Ginto, Tao at Likas na Yaman

GINTO

Gawa daw sa ginto itong ating bansa
lahat ng biyaya’y isinabog sa kanya
mayaman ang lupa, dagat ay sagana
kaya mananakop sa kanya’y nahalina

Itong mga ginto sa bundok itinago
na tila mga buhanging nakasama sa bato
kailangan ng maso upang mapasaiyo
hirap at pagod, minsan pa nga’y dugo

Nang malaman ng tao na ginto pala’y mahal
“lahat mapapasaakin” kanyang nausal
araw at gabi ay laging nagbubungkal
gahamang ugali ay di na naging bawal

Totoong kayamanan ang dulot nito
‘wag lang aabusuhin nating mga tao
malawakang pagbaha, kadalasa’y pagguho
sa maling ginawa mo, lahat tayo apektado

Oo nga’t ginto ay kailangan natin
responsableng pagmimina ang aking hiling
bundok at gubat muling payabungin
upang tayo’y yumaman ng walang nasasaling.

-livingstain™

TAGAWASAK

Ikaw ang tagasira, ikaw ang tagawasak
dagat, hangin, bundok, sabay sabay mong sinaksak
tila isang ibong tinanggalan mo ng pakpak
wala kang tinira kahit kaunting latak

Andaming sisi sa tao’y binabato
laging sinisira kalikasang hapo
bakit hindi mapigil, puso ba nya’y bato
o baka pagbabago ay hindi nya gusto

Tanggapin na nating kalikasa’y sira na
ngunit wag sumuko, tayo’y may magagawa pa
kaysarap isiping tayo’y magkakasama
sa isang paraisong ating nilikha

Kung ikaw ay desidido sa iyong naisin
upang kalikasan ay ating sagipin
‘wag mag-atubiling ako ay himukin
mga kabataan siguradong kasama natin

Dito sa kalikasan lahat tayo’y kabilang
pagsagip sa kanya sa atin nakaatang
munting pasasalamat para sa maylalang
kung saan lahat tayo’y tiyak makikinabang.

-livingstain™

ISANG HAMON

Ako ang kalikasan, ako ang mundo
lahat ng akin binigay ko sa iyo
dagat na malinis at hanging mabango
pati mga puno na sobrang malago

Dumating ang oras, araw ay lumipas
dumami ang mga tao at naging marahas
hindi na nakuntento sa aking lakas
lahat ay kinuha, walang pinalampas

Galit ako sa inyo, galit na galit
wala kayong puso, kayo’y malulupit
damhin nyo ngayon itong tadhanang mapait
hintayin ang ganting sa inyo’y sasapit

Ikaw tao ka, iniinsulto kita
ako’y ililigtas, sabi mo noon pa
ngunit hanggang ngayon, may nangyari na ba
mga plano mo, sa simula lang pala

‘Wag nyo ‘kong subukan, mga taong palaban
kaya ko kayong lunurin don sa tubigan
o dilikaya’y balutin ng karimlan
hanggang sa kayo’y sabay-sabay matauhan

I kaw munting bata, hinahamon kita
obligasyon mo sa akin, iyong gawin na
huwag kang gagawa ng puro simula
Upang di masama sa mga tulad nila.

-livingstain™

ito ay isang lahok sa SARANGGOLA BLOG AWARD II


About these ads

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

108 Responses to Ginto, Tao at Likas na Yaman

  1. Frankie says:

    Base ako! Makabasa nga muna… :D

  2. Frankie says:

    Hindi tlaga dapat inaabuso ang yaman ng ating kalikasan…. Aalagaan natin ito para hindi maging sanhi ng trahedya at makasawi pa ng maraming buhay… Kung ano man ang ating kinuha eh dpat meron din tayong ibabalik… Hindi lng kuha ng kuha…. Tama bah? :D

  3. duking says:

    ang ganda nito,pre. panalo na lahat ng tutugon at magiging mamababasa ng saranggola. awareness na din sa pangangailangan ng pagtuon ng pansin sa kalikasan.

    yung pic,nakakalungkot. iresponsable kasi ang mga kapitalista tapos natatapalan ng pera yung mga ahensya na humahabol sana at nagpapatupad ng batas laban sa mga abusadong pagmimina.

    magandang araw!!!

  4. livingstain says:

    gaya nga ng nasabi ko sa tula ko, matagal ng nakatuon sa kalikasan ang mga tao, matagal ng gustong sagipin ang sinasabing namamatay na nitong anyo, pero ano, may nangyari na ba, hindi bat puro lang tayo simula. salamat sa pagdaan mo duking idol.

    sya nga pala, kaya ako nanjan sa larawan ay para icheck yung mga mali ng kapitalista, isa pa, isa ako sa ahensyang sinasabi mong natatapalan, wag kang mag-alala, kaya kong humarap sayo at sabihin HINDI KAMI NATATAPALAN.

    SALAMAT sa pagdaan

    • duking says:

      Oooops.Nahiya akong bigla.Sobrang nakakahiya dahil hindi ko inakala na kasama ka doon sa ahensya.Paumanhin,pre.Nakatutuwang malaman na bahagi ka ng pagtutuwid sa mali na ginagawa ng nakikinabang na kapitalista pero iresponsable naman sa kanilang pinagkakakitaan..Masyado kong tinignan ang kabuuan ng larawan ng kasalukuyang estado ng pamamahala sa sarili kong paningin,hindi ko tuloy nakita yung magandang bahagi na isinusulong ng gaya mo at ng inyong ahensya.

      Sa kabilang banda,iniisip ko ring napakalaki pa rin ng pagkukulang ng pamahalaan dahil hindi lang sa industriya ng minahan,malawak pa rin ang ilegal na pagmimina,ilegal logging,pouching at selling ng mga hayup at kung anu ano pang labag sa batas.

      Talagang nahiya ako.Pasensya na.Mabuhay ka at dumami pa sana ang taong gaya mo at sampu ng ahensyang iyong kinabibilangan.DENR ba yan pre?

  5. Tsiremo says:

    Musta naman ang minahan? Hehe good luck.

    OT: Ano nga palang favor yun, nag offline kase ako.

  6. aninipot says:

    pinaka-gusto ko ang isang hamon, hindi ko rin ipagkakailang nasa ahensya ako na madalas sabihing natatapalan… mahirap sa parte natin bilang tagasulong ng tinatawag na “sustainable development”, di pa kasi nawawala sa tao ang ipasa ang mali sa isa pang mali, kung may ilan lang na magbubukas ng isipan na hindi lahat p sa atin isisi, sino ba ang may gawa? sino ang sumira?, lahat yan nagsisimula sa indibidwal..

    nakakalungkot lang na may mga taong nagtitiis para isulong ang mabuti pero minsan di nabibigyan ng chance na magpaliwanag sa kahalagahan ng ginagampanan nyang tungkulin, natatabunan kasi agad ng panghuhusga.

    • livingstain says:

      alam mo ang sarap sabihin at ipagmalaking sa gobyerno tayo nagtatrabaho, ako ipinagmamalaki ko yun at taas noo ko kung sabihin.

      regarding sa pagsusulong ng kabutihan para sa kalikasan, bawat indibidwal may obligasyon, sana nga lang hindi puro simula, sana may matapos.

  7. J. Kulisap says:

    Alvin, huwag na huwag mo na muling ipapamina ang Marinduke dahil kung mangyari ‘yon, tutuliin kita nang sampung beses sa inaakala mo.
    Nasira ang aming ilog, may nasawing mga buhay. Bagama’t hindi maitatanggi ang ilan kong kababayan na tumamasa din naman ng ginhawa pero ang lahat ay panandalian lamang. Mas yumaman ang Marcopper Mining Corporation. Hindi detalyado ang pagkakaunawa ko sa nangyari pero ang aking nasaksihan ay sapat nang ebidensiya para masabi kong nawasak ang likas na yaman, pati na rin ang buhay na kasamang binulok ng ganid na pag-iisip.

    Tungkol naman sa iyong gawa.
    Ito ay kakaiba. Napalutang mo ang iyong kasanayan, naibahagi mo ang iyong karanasan bilang manggagawa sa gobyerno na may kinalamang sa pag-aalaga sa ating pinagkukunang likas na yaman. Nasabi mo rin ang totoong kalagayan ng kalikasan, at kung bakit sa dami ng programang nakalatag, wala rin naman masyadong nangyayari, ang ending, hindi mapigilan ang galit ni INA.

  8. kayedee says:

    goodluck po. galing naman :)

  9. jason says:

    wow ang ganda nito! kaya pala nangungulet ka eh!!! Nako

  10. Vajarl says:

    Ako na. Ako na ang insecure. Haha. Walang wala ako pag dating sa tulaan. Feeling ko nung nagsaboy ang matres ng ina ko ng talent sa pagsulat ng tula, busy ako paghahanap ng gwapong sperm cells.

    Anyways, dahil nga wala akong ka kwenta kwenta dyan, ang pagtutuunan ko ng pansin ay ang picture.

    I layk yer shoes. :D

  11. Sphere says:

    wow! makabuluhang paglalahad :-) clap clap clap!!!

    DENR? buti na lng isa ka sa mga tagapagmina jan at buti na lng din may mga tao pang katulad mo na serbisyong totoo lng walang kinikilingan at walang pinoprotektahan!

    mabuhay ka Livingstain at salamat sa pagdaan sa bahay ko hug kita sa blogroll ko parekoy!:-)

  12. Nortehanon says:

    Nung nakita ko ang second photo, naalala ko bigla ang mga nakita ko noong magkaroon ng leakage ng waste galing sa isang minahang pagmamay-ari ng Marcopper Mining sa Boac sa Marinduque. I still remember it vividly. Nakakalungkot ang pangyayaring yun.

    Good luck sa mga entry mo sa SBAII, Alvin. Maraming salamat sa muling pagdaan sa blog ko.

  13. hoshi says:

    like ko yung tula number 2.

    matindi ang saltik hehehe pero
    ang ganda ng iyong panitik (<ewan ko lang kung may word na ganito hehhe)

    mabuhay and good luck!

  14. bernardumali says:

    coolness. mukhang nanggigigil ka sa galit ah. nabiktima nga tayo ng kalikasan, remember the first saranggola blog awarding day? na Ondoy tayo hehehe

  15. lipadlaya says:

    nalungkot ako sa larawan,, hehehe. nakakapuyos ng galit ang mga taong walang pakialam kung masira man ang ating kalikasan.

    saludo ako sa mga taong gaya mo na nakalublob man sa maduming ahensiya, taas noo pa ring lumalaban sa kung ano ang tama.

    mahusay ang pagkakasalansan parehas pala tayong tagapagtaguyod ng de metrong tulaan. binabati ko lahat ng nakilahahok sa paksang kalikasan ni sir bern. panalo tayo sa labang ito…

    • livingstain says:

      nalungkot ako nung sinabi mong nakalublob sa maduming ahensya ang pinagtatrabahuhan ko. hindi ko nagagalit sayo, napapaisip lang ako, marami pa rin siguro akong dapat malaman.

      nagagandahan kasi ako sa tulang may sukat at taludturan, una mahirap gumawa ng tula, ano pa kaya kung iispin mo ang dulo na dapat ay magtatapos sa isang tugma.

      mabuhay tayo.

  16. Tama kailangan nating mahalin at pangalagaan ang kalikasan dahil nakakatakot itong maningil :(

    • livingstain says:

      matagal na nating nililigtas ang ating likas na yaman, kailangan na lang natin ngayon ay determinasyon at pagpupursige na kailangan talagang gawin at tapusin, hindi yung puro simula lang at awa.

      salamat sa pagdaan.

  17. katrinadanieles says:

    magandang araw po! :) ang gusto ko po talaga sa unang tula eh, may metaphor. nahambing nyo po ang kalikasan natin saa Pilipinas sa isang gintong may halaga,may ganda, naabuso, at unti-unting nauubos. Siguro ang 1st poem ay nagawa sa kadahilanang meron po talaga kayong inclination sa pagmimina. Ang gusto ko naman sa sa 2nd poem, eh meron pong pagpapaalala sa kasalanan, responsibilidad,at magagawa pa ng tao para sa kalikasan..at yung 3rd poem namn ang pinakamaabagsik. :) wala lng,pinaka-like ko yung 3rd poem. :)

    God bless po sa patimpalak! :)
    Salamat po pala sa pagbisita sa aking blog. :)

    • livingstain says:

      natutuwa ako at nakitaan mo ng metaphor ang una kong tula kahit na hindi ko intensyon na ipakita yun hahahaha… salamat at ikaw pa ang nakakita kesa saken… hihihi

      sa pangalawa naman, siguro hindi naman na kailangan ng tagapagpaalala diba kasi masyado ng kitang kita at ramdam na ramdam.

      gusto ko ung pangatlo mong sinabi. apir and thank you.

  18. Pong says:

    ang ganda nito sir, nung binabasa ko yung GINTO para ng naririnig ko ang mga alingawngaw ng maso sa pagpukpok. Ginton nga ang ating bansa, pero kadalasan tayo din ang TAGAWASAK para akong inuusig dito. At sa HAMON na iyong iniwan sir mag-iisip ngang tunay kung hakbang pasulong ba o lakad patalikod ang gagawin ng bawat isa.

    God bless po sa entry niyo sa SBA!

  19. totoo lahat ang iyong tinuran tungkol sa kagimbal-gimbal na estado ng kalikasan….SAKIM…naging sakim ang mga tao…kaya sa kalaunan naubos na rin ang yaman ng Inang Kalikasan….

    major! major! entry ito…

  20. joy :) says:

    ..ang sobrang abuso sa mga bagay sa ating mundo, hindi man ngayon darating ang panahon mararamdaman natin ang magiging resulta nito. Kung ang lahat ng kabataan ay may ganyang kamulatan kahit papano mababawasan ang umaabuso at sa kalaunan sigurado wala ng matitirang tao na mananamantala sa biyayang bigay satin.

  21. Igan Livingstain, gusto ko ang tatlong tula. Nakakakonsensha. Tama ka na wag lang sa salita samahan ng gawa. Isa kang makata sa makabagong panahon.

  22. Arnie says:

    galing naman talaga ng title holder sa category ng Tula…

    all compliments has been said…nice manong alvino..

    :-)

  23. DeejSpeaks says:

    Whew! Na-miss ko bumisita dito Kuya Alvin. Hehe.

    Tulad ng dati magaling ka pa din mag-sulat. hehe

    DeejSpeaks: Keeping in touch…

  24. glaiza says:

    palakpakan!!!

    ikaw ay isang tunay na makata!!! hehehhe

  25. ELIment says:

    alam mo alvin, dahil dito sa blog entry mo na to naalala ko yong case sa didipio kasibu.
    may mga nagmimina rin kase dun. pero may isang tao na lantarang lumalaban dito. sabi nya, “alam naming ang aming lugar ay nakahimlay sa ginto. pero mas gusto naming pinasin ang ginti kesa sa hukayin ito sa lupa. kapag kase pinitas namin ito, tiyak na maaabutan pa ng aming mga apo ang ginto dito sa lupain namin. kapag hinukay namin ito ngayon, ano pa ang aabutang ginto ng susunod na henerasyon”
    alam mo tama siya, kase isa ang taon iyon sa may pinakamalawak na citrus plantation sa kasibu at ang gintong binabanggit nya ay ang bunga ng citrus. bakit nga naman sisirain ang kalikasan. gigibain ang bundok at lilimasin ang tonetoneladang lupa para lamang makakuha ng ilang gramo ng ginto.

    • livingstain says:

      kumusta naman ang pinaglalaban nya, hindi pweding hindi minahin ang mga ginto, gaya nga ng sinabi ko sa nakaraan kong blog, ang isang lugar na hindi nililinang ang likas na yaman ay parang isang lugar na sobrang ganda pero walang isa mang nakakakita nito.

      kapag hindi minina ang isang lugar na pinaghihinalaang nagtataglay ng malaking deposito ng ginto ay rin tama dahil lalaki ng lalaki ang ginto hanggang kainin na nito ang lupa, gusto mo bang mangyari yun, maging ginto ang bansang pilipinas, wala ng taniman ng pagkain. Ito rin ang pinaghihinalaan dahilan kung bakit nasira ang mga planetang nakapalibot sa araw. May mga buhay naman daw talaga noon sa bawat planeta, pero dahil mahal nila ang mga mineral at iba pang deposito sa kanilang lupa, dumami ito ng dumami hanggang nasikil na sila. (pakana ko lang yan)

  26. tacio says:

    kuya alvin, ang ganda naman ng tula mo. makakalikasan. makamundo!

  27. Jag says:

    Maganda ang iyong obra! Maganda ang mensahe ng iyong tula.Dapat talaga nating pahalagahan ang ating kaliksan. Isa kasi akong dating aktibo sa Junior Rotary Club Davao Chapter kung saan hangarin ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kalikasan…

  28. J. Kulisap says:

    Yon bang binubungkal na lupa dahil sa pagmimina, ibinabalik ba yan? Hindi ba isa sa dahilan ng soil erosion ‘yan?

    • livingstain says:

      tama ka. ang natangal mo na ay hindi mo na maibabalik sa dati, mangyari mang muli, siguradong mahina na ang pundasyon, ngunit sa tinatawag na reporestation habang at pagkatapos ng pagmimina ay inaasahang magkakaroon ng muling buhay. Ang bawat kumpanya ay may mga inyinhero para sa pulusyon at mga opisyales na mamununo sa mga posibleng mangyare.

  29. siyetehan says:

    ang galing! mukhang mas mahusay ka nang gumawa ng tula kaysa kay Mr. Agdipa

  30. Lambing says:

    ayun oh.. ang galing

    tama lahat ng sinabi mo sa tula..

    kung tao ang nagwasak tao rin ang sasagip

    sana mag umpisa ito sa sarili naten

    napakagagandang tula pinaka gusto ko ang pangatlo

  31. batanglate says:

    Wala kong masabi. hihi. ang galing! :)
    Goodluck kuya Alvin! :D

  32. mac says:

    sa galing at aral na makukuha sa tula na iyong nilikha,
    siguradong ito ay tama akma tugma makata…bow

  33. jason says:

    paNALO na to alvin!! tulad ng dati!

  34. Indie says:

    galing naman ng tulang to.. oo nga naman.. mayaman talaga ang bansa natin.. parang ginto.. kaya lang kasi ang problema nauubos na ang mga ginto natin.. hehe

  35. ROSE says:

    hello po… visiting your blog…
    by the way pde p bng mkipg link exchange? kung ok lng po… slamt

  36. -=cuteberl=- says:

    wala akong masabi livingstain. ngayon lang ako nakadalaw ipagpaumanhin mo.. galing galing naman..

  37. Mineas says:

    maganda yung ginto, Alvin, niceness ng pagkakabuo, acronymn,, natawa lang ako sa ginawa kong pagbasa kasunod na tula… i-a-t-k-d … hehehe, nang mapansin kong ala naman palang ibig sabihin un… hahaha!!! pero kool nung hamon, award award ka nito sa malamang… hehehe…

    o ayan as i promised, i’ve already added you sa mga bibisitahin ko lagi lagi…

    -maskara.

  38. eloiski says:

    ang ganda naman ng tula. inggit me much.
    nice one.

    pero kelangan mo pa ba manalo?
    yung header mo o, boracay ata yan…
    amin na lang!
    hakhak!

  39. I think it takes talent to write stuff that rhymes, not me, patay tayo diyan, but these poems have structure and if you win, then you deserve it

  40. Awesome web site, I had not come across livingstain.wordpress.com previously during my searches!
    Continue the superb work!

  41. lhen8 says:

    ayan gising na ako uli alvin kse ginising mo ako at ng aso ko hehehe
    musta na ang bagong pet/aso mo may name na ba?

  42. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  43. kian cripo says:

    sana marame ka pang mga tula na ma iihandug sa aming lahat thankzz!!!!!pare

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s