Kaluluwa Kaming Dakma

Maganda ang tanawin sa aming barangay tuwing araw ng mga patay, madalas kasi ay nasisiuwian ang mga kababaryo ko na nagtatrabaho sa malalayong lugar. Sa araw na iyon, maraming tao ang naglipana sa kalsada na animo’y isang fiesta, karamihan sa kanila ay may dalang kandila, bulaklak, niyog, malagkit na bigas, matamis sa bao, kudkuran, o kaya naman ay kamoteng kahoy na gagamitin sa pag-gawa ng sari-saring puto at kakanin. Ilang araw na lang, heksayted na akong makita muli ang mga ganitong mga eksena…

Tandang-tanda ko noong nasa elementarya ako, tuwing undas maghapon kami sa simentryo, pilit na inuubos ang sandamakmak na kandilang binili ni mama sa palengke, mura pa kasi ang kandila noon. Ako din ang taga-ipon ng mga luha nito, binibilog ko ito ng mas malaki pa sa itlog ko upang gamitin sa aming pangangaluluwa kinagabihan…

Kadalasa’y maaliwalas ang gabi tuwing undas,noon kasing panahon namin wala pang mga street lights sa aming lugar kaya mamamangha kang makita ang mga tila mumunting apoy na hawak ng mga tulad kong bata noon. Grupo-grupo kami, bawat bahay tinatapatan, sabay-sabay umaawit ng kantang ito:

kaluluwa kaming dakma
isang manok na mataba
isisilid sa balanga
tuloy tuloy sa bunganga
palimos nga poooo….

May isa pang version ang kantang iyan pero mahaba kaya iyan ang madalas gamitin…

Pera ang madalas kapalit ng awiting iyan, kung medyo kapos ay maari na din ang puto o kaya ay suman, hindi uso noon ang “patawad po” kaya lahat ng mga bata laging masaya, laging pinananabikan ang gabi ng undas.

Pero ngayon, nakakalungkot kasi hindi na ganoon kaaktivo ang mga bata sa ganitong mga panahon. dahil kaya yon sa mga drama sa TV na kanilang sinusubaybayan? O baka naman dahil ayaw na din silang palabasin ng mga magulang nila tuwing gabi? pwedi din sigurong mas gusto na nila ang nagkalat ng videoke sa amin kaya mas mabuting yun na lang ang paglibangan. Pero siguro malaki ang kinalaman ng Global Economic Crisis dahil puro patawad na ang sinisigaw ng mga tao. O baka naman hindi na sila tinuturuan ng mga guro nila sa musika kung paano ang tamang pagkanta, kami kasi Oktubre pa lang ay itinuturo na iyan, pero ngayon kahit yata mga teachers e hindi na din yan alam. nakakalungkot noh!

Tingin ko, malaki na ang nagiging tapyas ng ating tradisyon, natatakot akong ito’y mawala o kaya ay malimuutan na ng mga susunod na henerasyon. Sana naman turuan ulit ng mga teachers ang mga bata ng tamang pagkanta, alam ko malaki ang maitutulong noon upang maengganyo sila at muling manumbalik ang saya sa gabi ng undas. Siguro kung magiging kapitan ako ng barangay namen, ako mismo ang makikiusap sa principal sa paaralan namen na ituro muli ito sa mga kabataan.

Hindi ko sinisisi ang nagmamadaling modernisasyon sa ganitong aspeto, pero kung kailangan pala natin itong yakapin ay maaring kaakibat nito ang unti-unting paghina ng ating mga tradisyon. Ang bilis nga nitong kinain ang lahat, parang Fast Car ni Tracy Chopman. Ayokong dumating ang panahon na may mga batang kakatok sa pintuan namin, tapos pag bukas ko ay sabay-sabay silang sisigaw ng “trick or treat” tapos naka japan japan ang mga kamay. nakow, for sure paghahahampasin ko sila ng baseball bat.

Heksayted na ako, ilang araw na lang, undas na naman…

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

110 Responses to Kaluluwa Kaming Dakma

  1. Rocky Garcia says:

    Lol! Days nalang ang binibilang at Halloween nanaman. Nakakalungkot ngang isipin na unti-unti nang humihina ang ating tradisyon.😦

  2. arsean says:

    padaan at pabase..hahaha

    Lunch muna maya magbabasa…LOL

  3. taribong says:

    Base hehehehe Nakaka-miss ang iba-ibang klase ng kakanin na inilalapag sa mga puntod… Iba-ibang hugis at kulay din ng kandila, hinihintay na malusaw para ipunin ang mga tulo nito… Tapos, puntod hopping (huwag lang sermunan ng mga nakatatanda hehehehe).

    Paano nga pala yung mga may cremated remains sa bahay, ganun pa rin ang ginagawa???

    Dun sa dulo ng iyong sinulat, ginawa mo namang palosebo heheheheh

    Undas na naman, kaya uwian na…. heksayted din ako eh…

    • livingstain says:

      alam mo ba yung isang lolo ko. pinopolbuhan pa nya yung puntod ng lola ko… parang nakakabaliw noh pero kanya kanya yan…

      palaging merong kanin na nilagyan ng itlog sa ibabaw bawal daw kainin yun kasi mangingiwi… hahahaha

      saan ka uuwi?

  4. J.Kulisap says:

    Kami din nangangalulwang kambing sa inyo naman manok.. Palaisipan..Bakit kayo ganun ang kanta kapag undras.

    Bulaklak na gawang kamay mula sa krip peyper o kaya mga bulaklak mula sa hardin, ang dilaw na kandila, hindi uso ang masyadong hataw sa diesenyo..basta dilaw lamang.

    Undras, pag-alala sa mga payapang kalulwa ng mga taong naliligaw ang kalulwa.

    • livingstain says:

      hindi po kamibing ang kanta nyo… “tambing” po yun hindi kambing… whahahaha

      susyal na samin noon pa man bawal na yung bulaklak na makikita lang sa hardin, nung bata ako mamahalin na ang dala ng mga tao. pero kahit ano pa ang dala ang mahalaga ay ipanalangin sila.

      • J.Kulisap says:

        Hahaha, ay sa iyon ang pagkakaalam ko at naririnig kahit sa matatanda, baka kasi lasing ang mga thunders kapag kumakanta, hindi kaya dahil duwag din sila kaya sa halip na tambing eh kambing, hanggang sa maging kalabaw na siguro ngayon.

        Ano ang ibig sabihin ng tambing Stain?

        Panalangin, sapat na panalangin.

  5. Ax says:

    Natakot talaga ako nung kinanta mo yan! Waah. Akala ko nasasapian ka na dude!

  6. eli says:

    aba okay to ah..
    kami nung bata kami hinihintay naming gumabi kase mangangalulwa kami.

    ito ang kanta namin.
    NATUTULOG KAMAN INA
    SA BANIG O IYONG KAMA
    MAGBALIKWAS BUMANGON KA.
    AT DUNGAWIN ANG KALULWA.

    ganun lang at aabutan na kami ng pera. meron din namang special request na song. tulad ng IF YOUR NOT HERE ng MENUDO. HEHE syempre kpag special request masmalaki ang ibibigay.

    yong mga iba naman, suman ang ibinibigay sa akin.

    pagkatapos mangalulwa..bago mag-uwian, paghahatihatian na namin yong mga naipon naming pera at suman.

  7. aninipot says:

    wow! di ko naranasan yan ah!…iba ang trip ng mga bata sa probinsya namin…tuwing gabi ng undas gawa kami ng malaking bonfire sa tabi ng dagat.. tpos simula na ng kwentong katatakutan.
    pero, ang manguha ng kandila sa sementeryo ang di nawawala, ginagamit namin yon sa larong tinatawag na santelmo…di ko alam f meron sa inyo nun.

  8. Mr. Nonsense says:

    senti etong darating na araw ng patay dahil sa mga nasalanta ng bagyo…tsk tsk

  9. roomboy1987 says:

    hi livingstain, nice blog, naalala ko tuloy yung kabataan ko, palagi rin kaming nangangaluluwa tuwing araw ng undas, madalas gabi na kami umuuwi non. isa pa tinuturuan din kami sa school ng kantang kaluluwa, kaming tambing, sa porgatoryo kami galing…

    kakaiba ang blog mo lumilinang ng tradisyong unti unting nawawala…

  10. Rocky Garcia says:

    @ Mr. Non sense – You’re right man! Napakarami talagang namatay netong nagdaan na bagyo. I remember 1 time I was riding a Fx going to crossing. The FX always take floodway (pasig) if they will go to crossing. Biglang may nakita akong patay na nakaburol sa kaliwa. Tapos ilang segundo palang ay may nakita nanaman akong patay sa kanan. Makalipas pa ay isa pa. Maya’t maya nakakita ako ng patay na nakaburol.

    Siguro suma total ay 11 ang nadaanan naming patay.😦

  11. jason says:

    inaabangan ko lagi sa todos losantos ang panonood ng mga nakakatakot na edition ng magandang gabi bayan. ewan ko pero takot na takot ako

    siguro aabot ng two weeks bago lumipas ang takot ko.

    exciting e

  12. Shea says:

    wow may ganyan palang tradisyon, tagalog bersyon ng trick or treat… hehehehe..

    ginagawa ko lang nung bata ako Carolling eh.. HEHEHE.. matry nga yan..

  13. Alkapon says:

    Ang tanging tradisyon na naranasan ko tuwing undas ay ang pagdalaw sa puntod ng yumaong kaanak..

    Yung nag-aalay ng kung ano-anong pagkain..

    Nung mga bata pa kami, minsan me kalokohan, inaantay naming aalis yung mga nag-alay at saka gagapangin ang inalay na Fried Chicken na manok.. he he he

  14. ay sarap balikan ang mga nakalipas na undas…salamat sa kwento ng alaala….masaya nga ito…naaalala ko malakas raket namin dito kasi sumasama kami sa pari para magbless ng puntod…kami tagakanta….tapos may share kami na pera….

    • livingstain says:

      nyahahaha natatawa naman ako, alam mo ba kuya blu na maraming nakikipag away sa amin sa pari lalo na yung mga matatanda kasi daw dumaan na yung pari sa binabantayan nilang puntod hindi pa daw binasbasan ng mabuti, tapos sumagot yung pari sabi “ano po ba ang gusto nyo buhusan ko yan ng tubig?” nyhahahaha…

      ikaw ang pang 4,000 na nagcomment sa blog ko…

  15. pruelpo says:

    Tama kayo livingstain unti-unti na ngang nawawala ang ganitong kalakaran. Sa Kabite mga 3 to 5 years ago, nagpaka costumes pa yong mga batang nangangaluluwa nagba bahay-bahay na may kasamang matatanda. Sa nakaraang taon tumamlay. Pero ang hindi nawawala yong maghanda ng mga kakanin, ang suman ang nangunguna…

  16. blu.sparks says:

    ang saya pala ng undas sa inyo..dito sa amin wala yang nangangaluwa ek-ek..hehehe..di uso yata samin dito eh..makapunta lang ng sementeryo ok na.

    at may kanta pa..ang galing.🙂

  17. cindyrella says:

    di ko naranasan ang mag trick or treat, di ko rin naranasang pumunta sa sementeryo, may pagkamalikot kasi ang imahisnayon kong ito eh, although we still keep those other tradition na pinasa sa akin ni mama, ang mag sindi ng kandila tapos magpapakain ng mga kaluluwa (imaginary) kasi iiwan lang namin ang pagkain sa table, and then sabi ni mama, mga kaluluwa daw muna ang paunahin. ^__^

  18. Ax says:

    Bibilugin ang mga natutunaw na kandila at kukuha ng mga rosas sa mga puntod. magkwe kwetuhan ng mga katatakutan at bigla bigla ay tatakbo na lang at kung sino man ang maiwan, tiyak na iiyak..

    pagdating sa kama.. hindi makatulog. nakapikit man ay alintana kung may tatabi sa kama.

    ayaw imulat ang mata.. booo!

  19. flamindevil says:

    nakakalungkot kasi hindi na ganoon kaaktivo ang mga bata sa ganitong mga panahon..

    kaaktivo talaga..natawa lang ako sa typo -epal mode-

    hindi ko alam yang tradition na yan.kainggit.never kong naexperience.and i agree with you,kakalungkot makita na unti-unti nang nawawala ang mga Filipino traditions. :c

  20. siyetehan says:

    dumadalaw din kami araw-araw diyan sa sta. maria. diyan kasi nakalibing yung lolo at lola ko sa father side, pati na rin yung mga half-siblings namin na namatay na.

  21. dFish says:

    Ang ganda ng Tagalog song na yon Alvin…Happy Halloween sa yo…

  22. Ax says:

    Aw, ang laki naman ng syorpet ko sa sidebar mo! Aw. Aw. Aw. Haha.

  23. Vajarl says:

    Nambibilog din ako ng luha ng kandila nung bata ako, pero binebenta ko sa mga bangketa don na bumibili per kilo. Nakakamiss.

  24. lovely says:

    excited na rin ako haha..
    mananakot na naman ako nito haha..
    at makasama rin ang ibang pamilya ko na di ko na nakakasama sa ngayon dahil sa trabaho
    nagkakaipon-ipon din kasi pag undas na..
    parang reunion ang nagaganap di ba hehe..:))

  25. Sows says:

    aba undas na nga ano…

    kala ko una ang pasko at wla ng undas..
    :mr green:

  26. hay ang sarap maging pinoy! at ang sarap ulet maging bata..

    palaging nagluluto ang lola ko ng malagkit iaalay sa patay at syempre sa buhay na rin

    naaalala ko yung time na magkakasama kami ng mga pinsan ko sa sementeryo.. nangunguha kami ng kandila hahaha.. parang collection ganon…

  27. dhyoy says:

    ang saya naman sa lugar niyo, bakit sa amin walang mga ganyan… haizzz…

  28. precious says:

    aba at si ax ang nasa gilid!
    rakenrol!

    \m/

  29. joycee says:

    So what’s your plan for Undas? Hihi.

    Teka pwede ba mag-apply jan sa blogger of the week, hehe.🙂

  30. Jaypee says:

    salamt sa pagdalawa sa aking blog kaibigan.. =)
    dalaw ka ulit ah. thanks. =)

    -enJAYneer-
    JAYtography: An Online Travelogue

  31. jun-g says:

    namiss ko tuloy ang mag-undas sa amin. haayz…

    pero tama po kayo… unti unti nang napapalitang ng modernizasyon ang ilan sa mahahalagang bagay…

    pano nalang kaya ang bukas?

  32. machongbutiki says:

    patambling.. hehehe.

  33. lhen says:

    oo nga malapit na ang undas dati rati kse alvin ndi ako gaanong nagseselebreyt ng undas… nakakalungkot kse yan eh kse naaalala ko ang mga namayapang mahal sa buhay…tpos ngyon nadagdagan pa ng mahal ko sa buhay….minahal ko ng 4 na taon….

    diba ikw ang taga interpret ko ng panaginip ko?…punta ka sa hws ko para malaman ko ang masasabi mo sa panaginip ko at mga paramdam duon….

  34. ODDBLOOD says:

    yeah..araw nga ng mga pumanaw ang Undas..siyempre hindi naman nakakatuwa dahil “araw na naman ng mga patay” pero may mga bagay pa rin naman tayong puwedeng pagkasabikan ‘pag Undas..gaya ng mga nakakatuwang bata na “nangangaluwa” ehwan ko yung nga ang tawag dun, pero noong bata ako may mga batang kumakakanta sa bahay-bahay sa baryong tinirhan namin sa Cabanatuan..saka may mga family reunion din, one way din na napagsasama-sama ng mga pumayapa ang kanilang mga kamaganak, gaano man sila magkakalayo.. ^_^

  35. Pingback: The Death Metaphor, The Aquarium and My Psychopomp | Ax Realm

  36. J.Kulisap says:

    No no hijo por dios..mas akma sigurong

    ang tambing ay..tamaraw na naanakan ng kambing…ayos ba yan.

    Apir…ay bukas na lang..pagod na ako.

  37. jason says:

    hahahah dahil na ingget ako sa post mo, may pang holloween post din ako wahahahaha

  38. lhen8 says:

    alvin pede bang baguhin yung nagawa kong musik live net ko sa site ko… nainggit kase ako sa inyo ni padz na may bkgrwnd yung site ….pede bang baguhin ang song?…try lang kse yun eh….

  39. jason says:

    waw si ax ang featured hahahaha
    😀

    teka..
    holloween na awooooooooooo

  40. yin says:

    tuloy tuloy lang naman yan, may nawawala may mga bagong dumadating. parang cellphone. nakakamiss yung mga kinalakihan natin pero kung talagang mawawala mga ito eh tayo rin siguro may pagkukulang di ba. hehehe. taena parang antalino ko ngayon ah, la pa kong tulog. boss, padaan poh, naligaw lang.

  41. wow, ang saya nga..ako, never kong naexperience yan

  42. Rocky Garcia says:

    I like the background “Okatokat!”

  43. allie serwit says:

    ajie di b ung sinasabi mo ung “atang”, ung para dun sa nmatay.. di b ndi nmn talaga kinakain un kasi mangingiwi nga hehe.. nung sunday ako ung naglagay ng atang sa lolo ko.. kumuha ako ng konti dun sa bibingkang kanin na inorder namen tapos nilagyan ko ng isang basong tubig tapos kutsara.. tapos sinabi ng mommy ko samahan daw ng isang sigarilyo kasi baka daw magalit si lolo hehe…eto ung nakakatuwa,., nung tuesday n pumasok ako ung officemate ko may dalang suman,, ung suman na mahaba ung pambalot,, sabi nya atang daw nila un kaya lang kakainin nya hehe,, sabi ko baka mangiwi xa.. di nmn daw totoo un.. alam mo nangyari sa kanya.. maghapon gininaw dito sa office hehe.. baka dinalaw nung kaluluwa n pinagatangan nya hehe.., inagawan pa kasi ahhehehe..

    wala lang nashare ko lang.. para kasing namiss ko din bigla ung halloween hehehe

    keep safe.. i enjoy reading ur blogs

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s