Ang Aking Panaginip (updated)

Isang magandang panaginip ang nangyari sa aking noong nakaraang Miyerkules, hayaan nyong ikwento ko sa inyo ang mga nangyari.
Busy ang lahat ng tao sa kumpanya kaya ako ang naatasan ng aming presidente na maging representative ng Philippine Mining Development Corporation na magturn-over ng mga gamot sa gaganaping Medical and Dental Mission sa Brgy. Balatoc, Pasil, Kalinga. kinabukasan daw ang aming alis papunta roon at sasamahan ako ng aming driver na si Kuya Hapay.

Thursday, 1:00 PM ng umalis kami sa Manila, 10:00 PM na ng marating namin ang  Satiago Isabela. Sa haba ng paliku-likong byahe sa kabundukan ng Siera Madre, ninais muna naming magpalipas ng gabi dito upang mapahinga naman ang mga hapo naming katawan.

Friday, 3:30 AM gising na kami, tulog pa ang Diyos tinatahak na namin ang bulubundukin ng Coldeliera. Masigla ang katawan ko, alam kong sa araw na iyon magkikita ko na ang lugar kung saan kinakailangan ang aming tulong.

Maliwanag na ng marating namin ang Tabuk City, Kalinga. 8:00 AM tinext ko ang Mayor ng Pasil, si Mayor James Eduba na nasa Tabuk na kami, sabi niya, tumuloy muna kami sa Golden Berries Hotel upang makapagpahinga at makapaghanda para sa mas mahaba pang byahe papunta sa kanyang nasasakupan….

Friday 11:00 AM ng may sumundo sa aming sa hotel, siya daw si Gonsalo, inutusan sya ni mayor upang mag guide sa amin Papuntang Pasil-ang Pasil ay isang bayan sa Kalinga na may hiwahiwalay na Barangay sa gitna ng mga bundok.

Hindi maganda ang daan papasok sa nasabing bayan, baku-bako ang National Hiway na aming tinatahak, awang awa ako sa sasakyan namin tuwing sasayad ang dibdib niya sa lupa, gayon pa man hindi pa rin matatawaran ang magagandang tanawin na aaliw sa sayong paglalakbay, kasama pa nito ang aking mithiing marating ang lugar kung saan ako panandaliang kinakailangan.

3:00 ng hapon ng makarating kami sa Brgy. Batong Buhay, apat at kalahating oras na naman ang natapos sa aming oras, malakas pa rin ako at puno ng buhay. Dinala kami ni Gonsalo sa kanyang pinsan, doon lang daw kasi pweding ipark ang aming pagod na sasakyan.

Ilang minuto pa kaming nagpahinga roon, hinainan kami ng may-ari ng bahay ng papaitang baka… Pasensya na po kayo kung hindi ako kumain ng madami, isipin na lang natin na sa pagkakataong iyon, busog pa po ako.

Sa ibaba ng bahay nakita ko ang isang lalaki na nagsasala ng ginto gamit ang isang ballmill, matipid syang magsalita, kaya nga ng tanungin ko kung ano ang kayang pangalan, sa sobrang tipid, tinitigan nya lang ako…. hehehehe

Ipinakita niya sa akin ang kaniyang nakuha, tingin daw niya ay humit kumulang limang gramo na iyon, nagulat ako ng malaman kong isalng linggo na pala niya iyong pinaghihirapan, ibig sabihin, isang linggo na ring nakababad ang kamay niya sa tubig na may halong mercury, pero wag ka, 1,200 hanggang 1,300 pala ang bentahan nito per gram, kaya kikita din siya ng tinatayang 6,000 piso.

Mabalik tayo sa aking panaginip. 4:00 PM ng magsimula naman kaming maglakad patungong Brgy balatok. Bagamat mataas pa ang sikat ng araw, malamig naman ang panahon dito kaya medyo hindi nakakapagod.

Lubhang kanais nais ang mga ganitong pagkakataon, ang sarap sa pakiramdam na nabubusog ang mga mata ko at halos unti unti kong nasusulit ang buhay ko bilang tao, ilog at mga bundok ang literal kong tinawid pero ok lang hindi ako susuko, hindi ako aayaw.

Sa una ay patag ang daan, maganda ang tanawin, ngunit mabato ang bundok, matarik ang mga landas sa gilid ng bangin, kapag nagkamali ka, sa halip na magdadagdag ka ng buhay para sa iba, malamang buhay mo ang mawala. Iyan ang daan na aming tinatahak.

Maraming beses kaming nagpahinga, maraming beses din na kinakapos ako ng hininga hanggang sa humantong ito sa panandaliang pagkawala ng aking malay, siguro’y dala na rin ng puyat at pagod sa mahabang byahe. Mabuti na lang at mabait ang mga nakasabayan namin, pinaypayan nila ako kahit malamig na ang panahon, hindi nila ako iniwan hanggang hindi ako nagiging ok, ilang sandali lang ang lumipas, tuloy na naman ang lakad. Naniniwala akong hindi nakakarating ang taong umaayaw.

Madilim na ng aming marating ang Brgy. Balatoc, tumuloy kami sa isang bahay at doon kumain kasama si mayor, mga nurses, doktor, at ilang mga taong mangunguna sa Medical Mission kinabukasan. Walang kuryente sa lugar ngunit may generator na panandaliang nagsusupply ng ilaw sa maraming bahay, walang signal at kung minsan ay limitado lamang ang tubig na nanggagaling sa bukal. Nakakatuwang isipin na kung anong lamig ng lugar na ito ay sya namang init ng kanilang pagtanggap sa amin. Maraming salamat sa asawa ni Mayor na nagasikaso sa amin at hindi kami iniwan hanggang hindi nasisigurado na kami ay komportable. Ngayon pa lang, inuulit ko po, Maraming Salamat.

Kinaumagahan maaga akong nagising upang tikman ang matamis na sikat ng araw. Matapos inumin ang mainit na kape inaya ko na agad si kuya para mag muni-muni at mamasyal sa paligid, ganyan akong tao, hindi ako laging natutulog lalo na sa mga ganitong lakaran, limitado lang kasi ang bawat oras kaya gusto kong laging sinusulit.

Alam ko kahit malayo ang araw sa mundo, pilit pa rin nyang inaabot ito upang mabigyan ng sapat na init araw-araw.

Ito ang Barangay Balatoc

dito sila sumasamba, katoliko ang simbahang iyan, kaso nakasarado kaya hindi ko nasilip ang loob.

Napakasarap mamasyal sa ganitong lugar, bukod sa hindi ka gaanong papawisan, maaari ka pang maglakad sa rice terraces, at maligo sa sa napakalamig na falls, baket hindi ka nga naman mageejoy sa lugar na ito e wala namang ganinto sa Manila. hehehehe…

Welcome na welcome kami sa mga tao dito, isipin mo alas dyes pa lang ng umaga, anim na bahay na ang aming nakakainan, isang nakakatuwang kaugalian na katangi tangi dito, sabi ni Gonsalo bawal daw kaming tumangi dahil maaring sumama ang loob nila, isa pa pinaghirapan nga naman nila iyong lutuin tapos hindi namin papansinin, kaya naman kahit anong busog ko na e tuloy pa rin ang kain ko mapagbigyan lang ang lahat. Alam mo yung hindi ka pa tapos sa isang bahay babantayan ka na nila para sa bahay naman nila kumain, san ka pa. Isipin mo, hindi naman Fiesta, wala namang okasyon, at hindi rin naman sila mayayaman, pero naipakita nila sa amin ang mga bagay na hindi namin naranasan sa iba. Sa totoo lang kahit hindi naman sila magkatay ng manok at magpatay ng baboy e matutuloy pa rin ang Medical Mission pero ginawa pa rin nila para sa tulad naming mga bisita. Manyamanak.

Dumating na ang oras na aking pinakahihintay, maaga akong dumating sa Balatoc, Elementary School kung saan gaganapin ang mission, halos kakaunti pa lang ang mga tao at nilalagay pa lang ang mga streamer kaya naman may nag-aya na naman saming kumain. hehehehe

Medyo natagalan kami sa pagkain dahil dalawang bahay na naman ang nagbukas para muling punuin ang aming mga sikmura, kaya naman may mga tao na sa lugar ng kami ay dumating…

Karamihan sa mga tao ay nasa palistahan na at chinecheck up na din ang iba kaya mangilan-ngilan lamang ang nakita mong tao sa nakaraang larawan.

sa harapan ako naanyayahang maupo, kaya naman picture taking muna with the mayor and their other officials.

Nagsayaw din ang mga estudyante, alam nyo ba kung anong sayaw nila? Chicken Dance, I remember when I was in elementary, ganyan din ang sayaw namin. Naalala ko tuloy ang sarili ko noon sa kanila, medyo nagkaroon lang nag problema sa nakasalang CD pero natuwa ako sa isang bata na tuloy pa rin ang pagkendeng kahit humihinto hinto ang tugtog, puno pa rin siya ng pag-asa na sa bandang huli ay maayos ang tunog. Parang buhay rin ng tao, kailangan kahit hindi nakikiayon ang musika, tuloy pa rin dapat ang pag-indayog, para maipakita sa lahat na walang hadlang sa taong nais ipamalas ang kanyang natatanging kakayahan.

 

Syempre hindi ako papahuli pagdating sa sayawan, kaya naman ng ayain ako ni mayor na sumama sa kanilang sayaw ay hindi ako nagdalawang isip, sundan ko lang daw sya at presto nagawa ko naman ng mabuti. Oha, san ka pa, walang practice yan ha. hehehe…

dito ko unang naranasang magsalita sa harap ng maraming tao, yung ako ang may hawak ng mikropono, yung lahat ng mata sakin nakatingin, walang ibang papakinggan kung hindi ako lang, nakakakaba pala. Simpleng mensahe lang ang ibinigay ko, gusto kong maintindihan ako ng lahat kaya naman sa tulong ni Gonsalo ay ipinatranslate ko sa kanilang dayalekto ang aking sasabihin, at para sa kanila, muli kong uulitin:

Farfaro argaw tako losan we awad sina. Managsakan kami we tumurung kan nangiyali as agas kan jikayo we hiya nan usaron taku. Nan makwanti ji kumpanya mi we PMDC (Philippine Mining Development Corporation) kan jikayo we i-Balatoc kan Pasil mamfaruwan yu ket hiya met nan mamfaruwan ji kumpanya. Manyamanak kan jikayo amin.

Hindi ba’t nakakataba ng puso kapag nakakakita ng mga batang nakangiti, nakakatangal kayo ng pagod. Salamat sa mga larawang kuha ni kuya hapay, maraming alaala ang aking maibabaon pauwi. Para sa iba pang litrato, maaring iclick ito.

Nakakalungkot man, matapos mananghalian ay nagpasya na kaming bumaba ng bundok at lisanin sila dahil malayu-layo pa ang aming lalakbayin, papuntang Tabuk City, siguro ay apat na oras muli ang byahe papunta rito. Muli kaming magpapahinga sa hotel at babyahe muli ng alas kwatro ng madaling araw papuntang Maynila.

Ligaya ang nadadama ko hanggang pagbaba, ang sarap palang makatulong sa iba, kahit pagod, uhaw, at hindi sigurado sa dadatnan o ano man ang mga posibleng mangyari sa taas ng bundok, napakaliit lang palang dahilan non para magdalawang isip na maabot sila. Salamat kay Mayor dahil isa kami sa mga napili nyong tumulong sa inyong proyektong ito, sa mga taong nagpakain sa amin, kumupkop at bumati ng isang magandang umaga, hindi ko kayo makakalimutan. Kay Gonsalo na humingi sa akin ng pabor para maipakilala ang kayang bayan sa mga turista, sana sa maliit na paraang ito ay napagbigyan kita. Sa mga tao sa Pasil, manyamanak kan jikayo amin.

Higit sa lahat, maraming salamat sayo Panginoon dahil sa buong buhay ko binigyan mo ako ng pagkakataon na marating ang lugar na kahit sa panaginip ay hindi ko inakalang mararating ko.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

55 Responses to Ang Aking Panaginip (updated)

  1. aksoriyalmo says:

    Vin, anong tunog yown. Aw, lakas pa naman ng speaker ko. Yay!

    Kung managinip ka, parang totoo at may picture at ebidensya ka pa. Paano ginagawa yan?

    Sana next time panaginip mo si Carmen Electra, para swak na totoong totoo talaga. yay.

  2. pinkdiaries says:

    ang haba ng iyong panaginip, at ang saya, sana makapanaginip din ako ng ganyan! hehehe

  3. taribong says:

    Wow!!! Itutuloy ang panaginip…. (natulog ulit??)

  4. J.Kulisap says:

    Talaga bang natutulog ang Diyos? Sino ang tinutukoy mo dito?

    Ano ang sabi sayo ng Batong Buhay? May mensahe ba siya hijo?

  5. eliment says:

    ang ganda naman ng pinuntahan nyo alvin. at da bes yong pakay mo sa pagpunta mo dun.

    isa kang huwarang novo esijano. hehe

  6. melody says:

    wow!!! ang ganda namn ng adventures nyo.. nice pics!!

  7. The Lady in Green Ruffles says:

    ah, eto pla ung nasa fb..hehe..ok ah..aus na aus ang pagtravel mo..sama mo naman ako..hehe

  8. yiN says:

    ansarap naman maglakad dun sa henging brids!! sarap maghabulan dun!

  9. lovely says:

    panaginip ba to talaga..
    eh true to life story to oh haha..
    henways mukhang nag enjoy ka talaga..

  10. eloiski says:

    wow! ang cute naman ng panaginip. ayos ah. may picture talaga. sana makapunta din ako diyan sa pamamagitan ng panaginip. hakhak!

  11. lhen says:

    asteeeeg narinig ko ang boses ni Joey ayala love it!!!

  12. Nakakainggit ang adventure mong ito Alvin…
    Ang ganda nga ng tanawin…

    Next chapter please…

  13. missbroken says:

    hi napadaan lang poh.. ganda ng panaginip ah..
    jejeje.. naawa tuloy ako sa bata.. diba merong effect pag palagi kang nagbababad sa mercury?
    hirap din nun.. hindi na sya nkapaglaro.. wawa naman… GOD Bless!!!!!!!!

  14. gerald says:

    walastik na panaginip yan. matutulog nga ako ulet!

  15. ELIment says:

    mahirap na masarap ang adventure mo alvin..mahirap dahil sa nakakapagod talagang puntahan ang mga ganyang lugar pero masarap dahil sa kakaibang karanasan ito.

  16. yhen says:

    gusto ko yan…

    ang magpunta sa kalinga… ive been too as far as zamboanga pero ang kalinga na malapit lang sa baguio dko pa napuntahan…

    nwei, nxt tym sama mo ko ha… ehhe

  17. bonistation says:

    ayan ganyan nga magkwento ka ng mga kaganapan! haha astig nung simbahan naaalal ko lang si fr.fiel, gustong gusto nya mga ganyan! ^^ ano ba ginawa mo medical mission or pictorials, at yung photographer mo talagang napasunod mo sa mga angulong gusto mong mangyari ha hehe!

  18. jules says:

    Wuahahaha. Nabitin ako sa panaginip moh fren. Naguton tuloy ako haha. Cge kain ka tapos tulog ka ulit, para matuloy na yang panaginip moh. =D

    Jules
    Soloden.Com
    The Brown Mestizo

  19. walongbote says:

    di naman ito panaginip.. napaka gandang panaginip naman ng adventure mo, napicturan mopa talaga..

  20. mr. sleepyhead says:

    wow! ang ganda naman! mejo nakakatakot yung hangung bridge..

    Inadd po kita sa blogroll ko..sana add niyo din ako.=]

    Deejgeek of http://deejgeek.blogspot.com

  21. dlysen says:

    Isang detalyadong paglalahad nang karanasan sa kabundukan. Maganda palang negosyo ang mercury. dinaig mo ang panaginip mo. Nakarating ka sa lugar na hindi maabot nang panaginip mo. ayus dito

  22. Lambing says:

    wow ang sarap naman dyan… lalo na dun sa may falls🙂

  23. taribong says:

    Maraming salamat livingstain sa pagpapatuloy ng iyong panaginip hehehe.

    Isang bagong araw sa ating lahat na nandito. Nasisiyahan kami na tumulong at magdala ng gamot sa inyo para magamit natin. Hangad ng aming kompanya ang PMDC (Philippine Mining Development Corporation) para sa inyong taga-Balatoc at Pasil ang inyo ring pagsulong kaakibat sa pagsulong ng aming kompanya. Maraming salamat sa inyong lahat.

  24. bonistation says:

    congrats! hindi lahat nabibigyan ng ganyang pagkakataon..ang makasalamuha ang ilan sa mga mahahalagang kababayan natin.. mga taong sobrang simple ng buhay pero mararamdaman mo ang sigla ng buhay at kagalakan nila na makita ka at maging bisita.. sarap ng feeling ng ganun!

    sana marami pang medical missions! next time magsama kayo ng artista para mas sulit.. pede ako volunteer! lols! joke!

    kudos!! astig nung speech mo! ang galing!! mukhang may future ka sa company nyo, director in the making kanaba?! pag butihin mo pa! goodluck!

  25. Jowyow says:

    wow ang saya naman… sa Balatoc i’ve been there kaso hindi ako nakapag-gala gaya ng ginawa nyo.

  26. pruelpo says:

    ang layo ng narating ng iyong panaginip Igan Alvin. ang dami mong nakita at naranasan. congrats sa iyong tagumpay.

  27. Mr. Nonsense says:

    pwede palang pulitiko si stain. basta partner si ax para siguradong winner ka…

  28. teentoinks says:

    Abah…ngayon pa lang pwede na tumakbo sa politika, national ha! May boto ka na!

    Newei, sarap ng panaginip mo… lakad.. kain.. kain.. kain.. sayaw.. kain! pero ang mas masarap jan, ang isiping nakatulong ka… kahit sa simpleng paraan! Nice!

  29. orville says:

    kung ganyan ba naman ang panaginip ko.. ayoko nang magising .. tinding panaginip yan.. detalyado.. hehe

  30. haha, kakatuwa alvin. nakapunta ka sa aming mission area. dyan ako sa kalinga nakapaglakad ng more than 24 hours para lang marating ang aking mission area.

  31. Lionheart says:

    Ganda naman ng panaginip mo… Sana magkatotooo…

  32. eloiski says:

    magandang hapon g. livingstain.
    napadaan lang. at umaasa sa bagong poste!

  33. And ngayon ko lang nabasa ang karugtong ng iyong kwento…

    I share the feeling of being welcomed fully by others unknown to you… It does not make you feel great, it makes you more humble and more grateful…

    When I was doing outreach works before, I am always teary eyed when the people we visit would open their homes to us in full welcome… I am touched by this gesture, that me, a stranger is given such kindness…

    The experienced has changed me, and I know, reading from your post, it has changed you too…

    The reward for kindness is the act itself…

    Pagpalain ka Alvin…🙂

  34. nice..
    ang haba nman ng paglalakbay mo kuya..ehe

  35. bonistation says:

    1 month na simula nung isinulat mo ‘to. huy gumising kana dyan sa panaginip mo haha

  36. IAMRONEL says:

    wow anf nice muna man kuya.:) galing po ksu prang npagod ako sa biyahe mo..hihih

  37. sors88 says:

    sarap naman sumama sa panaginip mo

    padaan d2

  38. Susan Cristie Delovino-Belmonte says:

    Thanks…i’ve searched for this blog when my cousin informed me that someone conducted a medical mission in our place.

    Can you please share with me the complete photos in “Fobroy”, that’s Balatoc our tribe…medyo matagal na rin kasi akong di nakakabakasyon – toxic sched na rin here in Manila…and i missed the place lalo na yun house na malapit sa church that’s very sentimal kasi house yun ng fav’rite aunt ko…

    By the way, Gonsalo is a friend of mine.. Glad to know that you enjoy your trip in Batong Buhay and Balatoc

    I’ll appreciate if you’ll grant this simple request…Salamat at mabuhay ka at pagpalain sa iyong pagtulong sa kapwa.

  39. nat says:

    Hi Alvin,
    I bumped into a familiar foto in the fb newsfeed so i decided to view them all and whaaaa! it`s my hometown! as i view them everything was coming back to me especially when you posed at the front of the church…that`s where i started feeling nervous…..there is an old house there which is a gem to me and is not mine anymore….i saw the roof when u were on that rock and ye….thanks for putting the pics alive.

  40. Redxet Xed says:

    nice to hear pmdc doing something worthwhile…..keep it up…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s