Ang Sintemyento Ni Doggie

GEDC1733Noong nakaraang linggo habang nagpapagaling ako ng aking bagang ay naisipan kong lumayo muna sa mga tao sa aming bahay upang maiwasan ang usapan at tawanan na makakaapekto sa aking sugat. Minabuti ko munang pumunta sa aming bukid para makalanghap ng sariwang hangin at makapagbasa ng mga paborito kong kwentong pambata.

 

 

 

 

GEDC1739Sa di kalayuan, mula sa taas ng aking kinauupuan ay nakita ko ang aming alagang kalabaw. Matagal na din kaming hindi nakakapag usap kaya nilapitan ko sya upang makipagkwentuhan. Sya nga pala, siya si Doggie ang bayani ng aming bukid.

 

 

Nakakatuwang isipin na natatandaan pa rin nya ako, madalas kasi, tuwing napapasyal ako dito ay wala siya. Hindi pa rin siya nagbabago-madaldal pa din at punong puno ng kisig. Madami kaming napag usapan, karamihan puro tawanan, pero ilang saglit pa ay bigla syang naging malungkot at hindi ko makakalimutan ang mga huli niyang sinabi:

GEDC1742

“alam mo Alvin sawang-sawa na akong maging Kalabaw, alam mong hindi ako tamad pero nahihirapan din naman ako at gaya mo napapagod din. Sa gabi ang sakit sakit ng balat ko dahil sa mga latay na gawa ni Henyo kapag nakikita nya akong humihinto sa pag  aararo. Madalas nararanasan ko pang uminom ng maruming tubig habang nakabilad sa mainit na sikat ng araw. Nabubutas ang puso ko kapag naririnig ang ibang hayop na sinasabihang maitim ako, na pang bukid lang ang kakayahan ko. Hindi ko naman kasalanan yon di ba? Lahat na ginagawa ko pero bakit parang kulang pa rin? Hindi naman ako nagrereklamo, naawa lang ako sa sarili ko. Sana nga gaya ng pangalan ko aso na lang din ako. Ayoko na vin, sawang sawa na ako”

kasabay ng huli niyang sinabi ang pagtulo ng kanyang luha.

Simple lang ang naisagot ko sa kanya:

“Doggie alam mo ba na hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganyan, may mga tao din at ibang hayop ang nalulungkot sa katayuan nila ngayon, pero kahit baguhin mo pa ang ikot ng mundo, wala na ring mangyayare, mas lalo ka lang malulubog sa iyong kalungkutan. Just be yourself, show your true colors, and always count your blessings. Kung wala ka siguro masyado ng mahirap ang trabaho dito sa ating bukid, at dahil don nagpapasalamat kami sayo. Kaya Smile ka na at wag ka ng malungkot.”

 “Always Celebrate Life”

About livingstain

simple yet yummy.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

148 Responses to Ang Sintemyento Ni Doggie

  1. pinkdiaries says:

    aba, bagu tu ah?! naka base din kay stain.. hehe

    haha, at nakipag kwentuhan kay doggie..ayus naman si doggie,dami hinaing sa buhay, hehe, ganun talaga ang life nahirap peru we have to fight, kasi nga sabi mu, yan na yung buhay natin eh, so dapat count nalang natin yung mga blessings na bigay ni papa God, para hindi tayu maluka sa kakaisip! hehe

    be yourself!🙂

  2. TSI says:

    Sana naging kalabaw na lang ako hehe..yay kalabaw — (on the brighter side) Halika nga kalabaw ka usap tayo — may mga bagay na nagagawa ka Dogie kesa sa tao no kaya Doggie be proud of yourself, isa kang kalabaw, magpatulong ka lang magpaligo kay tito Alvin mo para always fresh pagsapit ng dapithapon okey? (sabay tapik)

    lol

    • livingstain says:

      kalabawtsi… magandang pangalan… hahahahha…

      o ayan doggie wag ka na malungkot, be proud daw.. tama nga naman yun, tsaka sa ibang tao jan na nagseself pitty wag na malungkot kasi wala din namang mangyayare…

  3. joycee says:

    Sabi nga ng tatay ko: “Happy people/kalabaws do not have the best of everything, they make the best out of everything.”

    Stay happy!

    Tanong: Sinu photographer mu? Antyaga ha.🙂

  4. Ax says:

    hintayin mo lang ang makabagbag damdamin kong comment.

  5. jun-g says:

    hmmm… ang galing naman ni doggie…

    sana makilala nya si minda… baka maging asawa nya yun… hehehe…

    si minda ang reyna ng aming bukid dati.

    wala na kaming bukid… kaya wala na rin si minda…

    kakamiss.

  6. bonistation says:

    nice one! sobrang totoo ung hinaing ni doggie…
    at maganda rin ang payo mo!

    curious lang ako sino ba photographer mo!?

    • livingstain says:

      minsan akala naten kalabaw lang, pero pwedi din sa tao, mas marami pa ngang taong ganyan, mas masahol pa kay doggie… kahit ako din nga nagkakaganyan din pero buti kaya ko ang sarili ko… kasi wala naman talagang mangyayare di ba…

      si daddy ang aking pothographer…

  7. bonistation says:

    PS. fan ako ng mga kalabaw! at naging bahagi din sila ng pangalan ko! KALABAW din ang isa sa mga twag sakin…. lol!

    • livingstain says:

      Tama ikaw nga si kalabaw, naaalala ko pa nung nagcocomment si kalabaw sa sulat ko sa dati kong paaralan, kaso hindi ko na yun mababalikan dahil si kalabaw din ang nagbago at nag tangal ng iba kong sulat at komento, maganda, nakakataba ng puso, may pagtanggap at minsa’y mapang-usig, yun tuloy nawala ang mga readers pati ung mga comments…. sana nababalikan ko pa comments mo dun… pero nice naman at kahit pinalitan ni kalabaw yung format hindi pa din nya binura yung sulat ko… yehey… apir sir….

  8. biruin mo yun..at may natutunan pa ako sa usapang kalabaw….
    …..Just be yourself, show your true colors, abd always count your blessings. …
    …..salamat parekoy…musta na pala?

  9. Jgo says:

    Kakatuwa naman, kalabaw na Doggie ang name.hehe Ilan taon na xa?

  10. allie serwit says:

    ibang klase si doggie.. buti ajie di ka natakot nung ngsalita ung kalabaw… ahehehe,,,

    sino b si henyo? pakulong ko nga… bawal manakit ng mga hayop! karumal dumal ka ahaha…

    in fairness natuto ako kay doggie…sana pala di namen binenta ung kalabaw namen.. baka matuto ung ibang tao kapag nagsalita na xa,, katulad ng katotohanan na natuklasan ko,,,

    ingat ka doggie.. sana may mimi para may partner ka na…

    • livingstain says:

      nyhahahaha… hindi naman nakakatakot, ngumingiti pa nga yang si doggie e…

      si Henyo ay ang aming barok (barok ang tawag sa katulong sa bukid)

      jan kasi sa inyo martines ang usong hayop na nagsasalita, dito samen kalabaw na… nyhahahaha

      bata pa si doggie wag mong turuan ng ganyan… kaw talaga..

  11. ELIment says:

    alam mo alvin, namiss ko rin ang pumunta sa bukid at makipagbonding sa kalabaw. ang sarap din ng ganun paminsan minsan. nakakarelax

    nung bata ako..close na close kami ng kalabaw namin kase ako ang tagapastol. yun narin siguro ang dahilan kaya nalikha ko si busyok. kase nga malapit ako sa mga kalabaw. sa magsasaka kase malaking asset ang kalabaw diba.

    ayos yan alvin, hindi mo kinakalimutan ang dating kaibigan mo.

  12. dencios says:

    hahaha. naaliw ako sa last piktyur! hahahahahhaa! ang galing mo talaga. parang ang itsura ng kalabaw irita kasi nakisawsaw kapa sa paliguan nya hahaha.

    pero sa kabilang banda e tama ka nga,

    celebrate life!🙂

  13. justsayknow says:

    una sa lahat, salamat sa pagbisita sa aking blog. eto xa oh. http://justsayknow.paidtoblog.com
    hehe. ang peaceful nung pic mu nung nasa puno ka! hehe..ang galing. kasi nailabas mo ang hinaing ng isang kalabaw na alam ko na nararamdaman din yun ng iba sten tulad ko,. (pero hindi ko sinasabi na kalabaw ako ha!) LOL..nice post dude! as always.

  14. J.Kulisap says:

    Kamag anak ni Wabarak si Doggie mo Mantsa.

    Marunong ding lumaban yan, hindi ganun kabait ang kalabaw lalo na pag toro, tiyak aagos ang pulang tubig sa sinumang magtatangka.

    Pero kadalasan, ang turing natin sa katulad nila ay gamit.

    Kung tayo kayang tinuringang tao ang ginagamit?

    Hmmm….masakit ba?

  15. joni says:

    e bkit doggie?? hehe. wew. pati pla ang kalabaw nag eemo hahaha. btw, ang gnda ng bukid nyo. parang ang sarap mgmunimuni. nk2relax tgnan hehe. nami2ss ko tuloy kabataan ko. ngla2ro kami s bukid ng mga playmate ko hahaha.

  16. timangkey says:

    Doggie? hmmm… me ginawa xang kababalaghan kaya nyo xa pinangalanang doggie…

    umiihi ba xa nakataas ang isang paa?
    kumakahol?
    mahilig sa buto?
    OR….

    nahuli nyo xa na me kasamang isang babaeng kalabaw tapos… tapos… uhmmm…… me ginagawa sila…….

    kumakawag buntot?hahahaha =P

  17. nag-emo si doggie?

    oo nga naman. wala ka bang ginawang make-over kay doggie?

    (tingin sa gilid)

    aba! sino yang gwapo sa gilid na nasa blogger of the week? sino yan????

  18. lhen8 says:

    naalala ko si bugoy sa kalabaw… 🙂

  19. boypulubi says:

    Tunay na tunay. Kahit na ano, kahit na sino, minsan nadaranasan din ang mga hinaing ni Kalabaw. Dapat nga lang ba talaga, smile ka na lang. Darating din ba ang pag-asa na iyong inaasam?

    Ito naman tungkol sa Kalabaw talaga:

    Ang pangarap ko, sana papahingahin na si Kalabaw sa pag-aararo. Baka kasi gusto nito ng isang pagbabago.

    Sana lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makagamit ng bagong teknolohiya. Upang mas maging produktibo ang agrikultura sa Pilipinas. Gaya ng traktora at kung anu-ano pa.

    Sana may agricultural subsidy ang gobyerno para makatulong sa mga magbubukid, sa mga gastusin. Lalo na pag nasalanta ng mga kalamidad.

    • livingstain says:

      magandang tanong sa una mong nabangit G. Pulubi…
      tama ka, Hindi hindi nakakatulong ang pagngiti sa paghihintay ng iyong mga inaasam, PERO hindi bas mas masayang maghintay ng nakangiti na agad kesa nakasimangot… Yun ang naitutulong ng pag ngiti…

      pwedi din ang mga sinasabi mo, kaso lang hindi na masyadong malilinang ang kakayahan ng mga kalabaw, pero pabor naman ako sa mga kagamitang pang akrikultura…

  20. ricodebuco says:

    aus ah naiintindihan mo ang salita ng kalabaw hehehe..ang kulet…salamat sa pagbisita tsong..

    bka d nko mkpunta ng srangola awards

  21. .poOt! says:

    haha. ayos na kalabaw yun. nagsasalita.

    mabuti na lang di nag-english. hahaha

  22. omg!!! wahahahahahah!!!!

    (hingal sa katatakbo papunta sa nueva ecija)

    kaya pala!!!

    kaya pala!!!

    nakita mo pala pix ko with papa bene. layout lang kaya ni lhen yun…wahahaha. yari ka!!!

  23. Mahalia says:

    Sali ka sa bayanihan drive ha? Kahit badge lang sa sidebar. Ingat ka dyan sa mga buwaya! Baka makigamit ng computer mo, lagot ka…Hehehe. ingats and God bless!

  24. teentoinks says:

    Wow… ramdam ko naman ang sentimyento ni Doggie, at the best ang sinabi mo.

    PS. ganda ng signature pose..😉

  25. topexpress says:

    naks! Minsan na din ako naging “kalabaw” meron akong kaibigan na kalabaw, pero maputing kalabaw.😀

    Naramdaman ko ang daing ni kalabaw, ganun din ang payo mo. Lahat tyo may kanya kanyang daing sa buhay, depende lang kung paano natin aayusin at tatanggapin ang bagay na meron at nakatakda sa atin.

    salamat vin. sensya na masyado lang ako busy now sa work iba na kasi shft ko kaya pag uwi bagsak na agad. ingat lagi tol!
    😀

  26. Mr. Nonsense says:

    bakit hindi mo na lang pinakawalan? or inimbita man lang sa mall of asia o sa ermita?…so he can show his true colors.

  27. ACRYLQIUE says:

    parang gusto ko ng pet na kalabaw. haha

  28. Jorge says:

    at doggie ang name ng kalabaw??!! hahaha..

    blag**

    nalaglag ako sa upuan ko.. bwahahaha!

  29. Miel says:

    nakakatakot namang kalabaw iyan kapatid nagsasalita… hehe… promise meron ba yang tuta? (penge ng polka dot!) este anak pala doggie kasi name ahihi

  30. Sows says:

    People are trapped in history and history is trapped in them..

    and i say, history repeat itself…

    dedicated ba saken? loko ka..but i GET IT nmn…^,^

  31. precious says:

    sentimyento ur feiz…hehe…musta? ^,^

  32. jason says:

    ang sweet mo naman sa hayop pareng alvin.

    hmmm ganyang ganyan din ako sa alagan kong hamster dati.. naalala ko tuloy..

    hmmmmm

    ikamusta at i kiss mo na lang ako kay DOGIE

  33. jason says:

    ang ganda ng timing mo. ang balak mo ay makipagbonding lang kay doggie

    pero ayun naglabas sya ng hinanakit at alam kong napagaan mo ang pakiramdam nya. isa kang mabuting tao.

  34. .poOt! says:

    patambay naman. *sabay kuha ng ipod at nagmusic*

    may kape ka dyan? patimpla naman.

  35. stormy says:

    hello kuya..

    sana okay kayo after ni ondoy..

    sana tulad mo din akong kayang kausapin ang mga hayop.. ang sweet nyo..sobra:)

  36. lovely says:

    basta sa lahat ng hayop para sakin sya ang di pwedeng mawala..
    kasi kung wala sya paano na ang palayan di ba..

  37. tsenn` says:

    hindi ba nasaktan dahil sa bagyo si doggie??

    kahit anong payo pa ang ibigay kay doggie, ang “kalabaw na pag-iisip” ay sa kanya pa rin. either maempower or humina ang paniniwala niya dahil sa payo ng iba. pero sa huli, sa kanya pa rin ang conclusion, ang huling “mooooo”..

    namis ko naman ang paborito kong choc-o🙂
    stay safe kuya stain ^_^

  38. p0kw4ng says:

    totoo yun maraming hayop ang nakakaranas ng kahayupan..tulad na lang ng mga hayop na ginagawang fur coat ang mga balat…

    at hanga ako sayo at talagang may maniniyot ka pa,hihihihi buti pala hindi nagalit yung kalabaw sa pangalan nya na binigay nyo,hihihi

  39. sinong hindi matutuwa sa pagbibigay buhay mo kay doggie. hayst. nakakatuwa ka parekoy. napakagaling mong manunulat, alam mo ba yun? kung ako siguro si doggie, hahayakapin kita. hehehhe, since mukhang kakaligo lang nya. hehehe. minsan nga sasama ko sa probinsya nyo? may guest rooom ba kau? gusto ko din singhutin ang fresh na hangin don sa inyo at mukhang maraming prutas don.. hayst.. kakamiss ang probinsya…

  40. sama mo ko minsan ha?
    seryoso ko,, magkano ba pamasahe?

  41. Snow says:

    wow, mukhang senti ka sa bukid ha…

  42. plaridel says:

    suspetsa ko eh nalulungkot lang si doggie. kailangan niya ng partner.

  43. Walongbote says:

    Jusmiyo. Gus2 magdugo ng puso ko sa mga binanggit ng kalabaw. Naawa aq ng super. Alam k0ng imbento lng un. Pero dama ko, affected dn aq. Kc may kalabaw dn kmi sa farm namin sa zambo.. Hai. Nalungkot aq ng super.

  44. taga-bundok says:

    aw, napaluha at napangiti naman ako. sawa na rin kasi akong magtrabaho. animo’y isang palabas sa telebisyon na lang na paulit-ulit kong pinapanuod ang mga nangyayari sa buhay ko. dama ko ang nararamdaman ni Doggie…

    … pero tama ka. malulubog lang sa putik ang mga taong nalulunod sa kalungkutan.

    malaking bagay ang naidulot ng blog mo sa akin. salamat.🙂

    • livingstain says:

      parehas tayo kapatid, minsan magigising ang ako tas maiisip ko na, hanggang kailan ba ako papasok at papasok at papasok… pero maswerte ako at may work ako…. maipapayo ko lang jan, try mo lagyang ng twist ang buhay mo… pwedi kang sumali sa mga org, mag aral ulit at kung ano ano pa… tama… mainam yun…

      salamat!

  45. taga-bundok says:

    yay! gusto ko yun… mag-aral ulit. undergrad ako eh.🙂 yung twist and turns na nangyayari sa akin… pare-pareho lang din. sali na lang ako sa org.

  46. taga-bundok says:

    nga pala bro, add kita sa blogroll ah. salamat. =)

  47. ayos ung name ah..ganda naman ng bukid nyo..

  48. .poOt! says:

    patambay muna kuya. *sabay kaway*

    kakatapos ko lang nung latest blog entry ko.🙂

  49. pinkdiaries says:

    hindi paba natatapos sentimyentu ni doggie?!

    padaan muna🙂

  50. nice. talagang nasa bukid ka pala. akala ko eh balintataw lang. Galing. Naiinggit ako sa mga taong may garden or nakatira sa bahay na napapaligiran ng nature.

  51. siyetehan says:

    malufet yung 3rd picture.

    nagtatampisaw sa pusali ang drama ng lolo ko.

  52. aksoriyalmo says:

    Alvin! Aw. Ako naman ang nawawala ngayon!

  53. J.Kulisap says:

    Hi Alvin,

    Kamusta.

    Ang hilig mong umakyat sa puno.

    Kay mo bang dumulay hanggang dulo,hanggang sa pinakamaliit na sanga?

    Hilom na ba ang bagang?

    Yngat…Biogesic

  54. maccallister says:

    sana naman ginawa mo nalng blacky un name nya LOL!!!

    wow sarap sa probinsya nyo!kainggit!

  55. dhyoy says:

    ang ganda naman bukid nyo… sarap jan tumambay…

    ok na ba si doggie? hehe

  56. hala alvin, kumusta si doggie sa bagyo?

    musta palayan ninyo?

  57. lerie says:

    kmusta ka na.. musta ung pina abort mong sanggol este ipin pla…. couz, i really love your articles sobrang katuwa at the same time may mga lessons… nakakatuwang basahin…. keep it up… hanggang sa susunod na mga mababasa kong artikulo/// musta sa inyong lahat… mag iingat lagi…

  58. dlysen says:

    Sa unang basa, iniisip ko na si doggie ay isang uri ng aso. May alaga din ako kalabaw, walang pangalan. Pinapastol ko sa damuhan sa umaga at sa hapon. wag mo sila ibibilad sa arawan ng matagal para maramdaman nya na mahal mo sya at papakainin mo sa tamang oras.

  59. deejay says:

    kyut naman nung nakalublob sa putik si doggie.😛

    hi stain! *kaway kaway*

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s