No Rally Zone

          Gaya ng patuloy na pagbuhos ng ulan, marahan ko munang pinatila ang issue ng SONA ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi naman talaga sa SONA nakafocus ang blog kong ito pero bilang komento ko doon, maganda, malaman, at may sadyang tigas ang kanyang mga tinuran.

          Pero ayaw kong pagtuunan ng pansin kung ano man ang kulang at hindi totoo sa mga sinabi niya, wala na akong paki-alam doon, gusto ko lang bigyan ng pansin ang mga ralihista sa labas ng Batasan. Sadyang marami sila at ang balita ko ay nanggaling pa sila sa malalayong lugar.

          Madalas kong naitatanong sa isip ko kung bakit ba may mga ralihista? Sa ating bansang may demokrasyang pinaiiral, HINDI bawala ang mga tulad nito, pero sa totoo lang kailangan pa ba nilang gawin iyon? Sa lahat ba ng pagkakataon ay tama pa rin ang kanilang ginagawa?

          Base sa pagkakaalam ko (itama nyo po ako) tuwing magkakaroon ng eleksyon, binibigyan tayo ng karapatang pumili ng tingin natin ay karapat dapat. Halimbawa ay ang mga Congressmen at Representatives na siyang kakatawan sa distrito at samahang kanilang nasasakupan. Kung iboboto mo si Manny Paquiao halimbawa, at siya ay nagwagi, siya bilang inyong kinatawan ang syang magbibigay boses sa libo libo niyang mamamayan sa kanyang distrito. Ibig sabihin, anumang sabihin niya sa kongreso ay yoon na din ang sinabi mo at ng iyong mga kasama, pabor man ito o hindi sa inyo.

          Pangkaraniwan ng pinangungunahan ng mga party list ang mga welga sa kalsada. Bakit kaya ganon, bakit kailangan pa nilang sumigaw at magsunog ng mga replika? Kadalasan ay mayroon silang leader na kung minsan ay higit pa sa isa. Ibig bang sabihin ay noon ay walang boses ang napili nilang kinatawan kaya kailangan pa nilang magsisigaw?

          Nakakalungkot isipin na kung minsan ay maraming nasasaktan sa mga ganitong gawain, madalas pulis ang nasisisi. Hindi ko naman kinakampihan ang mga pulis pero ang alam ko, meron tayong picket line na tinatawag kung saan hanggang doon lang maaring tumapak ang bawat ralihista, ang magpilit na lumampas sa guhit na iyon ay maaring maging mitsa ng isang gulo at sakitan.

          Alam ko pong ako ay bubot pa sa mga ganitong usapin, pero hindi ba’t mas magandang isipin na nakikialam ako, at bilang isang Pilipino, may pakialam ako. Kaya naman humihingi ako ng tamang gabay sa higit na mas nakakaalam. Wala naman akong hinihimok, maari ngang magkaiba pa tayo ng opinyon, pero sabi ko nga itama nyo po ako kung may nakikita kayong mali sa mga sinabi ko. SALAMAT

“Thank You Congress-SONA 2009”

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

153 Responses to No Rally Zone

  1. Bryan Karl says:

    Di ko rin ma-gets ang mga rallyista. Minsan nga maiisip ko pa na puro nalang reklamo ang ginagawa nila eh. Siguro naman minsan tingnan nila kung may nagawa rin silang malaki upang makamit kung anuman ang gusto nila. Ang daming rally wala naman ring nangyayari.

  2. arsean24 says:

    hay naku…😦

    magsalita man ikaw, ako o taung lahat sabihin n nating DEMOCRATIC country taung naturing wala nmang kinahahantungan…..db??? db???

    ang saklap nga ng mga nangyayari sa tuwing mgkakaroon ng mga rally dyan sa mendiola man o sa batasan…kawawa nman ang mga walang malay na nadadamay sa kalupitang dinudulot nito….

    at isa pa…

    ajie,

    ndi ko feel ung music…toinkz
    🙂

    • livingstain says:

      para sayo ARSEAN, minsan na din akong nakasaksi ng isang rally jan sa may Recto, namamasyal akong mag isa noon sa Quiapo, talagang bumaba ako sa sinasakyan ko para lang masaksihan ang lahat. alam mo ito ang napansin ko:

      1. madaming taong tumatakbo, dahil natatakot.

      2. may mga sumisigaw sa mga sibilyan na umalis kayo diya dahil baka magkabatuhan.

      3. traffic

      4. nagsara ang mga establisimento sa paligid, halimbawa ang jollibee at ang mga katulad nilang may ding ding na salamin.

      5. may mga reporter gaya ni martin andanar na malaki pala ang eye bag…

      6. maingay, magulo, nakakatakot

      • arsean24 says:

        ngunit isinasantabi ng bawat isang kalahok sa rally ang mga bagay na iyong nabanggit….dagdag mo pa…

        7. Madaming basurang nagkalat sa paligid matapos ang kanilang programa…

        • livingstain says:

          tingnan mo yung mga comments ko, talagang may sinasabi silang lahat… natutuwa ako kasi hindi lang basta comments, may sinasabi lahat.

          • arsean24 says:

            kakaiba talga ang post mu ngaun…ang hahaba ng mga comments…and agree naman ako sa lahat ng sinasabi sa bawat puna at komento…

            • tama..ibig sabihin lang nito, pare-pareho tayong may pakialam sa bansa natin at sa ganitong paraan ay napag-uusapan ang mga magagawa natin para sa ating bayan.

              Sabi ko nga, masyado atang malaya ang bansa natin. Malayang gawing ang kahit na ano, kahit mali na ito. Minsan nga naiisip ko, mas ok pa siguro kung hindi na lang demokratikong bansa ang Pilipinas. Nagiging abusado ang lahat sa kalayaang ibinibigay sa kanila.

    • karoger says:

      isa sa mga nakita kong problema kung bakit naging ganito ang Pilipinas ay ang demokrasya mismo. o ang paggamit ng mga Pilipino sa demokrasya.

      imagine, Pilipinas lang ang masasabing tunay na demokrasya sa buong Asya. Thailand, Malaysia, China, Japan, and most of Asian countries are not really full democracies. but they are ahead of us. in fact, very ahead of us.

      asan ang problema? nasa pagtingin ng mga Pilipino sa demokrasya. inabuso natin yung demokrasya. 1970’s uhaw tayo sa demokrasya. pero tingnan mo ngayon, 1980-now, hinigop, sinimot at dinura natin yung demokrasyang yun.

      anong sagot? di ko pa alam. first step siguro, most of us, if not all, maging mature na. politically mature. ipagpatuloy natin yung ganitong mga diskusyon sa mga blog natin. (kahit corny. haha).

  3. siyetehan says:

    eto ang aking opinyon:

    Siguro kung ginugol ng mga rallyists ang mga oras nila sa pagtatrabaho eh kahit papaano ay may naiuwi silang pambili ng pagkain para sa kanilang mga pamilya.

    http://siyetehan.blogspot.com/2009/04/grains-of-thought-tungkol-sa-rallly.html

    • livingstain says:

      oo nga naman, pero alam mo papakinggan naman sila ng mga kinauukulan kung nakikipag usap sila ng maayos.

      bakit kaya hinahayaan ng mga representatives na magrally ang mga miyembro nya. kapag kaya hindi na nya kaya ang gawain nya o kapag hindi na sila napakinggan e yun na ang huling at naiisip nilang mabisang peraan? mali naman yata un..

      • oo nga naman, pero alam mo papakinggan naman sila ng mga kinauukulan kung nakikipag usap sila ng maayos

        minsan, hindi rin..dun na lang sa congressman sa lugar namin, hindi maabot abot…ayaw pakinggan ang hinaing ng mga tao kahit idinadaan sa mga mayor..ni hindi nga nila kinukunsulta kung anu-ano ba ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan. Pansariling pangangailangan lang nila ang palage nilang inaatupag.. Hmmp.. mag pulitiko talaga.. Umaattend lang kapg may event sa plaza para magyabang sa mga tao

  4. glaiza says:

    I agree with Ryan Karl. Minsan kc prang puro reklamo nlng din tau. Wag nting iasa ung buhay ntin s iba. We have to find a way pra umasenso tau.

    But on the other side, we cannot blame those rallies. D ntin alam kung ano ung mga pinaglalaban nila, kung ano mga pani2wala nila. Un nga lng d din maiwasan ang my msktan pg my rally. Pro d good thing about it alam ntin n mg ngmmlasakit s bnsa ntin (sana nga un ang reason nila s rally).

    Hay… let us just pray for our country.

    Wait nyo nlng n mging president ako hehehehehe….

  5. p0kw4ng says:

    sa kabilang banda ina admire ko silang mga nagrarally…mahirap mabilad sa init ng araw..magpakabasa sa ulan…magutuman sa daan…pero nandon sila para ipaglaban ang alam nilang tama kapalit ng wala.

    minsan di ko na din sila maintindihan pero siguro talagang may matindi silang pinaglalaban. naiisip ko lang minsan…papaano kaya ang kanilang pamilya at mga anak kong habang buhay silang nasa daan para ipaglaban ang kanilang mga ideolohiya….

    • livingstain says:

      salamat tita. medyo magulo kasi sa bansa, may mga bagay na hindi natin nauunawaan lalong lalo na ako. pero hanggat hindi natin pinipilit intindihin ang mga bagay na taliwas sa ating sariling ideyolohiya malamang sa hindi din natin ito matatanggap.

      may mga taong tulad ko na hindi pabor sa rally pero meron din iba na halos sa kalsada na nakatira. sana lang nagkakaisa na ang lahat.

    • papaano kaya ang kanilang pamilya at mga anak kong habang buhay silang nasa daan para ipaglaban ang kanilang mga ideolohiya….

      may mga tao na talaga na tinitiis ang mga sarili maipaglaban lang nila ang kanilang prinsipyo

  6. deejay says:

    yehey nasa taften ako!

    uy stain, sabi nga ni GMA: “do it well. do it hard. don’t pusiput,” oki?

    muhaha!

    peborit word ko ngayon: “pussyfoot.”

    parang bastos pero hindi.😛

  7. shynyrd says:

    base?

    ouch..
    wala ako masabi
    na drain ako eh..
    baka naman mapaaway lang ako.
    kaya no comment na lang ako.
    artista?

  8. IKAY says:

    nung ng aaral ako sa college sinubukan ko rin makisama sa kanila dahil sa dala ng kuryusidad kung bakit at ano ang mga ipinaglalaban nila…kung iyong titignan at papakinggan ang kanilang mga hinaing may mga punto sila na tama para gawin ang mga bagay na gnyan (ang pagrarally) dahil nga naman kung minsan khit ano ng sigaw ng knilang representative sa kongreso o sa kung saan man eh madalas ngbibingibingihan lng ang mga namumuno duon, kya mas minamabuti nila n sa kalsada nlng isigaw ang knilang mga hinaing dahil mas napapansin sila…and bilib ako sa pagtyatyaga nila khit na at the end eh wala pa rin silang napapala…pero sa ibang banda nakakainis din sila kc parang wala na silang alam gawin kundi ang silipin ang bawat pagkukulang ng pangulo na samantalang sila tin nman o tayong lahat eh may obligasyon pra sa pagpapaunlad ng ating bayan.

    “ay sowee mukang napahaba ata comment ko..🙂

    • livingstain says:

      alam mo napapaisip din ako kapag naririnig ung mga salitang nagbibingibingihan ang iba, kasi kung nakikita nilang tama ang isinisigaw ng tao at may katiyakan na makatutulong ito para sa lahat bakit naman hindi sila papansinin di ba…

      • kontra ka talaga sa mga rallyista e no…ung iba siguro nababayaran para magrally, pero ung iba may punto din..kelangan kasi talaga natin ng isang mamumuno na kahit hindi perpekto ay kayang gampanan ang malaki at mabigat na tungkuling nakaatang sa kanyang buong pagkatao…

      • IKAY says:

        pero papano nga kung hindi nga nila tinitignan ang mabuting side nung isinisigaw ng mga tao?? kya nga ngbibingibingihan diba ibig sabihin ayaw nilang pakingan ang mga sinasabi ng tao…
        hindi ako pros ng mga ralliyista pero may mga sumali jan na ang kanilang adhikain eh pra sa ikakabuti ng bayan nten..yun nga lng minsn nagagamit sila ng mga mapagsamantalang politiko rin na nghahangad lng din ng kpangyarihan.

  9. joan says:

    ..dapat kase “ako mismo” hehe. ahhhhhm kanya kanya sigurong mga dahilan kung bakit nila ginagawa yung ganung bagay, yung iba ay pinagkakakitaan at yung iba naman ay talagang may prinsipyong pinaglalaban.😉 napadaan lang kuya. hehe.
    ..exlinks? :>

  10. anakngtambobong says:

    Salamat sa pagdaan, sa blog ko, kaibigan!

    Naitanong mo kung mayroon kayang SONA na magiging katanggap-tanggap sa marami. Sa palagay ko, magkakaroon. Kung mababago ang sistemang umiiral.

    Sa pagsisiyasat natin sa mga pangyayari sa ating lipunan, dapat nating malaman ang dalawang bagay: (1) Una laging may tunggalian; at (2) Sa tunggaliang iyon, dapat masiyasat mo kung alin ang tama at mali.

    Alam kong di pa masasayod ng isip mo ang usapin kung paano nga ba gumagana ang mga aparato ng Estado at ang Estado mismo.

    Pero, kadalasan, hindi gumagana ang mga aparatong ito para sa taumbayan; gumagana lamang ito at napakikinabangan ng iilan: ang tinatawag na naghaharing-uri.

    Dapat mong masuri ang lahat ng bagay sa makro at mikrolebel nito.

    Kapag nakita mo na ang esensiya, nagagap ang katotohanan ukol sa mga bagay-bagay, saka mo masasagot ang tanong mo mismo: Bakit nga ba may raliyista at tama ang ginagawa nila?

    Salamat muli, kaibigan, sa iyong pagdaan.

    • livingstain says:

      wala namang tumatama sa mga taong bayan, palaging may mali palaging may kulang, wala ng nakakaalam ng tamang sagot. suporta na lang ang kailangan tuingo sa pagkakaisa.

    • karoger says:

      i see elements of marxism in your post, comrade.🙂

      using a Marxist lens in analyzing the events that happened in our country is not enough to be used as a tool of analysis in interpreting what has happened before, what is happening now and what will we do tomorrow… I am not saying that Marx is not right in his ideology. What i want to point out is Marx and Joma Sison’s interpretation of this society doesn’t really reflect the Philippine context.

  11. topexpress says:

    hmmm… mabuting di na ako mag comment baka kasi masaktan ako?! ahahahaaha!

    bawat isa sa atin ay may kanya kanyang paniniwala at idelohiya. nagkakaiba lang tlga sa paraan ng pagpapahayag.

    napadaan lang po!

  12. karoger says:

    i share your views.
    can i share you something in return?🙂

    may sinulat akong blog, better read it. “Aktibista ako.” yung pamagat. it was criticized when i posted it sa multiply ng unibersidad ko. mainly because i gave a new meaning to activism.:

    http://rodiyer.multiply.com/journal/item/11/AKTIBISTA_AKO

    nagsulat ulit ako ng bago, fresh lang to. sumama kasi ako sa rally sa batasan nung sona eh. haha. again, yung sinulat ko is a critical view sa mga pinaggagawa ng mga ‘tradisyunal na aktibista’.. hindi ko pa siya pinopost. haha. sana mabasa mo siya soon.

  13. karoger says:

    “Ibig sabihin, anumang sabihin niya sa kongreso ay yoon na din ang sinabi mo at ng iyong mga kasama, pabor man ito o hindi sa inyo.”

    yep. tama ka. pero marami kasing kind of representation. nakalimutan ko naaaa. haha.
    isa na yung sinabi mo. try kong hanapin notes ko yung iba.

  14. bing says:

    kung walang kikibo gaya ng mga raliyista, ang magiging dating ay tama lahat ng nangyayari sa ating gobyerno. nagiging madugo dahil na rin sa mga pagmamalabis ng mga awtoridad. it’s one provoking the other.

    maaaring parang sumusobra na rin ang mga raliyista, pero ganun din naman ang mga tao at mga grupo ng tao na kanilang pinupuna. ang matindi pa, ang mga ito ay palihim pa minsan kung umatake. ilan na bang mga miyembro ng mga raliyista at mga kauri nila ang napatay o nawawala? napakaraming istorya, nakakalungkot.

    hindi natin maiaalis na ipagtanggol ang ating pinaniniwalaan pero para sa akin ang tunay na demokrasya ay ang kalayaang sabihin at ipahayag ang saloobin at ang mga prinsipyo, at ipaglaban ito kung kinakailangan.

    maraming nangyayari sa mundong ito na nakakatawa dahil hindi tayo ang naroon sa posisyon at sitwasyon.

    salamat sa pagdaan. at naniniwala nga pala ako na posibleng magkaroon ng SONA na katutuwaan, hindi man ng lahat, kundi ng nakararami.

  15. joni says:

    tsk. ewan ko pero bwisit ako kpg nw2la ung mga sinusubaybayan ko s tv kpg my mga gnyan. lhat ng channel puro about s SONA. napilitan 2loy aq manuod nlng ng movies. lols. haha. in short, wapakels aq s gnyan. ay mali. cguro di lng tlga aq interesado. haha. pero concern pdn aq s kalagayan ng bansa. kya nga sana imbis na mgkagulo sila eh tnggapin nlng nla n wla nmng mb2go khit anu gwin nila. tama ka. lhat nmn cla bngyan ng karapatang bumoto. kya wla clang dpat ireklamo. its their choice. buti nlng di aq botante. hahaha

    • livingstain says:

      akala ko ako lang ang bubot sa mga usapin ito, pero mukang bata ka pa nga, dadating ang panahon na kahit ayaw mong makialam ay aakayin ka nito at mapipilitan ka na. madalas un kapag nakatapos ka ng college at naghahanap ka na ng trabaho…

      sa ngayon enjoy enjoy ka muna miss maganda.

    • karoger says:

      ‘kya nga sana imbis na mgkagulo sila eh tnggapin nlng nla n wla nmng mb2go khit anu gwin nila.’
      – karoger says:
      wag kang mag-alala, may pag-asa pa. lalaban tayo.

      ‘lhat nmn cla bngyan ng karapatang bumoto.’
      -karoger says:
      kulang kung pagboto lang yung gagawin nila. nasa sistema na yung problema.

      ‘kya wla clang dpat ireklamo’
      -karoger says:
      we all have the right to complain. however the state reacts, naniniwala ako na nasa atin pa rin yung susi para mabigyang aksyon yung mga reklamo natin.

      :))

  16. Alvin, kagaya ni shea, hindi na lang ako magkokomento dito ng aking opinyon…

  17. kahit saang tignan magulo tlga ang pulitika, marumi, maingay.

    ewan ko ba,minsan kasi hindi lahat nadadaan sa kalye.

    pero kung wala itong mga raliyista magiging kawawa lalo tayo.

  18. waah, late na ako..

    may punto ka..pero sa kabilang banda, yaong mga nagrarally ay masasabi kong may pakialam din kagaya mo sa bansa natin. Hindi sila kontento sa mga nangyayari. At siguro, madalas, yaong mga hindi nila ibinoto ang nanalo. At ang dapat na magiging boses nila ay nagiging boses lamang ng iilan o kaya’y para sa kanilang sarili lamang.

  19. flamindevil says:

    sige.rally nang rally.

    i don’t love GMA but I don’t hate her to.

    ang sa akin lang, nandyan na yan eh, suportahan na lang natin. eh tayong mga pinoy, nobody’s good enuf for us. yan ang hirap, lahat gustong maging presidente.

    sa mga leftist, maganda siguro kung si Rez Cortez or Amay Bisaya na lang ang iboto nyo.

    just my two cents worth.

    • livingstain says:

      hahahaha tama ka, isa pa lahat kaya ng mga ralihista e botante, dapat bago nila tanggapin ang kanilang member e tinatanong muna nila kung rehistrado itong botante diba….

      malaking porsyento ng suporta un ang mahalaga, kahit hindi 100% ok na yun.

  20. Precious says:

    kahit kelan naman walang naging perperktong lider eh. kasi lahat tayo mga tao lang.. pero kung lagi nating iisipin na tao lang tayo lagi tayong magkakamali at magiging pa ulit2 lang ang lahat.. ang magandang gawin natin maging ehemplo: sa mga estudyante, mag-aral ng mabuti; sa mga empleyado, magtrabaho ng matapat; etc..

    aahh..nahaba ilong ko! waaa..hehehe

  21. bonistation says:

    basta isa lang natutunan ko sa entry na ‘to! ganun pala speling na ‘ralihista’ ahihih! kala ko dati rallyista! ^^ hindi ko napanood ung sona pero binasa ko ang 12pages nyang speech at masasabi ko din na maayos at kahit papano nakakagising ang mga nilalaman! habang binabasa ko yon nagkakaroon ako ng ilang realization sa mga kasalukuyang nangyayari. hindi talaga madali ang maging presidente ng isang bansa at sa isang banda (less negative criticism) naitaguyod tayo ng isang babae.. sobrang tatag nya! hindi ako pro-gma at lalong ayoko ng term extension…

    sa rali naman minsan sumusobra nadin sila! mas mainam pa na magtrabaho mabuti kesa magsisigaw sa langsangan minsan kahit baluktot na ang katwiran nila pilit padin nila isinisiksik or kaya naman ay nagagamit ng iilang tao.. sana lahat ng pilipino umusad at tumulong para sa ikabubuti ng lahat magtulungan hindi magsiraan or maghilahan pababa!

    awww! napahaba sinabe ko pasensya na po!!
    may gusto ako sa speech ni PGMA nung July27:

    “From Bonifacio at Balintawak to Cory Aquino at EDSA and up to today, we have struggled to bring power to the people, and this country to the eminence it deserves.”

    • livingstain says:

      regarding sa extension tinapos na nga ng Pangulo ang kanyang mithiin para jan pero ano, may mga Senador pa rin na nagsasabing hindi 100% totoo un, hindi daw kasi sinabi ng diretso… susme amo pa ba naman ang gusto nila.

      watta comment sir bon, totoo yun magtulungan tayo, hindi naman siguro gusto ng mga namumuno na masira ang kanyang pinamumunuan diba, walang Presidente ang naghangad na malubos sa kumunoy ang kanyang bansa.

      ako din eto ang gusto ko…

      “thank you Congress”

      kasi pati ako at ikaw, tayong lahat pinasalamatan niya.

      • bonistation says:

        yup once she told thank you “congress” it means “us” kasi nirerepresent alng naman nila tayu dun! heheh!

        aprub!
        pero tanong lang ang congress ba eh opposite ng progress?? hmm just wonderin’!

  22. Precious says:

    EDSA her face! galet?!
    heheeh…

  23. Precious says:

    uy stain..merong my gusto sa kanya…kilala ko kung sino..3 seats apart lang kame…hahaha…

  24. It’s because our nation hasn’t yet evolved into mature voters, and as such, we still treat our elections like a joke. In effect, we are electing “leaders” whom we can pass the blame to, like the scapegoat of ancient times to carry our sins and make us feel well.

    If anything, the population of any rally is an indication of unemployment, because face it: people would much rather work than be subjected to our mutating weather. But the schoolbus of rabble-rousers is a new thing, conceived around the time of Erap. Due to lack of souls around metro manila willing to rally, the organizers now look to the provinces to augment their number.

    Besides, the Metro Manila professional rallyists are more expensive than the ones from the province.

    • livingstain says:

      pano ba malalaman ang mga mature voters.
      ganon na nga nangyayari sa leader sinisisi ang lahat. kawawa naman, sana umiisip naman ng paraan ang mga tao para makatulong sa mas higit na paraan, pero hindi ko sinasabing hindi nakakatulong ang mga ralihista ha….

      • For one thing, let us not look to the “bankable” candidates, this isn’t high school prom we’re talking about, but the fate of the nation for the next six years of our lives. Herein lies our problem, for both the Harvard graduate and the High School dropout have made our lives miserable this past decade, which means that Education is no longer a factor for good leadership.

        A philosopher once said that “Politics is too precious to be left to the politicians,” but life isn’t all politics. I think what we need right now is to find a way to live our lives despite of the politics, to make the politicians feel what they truly are: Obsolete.

  25. Eli says:

    Haay., ganun cguro talaga.pero kung ayaw nting uminit ang ulo, lets focus sa positive.Siguro nxt time mas mature at maswise na tayo sa pgboto.

    • livingstain says:

      sana nga kuya. malapit naang eleksyo sana wag nating ipagsawalang bahala ito, mahaba pa ang panahon kaya magisip na tayo. kung medyo nahihirapan ka, mag Villiard ka na lang muna…aaawww

      sipag at tiyaga lang ang kailanga para sa ikauunlad mo bilang tao!

  26. shynyrd says:

    nakow alam na niya un…

    di na dapat hulaan..

    wahehehe

  27. ang ganda ng song oh! hahaha galing ah.. para nga naman di uminit ang ulo no???

    Yun mga iba siguro may pinaglalaban talaga.. yun iba naman nabayaran lang…

    hayzzz pero nakakasagabal pa din sila diba?? Kawawa naman yun mga taga manila

    e sori naman di ako taga dyan kaya di ko naeexperience yang mga yan.. pero napapanuod ko lang..

    at nakaka inis na sya talaga…

  28. jason says:

    Pero alam ko sa mga rally harsh talaga ang mga pulis…

    nakakaawa yung mga rallyista
    na duguan ang utak..

    naalala ko pa dati
    nasapul sa ulo si jiggy manicad ng bato

    • livingstain says:

      may mga pagkakataong ganyan nga ang nangyayari kaso may nagpupumilit kasi lumampas sa picket line kaya napipilitan silang itulak ang mga ito, kung papayagan naman nilang makalampas lalaki naman ang ulo.

      igalang ang guhit.

  29. jason says:

    peeero ako

    di pa rin ako kakampi sa mga pulis..

    hmmmpp
    sa mga manong guard na lang
    LOL

  30. yhen says:

    you have a point here kuya… is it still worthy na ipahayag ang damdamin sa pamamagitan ng rally? wala nga namang masama sa ginagawa ng mga raliyistang ito pero ang tanong sa tinagal tagal nilang ginagawa ito, nakita na ba ang pagbabago?

    i think there is something missing here… what if instead of criticizing our leaders why not support them so in that i case guil-free ka bilang mamamayang Pilipino at mas magiging payapa ang bansang ito.

    ewan ko how rally works but they are the same people over and over, may pinaglalaban man o wala ang mahalaga eh mahalin ang bayan at yun dapat ang pagtuunan ng pansin…

  31. Mon says:

    na-iinis din ako pag nakakita ng mga rally, kasi tingin ko, sila-sila din yun. pabalik-balik lang. doble-kara. halimbawa, nung rally ng mga anti-ERAP, ngayon ang iba sa kanila, sila din ngayon ang nagrarally as anti-Gloria. ang iba jan binabayaran lang. ginagawa na nilang hanapbuhay.

    tama naman ginagawa mo dude. maki-alam tayo sa mga nangyayari sa’ting bansa. minsan allergic lang talaga ako sa usapang politika kaya di ako gumagawa ng post tungkol dun. maybe one of these days, i will.

    • livingstain says:

      Tama ka parang wala naman talaga silang gusto, wala naman kasing 100% good president isang tao lang yun at hindi kayang gawin ang lahat ng bagay ng sunod sunod at lahat lahat kaya isa isa lang. wag naman sanang apurado di ba…

  32. Nina says:

    Ayan, binasa ko na ang post mo at pati ang mga kumento.
    Una, kung titingnan kasi ang mga rally bilang panggulo lang sa normal na buhay, maiinis talaga tayo sa kanila. Pero ang masasabi ko pa rin, bago tayo magkumento sa mga rallyista, tingnan muna natin kung ano ba talaga ang isyu, hindi mo naman kasi malalaman iyan sa panunood at pakikinig lang ng balita dahil maraming hindi nailalahad sa media.
    Totoong parang maingay at magulo pero ang layunin kasi ng rallies ay pukawin ang atensyon ng mamamayan na may nagaganap labas sa normal na buhay ng bawat isa.
    Ang mga rallyista, may sari-sariling buhay ang mga iyan pag walang rally pero pag may malalaking isyu na isinasaisantabi nila ang mga personal nilang obligasyon para magpahayag ng saloobin.
    Hindi natin makakamit ang tunay na demokrasya sa pagkikibit-balikat. Sabi nga walang libreng kalayaan, pinagbabayaran ito at ipinaglalaban.
    Kung walang mga rallyista, baka magising na lang tayo isang araw na naisanla na pati kaluluwa ng mga apo natin sa tuhod sa mga dayuhan.
    At saka ang mga rallyista, may ilan talagang nababayaran pero iilan lang ang mga iyun, sila iyung kadalasang hakot ng mga pulitiko. Mga taga-palakpak ng mga trapo ang ilan.
    Ang pagiging rallyista, usapin din kasi ng komitment iyan kasi wala namang bayad ang pagsigaw-sigaw na iyan. Talagang kailangan lang na maging aktibo at makialam sa mga nangyayari sa bansa.
    Hindi sapat ang paliwanag na ito para masagot ang mga tanong mo at ng iba. Maraming website ang mga aktibista (hindi lang rallyista kasi ang rally naman ay isang bahagi lang ng pagkilos), subukan mong sumilip.
    Anyway, masyado kasing masaklaw ang tanong mo kaya napahaba rin ang sagot ko. Ang sa akin lang, suspend judgement habang hindi pa natin nakikilala nang husto ang mga hinuhusgahan natin.
    Iyun lang muna.

    • livingstain says:

      salamat po sa pagpapaunlak…

      siya po si NINA isang kaibigang miyembro ng isang Party List…

      salamat po sa pagbibigay ng opinyon sa blog ko… hindi po ako magcocomment para hindi naman maging balitaktakan ang usapan natin… basta ang mahalaga po ay nabasa nyo ang saloobin ko at nakapagbigay linaw kayo sa iba ko pang mambabasa, iginagalang ko po ang inyong samahan…

      muli Maraming Salamat po….

  33. akbayanyouth says:

    mahalaga ang mga tanong mo. bakit nga ba nagrarally o bakit may mga raliyista?

    may mga mali siguro sa mga nagrarally, may mga tama din malamang. paano mo tinitimbang ito?

    anung uri nga ba ng demokrasya meron tayo? paano ba natin tinitingan ang ating mga lider? anung klaseng eleksyon meron tayo? anung klase ng mga lider ang nahahalal? pakatapos silang maihalal, bahala na sila. wala na silang pananagutan?

    kung gusto mo, maari kitang maimbitahan tungkol sa aming grupo. mas mahusay na mapaguusapan ang iyong mga katanungan.

  34. anakngpating says:

    hays di ko alam mga sinabi nya hehe…pramis hehe..kaya wala akong alam..maiinis lang kasi ako..ang alam ko lang binaba nya presyo ng gamot sa high blood ata..pero un lang ung binaba nya ..wala pa rin..sana lahat ng gamot dinamay nya na di ba ..

    bisita ka nama dito..
    http://anakngpating.wordpress.com/2009/07/30/thanks-giving-list/

  35. dencios says:

    well LS kung halimbawang madamay sila sa sinunong nilang imahe ni gloria ay kasalanan na nila iyon!

    kung nagttrabaho na lang sila kesa sinasayang nila ang oras sa mga ganun.

    minsan kasi ang demokrasya wala sa dami at pagtitipon at sigawan e, minsan nasa utak at diskarte.

    yun ang problema sa atin, walang diskarte at pilit nagpapagamit ang karamihan. kanino kamo? e di sa mga politiko din na buwayang katulad ng pilit nilang pinapatalsik!

  36. ifoundme says:

    same sentiments as mine. minsan nagtataka ako kung bakit andyan sila sa rally. nasaksihan ko kasi yan habang nagbabanat ako ng buto sa pagrereview para matulungan ko ang sarili ko na hwag maging pabigat sa bansa ko. i was wondering why there were there. I mean, i know it’s freedom of expression at karapatan din naman nilang magrally dyan pero i was thinking na sana yung panahon na yun sa paghahanap na lang ng trabaho binuhos. natulungan na nila sarili nila, hindi pa sila pabigat sa karamihan.

    opinion ko lang to ha? the best way to change the world is to help one’s self. opinion ko lang yan.

    salamat pala sa pagbisita sa mansyon ko… sana maging friends tayo. naks!

    • livingstain says:

      ako din parehas tayo ng pagkakataon kung kailan nakasaksi ng rally, noon ding nagpapakadalubhasa ako sa pagrereview hahaha… habang naniningin ng murang libro sa recto hahaha pero hindi ako bumili kasi alam mo ba kung bakit????

      BAWAL!!!

  37. aasa din ako sa suprota nyo… btw nice blog

  38. chennn says:

    di ako nakapanuod ng sona,
    may klase kasi dito sa bundok. daya hahaha.

    di naman magaalyansa ang mga tao kung wala silang nakikitang mali. every action is equal to an opposite reaction. democratic country e.😐

    ps.
    kuya aadd po kita sa knots ko,
    para di na ko magtype ng “l-i-v-enter”
    sa address bar, nyahaha, oks lang po?🙂

  39. Nortehanon says:

    Rally? May rally ba? Saan? Kailan? LOL! Kunyari na lang muna hindi ko alam😀

  40. Yaman din po lamang at napaunlakan ako na magkomento sa isyung ito ay sige na nga at makapagbigay na din ng punto.

    Sa dami ng nabasa kong puna ay napagtuunan ko ung kay nina, marahil dahil pareho kami ng saloobin sa mga raliyista.
    Ang pagsusulong ng usapin sa lansangan ay ibinubuhos ng kamulatan iyang pampulitika. May mga kanya-kanyang kaparaanan ang lahat sa pagpapahayag ng damdamin at paniniwala, may ibang sa pamamagitan ng blog, artikulo o sa sining ito ipinapahayag, kaya nga may mga satirikong pagtatanghal. Ngunit mayroong sa lansangan dinadala ang sintemyento kasi ay alam nilang mas maririnig sa lansangan ang kanilang hinaing kaysa sa kongreso o senadong pinamumugaran ng mga ewan kung ano.
    Ipagpalagay natin ang usapin sa pagtaas ng sahod, lalo at ginawa na itong regionalized, bakit mas mataas ang sahod ng mga nasa NCR at Southern Tagalog kumpara sa ibang lugar? kung akala natin ay dahil mababait ang mga “Boss” na naroon mali po tayo, mas mataas ang sahod (minimum wage) ng mga nabanggit na lugar dahil nasa kanila ang malaking bulto ng pagtutol. Iyon ang mga nagagawa ng mga rally na di umaaabot sa ating kaalaman. Bakit ang Cha Cha ay parang pagong ang usad? simple lang, di pa man ito sumisingaw ay isinisigaw na ang pagtutol ng sambayanan.
    Hindi ko kailanman pagtataasan ng kilay ang mga raliyistang ito kahit na nga minsan ay nakakasagabal na sila sa traffic. Kasi dahil sa kanila ay nakikinabang tayo ng inderekta. lalo sa mga usaping sangkot ang sambayanan. Pagtaas ng sahod, pagtutol sa oil price hike, pagtuligsa sa mga programang hindi ang mamamayang maliliit ang nakikinabang.
    Gayunman, ang mga opinyon natin ay dapat igalang. Sana lang ay madama din natin ang kahalagahan ng kanilang ipinaglalaban.

    • livingstain says:

      Salamat sa opinyon mo kaibigan, salamat sa ilang paglilinaw, iginagalang ko ang iyong opinyon…

      ang pagkakaalam ko po kasi kung bakit may iba ibang sweldo na itinakda ng gaya ng sa probinsya o ang tinatawag na Statutory Minimum Wage ay dahil sa iba ang Cost of Living doon. hindi maaring pantay dahil mawawalan ng mga workers sa lungsod, at magkakaroon ng desentralisasyon kung magiging pantay ang sahod ng taga lungsod at taga probinsya.

      Maraming maraming salamat po.

  41. Chimmie says:

    sa tutuo lang. hinde aku nanuud ng sona. bukod sa madame aku gawaen eh hinde ku dden naman sila maiintendehan. hihi. napadaan at magtatanung kng pede maki link ex? tnx

  42. dFish says:

    Ang daming nagbitbit na kani-kanilang “placard” dito sa bahay mo Alvin, at ang hahaba hehe…

  43. azul says:

    napanood ko yung konting part ng sona ni gma nung pinalabas na news.at sa dinami dami ng pwede kong mapanood yun pang part na puro pasaring sa mga kalaban nia ang napanood ko..tsk tsk…

    sa mga nagrarally dati ko pa din iniisip kung anu napapala nila sa kakarally nila..wala pa akasi akng nabalitaan na nagrally at pinagbigyan.minsan tuloi naiisip ko nakakadagdag na lang din sila sa gulo..

  44. azul says:

    at salamat ako pala ang muse mo ngayon..dahil jan di ko muna tatanggalin ang link mo sakin gang sa makahanap ako ng panibagong guest blogger..hehe

    at narecover ko na ung password ko.hihihi

  45. sumama ako noon sa edsa dos…

    afte two years tumira ako sa isang slum area at may na-discover ako doon bakit ang mga raliyista ay malalakas ang loob, they are funded — pero di rin nila alam kung sino…

    • livingstain says:

      ang naiisip ko lang ha, para lang yang Reunion, hindi madaling iorganize, kasi maraming ayaw na lang makialam lalao na yung mga taong may gusto ng madaliang resulta, kaya ayon kailangan ng madaming motivation para makiisa sila…

      tanong ko lang… lahat kaya ng mga ralihista ay gusto talaga nila ang kanilang ginagawa at alam kaya talaga ng lahat ang kanilang pinaglalaban?

  46. TSI says:

    Kelangan na natin ng pagbabago at ito’y mangyayari na sa susunod na taon, sa atin sana mag simula ang pagbabago, baw!

  47. Organized network din kasi ‘yang mga nagrarally, but what irks me is the mileage that channels 2 and 7 have to give to them everytime they organize a rally kahit na 5-10 people lang sila. I’ve seen such scenario in quiapo. todo coverage. andami pa kayang nangyayaring iba. to think na to feature them is not the sole effort to prove na they have balanced reporting. naiisip ko tuloy na nasa payroll sila nung komunistang nasa europe. yung lider nila di pinapalitan, laging sya lider. eh tayo we change presidents as practiced sa election.

  48. J.Kulisap says:

    Tayong mga Pilipino mahilig sundin ang emosyon kaysa sa isip, ewan ko lamang ha.

    Kapag ang isa ay sumigaw ng makibaboy, makibababoy, sukdulang magkakampihan na.

    Ang pagsigaw ay sigaw lamang kung walang makikinig, pano na bingi pa naman ang mga namumuno?

  49. rolandotolentino says:

    walang masama sa pagrali o kolektibong pagkilos. sa katunayan, wala tayong natamo nang hindi kumilos ang mamamayan. kung hindi kumilos noong 1986 at mga 2000, sana ay nandito pa sina marcos at si estrada. mas malaking problema ang tignan na sa pamamagitan ng pagkilos, problema lang ang dulot nito. sino ba ang binibigyan ng problema, o mas malaking problema? si gma na hinahabol ng serye ng corruption charges, na hindi sinasagot, o ang mamamayang tumututol sa ganito? maging tagapagmasid na lamang ba, o kikilos?

  50. ang right to hold a rally is like any right na ‘pag inabuso will lose its purpose. kasi nga we are after utopia naman, but improved lives. one more thing, p’deng ‘pag nag-rally sila they should clean up after themselves? to be dirty is not being filipino. may mga kilala naman akong mahihirap na malinis. may mayayaman din akong kilalang ‘d hygienic. the philippines is not just about ideas, the country is also a physical nation with people and land area.

  51. *sorry. we are NOT after utopia — that’s what i meant to write

  52. J.Kulisap says:

    Walang kwestyon sa pagrarali o pagtitipon, subalit sa lahat ng mga dumalo, alam kaya nila ang layunin? Sa lahat ng dumalo ito ba ay kusa?

    Sa lahat ng dumalo, nakikipaglaban ba sila?

  53. i hope the ones rallying to run for president. and i want someone from them to win. i want them to know how it is to run a country that’s as diverse as the various colors of Nips.

  54. diwata says:

    pahabol na puna! huli man, sana basahin pa rin..

    tumampok sa akin ang iyong paglalahad ng saloobin at pagiging bukas sa mga puna..

    maraming klase ng rali. maraming klase rin ang naglulunsad ng rali dahil magkakaiba ang layunin ng mga grupong lumalahok dito.
    sa mga naabala ng rali, sa inyo bang palagay, gulo lang at abala ang dulot nito? hindi ba ito isang anyo ng pagbubuwis ng buhay para ilahad ang totoong kalagayan ng ating bansa sa kabila ng mga pagtatakip dito ng estado?
    ang pagrarali, sa esensya, ay ang pinakamataas na kamulatan ng makabayang mamamayan. target nito hindi lang ang estado, higit ang mamamayan lalo na ang masa.

    isa pa, hindi lang naman sa porma ng rali ipinapahayag ng mga tibak ang panawagan nila ng pagsulong ng pagbabago. hindi kaya, ito lang ang nakakarating sayo?

    maaaring hindi lahat ng nagrarali ay iisa ang isinusulong. madaling sabihin na magkaisa, pero paano ito mangyayari kung tayo ay hindi nagkakaunawaan at magkakaiba ng interes? bakit nga ba hindi tayo magkaunawaan at bakit hindi tayo mabuhay bilang isang buong bansa na may matibay na diwa ng nasyonalismo? kanya-kanya tayo ng bitbit ng kahulugan ng demokrasya, kalayaan, kaunlaran at pagbabago.

    maraming bagay na irreconcilable lalo na sa pagitan ng estado at mamamayan, at ng mga naghaharing uri at ng madlang napagsasamantalahan.
    demokrasya. ano nga ba ito? hindi ito kasing simple lamang ng kalayaan ng pagpapahayag ng damdamin. may kaakibat itong responsibilidad. ang demokrasya ay ang pagkakapantay-pantay, pero hindi literal at sabaw na pagpapakahulugan dito. batay sa aking paniniwala, ang demokrasya ay hindi pa nakamit ng mga pilipino simula pa noong sakupin ng mga espanyol ang ating bansa. nag-iiba lamang ng anyo ang pagsasamatala batay sa kalagayan ng ekonomiya at pulitika.
    ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa ay hindi pabor sa masa. sino ba ang masa? binubuo ito ng mga magsasaka at mga manggagawa, at ang kanilang pamilya na umaasa sa kanila.
    bakit hindi pabor sa masa ang kasalukuyang sistema sa ekonomiya, pulitika at kultura? simple lang. dahil ang ating sistema ay nagsisilbi sa mga naghaharing uri (ang mga panginoong may lupa at malaking burgesya kumprador). ito rin ang dahilan kung bakit hindi lahat ng bagay ay madadaan sa hindi marahas na tunggalian.

    kung walang nagrarali, ano na kaya ang kalagayan ng pilipinas?
    hindi katahimikan ang kahulugan ng kapayapaan. maaari pa nga na ang katahimikan ay dulot ng takot dahil sa dahas na ginagamit ng estado para pagtakpan at panatilihin ang sistemang pumapabor at nagsisilbi sa kanila.

    sa pagboto naman, majority wins nga ba ang nagyayari? kung parang isang cake ang kabuuang bilang ng bumoto, higit ba sa kalahati ang katumbas na bilang (kunwari walang daya) ng kabuuan ang dami ng bumoto sa idinidiklarang nanalo? “majority wins nga ba?”
    hindi talaga sapat ang pagboto. paano makakagawa ng significant change ang tuldok sa dambuhalang bilang ng mamamayan? hindi rin sapat ang pagkakaisa. para saan ang pagkakaisa kung hindi naman organisado?

    ang masaklap, mali kasi ang naging pagtanaw sa mga suliraning matagal nang kinakaharap ng ating bansa. hindi lang sino kundi ano ang dapat palitan. hindi kailan kundi paano maglilingkod sa sambayanan.
    sino nga ba ang dapat humawak ng kapangyarihan sa isang bansa? kung totoong demokrasya ang pilipinas, masa ang dapat na mapagpasya higit kanino man.

    ang nasyonalismo ay hindi maikakahon sa pagtangkilik ng ating native na bawang, sibuyas, kape o kung ano pa mang lokal na produkto. bagkus, ang nasyonalismo ay nagtataglay ng diwang pambansang soberanya.. may konsepto ng ganap na pagpapalaya. hindi ang estado ang kailangang suportahan para tunguhin ang pag-unlad ng bayan. ang dapat tulungan ay ang masa. hindi charity mode! maging bahagi nila, imulat sila nang sa gayon ay sila mismo ang kikilos para rin sa pagbabago.

    “you may kill a revolutionary but you can never kill the revolution.” -che guevara
    wala kang takas. neutrality in science is unachievable; to be uncommitted is to be committed to the status quo. walang absolutong makakatapak sa borderline, meron at meron itong kikilingan.

    ang rebolusyon ay matagalan at marahas na pagbabago..
    bakit matagalan at marahas? sa pagsusuri ng ating kasaysayan, isa lang ang nakita kong istraktura nito. at ito ay ang tunggalian ng mga uri simula nang slave society. pero sa bawat pag-angat ng antas ng lipunan, lagi’t laging may nagaganap na rebolusyon.
    ito ang pagbabaliktad sa tatsulok na lipunan, na sa kalaunan ay babasag sa sistemang uri.
    maaaring mukhang mahirap pero hindi imposible.

  55. Can’t wait for another president to sit on the presidential seat. Can’t wait for that person to know that it isn’t easy running a country with a diversity that’s delicate enough to be abused by people whose work involves criticizing other people. Can’t wait to see that rallies and protests will still be there regardless who the president is. Why? Communists have opted to go modern — infiltrate the democratic structure, behave like the citizens, and abuse the system. Hitler and Mao Tse Tung would love to see our 2010.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s