Ang Puno ng Saging

Ang puno ng saging na ubod ng tayog
Kaysarap pagmasdan, lalo na’y may hamog
Ito ay makikita sa aming likod,
Tinanim ni ama upang gawing bakod.

Saging na saba, kaylambot tuwing hinog
Ipinipirito kasama ng itlog
Madalas papakin lalo na’t di lamog
Turo ni ina upang maging mabilog.

Tandang tanda ko ng ako’y munting bata
Sa puno ng saging minsa’y humilata
Upang isipin si Mariang maganda
Handang pasabugin ang aking granada.

Dumating si Maria, ako ay nahiya
Nakita nya ako na nakatihaya
Agad kong tinakpan saging kong mahaba
Kumaripas ng takbo, umaariba.

Ang letcheng si Maria hindi na nahiya
Ako ay ibinida sa Nanay niya
Tampulan ng tukso at naging kawawa
Itong munting bata na medyo malaswa.

Oh puno ng saging ikaw ang syang saksi
Kaya ako ngayon ay nagsisisi
Sa aking nagawa na totoong mali
Kahit masarap, di na gagawing muli.

Ang Puno Ng Saging Bow…

Nai-post sa Uncategorized | 13 mga puna

Kaluluwa Kaming Dakma…

Maganda ang tanawin sa aming barangay tuwing araw ng mga patay, madalas kasi ay nasisiuwian ang mga kababaryo ko na nagtatrabaho sa malalayong lugar. Sa araw na iyon, maraming tao ang naglipana sa kalsada na animo’y isang fiesta, karamihan sa kanila ay may dalang kandila, bulaklak, niyog, malagkit na bigas, matamis sa bao, kudkuran, o kaya naman ay kamoteng kahoy na gagamitin sa pag-gawa ng sari-saring puto at kakanin. Ilang araw na lang, heksayted na akong makita muli ang mga ganitong mga eksena…

 

Tandang-tanda ko noong nasa elementarya ako, tuwing undas maghapon kami sa simentryo, pilit na inuubos ang sandamakmak na kandilang binili ni mama sa palengke, mura pa kasi ang kandila noon. Ako din ang taga-ipon ng mga luha nito, binibilog ko ito ng mas malaki pa sa itlog ko upang gamitin sa aming pangangaluluwa kinagabihan…

Kadalasa’y maaliwalas ang gabi tuwing undas,noon kasing panahon namin wala pang mga street lights sa aming lugar kaya mamamangha kang makita ang mga tila mumunting apoy na hawak ng mga tulad kong bata noon. Grupo-grupo kami, bawat bahay tinatapatan, sabay-sabay umaawit ng kantang ito:

kaluluwa kaming dakma
isang manok na mataba
isisilid sa balanga
tuloy tuloy sa bunganga
palimos nga poooo….

May isa pang version ang kantang iyan pero mahaba kaya iyan ang madalas gamitin…

Pera ang madalas kapalit ng awiting iyan, kung medyo kapos ay maari na din ang puto o kaya ay suman, hindi uso noon ang “patawad po” kaya lahat ng mga bata laging masaya, laging pinananabikan ang gabi ng undas.

Pero ngayon, nakakalungkot kasi hindi na ganoon kaaktivo ang mga bata sa ganitong mga panahon. dahil kaya yon sa mga drama sa TV na kanilang sinusubaybayan? O baka naman dahil ayaw na din silang palabasin ng mga magulang nila tuwing gabi? pwedi din sigurong mas gusto na nila ang nagkalat ng videoke sa amin kaya mas mabuting yun na lang ang paglibangan. Pero siguro malaki ang kinalaman ng Global Economic Crisis dahil puro patawad na ang sinisigaw ng mga tao. O baka naman hindi na sila tinuturuan ng mga guro nila sa musika kung paano ang tamang pagkanta, kami kasi Oktubre pa lang ay itinuturo na iyan, pero ngayon kahit yata mga teachers e hindi na din yan alam. nakakalungkot noh!

Tingin ko, malaki na ang nagiging tapyas ng ating tradisyon, natatakot akong ito’y mawala o kaya ay malimuutan na ng mga susunod na henerasyon. Sana naman turuan ulit ng mga teachers ang mga bata ng tamang pagkanta, alam ko malaki ang maitutulong noon upang maengganyo sila at muling manumbalik ang saya sa gabi ng undas. Siguro kung magiging kapitan ako ng barangay namen, ako mismo ang makikiusap sa principal sa paaralan namen na ituro muli ito sa mga kabataan.

Hindi ko sinisisi ang nagmamadaling modernisasyon sa ganitong aspeto, pero kung kailangan pala natin itong yakapin ay maaring kaakibat nito ang unti-unting paghina ng ating mga tradisyon. Ang bilis nga nitong kinain ang lahat, parang Fast Car ni Tracy Chopman. Ayokong dumating ang panahon na may mga batang kakatok sa pintuan namin, tapos pag bukas ko ay sabay-sabay silang sisigaw ng “trick or treat” tapos naka japan japan ang mga kamay. nakow, for sure paghahahampasin ko sila ng baseball bat.

Heksayted na ako, ilang araw na lang, undas na naman…

Nai-post sa Uncategorized | 15 mga puna

Ginto, Tao at Likas na Yaman

GINTO

Gawa daw sa ginto itong ating bansa
lahat ng biyaya’y isinabog sa kanya
mayaman ang lupa, dagat ay sagana
kaya mananakop sa kanya’y nahalina

Itong mga ginto sa bundok itinago
na tila mga buhanging nakasama sa bato
kailangan ng maso upang mapasaiyo
hirap at pagod, minsan pa nga’y dugo

Nang malaman ng tao na ginto pala’y mahal
“lahat mapapasaakin” kanyang nausal
araw at gabi ay laging nagbubungkal
gahamang ugali ay di na naging bawal

Totoong kayamanan ang dulot nito
‘wag lang aabusuhin nating mga tao
malawakang pagbaha, kadalasa’y pagguho
sa maling ginawa mo, lahat tayo apektado

Oo nga’t ginto ay kailangan natin
responsableng pagmimina ang aking hiling
bundok at gubat muling payabungin
upang tayo’y yumaman ng walang nasasaling.

-livingstain™

TAGAWASAK

Ikaw ang tagasira, ikaw ang tagawasak
dagat, hangin, bundok, sabay sabay mong sinaksak
tila isang ibong tinanggalan mo ng pakpak
wala kang tinira kahit kaunting latak

Andaming sisi sa tao’y binabato
laging sinisira kalikasang hapo
bakit hindi mapigil, puso ba nya’y bato
o baka pagbabago ay hindi nya gusto

Tanggapin na nating kalikasa’y sira na
ngunit wag sumuko, tayo’y may magagawa pa
kaysarap isiping tayo’y magkakasama
sa isang paraisong ating nilikha

Kung ikaw ay desidido sa iyong naisin
upang kalikasan ay ating sagipin
‘wag mag-atubiling ako ay himukin
mga kabataan siguradong kasama natin

Dito sa kalikasan lahat tayo’y kabilang
pagsagip sa kanya sa atin nakaatang
munting pasasalamat para sa maylalang
kung saan lahat tayo’y tiyak makikinabang.

-livingstain™

ISANG HAMON

Ako ang kalikasan, ako ang mundo
lahat ng akin binigay ko sa iyo
dagat na malinis at hanging mabango
pati mga puno na sobrang malago

Dumating ang oras, araw ay lumipas
dumami ang mga tao at naging marahas
hindi na nakuntento sa aking lakas
lahat ay kinuha, walang pinalampas

Galit ako sa inyo, galit na galit
wala kayong puso, kayo’y malulupit
damhin nyo ngayon itong tadhanang mapait
hintayin ang ganting sa inyo’y sasapit

Ikaw tao ka, iniinsulto kita
ako’y ililigtas, sabi mo noon pa
ngunit hanggang ngayon, may nangyari na ba
mga plano mo, sa simula lang pala

‘Wag nyo ‘kong subukan, mga taong palaban
kaya ko kayong lunurin don sa tubigan
o dilikaya’y balutin ng karimlan
hanggang sa kayo’y sabay-sabay matauhan

I kaw munting bata, hinahamon kita
obligasyon mo sa akin, iyong gawin na
huwag kang gagawa ng puro simula
Upang di masama sa mga tulad nila.

-livingstain™

ito ay isang lahok sa SARANGGOLA BLOG AWARD II


Nai-post sa Uncategorized | 109 mga puna

Far Far Away…

sana magkaroon din ako ng ganyang palasyo…

malapit na…

Magpatuloy sa pagbasa

Nai-post sa Uncategorized | 20 mga puna

Sorry Hong Kong…


Pamilya ng isa sa pumanaw sa Manila Hostage Drama

Ang anak kapag iniwan ng magulang tinatawag siyang ulila.

Ang asawa kapag nawala ang kanyang kabiyak, tinatawag siyang balo.

Pero

Ang magulang kapag namatayan ng anak, ano ang tawag?

Wala di ba…

Sapagkat walang angkop na salita ang makakapagpapaliwanag ng sakit na kanyang nararamdaman.

“Someone failed, someone will pay”-Pnoy

Nai-post sa Uncategorized | 20 mga puna

what should i do?

should I give up

or

should I just keep chasing pavements?

Nai-post sa Uncategorized | 19 mga puna

Ginawa ko yun kasi…

mahal na mahal kita

kaso lang…

.

.

.

.

.

.

hindi na ako masaya

SORRY!!!

Nai-post sa love | 48 mga puna