

    kawawang marga. bakit kasi tumuhog ng pinsan ng asawa. nalintikan na…

    matuto kang magtago
    panindigan mo
    pero wag kang magdrama pag tinamaan ka ng hadukennnnn…

    *alvin*-buti naka ilag ako sa haduken mo… montik na ko dun ah!

  3. Jorge says:

    Bwahahahahahahahaha!!!! Un lang. bow!

    *alvin*-HADUKENNNN…toinkz

  4. dencios says:

    kaya ako puro jerjer na lang lagi LOL..

    *alvin*-pampalaki din ba ng katawan yun… toinkz

  5. Rachel says:

    ayos toh ah =D mas masarap nga daw ang bawal

    *alvin*-hi empress, tama masama ang bawal… pero dapat handa tayo sa kung ano man ang kapalit nito… salamat…

  6. yhen says:

    hehehhee ano daw yun? censored ba ang entry ngayon? hahaha..


    *alvin*-oi ndi ah… salamat sa pagdaan yhen…

  7. jason says:

    Clap Clap..

    ang galing.. sa istorya palang napapatalon na ko
    sa upuan ko. hehehe

    Kung ako yan titirahin ko pa si margang talong ng
    Hadouken!!!!

    hayan!! dapat tinutusta ang bangs ng mga kabet nayan

    mga kabet na sumisira ng relasyon

    mga kabet na nakajumper sa bahay ng may bahay.. ayaw ng meralco dyan.


    *alvin*-try ko nga mag bangs, yung tustado… maiba lang… hehehe

  8. orphicpixel says:

    panalong panalo ang iyong kwento kaibigan

    *alvin*-salamat, hindi ako mananalo kung wala ang mga tulad mo… toinkz!

  9. asungot says:

    Hahaha natawa ko dito ayus pagkaka-deliber. Ok lang ba pabasa ko sa mga kaibigan ko? Marami kasing sapul.

    *alvin*-oo naman, sure na sure!

  10. Ax says:

    hm, eskabetse served in hell!

    *alvin*-whaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh…

  11. diaryofmiel says:

    ang galing kapatid! galing talaga… funny ang story pero talaga namang wapak ang matatamaan!

    *alvin*-salamat sa pagbasa…. wapak talaga ang mga kabet…

  12. diaryofmiel says:

    di aq kontento sa comment ko, impressive ang pagiging funny pero andun nga ang moral lesson.

    *alvin*-salamat at naaliw kita, yan ang matagal ko ng tinitimpla ang maaliw ang muna ang mambabasa at may matutunan sa huli… salamat po!

  13. bonistation says:

    haha! samut saring imahinasyon ni livingstain! forever stain ka nalang at hindi magiging saint wahaha! maganda ang aral! at totoong nangyayari! pero hindi rin natin masabi ng totoo kung ano ang pakiramdam ng nangangabit! alam natin masama at bawal yon pero diba!? masarap ang bawal ahihihi!!

    agree padin ako sau alvin, kung totoong mahal mo ang pamilya mo lalo na ang kabiyak mo dapat faithful ka.. ang sarap tignan nung mga lolot lola natin na tumanda na sila na nag stick to one..yun ang totoong pagibig.. pag nag asawa kana eh focus ka na dapat. wala ng dahilan pa para “tumikim” kahit ano pa yan…

    kameeeeeeeeee hameeeeeeeee waveeee!! panalo!

    *alvin*-buti sir pinaalala mo, nakalimutan ko na ung mission ko na maging saint… mahirap daw maging faithful pero walang mahirap sa taong may moral… aba naman… Haduken….

  14. bonistation says:

    ps. eskabetse pala tawag sa kanila. ahihihi now ko lang nalaman! ^^ ayaw ko kase ang pagkain na yan; lalo na yun may tause ba un?! ahehehe! kahit kailan hindi ko nagustuhan!

    *alvin*-try mo ung sinigang na pusa na mat tawsi… heheh.. ang tawag naman ata sa mga babaeng umaakyat ng barko para maging parausan ng mga seamen ay”alupihang dagat”

  15. Joffred says:

    sabi nga mahirap ma-mangka sa dalawang ilong. ay ilog pala! hehe

    dun sa makate, sariling sikap nalng muna. :p

    *alvin*-sariling sikap????????????????????

  16. azul says:

    hmmmm..kahit naman wala pang asawa basta alamniang may jowa na cia o anu pa man wag na dapat tumikim ng iba..
    sabi nga namin ng mga pinsan ko yung mga hilig sa kabet ee mga kotse na na-flat tire na kailangan ng reserba..

    *alvin*-tama, naniniwala ako sayo, maling mali ang mangabet at maging kabet…

  17. ding says:

    Naku, kapag naglalaro ng apoy, sigurado , mapapaso!!!!, kailangan, maglaro na lang ng sarili hahahaha

    *alvin*-mahirap maglaro ng magisa, pero tandaan kung maglalaro ng apoy, mag inagt baka makasunog ng relasyon.

  18. bipolarsisa says:

    waha. sorry, hindi ko man nabasa ng buo. pero nakuha ko naman ang gist. haha.

    *alvin*-sige nga kung nakuha mo nga, ano yung gist? toinkz

  19. lautootx says:

    hi po ! hehe .. ito napasyal na po ako sa iyong e-bahay . gnda ng lesson :

    “Paalala: Huwag tumikim ng asim ng iba, kung talagang makate, ikaskas mo na lang muna sa pader hanggang mamula. ”

    ahha!🙂 exchange links po tau!

    *alvin*-sure whay not!

  20. jeorge says:

    Yan din pananaw ko sa buhay. pag may asawa ka na dapat faithful ka sa kanya. Pero pag minsan kase, natutukso kang gawin yun lalo na pag napapabayaan ka ng partner mo. Kaya dapat hindi ka nawawalan ng tym sa partner mo para hindi sya maghanap ng iba.

    *alvin*-ibig mong sabihin pag napabayaan ka ng asawa mo hahanap ka ng iba? nasan ang faithfulness?

  21. prinsesamusang says:

    ang ganda naman ng paalala mo. ibang klase dapat maging imortal na saknong yan!

    *alvin*-imortalllllllllllllll???????????????

  22. .poOt! says:

    wahehe. ilang beses ko na ‘tong nabasa pero hanggang ngayon natatawa pa rin ako!naririnig mo ba tawa ko?

    sana makapulot dito ng aral yung mga taong di makuntento sa isa. di ako nagpaparinig ah. may kasabihan nga tayong…

    “bato bato (ni darna.hehe) sa langit, ang tamaan ‘wag magagalit!”

    ingat!

    *alvin*-salamat sa paulit ulit na pag basa, natutuwa ako at natuwa ka sa gawa ko. salamat din!

  23. jason says:

    die criminal!!!!

    yan ang bagay sa mga kabet..

    naalala ko yung isang koreyanobela sa GMA

    yung may theme song ng paborito kong

    air supply… ano nga uli yun yug may kulot na

    kabet. hahaha

    *alvin*-my husband’s hasband… nyahahahaha… meron pa ata ngayon, yung cruel love! cumming soon! whahahaha…

  24. nagmula sa init ng kuyukot!jusko naloka ako sa story hahaha!

    you are so creative!napatawa ako ng bongga!

    got your point,teka ano nga ba ang punto mo?!kidding!


    *alvin*-parang ngayon ko lang natuklasan to Mc. parang kaya ka natawa kasi magaling ang imahinasyon mo, hindi ba nasa reader daw nakasalalay kung ano ang mararamdaman nya sa kwento kasi sya ang bubuo ng mga tauhan at mga kaganapan… whooooohhhh… hangaleng…

  25. bernardumali says:

    akala ko alamat ng eskabetse. may pinariringgan ba o pinanggagalingan? hehehehe


    *alvin*-wala naman. wala pa naman akong asawa e. pero pano kaya kung saten mangyari yon… wag naman sana. baka magsuper saiyan din ako.

  26. yhen says:

    may tanong ako, ganyan ba ang spelling ng eskabetse? nacurious lang po…


    *alvin*-sa spanish ganito spelling “escabeche” saken esKABETse para makita yung kabet… tnx

  27. topexpress says:

    eskabetse, kirida, anu ano pa. Minsan gusto ko din maintindihan ang mga pinagdadaanan ng kabet. Bawat pagkakataon o pangayayari may dahilan o rason. Ayoko din manghusga agad na mali ng kabet. siguro wala naman magpapakabet kung walang mangangabet, walang mangangabet kung walang magpapakabet.

    Hmmmm… isa lang masabi ko… Napakasarap ng PINABKET!@!! ahihihihihi🙂

  28. TSI says:

    uber!!! tinapos ko sya kahit mahaba ha.. nice 1.

  29. ELIment says:

    natuwa naman ako sa paalala mo sa bandang huli. hehe

    bakit nga ba? kung ano daw kase ang bawal yun ang masarap.

    paalala mula sa akin:wag kayong magdoble-doble, alalahanin nyo, may mga nawawalan eh. isa-isa lang. hehe

    *alvin*-apir tayo jan eli… ikasa mo!

  30. anakngpating says:

    akswaly tawa lang ako ng tawa hehe kasi narinig ko ung eskabetse wild competion ni papa jack sa love radio ehhe..
    hmmm ang kulit mo din pala hehe..
    hmp inaantay kong mag txt ka at pupunta dito sa shop para sa EB akala ko pupunta ka daya mo hehe..

    *alvin*-salamat po, yaan mo sa susunod dadating na ako!

  31. bawal kumabet…naman….balik ka ulit sa happy blu…surprise ko sa iyo!

    *alvin*-wow kuya blu salamat!

  32. jiMboy says:

    may pinanghugutan ba tong kwentong ito? haha😛

    *alvin*-hugot Fernando!

  33. melimagdalene says:

    ramdam ko na ito ay naisulat bunga ng puot..pero wag tayong maging mapanghusga..o magmalinis..kanya kanya lang ng degree ng kasalanan ang bawat tao..sa huli tanging Diyos lamang ang pwedeng manghusga sa atin..

    *alvin*-tama ka naman melimagdalene, pero sa taong nangangabet at kumakabet, kahit na ang dahilan nila at ang kanilang pagmamahalan. MALI pa rin yun.

  34. joni says:

    wee. story teller. hahaha. ang cool naman ng kwento. my halong kwela at kalokohan pero my hidden lesson pla s istorya. ayos! ^_^

    *alvin*-ako si lolo basyang. nyek!

  35. Mon says:

    very nice story parekoy at kakatuwa ang mala-dragon ballz na eksena.. may moral lesson pa..

    tama, ang pakikiapid ay hindi pagmamahal, ito ay nararamdaman ng may pusong makasarili at dapat nating iwasan.

    Infidelity is a crime. If you are committed, be faithful!🙂


    *alvin*-nalaman ko kasi na masarap magbasa ng nakakatuwa muna pero sa huli ka babanat pag nakuha mo na ang mga mambabasa. tnx

  36. ArsEaN says:

    napakamadamdamin nman ng istorya marahil itoy hinango sa tunay na karanasan ng may akda…weeeeh (kalalim nman ng tagalog…hehe)

    matanong ko lng Ajie kaw ba c Marco or Leandro sa istorya o baka nman kaw na c Marga Talong…hahaha
    joke..😀

    nice story anyway…:D


    *alvin*-ako si Amor.. nyahahaha….

  37. eto ung sad na part e

    kapag ang babae ang nagluko, nakiapid, nanlalake, mali mang isipin pero sa mapanghusgang mata ng tao, tatlong beses syang masama kumpara sa lalake.

  38. htiduj says:

    its hurt

    dapat maging faithful sa isat isa

    ang pakikiapid ay hindi pagmamahal,ito ay nararamdaman ng may pusong makasarili at dapat nating iwasan.

    dapat marunong makuntinto sa isa di yong paibaiba…isa lang ang puso natin hindi dalawa..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s