SARANGOLA

 

Ikaw munting bata, iyong pagmasdan

Isang laruan doon sa aming bayan

Na yari sa papel, pisi at kawayan

Munting sarangola, dito’y pinangalan

 

Subukan mong itutok, iyong mga mata

‘Don sa sarangolang iyong nakikita

Ikaw ay malaya, isang munting bata

Sa hangin umibabaw, saan man mapunta

 

Pumihit pakaliwa at doon magsaya

Sabayang lumipad, dumadaang maya

Magpaikot-ikot, damhin ang ligaya

Kapag pagod na, sa ulap tumihaya

 

Iyong ama’t ina, sayo’y nakatingala

Kaba sa dibdib ay hindi nawawala

Taban nilang pisi, baka kumawala

At ikaw ay maglaho na parng bula

 

Malakas na hangin, sa iyo’y bumalot

Ika’y naakit sa lamig nitong dulot

Sigaw ng iyong ama, ‘wag kang malikot

Hindi mo pinansin, hindi ka natakot

 

Dahil ika’y batang may ulong matigas

Pising nakatali, sayo’y nakalas

Hindi mo kinaya ang hanging malakas

Sinira ka nito’t winasiwasiwas

 

Dumating ang umaga, ika’y nagising

Sa bunton ng basura ‘don ka naglanding

Magsisi ka man wala ng mararating

Maya-maya pa’y gagawin ka ng uling

 

Ako po’y patawarin, iyong nasambit

Ikaw ay nangakong magpapakabait

Hindi na hahayaang ito’y maulit

Iligtas po lamang sa tadhanang mapait

 

Malakas na sampal, sa iyo’y dumampi

Maliit mong mukha ay medyo nakupi

Panaginip lang pala sa iyo’y nangyari

Ika’y napangiti, takot ay napawi

untitled

 

“mga bata ano ang natutunan mo sa tulang ito?”

Advertisements

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

257 Responses to SARANGOLA

  1. bernardumali ay nagsasabing:

    base. hehehe nakikibase. galing. may sukat at tugma. iniisip ko pero yung way ng delivery mo, may ganyang makata e. wait pag isipan ko.

  2. Rachel ay nagsasabing:

    Sarangola ni Pepe

  3. bonistation ay nagsasabing:

    adik sa pa contest! heheh ^^

  4. joyce agojo ay nagsasabing:

    huwaw..galing!

  5. Jgo ay nagsasabing:

    Saranggolang matayog ang lipad….

  6. non-sense etc.. ay nagsasabing:

    galing naman..

  7. Mars ay nagsasabing:

    nyahahaha
    isa rin to, saranggola award din ang habol
    mukhang gusto ko na rin gumawa ng post ukol sa saranggola

  8. TSI ay nagsasabing:

    hohuum…

    palakpakan, parang sanay sa balagtasan ah

    nice.

  9. anakngpating ay nagsasabing:

    gusto kong makitang tinutula mo saharap namen ito heheh..

    parang ang sarap pakinggan habang iyo’y binbigkas naks..

  10. anakngpating ay nagsasabing:

    ngayon ko lang napansin wala ako sa broll mo huwayyyyyyyyyyy…

  11. jason ay nagsasabing:

    ang galing nito!!!

    nakakarelate ako!!!!

    di na ko magiging pasaway paramis!!!

  12. jason ay nagsasabing:

    ang ganda ng illustration!

  13. azul ay nagsasabing:

    paramihan din ba ito ng comment? anu premyo?saranggola?hehe

    inpernes ang kuyuuut ng tula pati yung piktyur

  14. shynyrd ay nagsasabing:

    ang ganda naman ng tula.

    ang natutunan ko po ay wag maging matigas ang ulo para hindi masaktan.

    makinig sa payo ng magulang.

    hindi na ako lilipad…ng walang bato. hehehe

  15. sandi ay nagsasabing:

    wow..ganda naman nito.

    Huwag tayong masyadong matayog ang lipad, baka pagsisihan natin ang biglaan nating pagbagsak.

    Ang galing! Goodluck sayo at sayong entry..

  16. ELIment ay nagsasabing:

    dito lang ako….hehe

    ganda naman. minsan masarap magpalipad ng saranggola,pero dapat matibay ang tali..baka kase ito malagot at kung saan mapadpad ang saranggola natin.

    layas mode uli..magpapalipad pa ako ng saranggola eh. 🙂

  17. Mon ay nagsasabing:

    andito na ko dude! tara magpalipad na tayo ng saranggola! 😀

  18. lettski ay nagsasabing:

    yan ang talent mo kaya ipagpatuloy mo pa! malay natin, isang araw me libro ka na pala!!! 🙂

  19. allie serwit ay nagsasabing:

    ajie, in fairness medyo nag-improve na hehehe..

    maganda xa.. may rhyme.,. may sense… un nman importante..

    sana manalo ka.. hope u’ll make it!

    mwwaahh!! galing galing!

  20. cramde ay nagsasabing:

    ayos ah…
    para lang akong nagpapalipad ng saranggola habang nagbabasa…
    galing!… =)

  21. Ax ay nagsasabing:

    dude, kinarir niyo ni ginoong hamster at ginoong tsi ang saranggola. palakpakan.

    wala pa akong artic.

    bukas na lang.

    teka, tumutula ako pero walang rhyme!

  22. ACRYLIQUE ay nagsasabing:

    Ang galing sa tugmaan. 🙂

    Na-miss ko ang maging saranggola. hehe.

  23. Ruben ay nagsasabing:

    ala ay kuya, ako po ay si Ruben, ay kagaling mo naman, ikaw ga ay taga saan? taga Bulacan ka ga kung saan nakatira ang mga manunula, o taga dito samen sa Batangas lugar ng balagtasan? alay kakata mo ah.

    • livingstain ay nagsasabing:

      ala e ikaw nga ga si Ruben, hindi ga’t ikaw ang bida sa “Adik Sayo” ala e fan na fan mo ako ga. Lagi akong nanood noon, ako ay masaya at ikaw ga ay napasyal sa aking bahay e… ibig bagang sabihin e ang mga mambabasa ko ay artista na ga? hahaha…

      (nadala ako dun ah)

      to be serious, taga Nueva Ecija ako, pero ung parents ng mama ko taga San Miguel at Baliuag Bulacan, then sa father side naman si lolo taga Tuwi Batangas, then si lola ang taga Nueva Ecija… ang birthday ko po ay Feb 8, 1987, yayaman po ba ako, sino po ang soulmate ko?
      aaawwww… so beat it… beat it….

  24. .poOt! ay nagsasabing:

    halos lahat yata ng puntahan kong blog eh may entry sa pakonyest ni kuya bernard. wahehe. adik!

    ang kyut nung mensahe nung tula at nagulat ako sa ending. happy ending pala yun. akalain mo nga naman.

  25. dencios ay nagsasabing:

    LS sorry a medyo busy sa work di ako makadaan ng madalas. mag back read muna ako sayo mamaya paguwi ko sa bahay..

  26. bipolarsisa ay nagsasabing:

    haha. lipad lang ng lipad! 😉

  27. blurosebluguy ay nagsasabing:

    hoy gising! fly …….away……dream high!

  28. joni ay nagsasabing:

    ay ang cute. mgk2rhyme. hehe.
    gling gling ! nice 🙂

  29. Chris ay nagsasabing:

    ayos sa tula ha..parang balagtasan nga pero kahit malalim ang salita may meaning sya..

    naalala ko tuloy ang kabataan nuong may bukid pa malapit smin..madalas kaming nagsasaranggola.

    masarap lang balik-balikan.

  30. cruxrifter ay nagsasabing:

    ikaw ay isang makata.
    akoy natutuwa sa iyong tula.

    nakupo wala akong talent sa mga ganito. congrats!!hehe

  31. coolwaterworks ay nagsasabing:

    Goodluck sa pakontes na ito Alvin!
    Makata ka nga… 😀

  32. flamindevil ay nagsasabing:

    aba sabi na entry ito sa kontes.gudlak.hehe

  33. Ax ay nagsasabing:

    hm, syempre sa friday pa ang next post mo. tsk. tsk.

  34. TSI ay nagsasabing:

    “wag ka-taasan ang paglipad baka masakit pag bagsak” – galing sa pelikulang ‘Ligaya Ang Itawag Mo sa Akin’

    🙂

  35. jason ay nagsasabing:

    ang agling talaga ni alvin!

    nakakabilib!

    pinoy ricords!

  36. jason ay nagsasabing:

    ang ganda ng tula
    makapagbagbagabagdamdamin

  37. jason ay nagsasabing:

    Dumating ang umaga, ikaw’y nagising

    Sa bunton ng basura ‘don ka naglanding

    Magsisi ka man wala ng mararating

    Maya-maya pa’y gagawin ka ng uling

  38. jason ay nagsasabing:

    san ka naman nakakahuha ng ganyang kalalalalim na mga salita ha?>

  39. eloiski ay nagsasabing:

    ayos! ang cute cute ng pagkakagawa… hakhak!

    “naglanding”

    win!

  40. jason ay nagsasabing:

    ang ganda ng gawa ni alvin no!

  41. jason ay nagsasabing:

    lets drink to your artwork!!

  42. jason ay nagsasabing:

    ang galing ng entry mo alvin ibang level!
    LOL

  43. jason ay nagsasabing:

    ang buhay parang sarangola
    Wag m0 dapat isipin n nasa tapos k lage
    Kase pag sinubukan k ng hangen bagsak ka.

  44. Pingback: Bakit Mas Mahaba ang kay Kuya | Ax Realm

  45. chennn ay nagsasabing:

    di ko maimagine ang sarili ko:
    “Sa bunton ng basura ‘don ka naglanding”
    @_@

    aba teka, makatang mahilig sa palaka.. talentadong pinoy! 😀

  46. licabblog ay nagsasabing:

    no offense meant, pero dapat ay saranggola ang tamang salita.

    sa kabuuan, may lalim ang araling nakapaloob sa tulang ito- kalayaan.

    sa ganang akin, bilang taal na tiga-licab at kababayan ni alvin, mas nais ko yatang gamitin ang salitang “burador”.

    😀

  47. Ax ay nagsasabing:

    alvin, ang magpalipad ng saranggola sa panaginip ay isang bagay na nais ko rin maexperience.

    siguro sa panaginip, aabot ang saranggola sa ulap. o baka umabot pa ito sa ibang dimensyon. nakakatuwa na sa panaginip, marami tayong nagagawa na hindi natin nagagawa sa normal na buhay.

    oh, sige na nga. isa ka na ring alamat! magaling ka rin eh.

  48. yhen ay nagsasabing:

    wow ganda ng pagkakasulat… sobrang makata… 😉

  49. Jorge ay nagsasabing:

    ang lalim! toinks!

  50. -sye- ay nagsasabing:

    hmmmnn..
    galing mo direk ah..
    may natutunan ako..toinkz!
    galing mo sa paghahambing nang bata sa saranggola, hmmn..
    hindi masamang maging malaya gaya nang saranggola pero dapat minsan makinig din tayo sa parents natin at makinig sa mga payo nila, para hindi tayo mag sisi sa bandang huli..

    mabuhay si direk..!umwuah..

  51. glaiza ay nagsasabing:

    hmmm… galing ah!!! simple pro may aral.

  52. jason ay nagsasabing:

    ang saranggola ni alvin

    bow. ito ay lumilipad

    mataas na mataas

    biglang kikidlat

  53. jason ay nagsasabing:

    galing galing O!
    akalain mong nakagawa ka ng ganyan alvin!

  54. jason ay nagsasabing:

    Marahil ay napagtanto mo na ikaw ay isa ng dalubhasa at matinik sa paghahabi
    ng mga salitang maaaring nasungkit mo pa sa katirik-tirikang tugatog ng isang bundok.
    Minsan kahit hindi ko na maarok
    ang mga simpleng pariralang namumutawi sa iyong matalinhagang dila ay pinipilit ko pa ring
    itanim sa aking konsensya ang mga aral na sana ay noon ko pa nabatid.

  55. anakngpating ay nagsasabing:

    yebah..kamusta naman dito hehe..

    anong meron hehe..jokeness,,

    o ha…di ba may sense ang koment ko hehe..

  56. TSI ay nagsasabing:

    Home base ba ko?

  57. annie v. ay nagsasabing:

    Isa ka talagang henyo kaibigan… Ako’y sadyang napabilib mo sa iyong munti at makabagdamdaming tula… Saludo ako sa iyong kakayahan… Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagkamasining, hindi natin batid ang nghihintay sayong rekognisyon at gantimpala… Malamang isa na roon ay maraming kababaihan ang sa iyo’y nahuhumaling….

  58. Ax ay nagsasabing:

    dude, paspam bago mag work! hehe.

  59. ArsEaN ay nagsasabing:

    Aun neh…makatang makata ang paghabi mo ng tula ah…ano ang aral nito???hehehe umiwas sa napakalakas na sampal para mukha mo’y ndi mayupi….toinkz whehehe =)

    nice Ajie… bka manalo ka pa ng noble peace prize nyan… 🙂

  60. arsean24 ay nagsasabing:

    wat ba papremyo??? 🙂

  61. tina ay nagsasabing:

    akala ko ba maikli lang? ang haba eh! hehe!
    pero ang galeng, alvin! panalo ka na ba? 🙂

  62. dhyoy ay nagsasabing:

    naman! ang galing!

  63. J.Kulisap ay nagsasabing:

    Napapanahon, madaling intindihin, pangbagong henerasyon, malayang taludturan.

    Ito ay akin lamang puna, lumilipad ba kapag ang sarrangola ay papel? Hindi kasi ako nakaranas magsaranggola.

    • livingstain ay nagsasabing:

      salamat po sa pagdalaw… opo lilipad kajit papel ang pabalat pero syempre mas matibay pa din ang plastic, pero mas karaniwan sa mga bata lalo na yung mga batang sa school naglalaro ng saranggola, mas ginagamit ang papel… tnx

  64. Rcyan ay nagsasabing:

    Kumusta po? Salamat po sa pagbisita.
    Nakakatuwa naman po ‘yung tula ninyo. Ang mga batang pasaway dapat pinapalo sa pwet! Ang galing! Kinonekta ninyo ang saranggola sa pagkabata. Nakakatuwa talaga.

    Bisita po kayo uli, ah. Ako rin po. I-aadd ko po kayo sa blog roll ko.

  65. Muffie Shannen ay nagsasabing:

    nice poem.. lahat kayo may kite na article

  66. enjoy ay nagsasabing:

    isa na lang ang kulang alvin… BOW!

    ayan, perfect na. may pagka-makata ka pala noh. siguro gnyan ka rin manligaw. inuulan mo ng poems yung labadoods mo 🙂

    pero in fairness, maganda yun aral ng poem mo. bata o matanda sadyang makakarelate…

  67. jason ay nagsasabing:

    nandito na ang hamster para sumoporta
    sa mantsa!!

  68. jason ay nagsasabing:

    magandang umaga STain!!!

    paliparin na natin saranggola mo dali!!!

  69. jason ay nagsasabing:

    ang saranggolay
    tila isang maliit na gamugamu
    na maaring
    mawala sa isang kisapmata
    kung sakaling bibitiwan mo
    ito at pakakawalan

    • livingstain ay nagsasabing:

      kung bibitawan mo ang pisi, pagisipan mong mabuti, dahil oras na bitawan mo yan wag mo ng asahan makikita mo pang muli… ang masakit pa nyan baka kung makita mo man, napulot na pala ng iba at kahit anong gawin mo hindi mo na magagawang mabawi pa.

  70. jason ay nagsasabing:

    popopoker face sabi ni chris daughtry

  71. jason ay nagsasabing:

    mas magalaw daw ang saranggola kapag mahangin???

  72. jason ay nagsasabing:

    Magandang umaga sa mga tao d2 sa entry na ito

    ito po ang hamster! hehehe

  73. deejay ay nagsasabing:

    alam ko nakacomment na ko dito e. o baka mali napindot ko. LOLs

    basta, stain ang profound! di ko maabsorb mabuti hehehe!

    PS: totoo bang tertin ka lang? 😛

  74. Rcyan ay nagsasabing:

    ang daming followers! kakalula! kainggit naman. sama rin ako! (^^,)

  75. Miel ay nagsasabing:

    Kaya kahit ano mang taas ng lipad ng pangarap natin, dapat wag kalimutang makinig sa payo ng mga magulang…

  76. ate honey ay nagsasabing:

    una ko nabasa to di ko masyado inisip basta binasa ko lang… nahihirapan kasi aq pagtagalog hehehe alam mo na bisaya hehe… pero ang ganda pala… malalim na meron pang mensahe…

  77. shen ay nagsasabing:

    inspiring and thought provoking lesson sa tula ^_^

  78. ako eto ay nagsasabing:

    promise maganda ang tula… napaisip rin ako minsan kasi masyado mataas rin ang inaabot ko at di ako nakikinig sa sinasabi nig mga magulang ko… thanks for the message sa tula

  79. Rcyan ay nagsasabing:

    @LIVINGSTAIN: Na-add na kaya kita. heheheh… nilagay ko ‘yung http://www.axrealm.com. tinanggap naman siya ng blogger. hehe. gusto ko rin ‘yung header na ‘to. para kasi akong laging tumitingala sa langit.

    Ay mali! http://www.livingstain.wordpress.com pala. wala naman pong problema. na-add po kita.

  80. Rcyan ay nagsasabing:

    @LIVINGSTAIN: Na-add na kaya kita. heheheh… nilagay ko ‘yung http://www.axrealm.com. tinanggap naman siya ng blogger. hehe. gusto ko rin ‘yung header na ‘to. para kasi akong laging tumitingala sa langit.

    Ay mali! http://www.livingstain.wordpress.com pala. wala naman pong problema. na-add po kita.

    hehe. inulit ko lang po.

  81. p0kw4ng ay nagsasabing:

    ang aral eh wag maging saranggola,hehehe

    alam mo ba gustong gusto kong maranasang magpalipad nyan..wala lang akong makasama..walang magturo na din…para kasing isang achievement ang makapagpalipad nyan ng hindi agad bumabagsak,hihihi

    huwaw mabasa mo pa kaya ito….ang daming comment,hehehe ulit!

  82. bernardumali ay nagsasabing:

    ayan nakadaan na ako ulit; ang linis ng tula mo dre. may saliw sa imahinasyon, may malinaw na aral at hindi ka maliligaw. gayundin mahusay kung paano mong binali ang sakit na sampal hahahaha.

  83. aksoriyalmo ay nagsasabing:

    oist.. oist.. yung saranggola sumabit.

  84. bonistation ay nagsasabing:

    ay akala ko blog entry; chat room pala hihih sorry namali ako ng napuntahan! ^^

  85. Ax ay nagsasabing:

    stain, bakit ba busy ako?

  86. foobarph ay nagsasabing:

    Dumating ang umaga, ika’y nagising

    Sa bunton ng basura ‘don ka naglanding

    – i like that line. keep it up!

  87. dFish ay nagsasabing:

    Hanep ang comments Alvin, parang pila sa job fair hehehe…Masarap at masaya ang tula mo…

  88. TSI ay nagsasabing:

    Ang red carpet dadaan ako… 🙂

  89. TSI ay nagsasabing:

    Vin edit mo na lang ha http://www.tsiremo.com

  90. Ax ay nagsasabing:

    paano kaya kung walang hangin.. makakalipad kaya ang saranggola?

  91. jason ay nagsasabing:

    ang dami namang tao d2

    oi magbisita ka rin sa pechay ko ha

  92. jason ay nagsasabing:

    alvin pa spam sa pechay

  93. Ax ay nagsasabing:

    ang saranggola lagi nilang sinisimbulo sa pangarap.

    kung gaano kataas ang kayang ilipad ng saranggola, ganun din ang pangarap.

    pero naisip ba nila na may mga bagay na pwedeng magpabagsak sa saranggola. hangin, bagyo, ulan, tibay ng tali, tatag ng papel.

    ganun din ang pangarap. minsan di natin napapalipad ng maayos. minsan bumabagsak.

    pero naisip ko rin ba na pwede ulit gumawa ng saranggola matapos itong masira?

  94. hanz sapitan ay nagsasabing:

    Mabuhay sa mga blogeristang makata!
    paliparin ang isip sa taas na di pa naaabot nino man! Nice entry!

  95. TSI ay nagsasabing:

    Sana manalo ang lahat ng may entry LOL.

  96. jeffry ay nagsasabing:

    ang galing namam ng tula mow………parang si dr. jose rizal jejejejejejejejeje…………………………..comeeent lng ha …damihan mo pa yung tula para maraming maiinspire……

  97. partofyou ay nagsasabing:

    aba naman bata,
    at ako’y namangha!
    umpisa kong diwa
    sumabay sa tula!

  98. bernardumali ay nagsasabing:

    papromote. hehehe hanggang aug 31 na lang ang kontes!

  99. Ax ay nagsasabing:

    malapit na mag-end.. cramming mode?

  100. jen-chan ay nagsasabing:

    Hello !

    Naku, maraming salamat sa pagdaan kay kuntilbutil at sa comment mo sa tula.

    Hindi man karamihan ang nagcomment dun, masaya na ako nakapagsulat ako uli matapos ang ilang taon hehe,

    kahit pano sa ganon kakaunti na comment ng tula nalaman ko kung ano ang pakiramdam ng mga bumasa ng tulang sinulat ko.

    Nakakainspire kasi ang tema ng contest.

    Nga pala, honestly, nagandahan ako sa tula mo, napakasimple pero ipinakita rito na ang mga kabataan me mga pagkakataon na nagrerebelde sa ngalan ng pakikipagsapalaran.

    Nakikipagsapalaran. Nagkakamali. Natututo.

    Andun lagi yung mga magulang natin sa ating likuran. Hinahayaan nila tayo. Mas maganda nga naman kasi maranasan mo ang mga bagay sa buhay na makakapagparunong sayo pagtanda mo.

    Ika nga, Experience is the best teacher.

    May the best entries win na lang ! 🙂 Goodluck sa ating lahat ! 🙂

  101. Ax ay nagsasabing:

    stain, kahit sino manalo sa inyo sa sumali sa tula, maganda pa rin tong tula mo. kung ako judge.. marami kayong tie. kayo nila tsi at lahat lahat na gumawa ng tula.

    manalo. matalo.

    magaling pa rin!

  102. Ax ay nagsasabing:

    ayun, alam ko ayaw mong maging blogsikat. hehe.

  103. rico ay nagsasabing:

    hehehe..posble bng kalaban bro? hehehe dmdlaw lng…slmat sa pgbisita sa blog ko

  104. Pingback: Saranggola Blogsikat Winners « hibang

  105. jason ay nagsasabing:

    congrats alvin!!!

  106. Pingback: Saranggola Winners at Pahabol na Quiz Bee! « hibang

  107. Pingback: Isang malaking SALAMAT! « hibang

  108. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Maganda,

    Yong parng mo palitan mo ng parang.

  109. busyok ay nagsasabing:

    alvin, pabalato nalang sa premyo.haha

    naalala ko nung bata kami. kapag gumagawa ng saranggola ‘yong kaning lamig ang ginagamit naming pandikit.haha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s