Cancer

Tatlong araw ng sumasakit ang tiyan ko pero hindi ko alam ang dahilan. Nakakalungkot kasi wala akong ganang kumain at ilan sa mga kaibigan ko ay napansin na ang unti unti kong pagpayat. Hindi ako kumukonsulta sa doctor dahil hindi pa naman ganon kagrabe sa pakiramdam ko, pero kaninang madaling araw sobra na talaga, hindi na ako nakatulog dahil hirap ako sa pagbiling. Alas dose ng hating gabi kanina ng mapagpasyahan kong magpadala na sa pinakamalapit na hospital, mabuti naman at isang tadyak ko lang sa aking housemate aka photographer, aka alalay ay bumangon na siya agad para samahan ako… Salamat…

Hindi ako handa sa ano mang bagay na maaaring gawin sa akin sa loob ng hospital, ang alam ko lang ay reresetahan ako ng doktor, titingnan kung may pulso pa ako o kaya naman ay kung tumitibok pa ba ang puso ko, pero reseta lang ang binigay niya saken,nakakapagtakang hindi man lang nga nya ginamit ang stethoscope na nakapalupot sa leeg nya, ni hindi man lang nya tiningnan ang itlog ko kung pantay pa ba o napisak na ang isa. Wala, konting tanungan lang at ayun reseta na agad. Sabi ko sa sarili ko, sige ok ikaw na ang bahala. Nakita kong kinambatan ni dok ang kaibigan ko at pinabili ng gamot, ako naman nakahiga lang. pagdating nya nagulat ako dahil hindi pala tablet or syrup ang super hero na tatapos ng karamdaman ko kung hindi isang heringgilya. Alam kong hindi masakit ang tusok na yon, sabi kasi ng nurse parang kagat lang daw yon ng bubuyog, bubuyog na sinlaki ni Jollibee, sobrang kinabahan ako at ninerbiyos sa sinabi nya, mahina kasi ako sa ganitong mga pagkakataon, ito yata talaga ang epekto ng apat na beses kong pagkakape sa loob ng isang araw. Isipin mo naman kasi dalawang droga ang itinurok sa magkabila kong braso, letche. Sabi ni dok 1st aid pa lang daw yon, kapag sumakit ulit tsaka na lang kami gagawa ng mga nararapat na aksyon.

Ok na ang pakiramdam ko ngayon medyo sumasakit pa din pero kontrolado ko na. salamat sa mga tao na nag alala, nagpatawa at nagturo ng mga maaring lunas bago at hanggang paglabas ko ng hospital.

tsi: inom ka na lang ng gamot

dencio: tumae ka ulit baka may naiwan pa

jason: buscofan

bugok: musturbate lang katapat nyan

toper: basahin mo yung blog ko dali, get well soon, miss you bro.

bon: payless, skyflakes, royal, pagaling ka ha.

ate honey:lagyan mo ng efficasent oil tiyan mo pati yung paa mo tsaka ka magmedyas

Sa inyong lahat, saan mang kontenente kayo napapabilang… MARAMING SALAMAT…

Sa ngayon wala pang nakakaalam kung ano ba talaga to, kung simple lang ba o papalala na. maling mag-isip ng negative pero pinaglihi yata ako sa kabuting paranoid, tama ka praning ako sa lahat ng pagkakataon. Pero natatakot pa rin ako kasi may lahi kami ng cancer, pero cancer sa matres yon, siguro naman ligtas na ako don di ba. Pero pano kung colon cancer na pala ito, si Cory nga at si Rudy hindi nakaligtas ako pa kaya. Hay ganyan po talaga ako kapraning, simpleng sakit ng tiyan nagiging cancer.

alvin

 

“sana nga paranoid lang ako”

 

 

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

145 Responses to Cancer

  1. dencios says:

    BASE muna! hahahahaha

  2. dencios says:

    ok nabasa ko na. teka natawa ako sa sinabi ko sayo. nilagay mo pala dyan haha.

    kidding aside

    ok lang na medyo ma concern sa mga nararamdaman sa katawan\

    pero wag naman kanser.

    sobra naman yun

    ok lang yan. thnik positive. mas maganda napatingin mo na. bukas wala na yan.

    oi pero may sinabi ka sakin ha, hehehe. sabi mo, ano lang yan haha

  3. Ax says:

    lagi ka namang paranoid stain. kaya okay lang yan! wag ka mag-alala, mag s spam ako sa saranggola artic mo bago mag end ang contest.

    haha, baka may kinalaman yan sa pagpunta mo sa bora. lagot ka!

  4. Jgo says:

    Naku baka nausog ka sa bora..haha

    Anyway seriously, pagaling ka, try to consult another doctor for 2nd opinion. ..

    Ingatz!=)

  5. Miel says:

    pray kapatid ^_^ tsaka pagaling na rin..

  6. jason says:

    mahal ka namin stain…

    paggaling ka!!

  7. jason says:

    nope dont think too much

    alam mong mas nakakastreess ang pag iisip ng negative?

  8. jason says:

    stain.. ammm
    naipit na spasms lang yan…

  9. jason says:

    stain ha wag mo nang uulitin na
    nag aasume ka na medededo ka na ok>?
    isasako kita

  10. precious says:

    sows. kya pla ng comment sa bahay ko may bago plng post! aba, nkk2wa, na add pa ko sa broll oh! hehehe! chenks! after 10yrs ng pakiusapan pumayag ka rin! ^,^

    nga pla, my pic ako sa “my bags-tag ni ate joyo”…hanapin mo! -tinanong mo kc eh…nga pl, ganda nga ni pinkdiaries ah…friend ko rin un! ^,^

  11. precious says:

    bat nmn precious romance? romances kaya un?!

    precious romances presents freeshoes and palakol…

    ECHOS! LOLs..^,^ ang adik mo…

  12. pwede pa sigurong humbol!?
    hehehe
    hayaan mo pagprapray kita!
    apir!
    pero balik ka padin ospital…

  13. balitaan mo ko kapag may result na. hehehe.

  14. Sows says:

    hi kuya! buti wala kang saket…kala ko tlgng cancer na…

    hehehe..paepal d2 ah…$,$

    pede? wla k ng mggwa and2 nako eh…$,$
    cnxa hilig ako sa pera eh…

  15. Walongbote says:

    HmMp.. 3 araw ng sumasakit ang tiyan mO. DEpendE kc yan. PwdENg apPENDicitis, duodenal ulcer, peptic ulcer, etc..DependE kung sang quadrant, intensity of pain.. ayun,sana gumaling ka na.. Sana kaBag lang yan.Hehe..

  16. pinkdiaries says:

    asus, grabeh ka namang mag isip,anu lang yan, aahh, ehh, yun nayun.. hehehe..

    get well soon! be safe!! =)

  17. enjoy says:

    siguro nakatulong din kung itinanong mo kung anong gamot yung itinusok syo para naitanong mo kay pareng google kung ano silbi nun sa tiyan mo. baka naman pampautot yun o kaya naman ay pangpatay ng mga bulate.😀

    kidding aside, don’t think too much. keep your faith and pray na kabag nga lang tulad ng hinala ng iba🙂

    remember that if you dwell on negative thoughts, the more you likely to believe them, and your body will start to respond accordingly. kaya smile lang ng smile🙂

  18. Musta na Alvin. I hope you are doing fine now… Huwag masyadong magworry at don’t cater to your paranoia kasi baka yan ang lumalala at hindi ang sakit ng tyan mo…

    Dati paranoid din kasi ako, (hanggang ngayon pa rin naman, pero paminsan minsan), pero natutunan kong mag let go ng worries ko…

    Kasi hindi siya maaalis ng Panginoon kung hinhawakan ko pa rin…🙂

    Be well and God bless!

  19. boypulubi says:

    Tama ang iyong ginawa na magpakunsulta ka sa mang-gagamot. Kung sakali mang bumalik ang pagsakit ng iyong tiyan. Balik ka na lang ulit sa duktor. Ingat. Sana gumaling ka na sa lalong madaling panahon🙂

  20. stormy says:

    naku, san ba bAnda sa tyan m0 ang masakit?

    hindi naman siguro cAnCer yan.. wag ka msyado paran0id.. napadami lang siguro ang pagkain m0 ng kung anu-ano sa bora..

    Pagaling ka po, ingat lage:-)

  21. bonistation says:

    wag masyadong mag alala. mas marami pang tao ang mas may malalang sakit at patuloy silang positibo sa pag iisip na gagaling sila!

    sabi ko naman sayo kaya ka pumapayat adik ka sa blog. hinay hinay lang, ang blog nakakapaghintay.. ang health natin dapat ang priority.

    ako nga palaging nasa HOSPITAL eh pero hindi ako paranoid na baka me sakit ako na kung ano! positive thinking lang haha iniisip ko nalang tuwing nasa hospital ako kikita ako ng riyales! maraming maraming riyales haha! mga ganun baga! awwwts! (pinapasaya lang kita)

    seriously.. PAGALING ka! kasama ka sa prayers ko! (o gusto mo ba gumawa pa kami ng prayer brigade!? haha kkontakin ko na ang parish preist natin dito sa blogospehere na si fr.fiel)

    • livingstain says:

      oo nga noh, kung yung iba nga alam na kung kailan sila mamamatay pero go pa rin ang drama, walang sukuan…

      hindi naman ako adik sa blog, tsaka nageenjoy naman ako sir, buti na lang my gwapong nagpakilala saken sa wordpress… (joke lang baka masanay)

      naku ikaw magingat dyan, baka mamaya nagtatapon ka ng basura tapos meron palang karayom don at natusok ka, bahala ka ikaw din lalabasan ng auto yan…

      salamat SIR BON…

  22. TSI says:

    Baka kase kabag lang yan vin iutot mo kase hehe eat the right food..be a vegetarian like me hahaha!!!…be safe always. ^_^

  23. taympers says:

    nakuuupoooo iba na yan, di naman kaya apedicitis yan tulad ng naranasan ko? kala ko simpleng sakit lang ng tyan yun pala may impeksyon na sa apendex ko, sintomas nyan eh yong nilalagnat ka at masakit sa bandang kanan ng tyan.

  24. Roger says:

    whoa. nagkasakit ka pala.😦
    magaling ka na ba??

    ako din eh. paranoid.😐

  25. Mon says:

    Get well soon Stain.. baka hindi ka na tumatae ng isang linggo kaya ganyan. hehe. dapat araw-araw. hehe. get a second opinion. yung magaling na doctor.😉

  26. J.Kulisap says:

    Kanser, normal na sakit na lang yan.
    Kung gusto mong tumagal pa ang buhay mo, isipin mo wala kang sakit, kasama sa buhay ang pagkakasakit.

    Pero hwag naman sanang magkakanser ka, ang bata mo pa, ok na na dapuan ka niyan mga 100 years old ka.

  27. livingstain says:

    huh? anong ibig mong sabihin na normal na sayo yun?

    oo nakakatakot magkasakit, akala mo kayo mo pag wala sayo pero mas nakakakaba ata yung pagaalala kesa sa sakit mismo.

  28. jason says:

    sumakit pa rin ba tyan mo?

  29. teentoinks says:

    Awww… umiinom ka ba ng aspirin/aspilet? Ok lang naman yun kaya lang dapat daw kumain ka ng rice or any heavy meal, worse wag gawing maintenance ang aspirin/aspilet kasi nakakabutas ng bituka, di ko lang sure kung san ko toh nabasa. Share ko lang.

    At least hindi naman ako paranoid mag isip na cancer yan diba, baka kasi butas lang ang bituka mo. At least hindi CANCER. At least hindi CANCER. Atleast hindi CANCER. Think positive.😉

    Get well soon mantsa! Prayers for you.

  30. flamindevil says:

    think positive.wala yan.

    kinabahan naman ako sa taytol ng post mo.kala ko totoo.pray at magpagaling.

    magpapakalango pa tayo sa sept 4!

  31. topexpress says:

    Hinakupo! natutulog nanaman kasi ako sa pansitan… Try mo inom ng green tea tol instead of kape. Then Cereal Brans o oatmeals. baka naman constipated ka lang.

    Wag mag-iisip ng negative tol. Basta whatever happens, live a worthy life. Enjoy lang kahit anong pagsubok dating sayo, SMILE and INSPIRE!

    Get well soon bro!

    • livingstain says:

      Dati mahilig ako sa Tea, puno ng tea kasi dito sa office, alam nyo naman madaming matatanda sa departamento namen kaya kahit anong level ng tea e meron dito, pati nga milk tea hindi pinatawad e… whahahaha… kaso nung naadik ako sa tea always phoophoo naman ako… hay…

      Salamat toper… hmpf (tampo pa rin??? lolz)

  32. Maldito says:

    oo nga..tama,.mag masterbate ka nalang….sakit sa puson lang pala eh.ha ha ha..kidding.

    hope your fine….get well!

  33. Mr. Nonsense says:

    what r ur other symptoms?
    where’s the pain? diarrhea? vomotting? blodd pressure? sweats? skin color?….
    what medication did u get?
    what was ur diagnosis when u left the hospital?
    did they do any test? what are the results?

    how many more days do u have to live?
    pwede bang ma-inherit yung plane tickets mo?
    take care.
    pwede ba ko sa deed mo?
    pupunta ba ako sa impyerno?

  34. arsean says:

    wag masyado mag-isip ng kung ano anong sakit baka kinakabagan ka lang…ahhehehe joke

    basta punta ka agad sa malapit na hospital pag kakaiba na ang nararamdaman mo…

    get well soon!!

  35. get well soon! think positive. basta take good care of urself always.🙂

    tc.😉

  36. tsenn` says:

    woot think positive kuya stain,
    si kuya mb naparanoid lang din,
    cguro naman ndi delikado po yan.

    faith over sickness. anjan si bro kuya! ^_^
    get well soon🙂

  37. deejay says:

    stain! pareho tayo! hypochondriac din ako. basta konting sakit lang ng katawan, pakiramdam e deadly disease na. ahehehe.

    pero napatingnan mo na ulet? baka naman appendicitis yan… or ulcer… or gallstones.😀😛

  38. bipolarsisa says:

    attract positive energy! come on, exercise! enjoy life.😉

  39. jason says:

    ano stin sumakit ba ngayong araw na to?

  40. jason says:

    ano stain sumakit ba ngayong araw na to?

  41. ELIment says:

    Naku nahuli ako dito.musta na pakiramdam?
    Wag mo takutin sarili mo.isipin mo ___ lang yan.yah!

  42. boypulubi says:

    Sana’y ayos na ang lahat.

  43. nabitin ka lang sa boracay. ipaligo mo lang yan sa pinakamalapit na dagat. hahaha. ganun lang ang mga mangyan, dinadaan sa paligo.

    kidding aside friend, don’t entertain negative thoughts, sabi ng “law of attraction”, the more you think of it, the more you get it. patay tayo dyan. haha.

    if you are feeling a little unwell, don’t talk about it – unless you want more of it. itawa mo lang yan, laughter attracts joy, releases negative energies – mabilis mawawala ang sakit (depende pala sa sakit, hahays. remember? laughter is the best medicine, di ko lang alam kung uubra sa sakit ng tyan. putek! parang lalo yata sasakit. hahaha.

    …pero sundin pa rin ang dr. haha. pagaling ka kaibigan!

  44. wala sa blogroll ang batang mangyan huhuhu

  45. Jorge says:

    Katakot nmn ung title akala ko cancer talga..

    teka ano findings ng doktor? ano name ng gamot? hmmmm…

    anyway, wag masyadong maging paranoid, pero u need to be sensitive sa nararamdaman mo.. ingats!

  46. dhyoy says:

    cool lang alvin… relaks!😉

  47. rio says:

    oist! wag kang magbiro ng ganyan! kinabahan naman ako dun..kala ko kung ano na…
    think positive..baka may nakain ka lang na di maganda kaya sumakit tyan mo…
    ingat ka palagi at pagaling ka=D
    balitaan mo kami ha…

  48. nahuli na ako sa balita ah.

    sana by this time, magaling ka na kapatid!

  49. partofyou says:

    hahaha, kumain ka kasi ng alimasag. me pangontra jan, kumain ka ng pusit! takot sa turok, wahaha! nalate ako kaya di ko alam nangyari dito, pero buhay ka pa naman di ba? cheers!

  50. hisnameisdencios says:

    wala pang pogi sa sidebar hahaha

  51. lhen8 says:

    hi stain bihira ako dumalaw dito pero isang studyante ko sa katesismo ang nagsabi ng maganda ang song dito sa bahay mo….
    nabigla ako sa post mo na title cancer????
    badya lamang yan na pag ingat sa sarili…
    huwag kang mag kape ng walang laman ang tiyan mo… parang softdrinks kase ang kape pag walang laman ang tiyan bubugbugin ang tiyan mo
    kapopost ko lang tungkol sa sakit ng nanay ko ah … try mo i visit …. sana nga hindi ka nag i smoke ha kase yun ang naging cause ng madalas na pananakit ng tiyan ng nanay ko…
    malamang yung tinurok sayo eh RANITIDINE , ZANTAC na pang tanggal sa paghilab ng tiyan…
    alam mo iwasan mo lang pag inom ng kape ng hindi pa kumakain tska iwasan ang madalas na pag iisip at pagpupuyat…. tska minsan stress yan … bka madalas ang pag skip ng meals….
    pero the best thing u can do is to PRAY!!!!!….

  52. lhen8 says:

    pagaling ka kapatid …..

  53. topexpress says:

    tol magaling ka na?😦

    GET WELL SOON!

    sige kakantahan kita brad:

    naks! apir!

  54. yhen says:

    ok ka na po ba?

    pahinga lang po katapat niyan… gusto ka lang imbitahan ng kama mo na mahiga at ipahinga ang iyong katawan..😉

  55. anakngpating says:

    kakaiba na ung nararamdaman ko nung nag pa ospital ka (worried baka kasi di ka makasama ehehe..)

    pero natawa ko sa mga nag advice sayo haha..mga loko loko hehe..pero atlist..sa mga yan lahat pwede mong gawin..

  56. jason says:

    waw naman paskong pasko na dito sa blog mo stain

    am so happy!!!

    AHAHHHAHAH

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s