dito sa Singapore

June 3 nung dumating ako sa bansang ito, isang buwan na pala ang nakalipas ngunit parang kailan lang. Nagpunta ako dito kasama si mama, para maipasyal ko sya habang ako naman ay hahanap ng trabaho. Isang lingo lang si mama dito, umuwi din sya mag isa at naiwan na ako. Kala ko hindi ako maiiyak pero sobrang nakakalungkot pala, nakakalungkot isipin na bakit kailangan ko pang lumayo para lang kumita ng pera.

Ang laki ng pinagkaiba ng pag tatrabaho ko sa Maynila at dito sa Singapore, although parehas lang na malayo ako sa kanila, iba pa rin pala yung mag isa ka sa malayong lugar, wala kang kasama, wala kang kamag-anak at kahit kaibigan hindi ko kasama sa iisang bahay. lahat bago, lahat binabayaran.

Sa totoo lang iniwan ko ang maganda kong trabaho sa gobyerno ng Pilipinas kapalit ng walang kasiguraduhan trabaho dito. Feeling ko kasi kailangan ko ng magkaroon ng savings at aminin na natin, hindi ko yun magagawa ng mabilis kung nasa pinas ako. Yun nga lang sumusugal ako, nagbabakasakali. Tiwala sa sarili, lakas ng loob at pananalig sa Diyos, yan lang ang matibay kong sandata para mag tagumpay at manalo sa laban kong ito.

Hindi naman ako nahohome sick sa ngayon, medyo sanay na din naman kasi ako sa malayo, yung nga lang nagdadasal pa din ako na sana maging ok ang lahat, at ang mga katulad kong Filipino na nakikipag sapalaran dito sa Singapore.ย  Kung pweding sana lahat na lang kami maging maayos hindi ako magdadalawang isip na ipanalangin yon.

Sa isang buwan na paninirahan ko dito, totoo palang nakakamiss ang mga pagkaing pinoy. Andaming adjustment na kailangang gawin, ang hirap makisama sa mga chekwa, ang hirap mag na ngang mag English, ang hirap pa intindihin ng English nila. kung sabagay nagsisimula pa lang naman ako, marami pang susunod na bukas, sana kasama pa din kita sa mga susunod na pangyayari sa buhay ko dito.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

5 Responses to dito sa Singapore

  1. Nasa Singapore ka? Meron tayong small community ng mga Pinoy bloggers dito sa Singapore. If you wanna meet up, let us know.๐Ÿ™‚

  2. siyetehan says:

    ikut-ikot ka sa lucky plaza para di ka ma homesick๐Ÿ˜€

  3. Jim says:

    kaya mo yan, iyan oh si Gasoline Dude, nag-prisinta na dumamay kahit pano.๐Ÿ™‚ God bless sa job-hunting!๐Ÿ˜€

  4. Yvarro says:

    God bless sa adventure mo dyan sa Singapore…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s