Para Kay JKulisap

Ipagpatawad mo Paru-paro ang di ko dagliang pagbasa ng iyong mga akda, ako’y lubhang nahihiya sapagkat hindi ko na kayang lumahok sa iyong patimpalak sa pagkatha ng sanaysay. alam mong paubos na ng uling sa aking mga panulat, at ang aking utak ay tila hinahangin na patungo sa makabagong panahon na kapag kuwa’y akin ding kasasawaan.

Damhin mo ang aking taos pusong pagbati, ako’y natutuwa sapagkat nahimok mo ang marami na ipahayag ang kanilang damdamin sa ating wikang iniibig. ikinagagalak kong makakita ng samdamukal na lahok gayung inaakala kong patay na ang mundong minsa’y aking pinamayanihan.

Tandang tanda ko pa noong aking kasibulan, halos maubos ang mga dahon sa hardin kung saan isinusulat ko ang mga nangyayari sa aking buhay, damang dama ko ang pagtangkilik ng marami sa aking mga akda, at halos matulog ako sa papuri ng madla, ako’y naging mapag-paimbabaw. Hanggang isang araw…

Ano mang pukpok ang gawin ko, wala na akong makuha, tila ako’y munting kahoy na sa isang kisap-mata’y ginapok ng mga insektong kumakain ng laman. ikinalulungkot ko ang nagyari sa aking buhay, hindi ko dapat pinabayaan ang talentong alam nating hindi lahat ay nabibiyaan. Sinubok ako ng tadhan, ngunit hindi ko kinaya ang mapanlinlang niyang kinang, sa likod pala nito’y isang instrumentong nagnanakaw ng mga kaalaman, kaalamang mula pa noon ay akin ng inalagaan.

Wala na akong magagawa, pinatay ko na ang mundong minsa’y aking pinagharian. Ngunit huwag kang mag-alala, ako’y naniniwala na magkakaroon ng himala at muling bubuhayin Niya ang minsa’y naibaon na sa balon ng paglimot, at iyon ay malapit ng maganap.

Muli binabati kita Paru-paro, dahil hindi ka nagpatalo sa mga tukso sa iyong talento, bagkus ito’y iyo pang pinagyaman.

“Muli mong ibigay ang maganda mong ngiti sa muling  pagsilip ng haring araw”

-livingstain

“ito ay isang lahok sa patimpalak ni JKULISAP

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

61 Responses to Para Kay JKulisap

  1. Len says:

    wow, pati ikaw livingstain ay nahikayat ni jkul, at dahil nga sa patimpalak ni jkul, lahat nagiging emosyonal ( o ako lang?) at nahuhugot ang mga natatagong salita sa baol, nakung saan minsan mahirap bigkasin.

    wag hayaang magpatalo sa kung anu mang tukso o nararamdaman, bagkus pagyamanin kung anu man ang naumpisahan.

    magandang gabi sa iyo.🙂

  2. J. Kulisap says:

    Kung nahimbing ang diwa hindi naman ito namatay at lumimot, maaaring nagpapahinga, naglalakbay para kapag dumating na muli ang oras ng pagbangon, mas kagilagilalas ang iyong ibabahagi.
    Paano pa ako magpapasalamat kung punong-puno ng kagalakan ang aking puso.

    Sir Alvin…I love you.

  3. Pingback: PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin

  4. jason says:

    waw alvin meron ka den! yahey!

    • livingstain says:

      nyahahaha… nagkokoment kasi ako kay kulisap, tapos syempre kailangan tagalog na talagalog ang salita ko kaya naman, ayun humaba ng humaba ang kwento ko kaya naisipan kong isali na sa kontes nya. nyhahahaha…

      oha…

  5. geylii says:

    waa bakit po anung nangyari ? haha *chismosa* eh uhmm pano ko ba itatanong un gusto kong itanong .. hmm naggets mo na po ?

  6. livingstain says:

    walang anuman, nawa’y nakatulong sana ako.

  7. Arnie says:

    ayun naman eh…don’t worry everyone except me missed you! toinks Joke lng…bati na nga pala tayo…

    glad you’re back on Blogging!!

    Apir!!

  8. yhen says:

    long tym no see… hehe… nabuhay na pala uli bahay mo… hehe

  9. yhen says:

    ang galing alvin..

    napaka makata ng pagkakagawa…

  10. ELIment says:

    wow naman. masyadong matayutay si alvin ngayon.

    sa walaks nag-update ka rin.hehe

  11. mabuhay ang makatang kayumanggi….wheeeH….TALAGA naman…at hinalukay mo pa sa baul ang iyong pangungusap…sa panahon ng mga jejemons! MABUHAY KA ALVIN!!!!!

  12. maccalister says:

    jusko po kala ko nagkamali ako ng blog na pinasok naging francisca baltazar-eezzzzzzzzzz ka na LOL!

    goodluck jan sa sinalihan mo.

  13. bonistation says:

    clap! clap! astig! i like it!

    ** MAKE IT HAPPEN!

  14. Joyo says:

    nagbalik ka alvin! akala ko di ka na nagising don sa panaginip mo… may mga panahong minsan nawawala tayo sa sirkulasyon pero di ibig sabihin non ibinaon na natin yun…

  15. joan says:

    nagbabalik. oha. nice post kuya livingstain!! :p

  16. duking says:

    napakahusay na sanaysay nito.ramdam ko ang ang pagkabuhay ng natural na ‘katutubong’ damdamin sa puso mo.

    magandang araw!

  17. J. Kulisap says:

    Ito po ay Entry Number 35. Salamat po

  18. Dorm Boy says:

    Tama ka pagyamanin natin kung anong talento meron tayo. Minsan nahihirapan man ako magsulat ng purong Filipino pero nandun pa rin ang tulak para aking subukan sumulat ng buong akdang nasa ating sariling wika!

    • livingstain says:

      ako naman dorm boy nahihirapan ako sa pagsulat ng english kaya naman kung anong hilig kong isulat sa mga talatang maiintindihan ako ng marami ay akin naman nililinang pang lalo.

      salamat sa pagbisita.

  19. Pong says:

    “Ngunit huwag kang mag-alala, ako’y naniniwala na magkakaroon ng himala at muling bubuhayin Niya ang minsa’y naibaon na sa balon ng paglimot, at iyon ay malapit ng maganap.”

    Ito ang tumatak sa akin sir. It says it all.

    Be blessed po!

    • livingstain says:

      TATAK…

      iyan ang gusto kong marinig, simple at isang salita lang pero para sa atin na gumagawa ng blog ay tila isang palakpak na mula sa kanyang mambabasa.

      makapagbigay ng kauniting tatak sa iba, yun lang masaya na ako, salamat pong.

  20. Lambing says:

    natutuwa uli akong mapadpad dito sa pook sapot mo ginoong mantsa.. kapag ikaw ay isang manunulat.. nakatatak na sa pag katao mo yan.. hahanap hanapin mo pa rin yan at kahit mahinto ka man ng panandalian may mag uudyok pa rin sayo para mag sulat uli.. at ang dami ko daw sinabi toinks… dati nang maganda ang blog mo at uulitin ko pa rin ang papuri ko ang galing mo! ipag patuloy mo ang pag susulat at mag iwan ng tatak sa mambabasa mo😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s