Isang Taon-Noon at Ngayon

Sa mga tulad nating blogista, pangkaraniwan ng tanong sa atin ang: “bakit ka nagboblog?”. Simple lang naman ang sagot natin don di ba, para mapagyaman ang ating talentong mag-isip, magkwento, at magsulat ng ibat-ibang istoriya ng ating buhay sa loob ng mundo.

Isang taon na ang nakalipas ng magsimula akong magblog. Mangaliw at magbigay ng informasyon naman ang gusto kong ipahatid sa mga mambabasa noon, hanggang ngayon.

Noon hindi basta-bastaย ang kalakaran, kapag mahaba ang blog mo, asahan mong “love et at nice blog” lang ang makakamit mo. Oo, mahaba akong magblog noon, akala ko kasi mahirap mag kwento kung hindi puno ang detalye, akala ko kasi, hindi gaganda ang obra kung hindi gagamitan ng mabubulaklak na salita. Tama nga naman, walang mali sa pagboblog pero kung gusto mo ng maraming tagahanga, kailangan mong umisip ng paraan para hindi mainip ang iyong mga mambabasa. Nasa internet kasi tayo at literal na isang click lang-maari ng malipat sa iba ang atensyon ng bisita mo.

Hindi ko pinopromote and short blogging, kanya-kanyang pamamaraan yan, ang sa akin lang ay yung tingin kong mas ok, pero sabi ko nga: Kanya-kanya yan.

Sa loob ng isang taon naranasan kong magkaroon ng mahigit sandaang comments. Naging batayan ko yun para sabihing sikat na ako, hanggang nilunod ko na ang sarili ko sa kalokohang ako rin ang lumikha, sa pag-aakalang kilala ako ng lahat, sa paniniwalang patuloy lang na dadami ng dadami ang mga taga subaybay ko. Hanggang sa kung anong bilis nilang dumating ay syang bilis din nilang nawala. Hanggang sa napraning na ako, parang isang artistang nawalan ng karir at nagpasyang magsara muna panandalian. Sa aspetong ito, nakakatawang sabihing: Huwag ninyo akong tutularan, at huwag ikintal sa isip ang salitang kasikatan.

Noong nagsara ako, ang plano ko ay pagtagalin iyon ng isang buwan, pero paksyet, tatlong araw pa lang kung ano-ano ng ideya ang naglalaro sa isip ko na nagsasabing kailangan ko ng sumulat. Ayon saktong apat na araw balik blog na naman, pero hindi na gaya ng dati, marami na akong binago sa ugali ko, at bumalik na ako sa una kong adhikaing-mangaliw at magbigay informasyon.

Yan na rin siguro ang munting sikreto kung bakit tumagal ako ng isang taon. Pero ano ba naman yung isang taon kumpara sa iba, ang mahalaga:

“nandito pa rin ako nagkukwento sa inyo”

DSC00902

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

103 Responses to Isang Taon-Noon at Ngayon

  1. taribong says:

    Base. Basa mode muna hehehe

  2. Kurog says:

    Hindi ko siya binasa… Ehe… na-curious lang ako kung ikaw ba yang sa picture? Di mo kamukha eh… Ehe…

    Di ko natupad yung sinabi ko na never ako magco-comment dito! Kaw kasi eh!

    PS.

    Base ba? Ehe…

  3. J.Kulisap says:

    Dahil nagbablog at nagbabalandra ka ng iba’t ibang tao dito sa kuta mo?

    Bakit si Villar ay karapat dapat na Pangulo?

    You have your own distinctive style. A brand from the living Saint…Stain.

    Nong magsimula ako ng blogging, yong editor ko lang nagbabasa non, hindi ko rin naman alam na kailangan mong magbloghop para magkaroon ka ng readers, umaasa lang ako kung sino yong mapapadpad sa bahay kubo ko.

    Ang aking mga sinusulat ay nagmula sa aking kayumangging damdamin, wala ring basagan ng trip…maaaring walang dating sa iba yon,pero may mga taong magugustuhan yon..at sila na yong suki ko. Kapag nagkokoment ako sa mga sinulat ng iba..depende sa topic at sa mood ko.

    Isang paraan ng pagpapahalaga yon don sa “effort” na ginawa ng blogger o writer.

    Wink..wink..Alvin.

    Siya pala si Lei, kagalang galang pwedeng pwedeng Vice President ni Villar.

  4. eli says:

    base! walang basagan ng trip..base ako.haha

    isang taon na nga. at habang tumatagal napapansin ko na nag-i-improve ka bawat post. kaya ang masasabi ko, ipagpatuloy mo lang.

    aabangan namin ang iba pang mga kwento mo.

  5. lhen8 says:

    base!!! pang ilan kya ako… ๐Ÿ™‚ yan si stain o si alvin…

    Living stain ang nakakuha ng atensyon sa akin ng makita ko sya sa bahay ng hamster at na Qrius ako sa pagkatao ng blogista na ‘to….

    at na adik magtanong ng mga panaginip ko…hehehe

    at nag alala ng magkasakit sya sa kanyang iniinda na tiyan…..

    nahawang gayahin ang mga stilo ng kanyang blogs ….. musik din pala kse ang trip ng LIVING STAIN….

    ako ndi ko masasabing aabot ako ng isang taon dito sa blogosperyo…. ndi naman kse ako after kung madami ang nagbabasa o maraming interesado sa mga lathala ko, ang mahala kase sa akin nailabas ko ang nasasaloob ko….. naging magandang outlet ko itong blogosperyo na parang naging DIARY ko

    kaya naging adik lalo na ng sumali ako sa BASE CONTEST ng kwelang batang pari na padre fiel…. ๐Ÿ™‚

    • livingstain says:

      Ang makuha ang atensyon mo ay isang karangalan para sa akin.

      salamat sa pagaalala mo, magaling na po ako. salamat ulit.

      rock en roll

      tama yon, magsulat tayo para sa sarili naten, kung may magbasa man, bonus na lang yon.

  6. wala nga sa haba o hikli ang kagandahan ng isang artikulo (o sa mundo natin-blog).

    kahit kailan, ang importante- ang kalidad ng ating sinusulat.

  7. dencios says:

    pang starsruck ang piktyur! hayop!

  8. jason says:

    ang galing. hahahah teka lang stain ha hehehhe

  9. jason says:

    wow canon kanino mo nalaman to stain? hehehheeh

  10. tsenn` says:

    hangkyut! waaah natutuwa ako lalu na sa pic. wahahaha. emotero :p muli, hapi 1st year aniv sa iyong blog kuya staineeeee! ^^

    off topic: ang gwapo ng nunal nung gumawa ng header. hahahaha :]

  11. Rocky Garcia says:

    Totally agree with you brother! Dapat maging creative tayo at gamitin ang ating talento sa lahat ng pagkakataon. Happy anniv bro!

  12. pruelpo says:

    Tama ka Igan Alvin…kapag daw ang tao ay hindi niya pinagagana ang kaniyang isipan ito raw ay magshi shrink.

    Dati ang plano ko sa blog ko ay maging personal journal ko lang, nguni’t napag-isip ako bakit hindi ko gawing libangan ito panlaban sa homesickness at homesexness na nararanasan ko dito sa ibayong-dagat. Kaya lahat ng mga bagay-bagay na puwede gawan ng storya sinusubok ko.

    Isa pa ang blog ay malaking tulong para sa aking magi-ina. Naging meeting place namin ito at kapag may mga school assignments ang mga anak ko nagagamit nila ang ibang nakapublished doon. Kaya Power Igan Alvin. Tuloy Lang!

  13. topexpress says:

    HUMABEEE ang lahat! BASE! (subukan lang na may bumasag ng trip ko! magka blogan na!๐Ÿ˜› )

    teka namiss ko tong si pareng alvin. guys guys mga repapips at remapips GROUP HUG!!!!๐Ÿ˜€

    MAsasabi ko na isa ako sa mga sumusubaybay at humahanga as akign talino at talento mo sa pagsusulat. di ka pa nagbloblog ay naipabasa na sa akin ng ating kaibigang boni ang iyong obra patungkol as Isang batang pinaslang ang butihing ama.

    Mula nuon ay patuloy ang aking paniniwala, mapa blog man o sa pananaw mo sa buhay. Hindi man ako madalas makapag comment sa blog mo pero alam mo pare koy na nandito lang si kuya topher nagbabasa ng tahimik at naniniwalang… ang buhay ay may mantsa! toinks!๐Ÿ˜€๐Ÿ˜› happy anniversary sa iyong bahay blog Vin! mabuhay at ipagpatuloy mo ang iyong adhikaning magsulat.

    • livingstain says:

      O eto pa isang nagwawala…

      miss you too kuya aldo. sayang kung kelan online na ako palage kahit gabi tsaka ka naman naging busy sa iba mong friend… hehehehe… ok lang…

      isa pa, hindi ka pa nga nagboblog pero alam ko ng nagbabasa ka ng gawa ko. for that… thank you congress.

      salamat… at alam mo na yun.

  14. lababo says:

    huwaw! happy anniv! ako kaya tumagal ng one year?

    tama, wala talagang basagan ng trip, ang punto ng pagsusulat ay ang mailabas mo ang nasa dibdib mo, hindi para dumami ang fans. (tingin ko lang ha..)
    Congrats ulit kuya!

    • livingstain says:

      oo tatagal ka kung gusto mo.

      may leveling factor kasi yan e, parang kapag nareach mo na yung mga gusto mo, like, makapagsulat, then dumami ang readers, then dumami ang comments, then whats next, kailangan ba nasa nutral level ka pa rin? kailangan mong magacelerate ng gear for others expectations and for your own growth.

      maraming salamat lababo.

      salamat.

  15. aninipot says:

    sa akin naman, ang kagandahan ng isang sinusulat ay hindi sa dami ng comments…kundi sa dami ng nagbabasa…

    • livingstain says:

      ang simbulo kasi ng comments para sa akin ay palatandaan na natapos nila ang kanilang binasang gawa ko, if hindi naramdaman ko naman ng partly may nabasa sila.

      alam mo yung andami mo ngang readers pero readers mo lang sila hindi mo sila commentators. Masama o mabuti man ang sabihin nila ok lang yun…

  16. taga-bundok says:

    happy happy blogsarry ulit!

    haha… naala-ala ko pa nung unang mapadpad si alvin sa blog ko….

    …hinihintay ko ang iyong pagbabalik kasi sabi mo, “andami ko pang gustong sabihin kaso nakakahiya kasi hindi naman ako editor.”

    marami akong matututunan sayo.๐Ÿ™‚

  17. mister llama says:

    tama yan kuya stain. Sa ngayon kasi, kapag mahaba ang blog post mo eh. Ini scan lang ng mga mambabasa yung post mo tapos magcocomment na parang binasa nila ng buo yung sinulat mo.. Sang ayon din ako sa ideya mo na kelangang gumawa ng mga nakaka aliw na hakbang para lalong maaliw ang mga mambabasa.

  18. pinkdiaries says:

    ppsstttt, kanya kanyang trip lang.. hehehe.. sabi mu nga, kanya kanya lang namn yan eh, maikli o mahaba man ang post mu, peru kung my sense kakagatin ng mambabasa, may ganun?! kaya pala wala akung mambabasa e, iilan lang..

    Sana aku mapahaba ko din ng tulad mu ang blog kong wlang wenta! minsan kasi kakpagod mag isip kung anung dapat isulat,merun man, hirap umpisahan.. shock!

    sige na nga, ayoko kasi mabaog eh, kaya nag comment naku, at ayan mahaba pa, sana nga lang may sense lahat ng comment ko!!

    ciao, stain! ingatz!!๐Ÿ™‚

    • livingstain says:

      ayan si sir bon pwedi syang makatulong sa pagpapalago mo bilang isang manunulat… aaaawww….

      kapag nahihirapan ka wag ka munang mangsulat kasi dapat parang love yan unconditonal at hindi pinipilit…

      nagpapayo ba ako… hahahaha

  19. forbiddenlei says:

    kasi naman pag nagblog ka, u cant get away with it. hahaha masaya kasi ang magblog.

    somehow nababawasan ang kung ano mang kinikimkim mo

    it is a relief indeed

  20. Napadaan at breaking my hiatus to great you a happy anniversary!

    To more blog entries!

  21. salbehe says:

    Alam mo, minsan napapaisip din ako kung bakit ako nagba-blog. Minsan dahil may bagong kwento o may bagong ideya o may bagong napulot na gusto kong ibahagi. May nabasa akong blog dati na nagsabing “We blog for ourselves not for others.” na sa tingin ko ay mas totoo. Ewan. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagkoment. HAhaha!๐Ÿ˜†

  22. J.Kulisap says:

    Hindi naman ako napipikon, ok so out na sa akin si Villar bilang candidate, ayaw mong ipaliwanag eh.

    Mas gusto kong malaman sa isang matalinong kabataan ang kaniyang pagtingin sa ini-enodorse niyang tao na magiging gabay natin sa ating bansa.

  23. Mr. Nonsense says:

    more power…more stain!

  24. yin says:

    ako nagblo-blog ako dahil. oo. hehehe. yun yun. oo pare kaniya-kaniyang trip yan, at kaniya-kaniyang trip kung kanino ka maaaliw diba. panatilihin!

  25. maninheat says:

    Couldn’t agree more!

    Sana’y hindi ka maubusan ng inspirasyon at ideya para sa blog mo!

    Kampai!

  26. roomboy1987 says:

    more blogs to come, congratulation, sa katulad kong nagsisimula pa lang natutunan ko na huwag ikintal sa isip ang kasikatan… ingatz

    Be Naked & Be Sexy…

  27. alkapon says:

    naka isang taon ka na pala stain, congratulations..

    malayong-malayo na ang iyong narating.. sa araw na ito ay naka isang buwan na rin ako, at kahit papaano ay naging masaya naman ang simula ng aking pagsusulat, pakikisalamuha’t pakikihalubilo sa mga batikang blogger tulad mo.

    mabuhay ka parekoy, goodluck and i wish you all the best.

  28. yey!
    congratulation alvin may kiss ka sakin mwaaah !

    at happy bday na rin diba???

    keep on writing po.. kasi isa kang talentado๐Ÿ˜†

    sana magtagal ka pa sa pagsusulat para magtagal din na may nag cocoment sa blog ko haha…

    seryoso… yun nga keep on writing and inspire your readers… sa mga information mo๐Ÿ˜‰

  29. keep writing alvin! we lab u!!!

    see you soon…

  30. jason says:

    teka message:

    Youve been through ups and downs of life, yet you stand tall reaching for the highest peak of the earh.
    salute you for staying strong, for being yourself alone makes me proud for you as your friend.

    Just don’t forget to be humble, nice to others, and guard yourself. Hamster and Ax will always be there for you.

  31. Nashyboy says:

    wow happy anniversary!

    cheers!

    keep up the good work

    keep on blogging

    and by the way thank you for always keeping in touch with me on my blog

    LOVE | nashyboy

  32. Alkapon says:

    ang sa iyo anniversary na.. sakin, isang buwan pa lang ako kahapon. good luck parekoy.. sana malayo pa ang iyong marating.

  33. flamindevil says:

    taray.para ngang artista lang…center of the universe ang drama.hehe

    anyway,happy anniversary alvin.

    congrats.natuwa ako sa pic ni tsi at ng baby nya. ang tameeeeeeesss.๐Ÿ˜€

  34. TSI says:

    Naks!!! Wa masabe..lol – long celebration ‘to ah..

  35. jason says:

    the best ang nasa sidebar o si kuya tsi
    at si pamangkin dirk ko!!
    huwawaw

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s