Kaluluwa Kaming Dakma…

Maganda ang tanawin sa aming barangay tuwing araw ng mga patay, madalas kasi ay nasisiuwian ang mga kababaryo ko na nagtatrabaho sa malalayong lugar. Sa araw na iyon, maraming tao ang naglipana sa kalsada na animo’y isang fiesta, karamihan sa kanila ay may dalang kandila, bulaklak, niyog, malagkit na bigas, matamis sa bao, kudkuran, o kaya naman ay kamoteng kahoy na gagamitin sa pag-gawa ng sari-saring puto at kakanin. Ilang araw na lang, heksayted na akong makita muli ang mga ganitong mga eksena…

 

Tandang-tanda ko noong nasa elementarya ako, tuwing undas maghapon kami sa simentryo, pilit na inuubos ang sandamakmak na kandilang binili ni mama sa palengke, mura pa kasi ang kandila noon. Ako din ang taga-ipon ng mga luha nito, binibilog ko ito ng mas malaki pa sa itlog ko upang gamitin sa aming pangangaluluwa kinagabihan…

Kadalasa’y maaliwalas ang gabi tuwing undas,noon kasing panahon namin wala pang mga street lights sa aming lugar kaya mamamangha kang makita ang mga tila mumunting apoy na hawak ng mga tulad kong bata noon. Grupo-grupo kami, bawat bahay tinatapatan, sabay-sabay umaawit ng kantang ito:

kaluluwa kaming dakma
isang manok na mataba
isisilid sa balanga
tuloy tuloy sa bunganga
palimos nga poooo….

May isa pang version ang kantang iyan pero mahaba kaya iyan ang madalas gamitin…

Pera ang madalas kapalit ng awiting iyan, kung medyo kapos ay maari na din ang puto o kaya ay suman, hindi uso noon ang “patawad po” kaya lahat ng mga bata laging masaya, laging pinananabikan ang gabi ng undas.

Pero ngayon, nakakalungkot kasi hindi na ganoon kaaktivo ang mga bata sa ganitong mga panahon. dahil kaya yon sa mga drama sa TV na kanilang sinusubaybayan? O baka naman dahil ayaw na din silang palabasin ng mga magulang nila tuwing gabi? pwedi din sigurong mas gusto na nila ang nagkalat ng videoke sa amin kaya mas mabuting yun na lang ang paglibangan. Pero siguro malaki ang kinalaman ng Global Economic Crisis dahil puro patawad na ang sinisigaw ng mga tao. O baka naman hindi na sila tinuturuan ng mga guro nila sa musika kung paano ang tamang pagkanta, kami kasi Oktubre pa lang ay itinuturo na iyan, pero ngayon kahit yata mga teachers e hindi na din yan alam. nakakalungkot noh!

Tingin ko, malaki na ang nagiging tapyas ng ating tradisyon, natatakot akong ito’y mawala o kaya ay malimuutan na ng mga susunod na henerasyon. Sana naman turuan ulit ng mga teachers ang mga bata ng tamang pagkanta, alam ko malaki ang maitutulong noon upang maengganyo sila at muling manumbalik ang saya sa gabi ng undas. Siguro kung magiging kapitan ako ng barangay namen, ako mismo ang makikiusap sa principal sa paaralan namen na ituro muli ito sa mga kabataan.

Hindi ko sinisisi ang nagmamadaling modernisasyon sa ganitong aspeto, pero kung kailangan pala natin itong yakapin ay maaring kaakibat nito ang unti-unting paghina ng ating mga tradisyon. Ang bilis nga nitong kinain ang lahat, parang Fast Car ni Tracy Chopman. Ayokong dumating ang panahon na may mga batang kakatok sa pintuan namin, tapos pag bukas ko ay sabay-sabay silang sisigaw ng “trick or treat” tapos naka japan japan ang mga kamay. nakow, for sure paghahahampasin ko sila ng baseball bat.

Heksayted na ako, ilang araw na lang, undas na naman…

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

15 Responses to Kaluluwa Kaming Dakma…

  1. salbehe says:

    Oo, nakakalungkot. Nabasa ko sa isang serbey na karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi marunong ng piko, tumbang preso, patintero at iba pang tradisyunal na laro. Bagkus, karamihan sa mga kabataan ay marunong ng DOTA. Isa pang nakakalungkot ay naging PE subject na lang ang Philippines traditional games sa unibersidad na pinasukan ko.

    Eto ang good read ko ngayon umaga. Thank you for sharing.🙂

  2. melardenio says:

    nasa gitna ako. baket? tama totoo nga na ngayun eh trick or treat na ang bubungad sayo dahil maging sa mga Mall ay ito na ang uso. Malamang sa mga susunod na dekada eh wala na ang mga nasabi mong tradisyon.

    Subalit datapuwa’t ngunit ang maarin ko lang maibahagi ay ang turuan ang aking mga anak. wag natin ibigay sa mga guro ang responsibilidad na ito. Ituro natin sa ating anak ang mga ito at makikita mo na ituturo din nya ang mga ito.

    Tama si salbe. Good read.. ay ano ba sa tagalog yun.. tamang basa. naku indi na din ako marunong managalog nang maayus pasensya na.

  3. jason says:

    namimiss ko ang pagpunta namin sa sementeryo. nagbibilog kami ng kandila, nagpapalakihan, tapos naghahabulan pero dapat wag makakatapak ng lapida. once in a year gathering sa cemetery. ngayong may work na, ang hirap na humanap ng time. kelangan na mag leave. kasi kahit holiday may pasok. yawts

  4. Mineas says:

    “Heksayted na ako, ilang araw na lang, undas na naman…” nyek?… naku naman… kinabahan naman ako dito? haha.. hindi ko alam kung anung dahilan pero parang nakakakilabot ang bagay na maging excited sa undas.. wehehehe..

    well kanya kanyang trip naman yan di ba?..😀

  5. siyetehan says:

    halu-halong kalamay na yan eh.

    una, hindi na nga yata itinuturo ang mga kantang pangaluluwa sa mga eskuwela ngayon.

    pangalawa, mas attached na ang mga bata na maglaro ng mga video games, computer games, etc. kaysa sa lumabas at makipaglaro/makihalubilo sa mga kapwa bata (lalong lalo na ang mga nasa maynila)

    pangatlo, marami kasing katulad ni alvin na panay “patawad” ang isinisigaw sa mga bata.

  6. Joyo says:

    parang napakaexciting naman ng undas sa inyo… ako walanng mga ganyang karanasan maliban sa pagtitirik ng knadila sa labas ng bahay namin…. di kasi kami nakakadalaw sa mga mahal namin sa buhay dahil may kalayuan… T.T

  7. metaporista says:

    unti-unti na tayong nilalamon ng teknolohiya.. baka mawala na rin ang caroling sa susunod na mga taon..

  8. I missed this kind of writing from your previous posts Alvin… Smooth, picturesque and vivid…🙂

    We do not have those traditions that you are lovingly familiar with… Ang naalala ko lang noon ay basta undas, madalas maraming mga local delicacies at nagbibigayan ang mga tao… Sa lugar namin, pag pumasok ka sa isang bakuran, siguradong may bitbit ka paglabas mo…🙂
    Sang-ayon ako sa sinabi mong medyo natatapyasan na nga ating kultura… Pero ang kultura naman ay buhay at palaging nagbabago kasama ng panahon… Sana yung mga mabubuting aspeto ng ating mga lumang kaugalian ay manatiling buhay…

  9. barrycyrus says:

    clap clap!

    this year ata is my first time na hindi dumalaw sa sementeryo😦

  10. duking says:

    nagbabago ang panahon,napakabilis minsan na abot tanaw na lang natin ang kahapon sa mga ala-ala.magandang kultura pa naman sana ang hatid ng get together,reunion at kamustahan ng magpapamilya at magkakaibigan kapag undas.

  11. Frankie says:

    Huwag kang mag-alala duking hindi lng nman ang undas ang araw na pwede tayong mag get together sa pamilya natin eh…. Paparating na ang pasko… Dito nlng natin pagtuonan ng pansin ang mga bagay na ganyan….. Mas malaki pa ang time…. Diba?

  12. jason says:

    yey alvin naunahan kitang mag update. hehe

    magdedecember na!!! merry christmas!

  13. Sows says:

    maligayang pasko na alvin, update na!😛

  14. hmmm mukhang mas excited ka ata sa undas kaysa Pasko at bagong taon. hehehe

    anyway, Merry Christmas and Happy New Year!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s