Livingstain’s Birthday

Naniniwala ka bang kaya mong lumipad? Siguro isa iyong hindi makatotohanang bagay, pero dapat nating tandaan na walang imposible sa taong naniniwala sa kanyang kakayahang sumubok, madapa, masugatan, hanggang marating niya ang kanyang inaasam na tagumpay.

Maraming araw na pala ang lumipas, isang taon na pala ako sa mundo ng blogging. Mula sa Friendster, isang tao ang humimok sa akin noon na sumulat sa WordPress, sayang naman daw ang talento ko kung limitado lang ang makababasa ng mga gawa ko. Noong una hindi ko sineryoso, natatakot kasi akong mapuna ng iba, sa kabilang banda, natatakot din akong baka walang pumuna. Sabi niya, sumulat daw ako para sa sarili ko hindi para sa iba, kung may magcomment man siguro bonus na lang yon, wala naman daw masama kung susubukan ko.

Lumipas pa ang mga araw, nahikayat na rin akong pasukin ang kakaibang mundo ng pagsusulat.

November 2008 ng una kong ipaskil ang kakarag-karag kong obra. Isa, dalawa, pito lang yata ang nagcomment doon, pero ang mahalaga kahit ilan pa yon, naging masaya ako at lalo akong nagpursige upang magkaroon ng maraming kaibigan at sandamakmak na mambabasa.

Oo, umpisa pa lang ninais ko nang mapabilang sa mga kilalang manunulat ng wordpress, pinangarap kong hindi magkandaugaga sa pagsagot ng mga comments habang nagtatrabaho dito sa opisina, at natutuwa akong sabihin na malaking porsyento na ng pangarap kong iyon ang natupad na ngayon. sabi ko nga, kung kaya nila kaya ko rin, at hindi ako magtatampay kung hindi ko tatanggalin ang takot. Naniniwala akong walang natatalo sa taong marunong magsimula at lumaban sa lahat ng pagsubok sa buhay.

Wag kang matakot na baka magkamali
Walang mapapala kung di ka magbakasakali
Dahil lumilipas ang oras, baka ka maiwanan
Kung hindi mo susubukan…

Isang taon na ang lumipas, salamat ng marami una kay God, kasi kung wala sya wala rin akong talentong tulad nito. Salamat sa inyo lalong lalo na sayo na nagbabasa ngayon, sa mga napadaan lang, sa mga suki, sa mga nasa blogroll ko, at higit sa lahat, sa mga spammers na laging nariyan-handang sumuporta sa oras ng pangangailangan. Dahil sa inyo, sa apat na contest na sinalihan ko, Hindi ko naranasang matalo.

Muli maraming salamat, dahil simula pa lang hindi nyo ako iniwan, kaya naman hindi ako nawawalan ng lakas ng loob para patuloy na sumulat. Alam ko namang may mga puso rin akong nahihipo kahit mangilan-ngilan lang.

Siguro kung hindi ko sinubukan noon, hindi din ako aabot sa isang taon ngayon.

Β 

HAPPY ANNIVERSARY SA BLOG KO!!!

Β 

stain from eli.

Hulaan nyo kung sino ang gumawa nitong header ko!

Β 

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

122 Responses to Livingstain’s Birthday

  1. precious says:

    bumebeys!πŸ˜‰

  2. precious says:

    nakanang, papakaen kb dw sbi ni tooot tooot? or saan banda?
    πŸ˜†

  3. taribong says:

    Happy, happy birthday, livingstain…..

  4. sows says:

    may nalaman ako..hindi ko sasabihin…pro alm ko alm mo rin cnsbi ko…xa ba ang anniv gift mo sa sarili mo?

    hihi..kinikilig ako snio!πŸ˜†

  5. flamindevil says:

    aba aba..congrats parekoy..happy anniversary.πŸ˜€

    pag nag one year ang blog ko sa january 2010,gawa mo rin ako ng ganyang card?hehe

  6. Vajarl says:

    Hapi anibersarey!πŸ™‚

  7. allie serwit says:

    hi ajie! happy bday sa blog mo! alvin gino bautista aka the living stain… isa kang mantsa n di mabura-bura sa aking alaala..πŸ˜‰

    more power.. ang pangako mong blog para saken,, dont forget…

  8. siyetehan says:

    napakalaking blessing ng blog na ito sa akin dahil sa pamamagitan nito ay nalaman kong may mga tiga LICAB pala na nag e exist din sa blogosphere.

    sulat pa, kabayan!

  9. aninipot says:

    pwede naman tlagang lumipad ang tao literally..hehehe, subukan mong magzipline..

    happy anniversary…

  10. TSI says:

    Cheers. Galiing..have a blast vino.

  11. lovely says:

    inuman na ba to hehe..

    di ako papahuli sabi mo nga di ba ehhe..
    pwede kong subukan hehe..

    happy aniv stain..

  12. eli says:

    wow..congrats alvin. 1 year na pala ang living staing!

  13. Alkapon says:

    Alkapon is back!

    aba! naka 1 year ka na pala parekoy, so this is your 1st birthdy on blogshpere. congratulations, best wishes, and may you have many more articles to post.

    Ako, wala pang isang buwan, 3 weeks pa lang yung site ko kaya marami pang kakaining bigas bago ko maabot ang iyong narating.

    Inuman na parekoy… tagaayyyy!

  14. yhen says:

    wow happy anniv alvin!

    more bloggings to go!

    GBU!

  15. timangkey says:

    Congrats.ahehehe

    Ako, sa palagay ko hindi ko aabutin maka isang taon dito.hehehe

    tamad kasi ako.hahaha

    pero ok lang, alam ko me mga naapektuhan na akong mangilan ngilang tao. =)

    Happy Anniversary ulit.

    magpapakain daw si stain.wehehehe

  16. ODDBLOOD says:

    huwaw! hapi bertdey LivingStainπŸ˜€ sarap noh? nakaisang-taon ka na.. ^_^ buti na lang ‘di ka natakot..that’s the spirit of blogging! be bold! hehe..hapi ako. keep blogging! πŸ˜€

  17. Ax says:

    happy anniversary! happy blogging! at happy blogbirthday!

  18. dlysen says:

    Maligayan kaarawan. Maraming salamat sa mga natutunan ko sayo bilang blogger isa ka sa mga nasusubaybayan ko. Marami pang pagpapala sa mga araw na darating.

  19. J.Kulisap says:

    Because it’s your birthday. Hippie Birthday.

    Your thoughts couldn’t be the original one yet your thoughts could be yours forever.

    Thank you for sharing your thoughts Living Stain.

    I like your straightforward character though I have no idea who is Stain in person.

    Break a leg dude.

  20. dencios says:

    LS,

    awww.. alam mo ikaw bilib ako talaga sayo kasi magaling ka magpatawa bukod na magaling ka magsulat!

    more yrs to cum!

  21. Rocky Garcia says:

    Congrats man! One year ka na sa mundo ng blogging.

  22. jason says:

    happy aniversary sayo bespren.

    wahahah

    teka bat un ang pic ko sa side bar!!!

    Watda!!

    hahahha

    salamat.

    teka yung project, on the making pa!!!

  23. hapi bertdei parekoy…..isang taon na nga! congrazt……sa yo bisprin….nakigaya lang po….hahahahahaa…..close talaga tayo…hahahahahahahahahahha!

  24. so do you have changes to make or improvements to apply? it’s always nice to reinvent.

  25. bernardumali says:

    happy birthday to you happy birthday to you happy birthday happy birtday, happy birthday to you…
    happy birthday to you happy birthday to you happy birthday happy birtday, happy birthday to you…

    asan nakapaghugas na ko ng kamay gamit ang safeguard!

  26. roomboy1987 says:

    Happy anniversary sa blog mo, sana ako din ay umabot sa ganyan, sabi mo nga wala namang masamang sumubok di ba, andito na ako pagpapatuloy na lang ang kailangan… salamat sa mga sinabi mo.

  27. ana_banana says:

    Congrats!… Keep on blogging… Certified Blogista na daw pag umabot ng 1 year eh.

    Napadaan lang Nakibati na rinπŸ™‚

  28. glaiza says:

    congrats loydie!!!!

  29. dhyoy says:

    wow naman one year na pala ang living stain… one year pa lang pero ang dami mo nang naphipong puso at isa na kao don… bihira man ako magcomment pero binabasa ko ang mga sinusulat mo. Keep on blogging. I’m ur number 1 fan… Congrats! lablab!

    http://dhyoy.wordpress.com/2009/07/22/2584/

  30. yhen says:

    ayan andami na greetings… maki uso na nga rin…

    CONGRATS ALVIN!

    il do my best para gawin ang naipangako ko sa iyo…

    PRAMIS!

  31. jason says:

    Magandang Umaga!!!!

    MAgandang Umaga!!!

    Happy anniversary!!!

    nakow yung aken sa February pa mag aaniversary tagal pa…

    magpakontest ka! hahaha

  32. maninheat says:

    Naks… Happy Anniversary!

    Ikaw naka-isang taon na, sana yung sa akin umabot kahit ng ilang buwan. Haha. May pagka-tamad kasi ako. Ilang blog na rin ang sinimulan at iniwan ko.

    Happy Anniversary uli at Congrats!

  33. .poOt! says:

    happy happy birthday the living saint//

    ako 3 months na lang, magse-celebrate na rin. hehe. woohoo!

  34. taga-bundok says:

    huwaw naman! happy happy blogsary! hehe… si jason ba yung nasa kanan? hehe… kala ko artista… hindi ko lang matandaan yung pangalan.

  35. p0kw4ng says:

    hapi bertdey sa blog mo…

    tama yun magsulat ka para sa sarili mo hindi para sa iba…keep on blogging!

  36. J.Kulisap says:

    Magandang umaga, ayon o..daming nagigreet sa okrayera ng wordpress..ahihi

  37. Mr. Nonsense says:

    ngayon ko lang napuna na hawig mo pala si manny villar

  38. ito ang na-miss kong entry nong nagtext ka. papunta na ako sa barko kasi noon papuntang basilan…happy birthday pa rin.

  39. NYOG says:

    na-late ako dito hehehe

  40. bonistation says:

    congrats! its been a year! sabi ko sayu eh malayo pa mararating mo! sulat lang ng sulat!

    ngayon, may sarili ka ng mga mambabasa at lahat sila palaging sumusuporta sa mga sinusulat mo!

    more power “direk”

  41. Brammoria says:

    Various of guys talk about this issue but you said some true words!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s