Maiba Lang (by request)

 pieta

Ang anak kapag iniwan ng magulang tinatawag siyang ulila.

Ang asawa kapag nawala ang kanyang kabiyak, tinatawag siyang balo.

Ang magulang kapag namatayan ng anak, ano ang tawag?

Wala di ba…

Sapagkat walang angkop na salita ang makakapagpapaliwanag ng sakit na kanyang nararamdaman.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

126 Responses to Maiba Lang (by request)

  1. Poignant post Alvin…

    Along with the picture of the mother who suffered and kept it in her heart…

    Naalala ko tuloy ang Lord of the Rings… Sabi ng isang charatcer dun ay hindi raw dapat ang magulang ang naglilibing sa anak…

    Have a great weekend kapatid…

    • livingstain says:

      para maiba lang talaga, may nagsabi kasi sa akin na subukan ko naman daw maging malungkot. pero hindi lungkot ang gusto kong ipakita dyan, gusto ko maisip ng mga makakakita ang kurot na nakapaloob sa larawan…

      pati larawan ginawa kong hindi nakasang ayon sa dadating na panahon….

      salamat sa poignant word mo… nadagdagan na naman ang laman ng bokabularyo ko. hahahaha

    • aksoriyalmo says:

      nacomment ko na to sa baba, yung napanood ko sa CSI series, may line doon na, ‘I believe kids should not die before their parents. That’s not how it should be.’

      the catch is, pinatay niya yung sarili niyang daughter. akala niya kase hindi yun yung daughter niya kase naaksidente tapos nasira yung face. akala niya yung naka survive is yung bestfriend nung anak niya.. although anak niya pala yun.

      sad.

      • livingstain says:

        alam mo sa Japan sabi ng tita ko masyado na daw talamak ang patayan nitong mga nakakaraang araw, nakakalungkot na mga anak din ang pinapatay nila dahil sa biglaang pagbagsak ng ekonomiya at maramihang pagkawala ng trabaho… hindi ko alam kong sapat ng batayan yon para kumitil ng buhay ng iba, ng buhay din nya.

  2. Hmm base pala ako… hehehe…

  3. .poOt! says:

    nice.

    napa-isip ako dun for a moment ah. yeah. di talaga matatawaran ang pagmamahal ng magulang sa anak.🙂

    have a nice wekend kuya stain.

    btw, nakita mo na yung entry ni crux sa pakontes ni kelvin? shit. super cool.

  4. boypulubi says:

    Siguro dahil kapag “nawala” na ang anak mo. Parang parte na ng buhay mo ang namatay. Bahagi mo na din ang ililibing.

    Ayaw ko ng ganito.
    Ingat.

  5. timangkey says:

    i will try to come up with an explanation…

    ngaun, nag-isip nga ako kung bakit nga ba.

    Ulila ang tawag sa bata namatayan ng magulang dahil hindi ka na kailanman, magkakaroon ng tatay o nanay. hindi mo na un mababago. sila na lang talaga.

    Balo ang tawag sa namatayan ng asawa, dahil isa lang dapat ang asawa. although kung iisipin mo pwede ka mag-asawa ulit. pero ang asawa, usually at dapat isa lang.

    walang tawag sa namatayan ng anak dahil hindi lang isa ang anak. pwede madami. parang unfair sa ibang anak, kung iba na ang tawag. hindi tumitigil ang kanilang pagiging magulang.

    just my 2 cents…

    nice music btw…

  6. shea says:

    I’ve heard it somewhere.
    Sa pelikula yata. pero di ko alam kung anong title..

    woohoo?
    ano may nagsuggest sayo na maging malungkot? ano siya emo?
    at kailangan idamay ka pa?

    wag ganun, dapat laging masaya..

    (Kaya nga babalik na ako sa bahay eh…)

  7. TSI says:

    Excerpt ba sa movie to? Ang hirap naman dalhin ng post mo at na remind ako sa sugarhiccup ha, one of the great bands yan..^_^

  8. pinkdiaries says:

    oo nga kakaiba nga itong post mo.

    kasama ng lungkot ng iyong larawan (mama mary and jesus) ganun din ang tugtog ditu..

  9. Mars / Kulot says:

    oo nga ano, hindi ko naisip yun a, pero bakit nga ba ganun, minsan ang mga bagay na walang naaangkop na salita ay hindi lubos na naiisip ng mga tao

  10. J.Kulisap says:

    May tama ka Mantsa.

    Sa bawat pag-aray mo ay pagdurugo na ng kaniyang puso at kalulwa.

    Sa bawat pagbagsak mo ay paghapdi ng hinihilom niyang sugat.

    Sa paglisan mo’y sasama siyang mabaon upang hintayin ang kaniyang huling hantungan.

  11. deejay says:

    hmmm… onga no stain, siguro dapat meron nang maimbentong word sa magulang na namatayan ng anak.

    ito suggestion ko lang ha: “alilu.”

    ulila na binaliktad. magandang ideya di ba?

    pero lagi nga nilang sinasabi na kapag naunang namatay ang anak sa magulang, there’s something that went wrong in the world.

  12. jason says:

    ALVIN!!!!

    bakit ganito postt mo!

    nalungkot ako bigla,

    malungkot,, ayokong isipin..

    di ko ata kaya ang maiiwang sakit sa mommy at daddy ko pag nwala ako..

    watda!!!

  13. jason says:

    kaya nung niyakap ko si mommy ko nung isang gabi lamang,

    alam ko nadama nya yun.

    narinig ko syang suminghot singhot kahit walng sipon..

    😀

  14. jason says:

    alam mo minsan naiisip ng mga magulang kelangang mauna sila sa kanilang anak na mawala sa mundo dahil hindi nila kayang mawala ang kanilang anak..
    totoo yun

  15. tsenn` says:

    pieta😀
    kala ko “mailab lang” jusmiong mga mata..
    take care kuya stain! ^________^

  16. dlysen says:

    I love sugar hicup, napanood ko pa sila nag concert sa up sunken garden. pasensya na kung sa audio ako nag koment.
    Ang pagka interpret ko sa audio is a Five years relation with good and smooth beginning, crazy in the but medyo ok pa in the middle, and pagdating ng five years nagbreak up din, the ending get wild.

  17. aksoriyalmo says:

    Vin, this is the one post I should say na karapat dapat ka na talagang tawaging blogger. Don’t get me wrong. You have given yerself a name here in the blogosphere. You have proved yerself to the point that you are well respected here in the blogrld.

    But you are now considered as ‘some bloggers’ who have tried to influence their readers. With this post, start na rin yan.

    Tatawagin na kitang Father Alvin.

    Oha, oha. Parang Father Jason lang. Tadah!

  18. Maldito says:

    Some parents wish that they will die first before ang anak…mine…gusto ko ako ang mauna..so that they can live longer and watch the family grows..

    emo lang.hi hi hi

    @deejay..pwde ding balolila…pinagsama ng both.lols

  19. ouch!

    naalala ko tuloy ang pieta ni ryan agoncillo at cherie gil…

    ang ganda ng story noon…

  20. may tawag doon….nagsauli…..

    …..kasi isinauli nya ang pahiram sa kanya…
    ….ang mga anak kasi pahiram lang sa magulang…
    ….kaya pag namatayan sila…tawag sa kanila

    NAGSAULI….

  21. shea says:

    “kung ayaw mong maging malungkot, wala kang karapatang maging masaya”

    kaya kailangan balanse diba, madaling masaktan ang taong masasayahin…

    I’ll take it as an advice.. Thank you!

  22. arsean says:

    nako..ayoko ng ganitong topic na iniiwan at nangiiwan…

    ouch talga…hayyyy!!!!

    naalala ko tuloy yung kapatid ko…

    Diba wala rin tawag kapag namatayan ng kapatid…😦

  23. Mr. Nonsense says:

    ay! di ko yatang pag-isipan to…yun lang magkasakit mga anak ko eh kala mo masisiraan na ako ng bait.
    ha! pakamatay muna ako siguro😦

    …or
    ….siguro madali namang gumawa ulit ng bago🙂

  24. ELIment says:

    Simpleng simple at walang masyadong maraming salita sa post na ito pero napatanong ako.gaano nga kaya kasakit?

    Kung si sisa na nawala lang sa paningin ang mga anak nabaliw na ito sa kahahanap yun pa kayang makita ng ina ang anak na nakapako at wala ng buhay?

    • livingstain says:

      kuya kailangan mo ng mag anak… bahala ka magsasara na yan… hahahah…

      tama si sisa naglalakad sa init ng tanghaling tapat makita lang ang nawawalang anak, nabaliw ng wala sa oras, papano kung ntuklasan pa nya na patay na pala ang kanyang mga hinahanap….

  25. Cocoy says:

    Oh! Kumusta ka na?
    long time no see!

    Pasyal ka doon sa bagong bahay ko at mag-iwan ka ng address mo doon.

    Ito ang add.

    http://eclarino.ning.com

  26. dhyoy says:

    di ko kayang iexplain kung gaano kasakit…

  27. Winkie says:

    nice post! ex-links?! whehehe!

    seriously, napaisip ako dun ah! although, i like what kuya blu said, “nagsauli” very nice term🙂

  28. maccallister says:

    oo nga noh!now ko lang naisip un

    tama ka hayyy

  29. .poOt! says:

    kuya, suportahan mo yung entry ko sa pakontes ni kelvin ah. kahit di ganun kaganda. hehe. trying hard kasi ako sa photo editing.
    🙂 bisita sa blog ko maya.

  30. mr. sleepyhead says:

    hello! pls support my newest post:

    http://wp.me/pDqV4-25

  31. Miel says:

    Beautiful reflection ^_^ God bless!

  32. teentoinks says:

    Hayss… ang lungkot noh. Pero kung iisipin bat nga ba di pwede tawaging ulila ang mga magulang natin pag namatayan sila ng anak?

    GBU… walang pasok!!

  33. jun-g says:

    haay… naalala ko tuloy ang aking ina…

    tumahimik.

    nadasal para sa kanya at sa lahat ng ina sa mundo…

    salamat stain sa entry na ito.

  34. Nashyboy says:

    this is sad…😦

    by the way sir I already replied on your comment you can view it here: http://lovenashyboy.blogspot.com/2009/09/patience-will-soon-be-rewarded.html

    I have a new post as well. Much appreciation if you’ll find time reading it

  35. Jorge says:

    Oo nga no? Napaisip ako dito ah… gandang ipagreflect.. salamat mantsa!

    Godbless!

  36. precious says:

    hmmm..wla nga…ang ang taba ng utak mo ah impernez..^,^

  37. Group hug sa mga nandito!

    Good afternoon, Father Alvin! (aba, ang gandang pakinggan ah!)

  38. livingstain says:

    kaninanang naliligo ako, sabi ko, pano kaya kung maging pari ako… tapos nagbuhos na lang ako agad kasi baka kulang lang ako sa ligo…. nyahahaha…

  39. eli says:

    waaaaahhh… lokong bata to tinutoo nga! haha

    enwei, salamatz!
    sana walang magprotesta! hehe

  40. lovely says:

    oo nga noh..
    walang sapat na maitatawag talaga para sa namtayan ng anak..
    ang hirap nun eh..

  41. TSI says:

    Ang laki ng imahe ko sa sidebar, diyahe lolz. Mamats^_^

  42. flamindevil says:

    may tawag kaya dyan: sad parents.

    corny ba?

    hehe

    pagbigyan mo na ko..toinks

  43. yhen says:

    wow ang lalim naman alvin…

    pero agree ako jan…

    teka pasensya na pala di ako nakaresponse agad… nakauwi ka na ba? NE ka na ba? o balik syudad ka na?

  44. annie v. says:

    oo nga no! Galing mo tlaga!

  45. Pingback: lab it! :)) « eh sa wala akong magawa….

  46. ahmae says:

    ang galing ah?! mas nakakaaliw basahin ang mga blog mo kesa sa mga article na ginawa ko… great!

  47. johnonline says:

    alam ko kung san galing ang mga linya na ginamit mo… line yan ni Vilma Santos sa “Maalaala mo kaya”, nung mamatay si Maja sa kuwento…

  48. Pingback: We write to taste life twice, in the moment and in retrospect. « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ

  49. Malalaman ko b cnu kumuha ng 500 xa bhay ko

  50. jonalyn says:

    nawala ko po kasi yung pera ko, eah paano ko po ito malalaman kung san ko to inilagay?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s