Pailaw sa Langit

Hindi ko alam kung bakit masayang masaya ako kapag nakakakita ng anumang larawang nabubuo sa langit, ang buwan, mga ulap, o kaya naman ay mga ibong sabay sabay na naghahabulan sa bughaw na himpapawid. Tila sila mga naglalakihang larawan na likha ng May kapal.

Nadadagdagan ang kasiyahang ito tuwing bagong taon, ang daming kwitis na nakikipaglaro sa hangin kasabay nito ang mumunting ilaw tanda ng pagtatapos ng kanyang buhay, at pagkamangha naman ng aking mga mata. Hinding hindi ko makakalimutan noong year 2000 kung saan nasaksihan ko ang napakagandang mga ilaw sa langit. Para sa probinsyanong tulad ko ang makakita ng ganitong fireworks display ay talaga namang napakalaki ng katuwaan.

Ngayong nakatira na ako dito sa Maynila at ng mabalitaan ko na may gaganaping International Pyromusical Competition sa Mall of Asia, hindi ko iyon pinalampas at dali dali ko itong pinuntahan kasama ang aking honey bunch suger punch pampiyam piyam…

Narito ang mga larawan na kuha sa nasabing event. Ang mga ito ay kuha ni Mel Lavaida.

Ang makapanood ng ganitong mga kaganapan ay isang napakagandang karanasang hindi matatawaran.

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in fireworks and tagged . Bookmark the permalink.

One Response to Pailaw sa Langit

  1. siyetehan says:

    sanay ka kasi sa baby rocket

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s