Happy Birthday Alvin

Dahil birhtday ng blog ko ngayon, pag-usapan natin ang mga tungkol sa mga birthday…

Hindi kami mayaman pero noong bata ako taon-taon ng kaarawan ko ay merong cake, nahinto lang yun nung high school nako. Syempre hindi naman yun yung mga mamahaling cake, alam mo yung basta masabi lang na merong dekorasyon sa lamesa at may hihipang kandila bukod sa pansit at sopas na karaniwan kong handa. Kung ano-ano lang na tipikal na handa ng isang bata sa probinsya.

Tatlo lang kaming magpipinsan at ako ang unang apo kaya medyo sunod sa luho noon. Masaya ako kapag sumasapit ang araw na madadagdagan na naman ang edad ko, ewan ko ba yung iba na ayaw daw magcelebrate kasi patunay lang daw yun na umiikli na ang kanilang buhay at nalalapit na sa kamatayan… Hindi naman yata tama yun, dapat palaging masaya, isa pa, dun naman tayo lahat papunta kaya parang sinasayang lang natin ang mahahalagang okasyon kapag pinapalipas natin ito ng may kalungkulatan.

Nung umabot naman ako ng 21, yon na yata ang pinakamasaya kong kaarawan, ilang buwan pa lang ako sa opisina noon pero ipinaghanda na nila ako isang araw bago ang mismong kaarawan ko. Alam mo yung kahit na magkagasta sila e ok lang kasi naman minsan lang daw akong magdedebut kaya dapat daw maraming handa. Ang plano ko nga lang non magdadala ng pansit at coke tapos, tapos na, pero nagulat ako sa sopresa nilang mga handa. May nagbigay ng cake, ice cream, litsong manok, at sandamakmak na tikoy-chinese New Year kasi noon. Tandang tanda ko, malakas ang tugtugan after office hour, ang kanta pa nga Happy Birthday by Click 5 at Gimik by Zoo…

Sya nga pala eto ang isang taong bisita ko at nagbigay ng pera pambili ng pagkain…

oiliness

Former Senator Heherson Alvarez

Sa mismong kaarawan ko, umuwi ako ng Nueva Ecija, nagkita kami ng aking labidudz pero hindi pa kami noon, kumain lang kami sa gilid ng school namin tapos kwentuhan hanggang maghapon. Hindi ko nga akalain magiging kami ngayon.

Kinagabihan nasa bahay na ako, kasama ang pamilya, nagpatay si daddy ng manok at nagluto naman si mama ng arroz caldo. Simple lang yon pero ang saya saya ko na kasi magkakasama kaming buong pamilya.

“Ikaw anong kwento ng pinakamasaya mong kaarawan?”

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

117 Responses to Happy Birthday Alvin

  1. aba, i’m back and i’m first beys! yahooo!!!

  2. happy birthday alvin!

    ang pinaka di ko makakalimutang birthday ay ung umeskapo ako sa bahay noong high school. paalam ko may pupuntahan kaming lamay tapos nagdisco pala ako with some classmates. lol. then, sa discohan may biglang nag-amok. takbo to the max kami lahat.

  3. tsenn` says:

    hapi birthday living stain! :p
    gusto ko ung hapi birthday ng the click 5..woot woow🙂

    nung 18th bday ko, hmm walang debut party na naganap, parang kasing simple lang ng 21st bday mo. pero astig! at un na ata ang pinakabongga kong bday..

    badtrip un mga tao na ayaw tumanda. hindi kaya nila alam na blessing un. ang edad ng tao ang sumasalamin sa dami ng blessings na natatanggap nila ke papa god. tsktsk kawawa.

  4. jason says:

    syempre cocomment muna ko bago magbasa, may ginagawa kasi ako.. wait.

  5. jason says:

    ako tuwing birthday ko, dadayo kami sa sampaloc, sa bahay ng mga tita magcecelebrate, Laging may spaghetti ni mommy na ubod ng sarap, cake, fried chicken, lumpia, at iba pa.

    minsan naman pizza kapag tinatamad magluto. Kaya thanful ako sa mga nagiging bdays ko. Ipinaparanas samin ng mga maggulang namin ang masaganang party dahil hindi nila naranasan iyon nung bata sila-yung ganung ka enggrande.

    • livingstain says:

      ang layo naman ng sampaloc, hindi ba marunong magluto si mommy mo? fried chicke love it…

      wow ang sweet naman ng parent mo, ako ang maipagmamalaki ko, ang family ko laging ready to make bati, si daddy nga niyayakap pa ako tapos sasabihin “happy birthday anak”

  6. yin says:

    ako din pabati, anu handa? shot na! san kainan? hehehe. lang taon na blog mo tol?

  7. ELIment says:

    happy happy birthday alvin.

    wow..mukhang maganda ang love story nyo ng lavidabs mo ah. sana lalo pa kayong magmahalan..at saka sana mauwi na yan sa kasalan..haha

    bigatin ang bisita mo ah. hehe

  8. Happy Beerday Living Stain! hehe.😉

    nakow po, nahilig nga yata ako sa beer. LOL. unforgettable sakin yung 18th bday ko eh. hihi.😉
    sobrang saya talaga kasi kumpleto ang barkada.

  9. hisnameisdencios says:

    wow! ang saya ni alvin!
    may syota na tas may pic pa ni mr.heherson!
    happy bday ha!
    kala ko 18 ka lang
    naks!

  10. forbiddenlei says:

    hapi bday sa blog nya

    waahhhh tae nagulat ako sa biglang pagtugtog ng sounds mo

    masaya ako pag bday ko kasi ang dami kong spongebob nun hehehe

  11. hisnameisdencios says:

    hayop sa header! woooo!

  12. hisnameisdencios says:

    ako wlang celebration nung 21 ako. pansit lang

  13. hisnameisdencios says:

    ang guapo ng gumawa ng header haha

  14. pinkdiaries says:

    Hello stain, happy bday!! nag bablog padin aku, kaso BRB till now,hindi ko maharap eh..

    well, lets talk about birthday, nung bata aku lahat din ng bday ko may handa, hndi din naman kami mayaman, peru kahit papanu nag hahanda ang mommy ko kahit pansit lang, o kaya naman ang lola ko kahit sopas, para daw maging makabuluhan ang bday, kasi yun daw ang pinakamahalagang okasyun na nangyari sayu, kaya dapat ipinagdiriwang, yun ung sabi ng momy at lola ko, come to think of it, totoo naman.. kasi isang taon nanaman ang binigay sayu ni papa God at blessings nanaman.

    Wow naman, at may naamuy pa ata akung love life! hehehe.. sana may pics yung labiduds mu..🙂

    anyhow, nag paramadam lang to greet you a happy bday! more blessings and God Bless you stain!🙂

    • livingstain says:

      akala ko nga nakalimutan mo ng magblog….

      ang sarap sa pakiramdam kapag may handa kahit ano lang, at yung effort ng pamilya para mapasaya ka sa espesyal na araw ng buhay mo sabrang nakakatouch talaga.

      salamat

  15. taga-bundok says:

    happy happy birthday! hehe… comment muna tapos basa. haha!

  16. jason says:

    ang ganda ng header!!! Wowowwow

  17. J.Kulisap says:

    Pag mahirap hindi uso ang handa-handa..minsan nga nakakalimutan mismo ang araw ng kapanganakan.

    Masaya, pinakamasaya ba ikamo?

    Sapat ng buhay ako at darating ang panahong maghahanda din ako sa birthday ko.

    Wala akong masabi…hahahha.

  18. Ax says:

    Buong monht ng november birthday ng blog mo. Aw. Ayos yan. at syempre, di pa ako nakakagawa ng pinapagawa mo! Aw. So, kamusta? Kamusta ang blog na isang buwan ang birthday. Paano pa sa second birthyear na? Kung sa first, birthmonth.. Aw.

    Well, ayun. Wala akong masabi. Birthday mo na, Happy pa! aw. Blog mo pala ang may birthday!

  19. alkapon says:

    nakaka relate ako about birthday..

    mula nung namulat ako, sa tuwing birthday ko, walang ibang inihahanda ng mga magulang ko kundi arrozcaldo… hanngang nagbinata ako, puro arrozcaldo.. naiintindihan ko dahil mahirap nga lang kami noon.. nakakain lang ako ng masarap kapag nandyan ang aking lolo, lalo na yung sa kanya na ako tumira.

    pero nung ako’y me trabaho na, hindi na arrozcaldo…. pancit malabon na.. me kasama pang tokwat baboy… medyo umasenso ng konti.. he he he

  20. glaiza says:

    Happy bday s blog mo loydie!!!

    Inggit nman ako sau lagi ka my handa. Isa lng bday ko ang naalala ko n pinaghanda ako ng nanay ko nung 7 yirs old ako hehe. Ayoko kc ng gastos at mpagod nanay ko.

    Pro ang pinakamemorable n bday ko nung debut ko. We were supposed to celebrate my debut in Baguio together w/ my friends. But the day that we are about to leave I decided not to go w/ them kc my isanama cla n girl n d ko gus2 hehe(i was so snubbish & so mean that time but i changed n hehe). So ang ending, cla nlng ang 2muloy w/o me. I celebrated my 18th bday in Jolibee alone (how sad). I am just imagining that those people eating there at that time are my visitors and I even smiled at them all the time as if I knew them hehe.

    But since I am earning my own income now, Im planning to have my bday party in the Philippines. Hope you can come!!! hehe

  21. teentoinks says:

    Happy blogssary Stain!

    Wow… Nun bata ako mga 5years ago lang yun! (wag na mag react) Pag tinatanong ako kung ano gusto ko sa bday lagi yun lang naman ang gusto ko. Pero bat ngayon, wala na nagtatanong kung ano gusto ko sa bday ko! wahh..

    At panalo sa bisita… H. Alvarez lang naman! Bungga! Maligayang kaarawan kay livingstain.wp.com.

  22. .poOt! says:

    wow. nice naman kuya alvin. ang sarap sarap talagang mag-birthday. hehe.// ako ‘pag nagbi-birthday andaming papakainin. daig ko pa ang nagde-debut every year. haha.

    nabasa ko dun sa comment mo na sabi mo “nakalimutan na kita”. pwede ba naman yun? naks!

  23. Winkie says:

    uy, happy ONE sa blog mo… and of course, more to come! next year, happy TWO naman!😛

    usapang birthday ba? ako, gusto ko lagi na malayo ako. ung tipong pasyal galore. kaso baguio lang ang farthest kong naabot. last year, dun ako nagcelebrate ng bday ko. but the best so far? nung 2004… whole day sa Nurture Day Spa with ex-fafa😛

  24. pruelpo says:

    Pahabol – Happy Birthday Igan, Alvin-

    Noong teenager ako di ko naranasan na ipaghanda o maghanda sa birthday ko. Nang ako’y magkaroon na ng sariling family taon-taon naghahanda ang aking magi-ina tuwing birthday ko ang sarap pala lalo pag may kumi kiss at yumayapos sa iyo.

  25. Gooooooood morning!!!!

    Umagang kay ganda alvin!

  26. precious says:

    3 in 1 plus 1 hafi kaarawaaaaaan!

    hafi bertdei s blog mo alvin!

    wl akong kwen2ng bertdei hnd uso samen un eh! haha…

  27. maninheat says:

    Ang saya naman!

    Siguro ang sa akin nung 18th bday ko at yung 23rd.

    18th kasi yun yung time na nakabukod na ako sa mga magulang ko kaya nagpa-mini party ako sa flat ko. Lasingan kung lasingan. Hanggang madaling araw umiinom kami ng mga barkada ko.

    Yung 23rd naman kasi first time kong kasama yung bestfriend ko. Intimate dinner yun kaya ang saya at damang-damang!

  28. J.Kulisap says:

    Aray ko naman Alvin, mahirap po ako at mangmang.

  29. lovely says:

    ang tanda mo na alvin hehe..pero wala sa itsura ha hehe..ayieeee..

    kailan ka naman papakain sa mga bloggers hehe..

    iba talaga kapag nagbibirthday na kasama ang pamilya..

    pero dis coming na magbirdei ako gusto ko out of town hehe..

  30. flamindevil says:

    happy berdey alvin..

    have a gud one!😀

  31. arsean says:

    basta ako pag birthday ko hindi mawawalan ng mdaming handa…hahaha

    kaso hindi ko alam kung handa ko ba yun o para sa noche buena…hakhak

    haba ng betday… month long pala ah…hehehe🙂

  32. yhen says:

    piberdey…🙂 dami na header ah… hehe

  33. Solo says:

    Wow! Ang saya nmn pala ng bertdey mo?! ;D Buti kapa haha. Hhmm mejo masaya nrin at nakapag-KFC ang buong pamilya nuong bertdey ko itong taon lang. sasabihin ko ba kung kelan? Hhmm hulaan mo nalang lolz. ;D Happy birthday ulit. ;D

    Solo
    Travel and Living
    Job Hunt Pinoy

  34. Alkapon says:

    Malapit na ang pasko, at malamit na rin ang bertdey ko.. lahat ng bloggers ay imbitado.. sky is the limit..

    he he he jowk!

  35. pers time ko po dito.. ganda ng blog mo.. =)

  36. wala akong masabi…sikat ka na talaga! hapi bertdei….!

  37. Mr. Nonsense says:

    “labidudz” mo pala si sen. alvarez. inggit, buti ka pa eh may sugar daddy🙂

  38. p0kw4ng says:

    akala ko magkasabay kayo ng bertdey ng blog mo..Blog lang pala talaga ang may bertdey,hehe

    hapi bertdey ulit blog!

  39. dhyoy says:

    piberdei blog!😛

  40. onesounddrum says:

    huh??erpat mo ba si former sen alvarez???…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s