Sige Ibuka Mo, Ibuka Mo Pa…

isa itong repost dahil….

DALAWANG TAON NA AKO SA KUMPANYANG ITO….

Ang Pilipinas daw ay maihahalintulad sa isang pulubi na nakaupo sa bundok ng ginto. Totoo, mayaman ang bansa naten kung pag-uusapan ang mga likas na yaman nito. Alam na alam na natin yan dahil ang mga tanawin dito ay lubhang katangi-tangi kumpara sa iba. Sabi nga, ng nagsabog daw ng kagandahan ang Diyos, nasapo lahat ng Pilipinas. Syempre hindi don nagtatapos ang lahat, kailangan pa din ng paglinang at pagmamalaki upang lubusang mapakinabangan.

Bilang isang simpleng trabahador sa isang sangay ng Gobyerno, kung saan pinamamahalaan ang mga likas na yaman ng ating bansa, na pinagtutuunan ang pagpapaunlad ng mga minahan dito sa Pilipinas.
(in short, I am working at DENR-Mining Sector… hehehe… ang hirap pala ng tagalong non), hayaan nyong bigyan ko kayo ng konting-konting kaalaman.

Ang ating bansa ay isa sa mga bansang mayroong mayamang deposito ng Ginto at iba pang mineral sa buong mundo. Isang foreigner na manunulat nga daw ang nagsabi na, ibuka mo lang ng kaunti ang lupa dito sa Pilipinas, makakakita ka na ng mga ginto na sinlalaki ng itlog ng manok. Madaming taon bago mabuo ang gaga-alikabok na piraso nito na nanggagaling sa mainit na singaw mula sa ilalim ng lupa. Kumakapit lamang ito sa matitigas na tipak ng bato at mahirap makita ng ating hubo’t hubad na mata (naked eye)

Isa ang kabundukan ng Compostela Valley sa pinaniniwalaan at totoo namang nagtataglay ng mataas na kalidad ng mga ginto. Dito matatagpuan ang pinagkukunan namin ng aming produkto. Syempre kinakailangan ng masusing pag-aaral para kuhanin ang mga ito ng hindi gaanong nasisira ang kalikasan at ang mga tribong naninirahan dito at ang kanilang mga karapatan. Akala ko nga wala na ang mga Datu at Rajah sa Pilipinas pero napangalagaan pala sila kaya naman hanggang ngayon ay buhay pa rin ang kanilang sibika at kultura.

Sa palibot ng kabundukan ng nasabing probinsya, bagamat ginto ang kanilang pangunahing ikinabubuhay, nakakalungkot na amoy na amoy pa rin ang kahirapang bumabalot sa kanila. Sabi nga ng kakilala kong Mining Engr., pinangangambahan daw na baka bigla na lang gumuho ang mga bundok na ito pagdating ng panahon. Marami kasing mga small scale miners dito kung saan ang bawat bahay nila ay mayroong butas sa silong, mga sariling gawang tunnel kung saan nila kinukuha ang mga ginto. Dahil ang mga minerong ito ay walang sapat na kaalaman kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa pagmimina, at gaya nga ng una kong sinabi na ang bawat bahay nila ay may mga hukay, maari daw humina ang pundasyon ng lupa na syang pagsisimulan ng malawakang pag-guho. Masakit mang isipin, nitong nakaraang Disyembre, ilang araw bago magpasko, nangyari na nga ang aming kinatatakutan.

Ooopppsss… tapos na ang kwento, parang col-zener agent lang (ganyan sila magpronounce ng call center agent), ngayon bebentahan na kita. Marami kaming mga properties na ino-auction. Simple lang ang kwalipikasyon para makabili ka ng lupain sa amin. Una dapat mayroon kang milyong milyong puhunan para magsimula, kasi hindi naman basta martilyo at maso lang ang gagamitin mo sa pagbasag ng mga bato, malalaking machines at madaming pampasabog ang kailangan para ito ay madurog. Dapat meron ding feasibility studies at sapat na kaalaman sa papasukin mong negosyo. At huling huli, dadaan ka sa bidding kung saan kasama mo ang iba pang mga bloggers este kumpanya pala na gusto ding bumili. (tama na baka may maguluhan ulit sa kung ano ang pagkakaiba ng bidding at auction). Ano ‘te pili na, madaming kulay, may bawas pa.

Malaki ang inaasahang kita ng Gobyerno na magmumula sa Mining, sana lang magtagumpay na tayo.

mining

“REPOST MODE, WALA AKO TAMODE”

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

33 Responses to Sige Ibuka Mo, Ibuka Mo Pa…

  1. topexpress says:

    Nakakatuwang isipin na mayaman tlga ang pilipinas di lang sa natural na yaman bagkus sa ginto, at ang maanumalyang gas sa palawan.

    Nawa ay matuloy na maibuka, mapasok, at mailabas ang tunay na ginto ng ating bansa. Ang pagiging makabayan, makapilipino ang tunay na yaman nating mga pilipino.

    PILIPINAS UMASENSO KA!

  2. arsean says:

    parang nabasa ko na ung post mo na toh??? ito ba yon???

    pa2nd base!!!!!

    ok ka na ngaun???

  3. Mars / Kulot says:

    talagang maraming nakabaon na kayamanan ang pinas, lalo na nga sa ginto, mayaman tayo sa ginto, pero bakit ganun, tulad ng sinabi mo na mga nagmimina ay amoy parin ang kanilang kahirapan sa pamumuhay, kasi naman ang nakikinabang lang ay yung mga dambuhalang kumpanya na nagpapatakbo at namimili ng mina, sa amin lugar, dati mayaman sa punong kahoy, ngayon salat na sa punong kahoy, pati ang mga taong dpat nakinabang salat na rin, dahil ang nangyari at yumaman lang ay yung may ari ng sawmill sa amin.

  4. pinkdiaries says:

    pa BASE! hehe, bsa muna ha?! naaliw ksi aku sa kanta mu sa blog ko eh, hehehe..

  5. pinkdiaries says:

    ayan, galing talaga ng ating bansang sinilangan noh?!

    sana umasenso pa ng umasenso, para bongga! hehehe, kaso alam mu naman ung ibang nasa gobyerno.. haha, hay nko, wala na ata sa topic ang mga pinagsasasabi ko! hehehe

    kakanta nalang din ako..

    bayang magiliw,
    perlas ng silanganan, alab puso…..

    ayan, tama na yan, baka sumikat nanaman ako! hehehe…

    apir nalang! =)

  6. dhyoy says:

    tingnan mo nga naman mayaman pala ang Pinas, kung naasikaso lamang at hindi pinagkakawartahan ng mga namumuno ang mga dapat kayamanan ng bansa hindi sana ganon kahirap ang buhay sa Pinas.

  7. flamindevil says:

    base!

    hindi ko sure ha.pero parang may topic ka na before na katulad nito tama ba ko?
    __________

    ironically,napakayaman ng pinas sa mga natural resources pero wala namang nangyayari.

  8. Parang repost nga ito Alvin…
    Subukan ko…
    DENR – Kagawarang Pangkapaligiran at Likas na Yaman – Sektor ng Pagmimina…

    Hmmm… Sana tama… hehehe…

  9. precious says:

    “REPOST MODE, WALA AKO TAMODE”

    -e2 ung hilight ng repost mo eh…^,^

  10. sana nga umunlad na ang bansa nating sinilangan.🙂
    sibakin ang mga opisyal ng gobyerno na puro pahirap sa mga mamamayan. tsk.. tsk.. 😀

  11. ito na naman?
    hehehe.

    auun,
    napadaan lang.
    upang sabihin,
    ingat ka palge…
    hehehe
    magbibitaw ako ng salita.
    hehehe
    ok lang ba?
    hehehe
    wala ka ng magagawa napost ka na..
    ingatan mo ang mga kaibigan mo
    wag kang papayag na may umaligid
    sa knila at baka kainin sila ng buong buo.
    sige ka, ikaw pa mawalan, palage mo silang kausapin,
    ok ba un?
    check mo sila palge. apir!

  12. Roger says:

    yep yep. napakayaman ng bansa natin.
    sadly, maling tao ang humahawak ng yaman at kapangyarihan dito sa Pilipinas.
    Mining is a wonderful source of income sana para sa Pilipinas.
    pero if wrong people will get hold of the mining industry, kahit wag na lang.

    i had a chance to meet some people from batangas. inaagaw daw yung lupa nila para gawing minahan. nakakalungkot lang.

    andaming problema sa pilipinas. andami.
    yet, i will still hope. :))

  13. jason says:

    repost nga alvin! hehehhe
    😀 ingats

  14. jason says:

    hamster – proud to be filipino

  15. p0kw4ng says:

    mayamang bansa pero salat pa din…bakit? ewan ko..tanong mo sa nasa gobyerno? hihihi

  16. makdleech says:

    Parang ayos ang trabaho mo. Getting to know our m0therland better. I agree that we’re like paupers sitting atop a mountain of gold. But paupers we are we really don’t know how to use what’s underneath our ass. Nakakalungkot lang isipin na mga politishans lang ang nakikinabang netong golden mountain. Can you feel the gold? No. Naging Rolex lang at napunta sa braso ni mr. politishan. BTW I added you.. Interesting ang blog mo kasi.

  17. jason says:

    kasi naman…

    dapat talaga simulan sa sarili..

    eh kung yung mismong mga tao ang

    panay ang tanggap lang ng tanggap sa sitwasyon ng bansa at walang ginagawa, paano tayo aahon sa kasalatan..

    syempre idamay na rin ang mga nasa posisyon.

  18. enjoy says:

    kaya masarap pa ring uwian ang Pinas kahit na nasa ibang bansa na tyo naninirahan, dahil na rin sa mga likas na yaman natin na tunay na maipagmamalaki lalo na at patuloy na lilinangin hindi lamang ng mga tao sa paligid nito, ngunit maging ng gobyerno.

    bilang isang gov’t employee, sna ay magampanan mo ng mahusay ang iyong tungkulin alvin🙂

  19. maroseqf says:

    astig naman ng blog mo. patulong naman po dun saken. hehehe!

  20. Snow says:

    Mining is a lucrative industry pero I am not fond of seeing people digging dirt for gold. 😦

  21. J.Kulisap says:

    Walang masama para kumita at mapaunlad ang lebel na pag-unlad ng tao.

    Ang pag-abuso ang kumikitil sa mga tao hindi ang pagmimina.

    Wala pa akong milyon, million of frendz, dami..feeling lang.

  22. teentoinks says:

    Sa aking pananaw kahit small scale or big scale miners, sana wag na lang isakripisyo ang likas na yaman gaya ng bundok.

  23. ako din proud to be pinoy

    ang yaman talaga ng pinas napaka blessed na bansa sa mga natural resources..

    ako din wala tamode.. pero nagkaron na ule bisita ka ule sa akin lols

  24. yhen says:

    proud to be pinoy… naks…

    hehehe!

    saan man mapunta maipagmamalaki ko ang Pinas…😉

  25. Den Relojo says:

    Di na maganda Pilipinas. Nasalaula na nang husto. Yung Tullahan River nga lang dito sa malabon mistulang malapad na imburnal na lang. Sabi nung mga matatanda sa lugar, Tullahan daw tawag sa ilog na iyon kasi marami tulya doon noong araw. Eh ngayon puro tae na lang ang nakalutang dun. Problema rin kasi yung malinis na palikuran. Dapat kasi isinusulong yung RH Bill. Ang problema sa populasyon, problema rin sa kalikasan ang bunga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s