Para Sa Prinsesa Ng Pamilya

Dear Kapatid,

          Parang kalian lang ang laki-laki mo na. tandang tanda ko nung una kitang makita sa hospital hinalikan kaagad kita sa paa, kahit na amoy sinapupunan ka pa lang noon, tuwang tuwa ako kasi sa wakas may kapatid na ako. Salamat sa Diyos kasi lumaki ka ng maganda, maraming mga pinsan naten ang nagkaroon ng kaunting pag-asa na gaganda pa ang maliliit nilang anak at sasabihing “bakit nga si Madet, ampanget nyan nung bata”


          Sinong hindi makakalimot sa nakakatawang kwento ni mama na kapag dadalin ka daw nya sa center para sa libreng bakuna ay tuwing uwian na at paalis na ang mga tao, kasi nga ang itim-itim mo noon. Dati pa nga dahil hindi ka naman nasanay dumede sa bote, nabuhay ka sa breast feed, kapag daw sumasakay na kayo sa jeep itatago ka na nya sa damit nya para hindi ka na mapintasan ng mga tao, baka daw kasi sabihin “ang ganda ganda ng ale, ampanget naman ng anak”. Hala naman kasi, bakit nga ba ganon ang itsura mo noon. Pero syempre alam naman nating lahat na biro lang ni mama yon, at yon ay noon pa, noong bata ka pa.
          Tandang tanda ko din noong maliliit pa tayo, ribrib ang ngipin mo, maitim ka pa din at medyo may kalakihan ang mga mata. Madalas kaaway kita sa lahat lalo na sa remote ng TV. Kapag hindi ko yon nakukuha sayo pinapalo kita sa balikat, tapos bigla ka na lang aatungal, isusumbong mo ako kay lolo at sasabihin mo kinabog kita. Si lolo naman tapos na ang lahat ng cartoons hindi pa din ako tapos sermunan, ikaw naman titingin pa saken ng nakadila.
          Ambilis ng panahon hindi ko namalayan, ilang araw na lang pala ganap ka ng dalaga. Pasensya ka na kung madalas kinukulang ang baon mo, pasensya ka na hindi ka nabuhay ng may kasamang luho, alam mo naman hindi tayo mayaman at hindi rin biro ang gastusin ng kurso mo, pero nakita mo, basta humiling ka ng mga pambayad sa iskwela gumagawa kami ng paraan kahit na hindi na alam nila mama at dade kung saan pa mangungutang. Pagbutihin mo ang pag-aaral, para naman sayo yan, malaki ang tiwala naming sayo kaya malaki ang pag-asa namin na makakatapos ka.
Sabi ko naman sayo hindi bawal magboyfriend, basta tandaan mo may mga limitasyon, at may mga bagay na mas dapat pag ukulan ng pansin ng higit pa doon.
          Ipaghahanda ka naman talaga namin, di ba nga matagal ng plano yon, pero dahil nagduduty ka na, magkaoras ka man, bisita mo naman at mga kaklase ang malamang sa hindi makapunta. Buti na lang, nakatipid na naman ang kuya mo.
          Mag-ingat ka lagi, alam mo namang ikaw lang ang prinsesa ng pamilya naten, lagi mong tatandaan mahal na mahal kita, mahal na mahal ka namen.

HAPPY 18th BIRTHDAY KAPATID

Love,

Kuya

P.S

Habang sinusulat ko to iyak ako ng iyak, kasi bumabalik yung batang madet na parang naghahanap ng kuya na magtatanggol sa kanya. Sorry Madet ha palagi tayong nagaaway noon, kaya walang masyadong magandang alaala ang ating kabataan. Pero kita mo naman nagbago na ako at alam mo din naman siguro na away magkapatid lang yoon, away bata, at hindi pangmatagalan.

majo

“Promise from now on, I will be your best kuya ever”

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

113 Responses to Para Sa Prinsesa Ng Pamilya

  1. arsean24 says:

    Kasweet lng nman ni Kuya Alvin….tissue!! tissue!!

    Muntik na ko maluha sa Open Letter mo ah…

    Feliz Compleaños Kay Madet…pwede ng Ligawan…hakhak

  2. dencios says:

    alam mo pag usaping mga ganito talaga natutuwa ako kasi maka pamilya ako na tulad mo.

    sigurado maraming matotouch sa mga sinabi mo kapatid.

    be the best kuya and provider to your family. iisa lang yan kaya dapat habang may panahon kapa to show love ay gawin mo na.

  3. Ax says:

    vin, comment ako sa bahay. dito pa ako sa opis!

  4. siyetehan says:

    haha, natawa ako sa salitang ribrib.

    tiga licab ka nga, parekoy

  5. joni says:

    Wow sweet naman. ^_^

    nk2relate ako sainyo. gnyan dn kame ng kuya ko. sabi nila mejo boyish daw aq non. kya d kme ngkaa2sundo ng kuya ko. lagi ko inaagaw mga laruan nya. ung mga baril barilan, tamiya etc. hahaha. wirdo.

    normal lng s mga mgk2ptid ang nagaaway pmnsan mnsan at nagbubugbugan. haha. Happy 18th birthday pla s kpatid mo! ^__^

  6. TSI says:

    Ang kapatid ay kapatid kahit ano pa yan.
    greet ko na rin sya ng happy birthday vin..🙂

  7. shynyrd says:

    aw… sana sulatan din ako ng mga kuya ko.. toinks..

    lagi kasi batok at sermon abot ko sa kanila eh.

    at pag naglambing naman ako, kutos pa rin.

    hai..

    teka parang hawig kami ng kapatid mo. Kaw ba kuya ko? hehehe

    para kang kuya ko, lakas manglait. hmmp..

    happy birthday sa kapatid mo.
    teka nabasa n b nya to?

  8. Bryan Karl says:

    Happy birthday sa kanya!!😉

  9. jason says:

    anu ba stain..

    napaka sweet mo
    iba ka.

    nakakatouch ang story..

    paramis binasa ko ito ng buong buo at nanggigilid ang luha.

    happy birthday Badet!!

  10. dhyoy says:

    wow naman so tamis ni kuya alvin…😉

    pakisabi sa sis mo Piberdei…😉

  11. azul says:

    aw!ang sweet naman ni kuya alvin..

    unica ija din ako sa amin pero kasundo ko mga kapatid ko..

    piberdey kay kapatid ni alvin

  12. anakngpating says:

    awww..sweet naman ni kuya..parang ako lang hehe..

    iba talaga pag magulang at kapatid ang pinag uusapan, naiiyak ako hehe..pramis..

    ka touch ng simpleng regalo mo sa kapatid mo..

    happy 18th birthday madet..:)

  13. freeshoes says:

    sweetnesss…c’mon…ikaw ba yan? hehehe..hafi bertdey sa sis mo ah..swerte naman..

  14. freeshoes says:

    ava, ava, ava, prang hindi pala ako invited ah..wla ako sa blogroll..hmmp..ok, fine…

  15. Mon says:

    ang sweet naman ni Kuya Alvin.. bait-bait🙂 di ako maka-relate ala akong baby sis. ako bunso hehe

  16. joan says:

    ..waw. sweet aman. hehe. ahhhhhhhhm swerte naman ni lil sis at nagka kuya sya ng tulad mo. keep on being a go0d kuya!!😉

  17. rio says:

    ang sweet naman ni kuya.
    sana nagkaroon din ako ng kuya kagaya mo.
    happpy 18th birthday kay kapatid.
    mukhang mahihirapan ang manliligaw ni sister dahil kay kuya ah..hehehe

  18. chennn says:

    touching kuya stain! totoo!
    cguro magiging closer din kming magkakapatid pagdating ng panahon, parang kayo..
    hapi birthday ke sistah mo😉

  19. deejay says:

    oy! dahil dito nadiskubre kong di ka talaga tertin yars old! *toinks* muhaha!😛

    heniway, pakabait kang kuya.😀

  20. stormy says:

    aawww.. mag ka-bday sila ng ate kong pangatlo^^

    happy happy 18th bday sa kanya.. ka-inggit naman!

    pangarap ko kasi mag-kakuya, pero puro kami p*kp*k^.^

  21. bonistation says:

    wow naman! natouch naman ako sa entry na ‘to! “best kuya ever!” at mag bibirthday pala sya! happy birthday sa prinsesa..

    ang sarap ng nakakabasa ng mga ganitong entry.. hindi mo man kakilala ang nagsulat mula pagkabata at mga pinagdaanan pero sa maikiling kwento nakikilala mo at nababalikan ang mga nangyari!

    nice shot alvin!

  22. Happy birthday sa sis mo Alvin… Ganda naman ng open letter mo, may panlalait pero punong-puno naman ng pagmamahal… hehehe…🙂

  23. ang bait naman ng ating kuya ng bayan! itong lang ang stain na walang stain…saint alvin, the next living saint…

  24. Mars / Kulot says:

    wow debut
    at ang sweet ng kuya

  25. aaaaw… ang sweet mo namang kuya alvin…

    swerte ng kapatid mo.. kasi may kuya syang katulad mo…😉

  26. karoger says:

    wow. bilib ako sayo kuya.
    i also tried to write a letter to my family. pero hindi ko tinapos dahil:
    1. naiyak ako ng sobra. haha
    2. hindi ko kayang ipabasa sa kanila dahil hindi ako showy na tao.🙂

    pero ikaw, kayang-kaya mo. astig.
    maligayang bati kay kapatid mo:)

  27. J.Kulisap says:

    Pwede na rin ba kitang maging Kuya Stain? Hehehe.

    Pangkaraniwan na sa magkakapatid ang mag-away na parang aso’t pusa, pero pagdating ng hapon at sa hapag kainan, nangingibabaw ang pagiging sandugo.

  28. bernardumali says:

    mabait na kuya, masungit na kaibigan hahahaha

  29. chennn says:

    dun din po ako ngpagawa sa doktor ko. actually magtutwo years na po ‘tong gamit ko. hindi pa naman daw po kasi palitin nung last check up ko. hayun po🙂

  30. Nortehanon says:

    “Promise from now on, I will be your best kuya ever”>>>Such a great promise from a big bro. I know it means a lot to your sis. How I wish I also have a big bro. Panganay kasi ako eh hehehe.

    Happy birthday to your sis!

  31. p0kw4ng says:

    awww kahit may laglagan eh sweet na sweet ang pagkakasulat…

    hapi burtdey madet!

  32. topexpress says:

    naks! naka relate ako dun ah! nag iisang prinsesa din kasi ang bunso namin. ahhehehe masasabi ko na tlganag close kami. pareho kasi kami ng utak! mga basag ang pulA! aheheh

    ang ganda ng entry mo kapatid! wag ka mag alala, hindi nasusukat ang pagiging isang mabuting kuya dahil lang sa nakaraan. mas mahalaga, maging kuya ka pag kinakailangan, at u have nothing to worry. proven na un! mabaet kang kuya!

    isang malaking HEP HEP HURAY!!!!!

    HAPPY BIRTHDAY BADET!

    nice post vin!

  33. Miel says:

    buti nga palo lang sa balikat.. kami nung bunso kong kapatid ginagaya si hulk hogan talagang wrestling eto akala ng nanay ko magiging kriminal kami paglaki namin… pero nung nag colege na kami super close at sweet na kami sa isatisa.

    pero maswerte sis mo at meron xa kuya tulad mo, mabuhay ang mga kuya! hehe

  34. Ax says:

    ingats sa biyahe! hehe.

  35. .poOt! says:

    huwaw.

    ang sweet naman ni kuya stain! invited ba kami? LOL.

  36. jason says:

    happy birthday badet from kuya jason

  37. monzavenue says:

    Congratulations!! You are one of the Top 10 bloggers in my contest. You will receive a shirt and more!! Let me know your size. Thanks.🙂

  38. flamindevil says:

    this is really sweet.awww.

    alam mo bang ngayong araw na to, sa pagbabloghop ko sa buong araw, 2 post pa lang ang nakapagpa teary-eyed sakin(ang drama!) ?haha

    totoo yan, etong post mo at yung kay pareng bons. wow kakatats talaga.

    iba talaga pag pamilya ang pinag uusapan. iba ang feeling. natural high kumbaga. ako rin, hindi ko namamalayan naglalakihan na mga kapatid ko. before i knew it, kahit yung bunso naming si owa ay hindi ko na rin makisan at makagat in public.

    bilis ng panahon. and we’re lucky kasi may mga kapatid tayo. at syempre, lucky din sila kasi may mga pogi silang kuya.hehe

    happy berdey madet!imbayted ba ko sa deybyu mo?sana nasa pinas ako nun. sagot ko na table napkin.hehe

  39. Jgo says:

    Wow naman napaka-thoughtful na kuya!=)

  40. yhen says:

    wow ang ganda naman ni sisteret…

    happy bday sa kanya… maswerte siya naging kapatid ka niya… naks… hehe…😉

  41. Nakakatouch naman ang sulat mo para kay Princess Madet. Makiki heypi bertdey na rin ako sa kanya!

    Special Life Events Photography: Capturing Life’s Special Moments for as low as Php 5000 for 4 hours of unlimited shots!

  42. emilayskie says:

    Ang sarap naman makabasa ng ganitong post. Parang napakamapagmahal mong kuya kahit hinahampas mo sya sa balikat noon. Haha..

    Pareho kayo ng kuya ko pero alam ko love nya ako. Sana lahat ng mga kuya katulad mo na kaya mag-express ng kanyang concern sa kapatid.

    Belated happy debut birthday nga pala sa sis mong si Madet! ^^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s